CHAPTER 2 HELP ME... GET OVER YOU

1986 Words
Tunog ng machine ang naulinigan ko nang magising ang diwa ko. Nakarinig ako ng ilang pag-uusap nang dahan dahan kong idilat ang mga mata ko. Bigla naman nag-ingay ang machine sa gilid ko nang ganap akong dumilat. "Mommy! Ninang Jelly Mommy is awake!" dinig ko'ng pagtawag ni Archer sa best friend ko na si Jelly Anne Robles na Ninang din ng anak ko. "Stella? Oh gosh you're awake! Sandali tatawag ako ng doktor!" natatarantang turan ni Jelly saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto. "Mommy!" biglang sumampa si Archer sa higaan ko at niyakap ako habang umiiyak, "Mommy I'm sorry! I miss you Mommy!" "Sshh... M-mommy is fine Moon... don't cry," ipinatong ko ang kamay ko sa ulo ng anak ko na hindi tumitigil sa pag-iyak. "Ninang Jelly please call Daddy and tell him Mommy is awake!" umiiyak na pakiusap ni Archer kay Jelly na nag-alangan nang tingnan ako. Tumango si Jelly ngunit napansin ko ang kakaibang reaksyon niya. Kasunod ni Jelly ang tatlong doktor na titingin sa akin, napamaang pa ako nang makilala ko ang isa na mataman ang pagtitig sa akin. Inilabas ni Jelly ang cellphone niya at sandaling tumalikod. Nakita ko si Abby na umiiyak habang buhat si Archer, nginitian ko siya ngunit mas napaiyak siya na ikinapagtaka ko. "Mrs. Villareal how are you feeling? Are you dizzy? Can you feel this?" sunod sunod na tanong ng doktor na babae. Tumango ako nang pukpukin niya ang mga tuhod ko. Itinaas ng isang doktor na lalaki ang kamang hinihigaan ko at nilagyan ng unan sa likod. Muli akong napatingin sa doktor na nakasalamin, nginitian ko siya ngunit seryoso lamang ang mukha niya. 'Sungit talaga ng isang 'to!' ani ng isip ko. Ipinaliwanag nila sa akin na magdadalawang linggo ako'ng nakaratay sa ospital dahil sa aksidente. Sinagot din umano ng nakabanggaan ko ang gastusin sa ospital dahil kasalanan umano nito ang nangyari. "You need to undergo some tests to check if everything is okay. If we got negative results then you are free to go. You're lucky your husband has been staying all night to check up on you, he's the sweetest. Dr. Monteverde will guide you to all the test that you'll undergo. Excuse us," nakangiting turan ng doktor na nagpagulat sa akin. Kapagkuwa'y napangiti na lang ako ng mapait, hindi nakaligtas sa paningin ko ang palitan nina Abby at Jelly ng tingin, habang ang doktor naman na nakasalamin ay humigpit ang pagkakahawak sa medical chart. "Daddy is on his way Mommy! Right Ninang? And then we'll go home and you'll cook me pancakes again!" napangiti ako sa mataas na enerhiya ng anak ko. Hinawakan ko ang makinis niyang mukha at pinaghahalikan ito. Medyo nahihirapan ako'ng gumalaw dahil may suot pa akong neck brace at manhid pa ang kaliwang binti ko. "I need your husband's approval for the medical tests that you need to undergo to ensure your fast healing. Based on your record, there's a fracture in your left leg. It's a miracle that you only got some scratches and a few broken bones that can be fixed with therapy. You should stop driving for a while Mrs. Villareal," diretsong wika ng lalaki habang may isinusulat na kung ano sa chart. Nakatingin lamang ako sa kanya, nang magtaas siya ng tingin ay medyo nagulat pa siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa ibang nasa kuwarto. Gusto ko siyang yakapin at isumbong ang lahat ng nararamdaman ko tulad noon, ngunit hindi na maaari... Hawak niya ang kamay ko upang i-check ang pagkakakabit ng dextrose ko nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Hindi ko inaalis ang tingin sa doktor dahil kahit hindi ako lumingon ay kilala ko ang taong naglalakad palapit sa puwesto ko. Nagkatinginan kaming muli ng doktor na hindi binibitawan ang kamay ko nang biglang tumikhim si Knight. Marahang ibinaba ni Dr. Monteverde ang kamay ko saka walang buhay na bumaling sa asawa ko. "Mrs. Villareal is already stable, she just need to undergo some tests and I need you to sign some waivers," wika ng doktor na tinanguan lamang ni Knight. Nakatingala pa rin ako sa doktor nang muling magsalita si Knight. "I'll follow you later, now if you excuse us may pag-uusapan pa kami ng asawa ko," mariing turan ni Knight na ikinataas ng kilay ni Dr. Monteverde. Kalaunan ay tumango lang ang huli at bumaling sa akin. "Hope you feel better soon Mari," nanlaki ang mga mata ko sa itinawag niya sa akin dahil napansin ko ang pagdilim ng mukha ni Knight. Binalewala iyon ng doktor at nakangiting bumaling kay Archer saka ginulo ang buhok nito. "Hey young man, can you watch over your Mom? She needs you," nakangiti nitong turan sa anak ko na biglang nakipag-apir sa doktor at pinukpok ang dibdib. "Yes doctor! I'am Mommy's Superman!" lahat kami ay napangiti sa sinabi ni Archer puwera lang kay Knight na mas lumalim ang gatla sa noo nang makitang ginulo ang buhok ng anak niya. Tumingin pang muli ang doktor sa akin bago siya tuluyang lumabas. Binigyan ko siya ng tingin na nagsusumamong huwag umalis ngunit biglang hinawakan ni Knight ng mahigpit ang kamay ko. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko dahil masakit ang ginawa niyang pag-gagap sa kamay ko. "Abby, Jelly, pakilabas muna si Archer may pag-uusapan lang kami ni Stella," malamig niyang saad sa dalawa na napatingin sa akin ng malungkot. Kanina pa ang dalawang ito at ni hindi ako nakapagtanong dahil dumating ang mga doktor. "Jelly Ann..." pagtawag ko sa matalik na kaibigan ko. Alam ko na ang kahihinatnan ng usapang ito at kailangan ko siya sa tabi ko. Mabilis niya akong dinaluhan at tumabi kay Archer. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinalikan sa noo, "Nasa labas lang ako okay? Tawagin mo ang pangalan ko kapag may sumakit sa'yo hmm?" "Ako nang bahala sa kanya Jelly so please?" nakipagtagisan ng tingin ang kaibigan ko sa kanya, napahinga ng malalim si Jelly habang umiikot ang mata. "Sinisiguro ko lang na magiging maayos siya Knight. Isang mali mo lang at ako ang makakaharap mo," mariin niyang bulong kay Knight nang magkatapat sila. Ayaw niyang marinig ng anak ko ang banta niya sa Daddy nito. "Mommy bibili lang daw po kami ng ice cream ni Ate Abby at Ninang!" masayang turan ni Archer saka humalik sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya saka pinipigilan ang sariling maiyak, "Be a good boy okay? I love you so much Moon!" naiiyak kong saad. Hindi ako mapalagay at pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari kaya hindi ko mapigilan ang mga emosyon ko. "Don't cry Mommy..." pinunasan niya ang luha sa mata ko, "I love you too Mommy! Daddy please watch over Mommy first okay?" bilin niya sa ama na ginulo ang buhok niya saka tuluyang lumabas ng pinto. Naiwan kami ni Knight na parehong hindi alam kung paano uumpisahang mag-usap. Tumanaw lang ako sa labas ng bintana habang kumakabog ng malakas ang dibdib ko. "Stella," malamig ang tinig niyang pagtawag sa akin. Hindi ko siya nilingon at nag-hum lang bilang sagot. "Humarap ka sa'kin," dinig ko sa boses niya ang inis kaya nilingon ko siya. Maaring napansin niya ang mga mata kong walang buhay, walang reaksyon kaya nagulat siya. "Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan Knight?" walang emosyon kong tanong. "Us." Napataas ang kilay ko, "What about us?" Huminga ito ng malalim at inilabas ang envelope na hawak niya sa likod, "I've filed for divorce Stella," inilapag niya sa hita ko ang envelope na alam ko na ang laman. Tinignan ko lamang iyon at muli siyang tinignan. I chuckled and smiled sarcastically, "Sa tingin mo ba papayag ako'ng basta na lang tayo maghiwalay?" "You have no choice Stella, pirma mo na lang ang kula-" "On what grounds Knight? Ano'ng inilagay mo sa divorce papers na 'to?" salubong ang kilay ko habang masama ang tingin sa kanya. "Incompatibility," kibit-balikat na sagot nito at napatitig sa akin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at napailing. "You should've used infidelity," maanghang kong turan na ikinaigting ng panga niya. "Shut up Stella," bakas sa mata niya ang pinipigilang galit. "Bakit hindi ba totoo? Ayaw mong malaman ng ibang tao na kaya tayo naghiwalay dahil nakipagrelasyon ka sa iba habang kasal tayo? Knight may anak tayo! Hindi mo ba naisip si Archer bago ka sumiping sa iba?" tumaas na ang boses ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, sakit na kumakain sa pagkatao ko at ramdam ng buong katawan ko. "You don't get to say what you want Maristella!" dinuro niya ako at nagbabanta ang mga mata. "I do! Asawa mo 'ko Knight kaya may karapatan akong magsalita sa kagag*han mo! Gaano na katagal Knight? Gaano katagal mo na akong niloloko? One week? Two weeks? Two months? Kailan pa?" sigaw ko sa kanya at hinampas siya sa dibdib. "2 years..." sagot niya na nakatitig sa mata ko. Napabuga ako sa hangin at natawa ng mapait sa sinabi niya, "F*ck you Knight!" humagulgol na ako at naitakip ang kamay sa mukha ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko kaya malakas ko siyang tinabig palayo. "Namatayan tayo ng anak two years ago Knight! Nawalan ako ng anak dahil sinundan kita sa Pampanga, tama pala ang hinala ko noon... you're seeing a w***e behind my back and that caused my child's life! Hayop ka Knight hayop ka!" "Nagdalamhati akong mag-isa... umiiyak si Archer kasabay ko kahit hindi niya alam ang dahilan. I lost my baby Luna... all because of you! Aahhh!" sinabunutan ko ang sarili ko dahil muli nanamang bumalik sa akin ang sakit ng pagkawala ng ipinagbubuntis ko noon. "Nawalan din ako-" "Pero mas masakit para sa akin 'yon... ni hindi ka humingi ng tawad sa'kin Knight. Ni hindi mo kinamusta ang nararamdaman ko, ina ako Knight. At asawa mo ako pero parang wala kang pakialam sa nararamdaman ko at nagawa mo pang kumama ng pokpok!" "Shut up Stella! She's a rich man's daughter so don't call her names!" galit nitong sigaw sa akin na mas nagpakirot ng puso ko. See? Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko... mas mahalaga ang babae niya kaysa sa akin na asawa niya. "Get me a pen Knight," wika ko habang marahas na pinapahid ang luha ko. Naglabas siya ng sign pen sa bulsa niya at bawat segundo ay nararamdaman ko ang pagbitak ng puso ko. Hindi ko na binasa pa ang papel at basta na lang pumirma para matapos na ang paghihirap ko. Walang ganang ibinato ko sa kanya ang mga papel maging ang ballpen na ginamit ko at humiga. Hindi siya umimik at nanatili lamang na nakatitig sa akin, nainis akong lalo nang magsalita pa itong muli. "Thank you Stella... thank you for letting me go," "Gag*, magsama kayo sa impyerno ng kerida mo. Umalis ka na Knight, ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan," pagpapaalis ko sa kanya habang nakapikit. Naramdaman ko ang pagpulot niya ng mga papel sa sahig, "Ang hirap mong mahalin Knight. Nakakapagod kang mahalin..." kipkip ko ang dibdib ko habang umiiyak, narinig ko ang pagkatigil niya sa kanyang ginagawa. "Nakilala kita na buo ako, lahat sa'yo tinanggap ko, minahal kita ng sobra... ipinagkatiwala ko sa'yo ang buhay ko. Inalagaan kita, tiniis ko ang lahat pero ito ang igaganti mo sa'kin? Ikaw mismo ang bumasag sa'kin Knight, at ngayon durog na durog ako..." pinukpok ko ang dibdib ko at umiyak, wala na akong pakialam kung magmukha akong kaawa-awa sa paningin niya ngunit hindi maaaring hindi ko sabihin ang mga ito dahil mababaliw ako. "Masyado ko'ng ibinigay sa'yo ang buhay ko, ngayon ako na yung naubos. Wala nang natira sa'kin Knight, nagmahal lang naman ako... nagmahal ako kahit walang matira sa'kin maibigay ko lang yung pagmamahal na kailangan mo," puno ng kapaitan kong wika at naramdaman ko ang pagtayo ni Knight kaya nilingon ko siya habang hilam sa luha ang mga mata ko. "If I can't have you back, then just help me get over you... I want to get over you Rave."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD