bc

My Cold Hearted Boss

book_age16+
28.4K
FOLLOW
102.5K
READ
arrogant
manipulative
aloof
boss
sweet
bxg
lighthearted
realistic earth
enimies to lovers
friendship
like
intro-logo
Blurb

Meet Alex, ang simple at magandang dalaga na lumaki sa bahay-ampunan. Palaban at mahilig mangatwiran lalo't alam niyang tama siya. Kaya naman lagi silang nagbabanggaan ng boss niyang si Mark,ang CEO ng Lee Ad Agency.

Gwapo si Mark, matangkad, maputi at katatamtaman ang pangangatawan. Ideal boyfriend ika nga ng iba. Huwag na nga lang pag-usapan ang magaspang niyang ugali. Normal na yata sa kanya ang mga maanghang na linyahan kapag galit. Mainitin kasi ang ulo nito na dala raw ng pagiging bitter nito sa love. Sa edad kasi nitong bente-otso, never pa itong nagka-girlfriend.

chap-preview
Free preview
Meet The Dragon Boss
Baon ang lakas ng loob at pangaral ng mga kinagisnan niyang magulang sa shelter tumulak si Alex pa- Maynila para maghanap ng trabaho. Pero hindi naging madali ang pakikipagsapalaran para sa kanya. Halos maubos na ang pabaong pera sa kanya pero hindi pa rin siya natatawagan sa trabaho. Mabuti na lang at umiral ang pagiging madiskarte niya na natutunan niya rin mismo sa shelter. Sa ibaba ng apartment na inuupahan niya nagtinda siya ng merienda para kahit papaano ay umikot ang natitira niyang pera. Swerte namang nag-click ang munting negosyo niya at naitawid siya nito hanggang sa matanggap na siya sa Ad Agency na in-aplyan niya. Sa unang araw palang niya sa trabaho tila hindi na nakisama sa kanya ang pagkakataon, bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan at nagkakabuhol-buhol ang sasakyan sa kalsada. Panay ang sulyap niya sa suot niyang relo.Ilang minuto na lang at malele-late na siya kaya ganoon na lang ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi siya mapakali sa pagkakaupo. Panay ang silip niya sa kalsada kasabay ng taimtim na panalangin na umusad na sana ang mga sasakyan. "Mukhang matagal pa po 'to, Ma'am," sabi ng driver nang mapansin siya. "Wala na po ba tayong pwedeng lusutan, Kuya? Magdadagdag na lang po ako ng bayad," tanong niya. "Naku, pasensiya na po Ma'am. Hindi na po tayo makakaliko, naipit na po tayo," napapakamot pa sa batok na sabi ng driver. Muling sumulyap si Alex sa relos niyang suot, halos tatlong minuto na siyang late sa trabaho. Lalong kumabog ang dibdib niya, naalala niya kasi, ang kwento ng bago niyang kaibigang si Sally, na siya rin mismong nag-train sa kanya, na terror daw ang magiging boss niya. Muli siyang tumingin sa labas, unti-unti nang tumitila ang ulan. Mariin siyang napapakit atsaka niya sinabing, "Bahala na," aniya na dali-daling nagbayad atsaka bumaba ng taxi. Lakad-takbo ang ginawa niya para lang makahabol sa trabaho at makalipas lang ang sampung minuto narating na niya ang building. Bahagya pang napakunot ang noo niya nang mapagtanto na malapit na lang pala sa opisina niya ang lugar kung saan siya inabutan ng traffic. Kung nilakad niya lang sana iyon nang mas maaga malamang na mas maaga pa siyang nakarating. Pero dahil nga hindi pa siya masyadong sanay sa pasikot-sikot sa Maynila, hindi niya agad 'yon napansin. Nang makapasok siya sa elevator, lumakas ang pa kabog ng diddib niya. Hindi siya mapakali. Pakiramdam niya kasi habang papalapit siya nang papalapit may kung anong dumadagan sa dibdib niya at mas lalo pang nadagdagan ang kabog nito. Hindi niya alam kung paano kakalmahin ang sarili, nanlalamig na kasi ang mga kamay niya at halos himatayin na siya sa kaba. Sakto namang nane-nermon na ang Boss na si Mark, nang dumating siya. Umaalingawgaw na ang boses nito sa buong opisina habang napapalibutan ng empleyado na kapwa nanga-katungo ang mga ulo sa sahig. "Sa tagal n'yo na sa trabahong 'to, hanggang ngayon ba naman hindi niyo pa magawa ng tama ang trabaho niyo?! Araw-araw na lang ba ganito tayo?!" galit at tila umuusok ang ilong na sabi ng boss. "Grabe, ang aga namang sabunanan niyan," bulong niya habang pasimpleng humahalo sa mga kasamahan. Lumingon sa kanya ang ilang kasamahan atsaka siya pinanlakihan ng mga mata na tila nagsasabing manahimik siya. Napabaling ang tingin sa kanya ni Mark, dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kanya. Tensiyunado ang lahat habang unti-unting humahawi para mabigyang daan ang amo. "At ikaw, Miss? Bago ka lang hindi ba? Unang araw mo palang late ka na agad?" halos magsalubong na ang kilay na sabi nito. "Good morning po, Boss.Sorry po, na-traffic ako," lakas loob na sagot niya. Sa narinig lalong dumilim ang mukha ni Mark. Muling naglingunan sa kanya ang mga kasamahan niya na na tila nagbabanta. "Traffic?! Hindi ka ba na-inform na iyan ang pinaka ayaw kong idinadahilan sa akin kapag nalele-late?!" "Huwag naman po kayong magalit, Sir. Hindi ko naman po sinasadyang ma-late. Hindi ko naman po kasalanan kung nagkabuhol-buhol ang sasakyan sa kalsada dahil sa malakas na ulan." nakayukong katwiran niya. Kahit na noong nasa bahay ampunan pa siya ugali na talaga niyang mangatwiran lalo't alam niyang wala siyang kasalanan. Pero tahimik naman siya kapag alam niyang kasalanan niya. Lalo pang namula ang mukha ni Mark sa galit. "Sana kasi, mas inagahan mo pa ang gising mo para hindi ka nale-late!" "Kung alam ko nga lang po na uulan, Sir, 'di sana po inagahan ko pa," hirit pa niya. Nagdilim ang mukha ni Mark. "At sasagot ka pa talaga?!" Tila natauhan naman si Alex at biglang nanahimik. Boss nga pala ang kausap niya at hindi siya dapat sumasagot ng ganoon. Minsan kasi talagang walang preno ang bibig niya kaya kung anu-anong nasasabi niya. Hindi inaalis ni Mark ang pagkakatingin sa kanya. Tingin na nagbabanda na parang sinasabing, "Humanda ka." "Everybody go back to work!" sigaw nito bago ito tuluyang naglakad pabalik sa opisina. Isa-isa na ring nangagsipagbalikan sa kanya-kanyang pwesto ang mga empleyado. Pero hindi si Alex na tila napako sa kinatatayuan niya. 'Wow, tapang ah," kantyaw ni Albert na noo'y lumapit pa sa kanya. Napangiti naman ang dalaga. "Kakaiba ka girl, ikaw lang ang naglakas- loob na sagutin si Boss ng ganun. Wala pang nakakagawa n'yan dito alam mo ba 'yun?" nanlalaki pa ang mga matang sabi ng matabang si Sally. "Totoo naman kasi 'yung sinabi ko. Bakit hindi kayo sumasagot kung alam niyo namang tama kayo?" "Dahil ayaw naming mawalan ng trabaho. Kaya kung ako sa'yo, huwag kang masyadong palaban lalo na kay Boss Mark, baka ma-tsugi agad ang career mo, girl," natatawang sabi ni Sally. Samantala sa opisina ay napapaisip naman si Mark. "Kakaiba ang isang 'yun ah. Ang lakas ng loob ng sumagot. Sino ba siya sa akala niya." Si Mark ang tipo ng boss na hindi basta-basta yumuyuko sa isang empleyado. Bihira nitong binibitiwan ang salitang sorry. Katwiran niya siya ang boss, kaya siya dapat ang laging tama. Kaya naman hindi niya mapapalampas ang ginawang iyon ni Alex. "Hala, lagot ka," nangingiting sabi ni Sally nang madaanan niya habang papunta siya sa opisina ni Mark. Lalo namang kinabahan si Alex. "Huwag naman sana akong sipain agad sa trabaho ni Boss. Grabe Lord, First day of work ko pa lang po ito. Extend niyo naman po ako kahit isang linggo," Humugot muna siya ng malalim na hininga bago siya tuluyang pumasok sa loob ng opisina kung saan naghihintay ang boss na si Mark. Nakataas pa ang dalawang paa nito sa mesa nang abutan niya na tila nagsasabing ako ang hari dito. "May idea ka na siguro kung bakit kita pinatawag?" bungad nito. Hindi nakaimik si Alex na noo'y nakatungo lang ang ulo sa sahig.Tumayo si Mark at nagpalakad-lakad sa harapan niya. "Oh, ba't parang nabahag yata ang buntot mo? Na-timbrehan ka na ba ng mga kasamahan mo?" tila nang-aasar pa ang aroganteng amo. "Sorry po, Sir," hindi tumitinging sagot niya. "Ang lakas ng loob mong sagut-sagutin ako. Kilala mo ba kung sino ako ha?" Lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Kahit 'di niya kasi, nakikita ang mukha ng boss nasisiguro niyang nagmumukha na itong dragon sa galit at ano mang oras ay magbubuga na ito ng apoy. "Ulitin mo pa at nasisiguro ko sa'yong hindi kita panghihinayangan. Ang daming mga taong gustong pumasok dito, 'di hamak na mas magagaling pa sila kaysa sa'yo. Baguhan ka lang at wala pang alam, kaya huwag mo kong pagmalakihan." madilim ang mukhang sabi nito. Hindi nakaimik si Alex na noo'y nangingilid na ang luha sa sakit ng mga salitang binibitiwan ni Mark. "Makakaalis ka na," narinig niyang sabi nito. Tatalikod na sana s'ya nang muli siyang tawagin ni Mark. "Bring all these files on your table. Kailangan ko ang mga 'yan bukas ng umaga." Nagulat siya nang makita ang mataas na patong ng folder na buhat-buhat nito. "May mga corrections akong inilagay sa mga dapat mong ayusin." Halos mabuwal pa siya nang ipasa nito sa kanya ang buhat nitong files. Gusto niya sanang magreklamo sa tila agarang parusa ni Mark pero mas pinili na lang niyang manahimik sa takot na baka muli siyang pag-initan nito. Nakatanaw ang lahat sa kanya sa paglabas niya ng opisina, buhat ang mataas na folder ng files. Ang iba'y napailing na lang. Pero hindi ang tsismosang si Tesie na nangingiti pa habang nakatingin sa kanya. "Yan kasi, sagot pa more," nakangising sabi nito. Agad namang tumayo si Albert at kinuha ang buhat niyang mga folder. "Welcome, Alex," natatawang sabi nito.Sumunod na rin si Sally na lumapit sa kanya. "Bigyan kitang one month, girl?" nangingiting tanong nito. Pero sa halip na maasar,hindi siya nagpa-apekto at nangingiti pang nginusuan niya lang ang mga ito

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook