-PROLOGUE-

257 Words
  -PROLOGUE- Naglalakad sa gitna ng gubat ang isang babae. Ang lakad niya ay bumibilis at kung minsan ay nagiging takbo na. May tatlong anino siyang nakikitang nakasunod sa kanya kaya naman dali-daling tumakbo siya papasok ng kagubatan na agad niyang pinagsisihan. Mas bumilis pa lalo ang pag habol sa kanya ng tatlong anino na tila naglalakad sa patag. Sanay sila sa gubat kaya madaling nahabol nila ang babae.  Nang wala nang matakbuhan humarap ang babae sa tatlong kalalakihan na kanyang naaninag sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan.  Napaupo nalamang ang babae dahil sa patuloy na pag atras nito ay hindi niya napansin ang malalaking ugat ng puno na naroon. Umiiyak na nagmakaawa siya sa mga ito. Nababakas ang takot sa mukha lalo pa at nakita niya ang mga mata ng isa sa mga lalaki. Nanlilisik. Peligroso. Hindi niya mapaliwanag pero mata ito ng isang hayop na handang manakit sa kanya ano mang oras. Nang hihina man ay alam niya ang nagaganap sa kanyang paligid. Bago pa makalapit ng tuluyan ang mga lalaki nakarinig siya ng malakas na alulong at sa isang iglap naglaho ang mga lalaking kanina lamang ay nasa harapan niya. May nakita siyang anino ng isang hayop na nag-anyong tao. HIndi niya malaman kung guni-guni lang niya o talagang nangyari iyon sa mismong hanap niya.  Lumapit ito sa kanya at may ibunulong.  Malaon ng nakalis ang lalaki ngunit hindi parin siya gumagalaw. Hindi siya nagkamali sa nakita. Mas lalong hindi siya namamalik-mata ang lalaking tumulong sa kanya ay hindi tao, kundi hayop.  Wolf. 'Ikaw ang itinakda ng buwan para magluwal ng anak ko.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD