Chapter 2

2135 Words
Chapter 2 Her POV The next day wala naman pasok at eto ako ngayon katambay sa balcony sa kwarto ko habang nakatingin sa labas, tanaw kasi dito sa bahay namin ang mini park ng village kung saan may mga batang nag lalaro at masaya akong pinagmamasdan sila pero dalawang tao ang nakakuha ng atensyon habang nakatingin ako don. Wala naman sa intensyon kong pagmasdan silang dalawa pero sadyang curious lang ako. I don’t even hear anything kaya pinagmasdan ko na lang ang mga kilos nila. Paul is giving something to Faith pero tinanggihan naman yon ni Faith at hindi ko alam kung ang tawag bas a ginagawa ko ay nakikichismis pero wala naman kasi akong marinig tanging mga movements lang nila ang nakikita ko and I find it interesting! Maybe I should stop being nosy kaya naman tumalikod na ko at muntik na kong mapatalon sa gulat dahil sa nakita ko. “s**t!” sigaw ko at napahawak sa dibdib ko sa gulat. “What the hell are you doing here?” Tanong ko sa kanya. “Tita let me in at pinadiresto nya ako dito sa kwarto mo, masama ba? Saka kanina pa ako andito at tinitingnan ka! Sino ba yang tinitingnan mo?” sabi nya at sumilip na din at natanggo na lang sya ng makita nya si Paul at si Faith. Tiningnan nya ako at nagtaas baba sya ng kilay sakin “What?” tanong ko sa kanya “Wala naman, pero why are you watching them?” tanong nya kaya inirapan ko sya at pumasok sa loob ng kwarto ko, sumunod naman sya at isinara ang pinto sa balcony. “I’m not watching the m, sadyang andon lang sila! I was watching kids playing.” Sabi ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag explain sa kanya sa totoo lang. Tumango lang sya sakin at naupo sa kama ko. “Ano bang ginagawa mo dito? Ang aga pa ah! Wala kang hangover?” tanong ko sa kanya at umupo sa tabi nya at niyakap ang unan ko. “Hindi naman ako uminom! Saka, I have an interesting story to tell.” Sabi nya sakin, story or chismis to tell? “Ano yon?” tanong ko naman sa kanya. “Diba kagabi magkakasama kami sa bar at si Paul bigla na lang nag solo sa isang gilid kaya naman----” sabi nya pero hindi ko na sya pinatapos pa. “Kaya naman nakichismis kayo?” tanong ko sa kanya at tumango sya sakin habang nakangiti “At alam mo ba kung ano ang nakita ko sa cellphone nya.” Sabi nya at bigla akong sinundot sa tagliran ko, “ano?” tanong ko sa kanya “Ikaw ang nakita kong katext nya kagabi!” sabi nya sakin “Ano naman kung ganon?” tanong ko sa kanya kasi para sakin hindi naman big deal yon at ano naman kung magkatext kami kagabi diba. “Akala ko ba sabi mo dati na wala kang balak na makielam sa problema nya.” Sabi nya sakin at ngumiti ng nakakaloko kaya naman pinalo ko sya ng unan na hawak ko. “Hindi ako nakikielam saka nanghihingi ng advise ung tao, nagbigay lang naman ako at un lang yon kaya ate Lynn wag mo kong ngitian ng ganyan!” sabi ko sa kanya at lumayo ng bahagya sa kanya. “Wala naman akong iniisip na kung ano pero pinapaalalahanan lang kita They na hindi malabong mahulog ka kay Paul, matagal ko na syang kilala at alam ko na sya ung lalaking hindi mahirap makapalagayan ng loob kaya nga siguro umabot ang conversation nyo ng dalawang oras kagabi diba.” Sabi nya sakin at pati ba naman ung oras ng pag uusap namin alam nya? “Ate Lynn alam ko kung ano ung limitasyon ko saka wala akong balak na mahulog sa kanya lalo na alam kong mahal na mahal nya ang girlfriend nya sa mga sinabi nya sakin kagabi.” Sabi ko sa kanya at tumayo. “Pinapaalalahanan lang naman kita They, wala naman akong ibang sinabi!” sabi nya at inakbayan ako. “Ewan ko sayo, sa mga sinasabi mo parang maiinlove ako kay Paul!” sabi ko sa kanya at inalis ang pagkakaakbay nya sakin at sabay kaming lumabas sa kwarto ko at bumaba sa baba kung asaan sila Mama. “Buti naman Lynn gising na yang si They.” Sabi ni mama ng makita kami ni Ate Lynn “Gising na po nung naabutan ko sa kwarto nya.” Sabi nya kay mama “Kumain na kayo ng breakfast nakahain na.” sabi nya samin “Kumain na po ba kayo Ma?” tanong ko sa kanya “Oo, kasabay ko ang papa mong kumain kanina kaya naman kumain ka na din.” Sabi nya kaya naman nag punta na kami ni Ate Lynn sa dining area at kumain. “Ung totoo dumayo ka lang ba dito para makikain?” tanong ko sa kanya “Hindi no! sadyang nataon lang na nagluto si tita.” Kibit balikat na sabi nya at kumain. Hindi naman na ako kumibo pa at kumain na lang din. Pagkatapos naming kumain na dalawa umakyat muna ako sa taas at hinayaan sya sa may garden naming para maligo. Bigla bigla naman kasing sumusulpot sa harap ko si Ate Lynn ng walang pasabi at hindi ko alam kung ano ang dahilan nya. Sandali lang ang ginugol kong oras sa paliligo at pag-aayos ng sarili saka bumaba sa baba at pinuntahan na sya sa may garden naming. “Ate Lynn!” tawag ko sa kanya at lumapit sa kanya. “Bakit?” tanong nya sakin. “Ung totoo nga bakit ang aga aga mong andito sa bahay?” tanong ko sa kanya. “Yayain kasi kitang lumabas para mag libot.” Sabi nya kaya kumunot ang noo ko “Mag libot? Nang ganito ka aga?” tanong ko sa kanya. “Bakit may gagawin ka ba? Nakatingin ka nga lang sa malayo kanina eh!” sabi nya pa. “Wala nga akong gagawin pero anong pumasok sa isip mo na lumabas ngayon?” “Wala lang, hindi ka kasi sumama samin kahapon kaya naisipan ko na maglibot tayo ngayon.” Sabi nya at umakbay sakin. “So ano tara na?” tanong nya at tumango ako sa kanya, wala naman akong magagawa kung hindi sumama eh. Kinuha ko lang ang gamit ko at nagpaalam kay Mama saka umalis na kami ni Ate Lynn at sa kotse nya kami sumakay na dalawa, “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya dahil nagpaikot ikot lang sya dito sa village namin at biglang huminto sa park. “Baba na!” sabi nya kaya kumunot ang noo ko at sinundan sya. “Hoy sana nag lakad na lang tayo!” sabi ko sa kanya at umiling. “They, hindi naman tayo dito lang pupunta iintayin lang natin sila.” sabi nya kaya lalong kumunot ang noo “Sino?” takang tanong ko sa kanya at may nagsalita sa likod ko “Kami!” sabi nila kaya naman napalingon ako at bumungad sakin ang barkada namin! “Hindi siguro kayo na lasing kagabi!” sabi ko sa kanila at nagkibit balikat lang sila sakin at nilapitan kami. “Saan nyo ba gustong pumunta?” tanong ko sa kanila, “road trip tayo nakakasawan na sa mall eh!” sabi nila at sumang-ayon naman ang lahat. Nagdesisyon sila na pumunta kami ng Tagaytay at balikan lang naman. Kanya kanya ng sasakyan ang ginawa nila. Si Pol ang nag drive ng kotse ni Ate Lynn at doon din ako sumakay sa kanila at ang naging kasama namin ay si Paul kaya naman tahimik lang ako. The rest are with Ej dahil ang dalang sasakyan ni Ej ay ang pick up nila. Habang asa byahe walang kumikibo samin kaya nakakabingi ang katahimikan. “Wala ba kayong balak mag salita?” tanong ni Ate Lynn at nilingon kami, sya kasi ang nakaupo sa passenger seat at kabi ko si Paul sa back seat. “Oo nga hindi ba kayo magsasalitang dalawa? Parang hindi kayo magkakilala ah!” sabi naman ni Pol samin. “Focus on the road Pol!” sabi ko sa kanya dahil nilingon nya kami at tinawanan nya lang ako at humarap na ulit sa daan. “Sige ako na lang ang magbubukas ng topic!” sabi ni ate Lynn at nagsimula na syang dumaldal at sinasagot lang namin sya pag relate kami sa sinasabi nya pero mostly sila ng boyfriend nya ang nagkakaintindihan hanggang sa nakarating kami sa Tagaytay. Huminto kami sa isang gilid at doon muna tumabay. “Nakapaboring ng dalawang to!” sabi ni ate Lynn ng makababa kami ng sasakyan. “wala pala kayo samin eh!” sabi naman ni Ej at tinawanan lang si ate Lynn. “Sa susunod usong magsalita hano Paul at They!” sabi nya at inirapan ko lang sya at naupo sa likod ng pick up ni Ej. Hinayaan ko na silang magkwentuhan don dahil tungkol lang naman sa nangyari kagabi ang pinaguuspaan nila na para bang hindi sila magkakasama. “Bored ka na?” sabi nya kaya nilingon ko sya at umiling. “Hindi, sadyang hindi lang ako relate sa mga pinag uusapan nila.” Sabi ko sa kanya at bigla naman syang tumabi sakin kaya umusog ako ng konti palayo sa kanya. “Thank you nga pala sa mga sinabi mo sakin kagabi.” Sabi nya “Wala yon saka sinabi ko lang naman ang alam ko, baka nga hindi pa makatulong yon.” Kibit balikat na sabi ko sa kanya. “May point naman ang mga sinabi mo sakin at narealize ko na tama ka.” Sabi nya kaya nilingon ko sya “So, susuko ka na lang ng ganon?” tanong ko sa kanya. “Hindi pero sa ngayon didistansya muna ako sa kanya baka nga kasi tama ka na nakukulitan sya sakin kaya ganon ang trato nay sakin.” Sabi nya “Wag mo kong sisisihin kapag hindi kayo nagkabalikan ni Faith dahil sinunod mo ang sinabi ko!” sabi ko sa kanya at bahagya syang tumawa. “Why would I blame you? Ako naman ang nag desisyon hindi ikaw, nag bigay ka lang naman ng advise sakin.” Sabi nya “Siguraduhin mo lang baka mamaya maririnig ko na lang sa iba na ako ang dahilan kaya hindi kayo nagkabalikan dahil sa advise ko sayo, pagtalaga nangyari yon masasapak kita!” sabi ko sa kanya kaya naman tumawa na sya at pati ako natawa na din. “So ano nag sosolo kayong dalawa ganon?” sabi ni Ate Lynn kaya nilingon naming sya at nagsilapitan sila samin. “Close pala kayong dalawa, ngayon lang namin nalaman!” sabi ni Anthony kaay umiling ako sa kanya. “Hindi kami close wala lang kasi akong makausap dahil busy kayong lahat sa kanya kanya nyong topic na hindi naman ako makarelate.” Sabi ko sa kanila at tumango lang sila na halata naman na hindi sila naniniwala sa sinasabi ko kaya hinayaan ko na lang at bumaba sa pick up ni Ej. “Dito na lang ba tayo? O may balak pa kayong puntahan?” tanong ko sa kanila kaya naman nag yaya na silang ikutin ang Tagaytay at magpunta sa picnic grove. Nang makarating kami sa picnic grove nag ikot-ikot lang kami saglit don at napagdesisyonan namin na mag punta ng sky ranch kaya doon ang sunod naming destinasyon. Hindi naman ganon kalayo ang byahe mula picnic grove papuntang sky ranch kaya mabilis kaming nakarating sa sky ranch. Si Ej na ang nag volunteer na bumili ng ticket naming dahil medyo mahaba ang pila at inintay na lang namin sya. Habang iniintay namin si Ej nag cellphone muna ako sa isang gilid at nag text kay mama na asa Tagaytay kami, hindi naman kasi ako nakapagsabi na dito kami pupunta at ang naging reply sakin ni Mama ay mag uwi daw ako ng buko pie kaya bahagya akong natawa at nag reply ng okay sa kanya. Itatago ko na sana ang cellphone ko sa bag ko ng magvibrate yon kaya tiningnan ko at nakatanggap ako ng text galing kay Paul kaya kumunot ang noo ko saka tiningnan sya na hawak din nya ang cellphone nya at don lang nakatingin kaya naman binuksan ko ang text nya, at natawa ko sa sinabi nya. ‘I will ride the roller-coaster if Ej will get us free tickets when he come back’ basa ko sa isip ko ng sinabi nya at tiningnan ko sya, nagkibit balikat lang sya sakin at nireplayan ko sya. ‘Are you sure about that? Diba you are afraid of heights sabi ni ate Lynn’ reply ko sa kanya at tiningnan sya. Kumunot ang noo nya sakin at nagsimula ng magtype ng message kaya naman ibinalik ko ang tingin ko sa cellphone ko at inabangan ang reply nya ‘Ang daldal talaga ni ate Lynn, ano pang sinabi nya?’ tanong nya pero kesa replayan ko sya tiningnan ko sya at umiling ako sa kanya saka tinago ang cellphone ko sa bag ko. Hindi naman naging ganon katagal si Ej at nakabalik na sya at gusto kong matawa ng sabihin nyang may free ticket daw kami kaya naman excited silang pumasok sa loob. Sinabayan ko sa paglalakad si Paul. “Pano ba yan Paul ready ka na bas a roller-coaster ride mo?” tanong ko sa kanya at nagulat ako ng bigla nya akong inakbayan. “Kasama ka kaya!” sabi nya at hinila ako patakbo kila ate Lynn kung saan nakapila sila para sumakay sa roller-coaster, what the hell did I got into? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD