Chapter 2

1833 Words
I C E “ICE! OMG! You're here! Akala ko talaga hindi ka na darating.” Alalang salubong sa akin ni Casey. Si Casey ang pinakamaingay sa lahat ng mga guardians ko. Her element is fire, at kabaligtaran ng mistulang seryoso niyang mukha ay ang masiyahin at care-free niyang ugali. She's 20 years old, a Filipina. Kaklase ko siya sa English class ko noong grade 7 kaya kami naging kaibigan. "Sasama kami sa iyo! Doon rin kami mag-aaral!" wika naman si Lisa, ang may pagkatanga na si Lisa. Pero, I advise to not belittle her, she might be clumsy but she's the smartest among my guardians. Kaedad lang kaming dalawa, 19 years old din siya, at earth naman ang elemento ng kapangyarihan niya. Hindi na kami nagtagal sa entrance ng airport dahil ilang minuto na lang at aalis na ang eroplano na sasakyan namin. "Nagpaalam na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang naglalakad kami papuntang departure area. "YES NAMAN!” malakas at masiglang sagot ni Casey na unalingawngaw sa tahimik na corridor ng airport, “Dad told me to protect you. Ayaw niya kasing mapahiya sa Papa mo! If you know what I'm saying,” dagdag niyang wika. ButI honestly don't know what she is saying. “Casey, makasigaw ka ha. Dahan-dahan ka baka umapoy bibig mo sa sobrang intense mong magsalita. Kung makadaldal akala mo kung ano," reklamo naman ni Jane sa mahinahon na paraan. Si Jane pinaka-mature sa kanilang lahat. She is a man hater and a little bit of a sadist. Isa siya sa pinakabata sa barkada, 19 years old din siya kagaya namin ni Lisa, pero siya pa itong madalas na magsabi kay Casey sa tuwing sumosobra na ang energy niya sa katawan. Water naman ang elemento niya. "Shut up,will you. I will speak because I wanna speak,” naiinis naman na tugon ni Casey. "In your case it's shouting,” ani ni Ruby. Hindi kagaya ni Casey ay hindi masyadong pala salita si Ruby. She's 20 years old and a little bit shy. Pero kahit ganoon ay magaling naman manamit si Rubi, let's say her fashion is a literal statement for her. She's wearing a pretty floral flowing yellow dress matches with brown boots. She looks like a countryside darling with her outfit right now. Wind ang elemento ni Ruby. Minsan nga iniisip ko kung naaapektuhan ba ng elemento namin ang mga personalidad namin dahil kagaya ng hangin ay tahimik lang din si Ruby. "Señorita, this is your seat,” sabi sa akin ng flight attendant sa sandaling pumasok na kami sa business class ng eroplano. Pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan ni Papa ang airline na ito kaya naman automatik na dito kami sa business class pumunta. Halos kami lang ang nasa loob at tig-dalawang tao lang sa bawat hilera. Mas malaki rin ang espasyo ng mga upuan kaysa sa economy class kung saan sakto lang sa isang puwet ang bawat upuan. "Girl! I have to sleep. I'm so tired,” Casey mentioned as soon as she found her seat. Tumango lang din ako bilang sagot. " Paanong hindi mapapagod, sigaw ka nga ng sigaw,” pasaring ni Jane sa nakapikit nang si Casey. "Mabuti pa nga na matulog muna kayo. I'm sure it took you a long time to travel to Barcelona from each of your places,” wika ko sa kanila para mahinto na ang bangayan nila Casey at Jane. Silang apat na ang kasama ko simula noong 17 pa ako. They are my guardians, or should I say, they were my guardians. Nasbi na sa akin ni Papa ang tungkol sa pagpapalit ko ng guardians. It’s unusual to hear about it now, it’s been almost three years at ngayon pa talaga sila papalitan. I'm afraid of leaving them. I'm afraid of them leaving me. But it is kind of obvious that this is not the real case. Kasi kung totoo, bakit ko pa ba kailangan na isama ang apat na ito sa pagbabalik ko sa Pilipinas? That’s just so suspicious. Sigurado ako na imbes na palitan ay iba ang gustong mangyari ni Papa. I bet he wanted to add the people as my guardians. This is Papa being overprotective to his precious Soteria. Parang kanina lang ay napaka-ingay pa ng paligid dahil sa usapan ni Casey at Jane, may mga paalala rin na paulit-ulit na inaanunsyo ng crew sa radyo. pero sa isang iglap ay tumahimik na ang loob ng business class area. Tanging ang ugong na lang ng aircon sa loob at ang maingay na hilik ni Casey ang maririnig. Sa wakas, makalipas ang mahabang panahon ay makakauwi na rin ako sa bansang pinagmulan ko. Sa lugar kung saan pakiramdam ko ay mas magiging malaya ako. * * * Alas-otso na ng gabi kami dumating sa Pilipinas. Halos magyelo na ang labi ko sa sobrang lamig ng hangin noong bumaba na kami ng eroplano dahil sa malakas na hangin sa runway. Kaagad naman na dumating ang isang Chevrolet Equinox na sasakyan sa runway. “Aren’t we going to the arrival area?” bulong ko kay Ruby na kasabay ko sa pagbaba ng eroplano. “I guess not. Your father seems in a hurry,” maikli niyang tugon sa akin. Napatingin na lang ako sa itim na sasakyan at sa driver na isa-isang inilalagay sa likod nito ang mga bagahe namin. Kagaya ng sinabi ni Ruby, mukha ngang nagmamadali si Papa dahil hindi na kami nagtagal pa sa airport. "Girl look! There are plenty of boutique here! Let's shop!" Lisa explained when she saw a bunch of boutiques along the way. Nasa centro na rin kasi kami ng syudad kaya naman marami nang mga establisyemento na makikita sa daan. Tatapikin n asana ni Lisa ang driver para huminto nang biglang sumingit si Papa. "You can’t shop right now! We're not her for your shopping spree, Dear Lisa. We have a lot of important things to prioritize.” Ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita si Papa simula nang tumuntong kami sa Pilipinas. "But Uncle, look at the lights. They are so beautiful. Inaakit nila kami at sinasabing ‘Come ladies buy everything you want!'" pangungumbinsi ni Casey sa sarili niyang paraan. Binukas-sara niya ang kanyang mga kamay na kagaya na lang ng pagkislap ng mga ilaw sa paligid, "No, you can’t. We have to go" mariin na tugon ni Papa kay Casey. Her convincing technique is obviously a failure. Pagbigkas ni Papa ng mga katagang iyon ay kaagad naman na huminto sa pangungulit si Casey at ibinalik na sa kanyang tenga ang earphones niya. What can we do about it? Mahirap kumbinsihin si Papa lalo na kung tungkol lang din ito sa mga bagay na hindi niya magugustuhan. Hindi siya magdadalawang-isip na tanggihan ito kapag alam niya na wala itong kabuluhan para sa akin, sa anak niyang Soteria. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver sa sasakyan, kaya naman wala pang isang oras mula nang umalis kami sa airport ay nakarating na kami agad sa bahay. Sampung taon na rin magmula noong huli kong nakita ang bahay na ito. Papa never let me go out of this mansion. He prohibited me to know the neighborhood and play with the other kids. Sabi pa nga niya noon ay hindi ako naaangkop na makipaglaro sa mga gusgusing bata sa labas without even knowing na isa rin akong gusgusing bata bago niya ako kinuha ng basta-basta sa pamilya ni Mama. Malawak ang bahay, para sa isang siyam na taong gulang na bata na kagaya ko, mistulang amusement park na ito para sa akin noon. Pero ngayon na nadagdagan ang tangkad at muwang ko sa mga bagay-bagay, I realized how awkwardly extravagant is this mansion. Lalo na ang napakalaking silindro ng tubig sa may hagdan. "Tomorrow the new guardians will arrive" seryosong sabi ni Papa sa amin. "What? But Uncle we–" Hindi na natapos ni Ruby ang gusto niyang sabihin dahil sa itinaas ni Papa ang kanyang kamay. "You know the prophecy, am I right? I don’t think we have to talk about it,” banggit ni Papa. He has been talking about a certain prophecy about me that I’m not even sure if it really exists. Papa will always be hard to understand even for my friends. “You can rest here, ladies. Your parents sent me your own places’ address, it’s up to you if you’ll take them,” pahabol na sabi ni Papa bago umakyat ng hagdan. Naaalala ko pa na nasa kanang bahagi ng mansyon na ito ang silid niya. "Princess,” kalabit sa akin ng isang babae. Naka-uniporme siya ng itim at may suot na apron sa baywang niya. Isa ata siya sa mga katulong rito. Humarap lang ako sa kanya sabay wika ng, “Ay naku! You don’t have to call me princess.” “A-Ano po ba ang gusto niyong itawa ko sa’yo?” nahihiya niyang tanong. “Kahit ano po basta huwag na ‘yung princess, hindi naman po iyan ang pangalan ko.” Napakamot na lang tuloy ako ng ulo. “A-Ah, ganon po ba? U-uhm… ano po.” Nag-aalinlangan na tuloy na makipag-usap sa akin ang katulong. It must be difficult to think of another way to address your master. “Ah! Ma’am na lang po,” suhestiyon ko para matulungan siya sa pag-iisip. “Mas okay pa siguro na tawagin mo ako sa ganyang paraan kayso doon sa princess. Ang weird kasi, hindi naman ako prinsesa ng isang bansa para tawagin akong ganon,” paliwanag ko sa kanya. “M-M-Ma’am Ice, tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo.” Sa wakas ay nabigkas na rin niya ang bagay na gusto niyang sabihin. “Sure thing, Salamat po,” sambit ko, “Ah teka, pakisabi na rin po sa iba na Ma’am ang itawag nila sa aki, ha,” saad ko. “Opo, Ma’am.” After that awkward conversation, I decided to drag myself inside my room. Ang kuwarto na ilang taon ko na rin na hindi nakikita. As soon as I get in, posters and merchandise of a famous boy group welcomed me. These are my past hobbies. It’s kind of cliché, well what do you expect? I was just a teenager caged inside a mansion. Pero hindi naman talaga dito ang original place ng mga collections kong ito. Galing pa ang mga ito sa Spain. Nasiyahan kasi ako sa pagkolekta ng mga albums at merchandise ng boy group na sinusundan ko online noon. But then, I suddenly felt I have to stop. Sayang naman kung itatapon ko lang ang mga ito, mahal pa naman ang isang album. Kaya naman pinadala ko na lang ang mga ito sa Pilipinas para dito sa kuwartong ito ilagay. Sino ba kasi ang may akala na makakabalik pa ako sa bansang ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD