Homecoming memories

1209 Words
Chapter 2 "Are you sure about this ate? Pwede pa tayong magback out." Pam has been bugging me with that question since the moment we came to the airport. Sinuot ko yung rayban ko then fix my peach sundress, checked my make up saka ko nilugay yung burgundy red kong buhok. After our little conversation yesterday, I had this urge to have my hair done. Hindi ko pa nga alam kung anong gagawin but then the hairdresser suggest to color my hair na lang. "Sure as hell." lumakad na ako palabas ng Sta. Catalina  Airport dahil nagtext na si Tito Dante na may susundo na samin sa labas. 'Ang laki na nang ipinagbago dito.' Bulong ko sa sarili ko habang mataman kong pinagmamasdan yung dating malawak na bukirin na ngayon ay napuno na ng mga naglalakihang building. May airport na rin samantalang dati ay bus lamang ang means of transportation. 'Ang laki na ng pinagbago mo Sta. Catalina,. Sana man lang isinama mo sa pagbabago mo yung nararamdaman ko para sa nagpabago sayo.' I took a deep breath. "Woooh! Fresh air!! Rhoanne pa picture tayo. Pang profile pic!" that's the side of Pam na hindi ko madalas makita, her childish side. Sabagay mas gusto ko pa ito rather than her irritating side earlier. Stress reliever namin ni Pam ang nagpa picture eh. After a couple of shots, may lumapit samin na matandang lalaki na nagpakilalang sundo namin. "Manong, si Tito Dante ho?" expected ko kase na siya yung susundo samin gaya ng usual na nangyayari. "Ah, Ma'am may inaasikaso pa kase sila ni Gov. Cervantez sa kabisera kaya ako na lang yung inutusan niya." 'Gov. Cervantez.. pangalan niya pa lang ang narinig ko pakiramdam ko lumambot na lahat ng laman ko, what more pag naka face to face ko pa siya?' Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Ang daming binago ni Arlan Cervantez sa Sta. Catalina, I'd give him that. Alam niya kung paano pagagandahin ang isang lugar. He built this but ruined me. "Bakit po ma'am may kailangan po ba kayo? Binilin nya ho kase sakin na asikasuhin kayo eh." dagdag pa niya. "Wala naman po. Nasanay na din po kase ako na sila yung sumusundo samin kapag umuuwi kami dito eh." Napalingon sakin si Pam dun sa word na "SILA" Damn bat kase yun ang nasabi ko? "Ganun po ba ma'am? Matagal na po ba kayong hindi nauwi dito sa Sta. Catalina? Ngayon ko lang kase kayo nakita dito eh." "Walong taon na din manong, dati po kase tuwing bakasyon nandito kami eh, naging busy na po kase sila nanay sa trabaho at kame sa pag aaral kaya ngayon lang ulit." si Pam na yung sumagot. "Ganon po ba ma'am? Naku siguro kaya kayo napauwi dito dahil sa nalalapit na kasal ni Gov. Cervantes sa anak ni Vice Gov. Canary 'noh?" There goes the magic word. KASAL. 'Yun naman kase talaga ang purpose kung bakit ako andito eh. Automatic kong naikuyom yung mga kamay ko na nakapatong sa dalawang hita ko. Napansin ata yun ni Pam kaya hinawakan nya yung kamay ko. "Yes manong, and please cut the ma'am, hindi pa naman po kame ganun katanda eh. Ako ho si Pam eto namang ate ko si Rhoanne. yun nalang ho ang itawag nyo samin." "Sorry po ma'am este Pam." Natatawa na lang siya habang nagkakamot ng ulo. Nagkwentuhan nalang silang dalawa ni Pam habang ako tahimik lang na nakatingin sa labas hanggang sa nadaan kame sa dating bahay ni Arlan. "Ate, 'diba dyan yung dating kubo ni Arlan? Manong di ba yan 'yun? Sosyal na ha." Dati kase gawa lang sa kahoy yung kubo ni Arlan, madalas ako doon kapag bakasyon dahil malapit lang yun sa dagat pero ngayon ay two storey house na yung nakatayo dun. wala ng bakas nung lumang kubo. "Ahh, oo Pam, may dalawang taon palang mula ng pinagawa 'yan ni Gov. Ayaw pa nga niyang iparenovate yan dahil may sentimental value sa kanya yung kubo, kaya nasa loob pa rin n'yang bahay 'yung lumang kubo, inexpand lang." Mahabang paliwanag pa niya. 'May sentimental value sa kanya yung kubo? Yung mga memories ba namin dun yung pinapahalagahan niya? Psh baka mga memories nila ni Darlyn yun. **** "Hindi ka ba hinahanap nila ninang sa inyo?" Umupo ako sa tabi niya saka ko ihinilig yung ulo ko sa balikat niya. "Alam naman nila Nanay na dito lang ako tumatambay eh. Saka pag naging asawa na kita dito na ako titira kaya pinagpapraktisan ko na." Kinuha ko yung kamay niya tapos pinag intertwine ko yung mga kamay namin. "Hindi bagay tumira ang isang prinsesang kagaya mo sa kubong kagaya nito." sabi niya. Inangat ko yung ulo ko para makita ko yung mukha niya. Tinignan ko siya sa mata ng matagal saka ko siya pinitik sa noo. "ARAY!" tinakpan niya ng kamay niya yung noo nya. "Bakit ka ba namimitik diyan!" Hinila ko yung kamay niyang tumatakip sa noo niya saka ko yun hinalikan. "Pwede ba Lan-lan!Walang prinsesa sa Pilipinas. Isa pa, kaya kong tumira kahit saan, kahit sa kubo o sa kweba, kahit sa kalsada pa yan basta ikaw yung kasama, okay na ako." Hinalikan ko siya sa lips pagkasabi ko nun. "Bata ka pa Ann-ann. Madami pang pwedeng mangyari." "Makapagsalita ka namang bata pa ako parang ang tanda mo na noh. Isang taon lang naman tanda mo sakin 'diba? Fourteen lang po ako noh." "Pano kung makahanap ka ng lalaking mas better sakin?" "Ako talaga? Eh, paamo kapag may mga babeng magkagusto sa 'yo?" Balik tanong ko sa kanya. "Madali lang 'yan. Sasabihin ko lang 'huwag ka sa akin, maliit po tite ko.' Edi nanakbo sila papalayo." Hindi ko napigilang matawa ng malakas sa sinabi niyang 'yon "Puro ka kagaguhan, alam mo 'yon?" "Kagaguhan rin naman kase 'yong tanong mo. Paanong may magkakagusto sa akin, hindi naman ako gwapo, mahirap lang din ako." Tinignan ko siya ng matagal. "I can always find someone way, way better than you, silly!" Malungkot siyang napayuko sa sinabi ko. "Sabi ko na nga ba e-" "But then, no one can replace you. Sus! Ang tagal tagal mo ng tenant sa puso ko, tingin mo ipagkakatiwala ko pa ito sa iba kung pwede namang ipikit ko nalang yung mga mata ko pag nakakita ako ng much better sayo?" Tuluyan na siyang napangiti sa sinabi ko. "Namumula ka Lan-Lan!Kinikilig ka noh?!" Pang aasar ko sa kanya. "O-oy! Hindi ah!" umiwas naman siya ng tingin. "Sus! Aminin mo na kaseng kinikilig ka!!" "Hindi nga kase!" "Umamin ka na. hindi ko naman ipagsasabi kahit kanin---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil nasakop niya na yung labi ko. Natulala ako sa nangyari. Of course we kiss a lot. Pero ito yung unang beses na hindi ako yung nag initiate kaya nawindang yung utak ko. Nang makarecover ako nakita ko na lang siyang tumatakbo na papuntang dagat. "HOY!BUMALIK KA DITO!! MAGNANAKAW KA NG HALIK!" Naghabulan na kami ng tuluyan. "KUNG PAGNANAKAW NA NG HALIK ANG TAWAG MO DUN SA GINAWA KO, ANO PANG TAWAG SA GINAGAWA MO? r**e?!" Ganting sigaw niya pa habang tumatakbo. "ARGH! BWISIT KA! BUMALIK KA DITO!" ***** Dang! Wala pa akong isang oras sa Sta. Catalina pero unti unti ka ng bumabalik sa sistema ko. -RHEAN-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD