bc

Destined to be Yours

book_age16+
893
FOLLOW
1.6K
READ
HE
boss
sweet
bxg
campus
office/work place
rejected
like
intro-logo
Blurb

Paano kaya kung paglaruan ka ng tadhana at kusa kang dalhin ng mga paa mo sa taong pilit mong tinatakbuhan? Meet Nikki, ang stokwang anak-mayaman na kinailangang magpalit ng pagkatao para lang makatakas sa pamilya. Labag sa kalooban ni Nikki ang pagpapakasal niya sa kababatang si Kyle kaya bago pa man ang muli nilang pagkikita at ang itinakdang pamamanhikan, tumakas siya sa kanila. Nagpalit siya ng pangalan at pagkakakilanlan para hindi siya matunton ng lolo niya na isang ex-military high rank officer. Namasukan siya bilang Yaya sa batang CEO na si Cedric. Noong una ay ilag siya sa binata, masyado kasi itong seryoso at tila hindi marunong ngumiti. Pero nang malaman nito ang totoong katauhan niya, bigla na lang itong bumait sa kanya hanggang sa unti-unting mahulog ang loob niya rito. Pero ano kaya ang magiging reaction ni Nikki kung malaman niya na si Cedric at si Kyle pala ay iisa? Magagawa niya pa kayang tanggapin ang binata sa kabila nang inaakala niyang paglalaro nito sa feelings niya? Posible pa kaya ang kasalan sa pagitan nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Meet Yaya Mika
Kumakabog ang dibdib ni Mika habang nakaupo sa hanay ng mga aplikante na naghihintay sa labas ng opisina ni Cedric. Kailangan niyang makuha ang trabahong ‘yon para may matuluyan siya. Ip-in-adlock na kasi ng may-ari ang apartment na tinutuluyan niya kasama ng mga gamit niya matapos siyang hindi makapagbayad ng upa. Malamig sa lugar kung saan sila naghihintay kaya mas lalo pang nangatog ang tuhod niya. Agad na umayos nang upo si Mika nang matanaw niyang palabas ang isang babae na may hawak ng papel. "Mikaela Sebastian.” Biglang napatayo si Mika. “Ma’am,” aniya sabay taas ng kamay. “Pasok ka na,” nakangiting sabi ng babae. Agad na Inayos ni Mika ang sarili atsaka siya sumunod sa babae. "Sit down!" seryoso ang mukhang bungad sa kanya ni Cedric, ang CEO ng KC Advertising Agency. Twenty six years old palang ito pero nagpapatakbo na ito ng sariling kompanya. Hindi agad nakakilos si Mika na noo’y na starstruck sa kaharap. Gwapo kasi si Cedric. Maputi ito at may mapungay na mga mata. May taas itong 5’8” at may balingkinitang pangangatawan. Bagay na bagay ang suot nitong pink long sleeve sa mamula-mula nitong kutis. "I said, sit down!" mariing sabi nito nang hindi siya kumilos. Doon na biglang natauhan si Mika. "A-Ah! Thank you po, Sir," aniya sabay yuko ng ulo. Todo ang kabog ng dibdib ni Mika habang pinapasadahan ng tingin ni Cedric ang resume niya. "Mikaela Sebastian," anito atsaka tumingin sa kanya. Napalunok si Mika. "So, ano'ng alam mo sa pag-aalaga ng bata, Miss Mika?" seryoso ang mukhang tanong nito. Muling kinain ng kaba si Mika. "Ano nga ba’ng alam niya? Ni hindi pa nga siya nakakahawak ng bata sa totoong buhay. ‘A-Amm... Ano po...marami po, Sir," pilit ang ngiting sagot niya. Napataas ang isang kilay ni Cedric. "Tulad ng?" tanong nito. "Marunong po akong magpaligo, magpakain, magbihis. Lahat po ng tungkol sa pag-aalaga ng bata marunong po ko, Sir." Tumango-tango si Cedric. "So, may experience ka na sa pag-aalaga ng bata?" muling tanong nito. "Opo!" mabilis niyang sagot. "Bakit wala namang nakalagay rito?" anito na noo'y muling pinasadahan ng tingin ang resume niya." "Natutunan ko lang po kasi 'yon sa pag-aalaga ng pamangkin ko, Sir." Muling bumaling ng tingin sa kanya si Cedric. "Aware ka ba na isang taon palang ang batang aalagaan mo?" anito. Biglang napalunok si Mika. Mukha kasing mapapasubo siya. Gawa-gawa niya lang ang lahat ng sinabi niya. Kaya bigla siyang namroblema. Paano niya aalagaan ang ganoong kaliit na bata?” "Bibigyan kita ng isang buwan para gampanan nang maayos ang trabaho mo. Kapag hindi ko nagustuhan, pasensiyahan tayo," ani Cedric nang hindi siya sumagot. Nanlaki ang mga mata ni Mika. "T-Tanggap na po ako, Sir?" alanganing tanong niya. "Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko?" nagulat siya nang magtaas ng boses si Cedric. Mukhang maikli lang ang pasensiya nito. "P-Po?" tanging nasambit niya. "Tanggap ka na. Kung may kukunin ka pang mga gamit sa inyo kunin mo na atsaka ka bumalik, kung wala naman, hantayin mo na lang ako sa labas.” "Wow! Talaga po, Sir? Hindi po kayo nagbibiro?" muling tanong niya. Nagsalubong ang kilay ni Cedric. "Look, ayoko sa lahat ang mga taong mahinang umintindi. Ayoko nang paulit-ulit akong nagsasalita. Kung naintindihan mo naman ang sinabi ko, hindi mo na kailangang tanungin ako nang paulit-ulit." "Okay po, Sir," mabilis niyang sagot. "Good!" ani Cedric na noo'y bumaling na sa computer. Nang hindi pa siya tumitinag, nag-angat ng ulo si Cedric at nilakihan siya ng mga mata. "What?" tanong nito. Alanganing napangiti si Mika. "Saan po ako maghihintay, Sir?" muling hirit niya. Napailing si Cedric. Kunot ang noong nilingon niya ang sekretarya niya na noo'y abala rin sa computer. "Mayet," tawag niya rito. Agad naman itong tumingin sa kanya. "Yes, Sir?" "Pakihatid si Mika sa training room. Dadaanan ko na lang siya roon mamaya." "Okay, Sir," nakangiting sagot ni Mayet. "Miss Mika, tara na po," anito nang bumaling sa kanya. Agad naman siyang tumayo at sumunod kay Mayet. “Wala ka bang gamit na kailangang kunin sa inyo?” tanong ni Mayet habang naglalakad sila. Madadaan lang naman po mula rito ang apartment ko. Makikiusap na lang po ako mamaya kay Boss na daanan naming ang gamit ko. Nakaayos naman nap o ‘yun.” Napangiti si Mayet. “Wow! Ganun ka ka-confident na ikaw ang matatanggap na applicant?” Napangisi si Mika. “Actually, since nag-rent ako, hindi ko naman tinatanggal sa maleta ang mga gamit ko.” Natawa si Mayet. “Talaga? Nakakatuwa ka naman.” Tiningnan niya lang si Mayet atsaka siya ngumiti. “Dito ka na lang muna maghintay,” ani Mayet nang buksan ang pinto. “Kung nagugutom ka pwede ka naman kumain sa canteen.” Naglakad si Mayet papasok sa loob atsaka nito binuksan ang aircon. “Paki-turn off na lang bago ka umalis, ha?” nakangiting sabi nito bago ito tuluyang lumabas. Napasuntok sa hangin si Mika nang sumara ang pinto. “Yes,” sambit niya. Para kasi siyang nabunutan ng tinik. Sa wakas may matutuluyan na siya. Panay ang himas ni Mika sa noo habang nagbibiyahe sila pauwi bagay na hindi nakaligtas sa mga mata ni Cedric. "Okay ka lang ba?" kunot ang noong tanong nito nang sumulyap sa kanya. Gumuhit ang alanganing ngiti sa mga labi ng dalaga. "Medyo masakit po kasi ang ulo ko, Sir. Okay lang po ba na umidlip ako saglit?" "Sure," maikling sagot nito. Parang walang narinig na agad na ipinikit ni Mika ang mga mata atsaka siya bahagyang sumandal sa upuan. "Ibaba mo na lang ang upuan para komportable ka," narinig niyang sabi ni Cedric kaya agad-agad niyang ibinaba ang upuan para mas makahiga siya nang maayos. Mahimbing na ang tulog ni Mika nang itigil ni Cedric ang sasakyan. Habang kinakalasang seatbelt, napasulyap si Cedric kay Mika na noo’y nakanganga pa habang naghihilik. Napailing na lang ang binata. Bago tuluyang bumaba, bahagyang ibinaba ni Cedric ang bintana sa gawing likuran ng kotse. Pagkatapos ay muli niyang sinulyapan ang dalaga. “Saan kaya nanggaling ang isang ‘to at mukhang puyat na puyat,” bulong niya bago niya ito iniwan. "Hello, Lo, kumusta po? May balita na po ba kayo kay Nikki?" agad na bungad ni Cedric sa matandang lalaki na agad sumalubong sa kanya. Nababakas sa mukha nito ang lungkot nang yumakap ito sa kanya. "Wala pa rin kaming balita hanggang ngayon. Maging ang mga kaibigan niya walang idea kung nasaan siya,” anito. Inaya siya ng matanda sa sala at doon sila nagkwentuhan habang nagkakape. "Nalulungkot ako na hindi ko man lang natupad ang naipangako ko sa lolo mo bago siya namatay. Hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ng 'to,” malamlam ang mga matang sabi ng matanda. "Huwag niyo na pong intindihin 'yon. Baka ganun po talaga. Hindi po siguro kami ang itinadhana sa isa't isa. Hindi ko po kayo sinisisi sa kung ano'ng nangyari. May sariling isip na po ang apo niyo. Baka po may iba na siyang gusto. Hayaan na lang po natin siya." Napailing ang matanda. "Kayo ang bagay na dalawa. Kaya nalulungkot din ako para sa’yo. Alam ko namang noon pa man may pagtatangi ka na sa apo ko. At hindi iyon lingid sa kaalaman ng lolo mo. Kaya nga kami nagksundong dalawa.” Bahagyang tinapik ni Cedric ang balikat ng matanda. “Huwag niyo na po akong alalahanin. Magiging ayos din po ko," nakangiting sabi niya. "Salamat, Hijo. Napakabuti mo," anang matanda. Ngumiti lang si Cedric bilang tugon. Matapos ang kalahating oras na pag-uusap, nagpaalam na rin si Cedric. "Hindi na po ako magtatagal, Lo. May kailangan pa po kasi akong ayusin sa bahay. Dumaan lang po ako para kumustahin kayo,” ani Cedric habang papatayo. Bahagyang tumango ang matanda."Babalitaan ka na lang namin kapag may balita na kami kay Nikki," anito. "Sige po. Mauna na po ako.” Yumakap muna siya sa matanda bago siya tuluyang umalis. “Mag-iingat ka. Ikumusta mo na lang ako sa mama mo,” anito. Nilingon niya lang ito atsaka siya ngumiti. Nagising si Mika sa mahihinang pagtapik sa balikat niya. Nag-iinat-inat pa ito nang tumingin sa binata. “Nandito na tayo. Tumayo ka na riyan?” ani Cedric habang nagkakalas na ng seatbelt. Agad namang napaigtad si Mika at napatanaw sa labas. “Hala! Madilim na pala,” sambit niya. “Sumunod ka na sa akin sa loob,” ani Cedric bago ito bumaba ng sasakyan. Mabilis na kumilos si Mika. Ibinalik niya sa dati ang upuan atsaka niya inayos ang sarili. Pagkatapos ay sumunod ay bumaba na siya ng sasakyan at sumunod kay Cedric. Ilang segundo nang nakatayo sa harapan ng pintuan ng kwarto si Mika pero hindi niya pa rin makuhang ihakbang ang mga paa papasok. Nagulat pa siya nang biglang sumigaw si Cedric mula sa loob. "Mika, ano pa'ng ginagawa mo riyan?!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.1K
bc

His Obsession

read
74.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook