bc

Special School

book_age16+
1.2K
FOLLOW
3.6K
READ
dark
drama
twisted
bxg
mystery
campus
like
intro-logo
Blurb

As Eleanor Dru finds her way to the new school, she will unravel things that way hidden for a long time. The new rules and the environment will challenge her personality, strength, emotion, and mental.

This school doesn't live in darkness, Darkness lives in this school.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Eleanor Dru's Point of View Nakatayo ako ngayon sa gilid ni papa habang kausap niya si Prinicipal Celestia Francisco. Magtra-transfer ako sa Dalfon High. It's been 3 months noong nagsimula ang eskwela. We're from Vigan City at lumipat kami sa Manila dahil sa trabaho ni papa. "Thank you, Mr. Costello." sambit ni Principal Francisco sabay lahad ng kaniyang kamay. "You're welcome, Mrs. Francisco. I have to go now. Kayo nalang po ang bahala sa anak ko. Take care of her." ani papa. Ngumiti nang napakatamis si Principal at tumango ito sa papa ko. Lumapit si papa sa akin at niyakap ako. "Be a good girl, Eleanor Dru." sabay haplos sa mukha ko. "Yes, pa." sagot ko. Pagkaalis ni papa ay agad lumapit sa sa akin si Principal Francisco. "So, Ms. Eleanor Dru, follow me." utos nito sa akin sabay talikod. Hindi na ako nagsalita pa, at sinundan na lang siya. She seems to be a creepy woman. Mahaba ang buhok at mahaba ang damit, and I think she likes dark colors. Dinala niya ako sa ikatlong building ng school. Nakapagtataka lang dahil iba ang disenyo ng building na to.  Hindi pahaba ang kurba kundi pabaluktot. Pati ang mga main halls ay sobrang linis. Wala kang makikitang kahit anong mga designs. Tumigil kami sa isang class room na may pangalang 'Class-R5'. Hindi naman masyadong creepy ang building dahil malaki naman ang mga bintana at malakas ang ilaw. Masyado lang talaga akong paranoid para isipin na weird ang school na 'to. "This is your room, Ms. Costello. I'll leave you now." at naglakad na siya palayo. Bakit feeling ko ang taray ni Principal Celestia? Sumilip ako nang bahagya sa pintuan ng room. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin. Pati na ang teacher na nakaupo sa kanyang desk ay nakatingin din sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Pagkapasok ko ay walang nagsalita miski isang tao. Binasag lang ni ma'am ang katahimikan gamit ang pagtayo niya sa desk, at ang pagkunwari niyang pag-ubo. "Uh, you're the transferee right? I'm Ma'am Serina Tavias." ani ma'am Serina sa akin. "Yes ma'am." sagot ko. "Okay, so i-introduce y-yourself to us." parang kinakabahang tugon niya sa akin. Umubo ako para malinis ang aking lalamunan bago ako humarap sa kanila. "I'm Eleanor Dru Costello, 19 years old." Pagkatapos ko sabihin iyon, nakita ko ang karamihan na napapikit sabay nang paghampas sa mga lamesa nila. Anong nagawa ko? "W-what's your z-zodiac sign?" Tanong uli ni Ma'am. "Sagittarius." walang alinlangan kong sagot. Pagkatapos ko sabihin 'yon ay bigla nalang silang umiyak at halos magwala. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa kanila ngayon. Umiiyak sila dahil lang sa sinabi ko? Anong problema sa sinabi ko? Pati si ma'am ay dahan-dahang napa-upo sa desk niya habang hawak sa kanyang sintido. Pero ang mas ikinagulat ko ang biglang pagsigaw nang isang mala-anghel na babae. As in anghel dahil sa sobrang ganda niya, pero ngayon ay umiiyak siya. Bakit sila umiiyak? Did I do something wrong?! Wala naman ah! "You! Dapat hindi ka na pumunta dito! It will repeat itself again! It will repeat!" at bumagsak siya sa kinauupuan niya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Ang iba ay iyak na nang iyak. May masama ang tingin sa akin, at para bang may naaawa sa akin. Ano bang nagawa ko? Ipinakilala ko lang ang sarili ko sa kanila pero ito ang naging resulta. I think this school is a total crap. Wala pa akong ginagawa pero halos kamuhian na nila ako. I stepped back while staring at them stunned.. "Quiet, class." sambit ni ma'am habang inaayos ang kanyang salamin. "It won't repeat itself again. I promise it won't." Natahimik ang buong classroom at halos tunog na lang ng aircon ang maririnig mo. "Ms. Costello, you can s-sit now." Suminghap ako nang napakalalim bago naglakad papunta sa mga upuan. Sinubukan kong umupo sa tabi noong babaeng sumigaw sa akin kanina but she walked away from me at lumipat sa kabilang upuan. They are staring at me na para bang may krimen akong ginawa. Ano ba kasi yung sinasabi nilang 'it will repeat itself again'? Hindi ko nalang inisip ang pagreject niya sa akin. Sinubukan ko ulit na umupo sa tabi ng isang chinito na lalaki. He's wearing eyeglasses but he doesn't look like a nerd. Pero ganoon din ang nangyari. He went away from me, at lumipat din ng ibang upuan. "You're not welcome here. You're really not." sabi nito sabay lakad papalayo. Hindi ko na sinibukan pang tumabi sa iba at baka mareject na naman ako. Ayoko nang mareject pa. Umupo ako banda sa dulo at halos limang bakanteng upuan ang agwat nila sa akin. Halatang halata na kinamumuhian nila ako. They hate me. They really do. Nagsimula nang magturo si Ma'am Serina, pero habang ginagawa niya iyon ay pasimpleng sumisilip siya sa akin. Is she observing me? Hindi ko nalang inisip 'yon at ibinigay nalang ang buong atensyon ko sa pagtuturo niya. Nagpagawa siya ng exercise tungkol sa historical days. Habang sinasagutan ko 'yon ay biglang may nagbato sa akin ng papel. It's a crumbled paper. Luminga-linga ako sa paligid para tignan kung sino ang may-gawa pero wala akong nakita dahil lahat sila ay mukang tutok sa ginagawa. Kinuha ko nalang ang papel sa sahig at binasa. You're not welcome here! Go out! Before the time runs out! Pagsisihan mo ang lahat ng desisyon mo. All you need is to go out, and get lost! Pagkatapos kong basahin 'yon ay agad kong nilukot ulit ang papel at nilagay sa bulsa ng bag ko. Nag-ring ang bell at hudyat na ng break time. Hinayaan ko na muna silang mauna dahil alam ko namang kinamumuhian nila ako. Kahit pagtabi lang sa pag-upo ay ayaw nila, makasabay pa kaya sa pagkain? Pero halos manlaki ang mga mata ko nang may nagsalita sa harapan ko. Isang babaeng nakasalamin. Maganda siya. Perpekto na ata 'to. Lahat ng magandang katangian ay maipipintas mo na sa kanya. Pero nakakapagtaka lang hindi ba siya nagagalit sa akin? Bakit hindi niya rin ako kamuhian? Katulad ng pagkakamuhi ng mga kaklase namin sa akin? "H-hindi ka ba--" "Hindi ako natatakot sayo at hindi kita kinamumuhian. Sumama ka sa akin, may sasabihin ako sa'yo." anang babae sabay labas ng classroom. Dali-dali ko siyang sinundan sa labas. That's a relief. Kahit papaano may tao rin palang hindi ako kinamumuhian dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook