Promotion Agad?

1578 Words
Nakasimangot na lumabas ng opisina si Alex."Oh, ba't ganyan ang mukha mo? Ginisa ka bang maigi ni Boss?" interesadong tanong ng kaibigang si Albert. "Hay, hindi lang ginisa, tinusta niya pa ako. Walang hanggang parusa yata 'to. Pinapapasok niya pa ako nang 6:00 a.m. bukas," napapailing pang sabi niya. "Ang aga naman nun, 8:00 a.m. pa ang office hours ah?" sabi ni Albert na noo'y nakadukwang sa cubicle niya. "Kaya nga," nakasimangot na sagot niya. "Hay, naku, umuwi na nga tayo at baka pag tripan ka na naman ni Boss," sabi ni Sally na siya na mismong umabot ng bag niyang nakapatong sa likuran ng upuan atsaka siya hinila palabas. "Ganun ba talaga 'yung boss n'yo na 'yun? Hindi man lang marunong mag-appreciate ng mga bagay-bagay?" tanong niya kay Sally habang nag-aabang sila ng sasakyan. "Hay, ganun yata talaga kapag walang jowa, mainitin ang ulo. Balita ko bitter 'yun sa love eh. Kaya walang appeal sa kanya kahit pa anong ganda mo. Saka tingnan mo, iba siyang magalit. Parang aburidong hindi mo maintindihan. Daig pa ang dragon kung magbuga ng apoy." natatawang kwento ni Sally. "Bakit naman siya bitter? May bad experience ba siya? Iniwan ba siya ng jowa niya?" "Maagang  kasing naghiwalay ang parents niya. May iba kasing gusto ang lolo niya para sa papa niya kaya iyon pinaghiwalay sila. Hindi siya tanggap noon ng lolo niya kaya ganun na lang pagsisikap niyang itaguyod ang Ad Agency para may mapatunayan siya sa lolo niya. Panay kasi ang banta ng lolo niya noon  na kapag bumagsak daw ang kompanya, babawiin ito sa kanya. Natigil lang ang pagpe-pressure sa kanya nang mamatay ang lolo niya two years ago. Iyon din ang dahilan kung bakit wala siyang girlfriend. Ayaw daw kasing  matulad sa parents niya." "Ano naman kinalaman nun sa pagiging galit niya sa mundo?' "Wala kasing inspirasyon kaya ganun. At isa pa, parang wala din naman siyang pamilya. May sariling mundo ang mama niya, bihira lang din'yung bumisita dito. Mabait naman si Sir Mark, masasanay ka rin 'dun. Malay mo baka ikaw lang 'yung makapagpabago  sa kanya, " nangingiti pang sabi ni Sally. "Asa ka pa," naiiling na sabi niya. Bahagya siyang siniko ni Sally."Hmp, mamaya n'yan baka kayong dalawa pa ang magkatuluyan." "Hindi, siguro."  "Weh...talaga? Hindi ba nga nagka-crush ka agad sa kanya noong unang kita mo palang sa poster niya?nangingiting paalala ni Sally. "Mukha niya lang naman ang nagustuhan ko, hindi siya," mariing sabi niya. "Ke mukha o siya, iisang tao lang  din 'yon. Galit ka lang kaya nasasabi mo 'yan ngayon. In fairness bagay kayo ha," muling hirit ni Sally. Napakunot ang niya."Tumigil ka nga diyan," aniya na bahagya pang itinulak ang kaibigan. Pagdating sa apartment, pabagsak na inihiga niya ang katawan sa kama. Pagod na pagod ang katawan niya sa maghapong pagtutok sa computer. Pakiramdam niya may kung anong nakadagan sa balikat niya." Grabe, first day of work ko palang pressure na, paano pa kaya ang mga susunod na araw, kayanin ko pa kaya?" tila pinanghihinaan na nang loob na sabi niya habang nakatitig sa kisame. "Wag naman sanang mag-failed ang first work ko. Please Lord, help me." Madaling araw palang gising na si Alex para makaabot sa 6:00 a.m. na call time niya. Hindi nya alam kung ano na naman ang bagong pagsubok niyang haharapin sa antipatiko niyang boss pero naihanda na niya ang sarili sa kung anumang ipagagawa nito. Saktong mag-aalas-sais nang marating niya ang opisina. Bahagya pa siyang nagulat nang maabutang nakaparada na sa parking area ang sasakyang ni Mark. "Grabe, ang aga niya naman palang pumasok," Nagmamadaling umakyat siya ng opisina. At naabutan pa niya itong katatapos lang magtimpla ng sariling kape. Nang makita siya ay bahagya itong sumilip sa relos. "Good morning, Boss," magalang na bati niya rito. "Mabuti naman at hindi ka na-traffic," seryoso ang mukhang sabi nito. Gaya ng inaasaahan niya, kabubungad niya palang nagsusungit na agad ang boss niyang si Mark. "Magkape ka muna maya maya pa tayo aalis." "Aalis?" kunot ang noong tanong niya. Tila nahulaan naman ni Mark ang iniisip niya."Starting today, ikaw na ang papalit kay Lisa. Ikaw na ang magiging Assistant ko. Be ready at 7:00 a.m. May imi-meet tayong client sa labas,"  seryosong sabi nito. Napapanganga na lang si Alex. "Promoted ba ko or demoted?" Mas pinili niyang isipin ang una. "Na-impress siguro ang mokong nang mabilis kong natapos ang trabaho ko na pulidong pulido," buong pagmamalaki pang sabi niya sa sarili. "Wow, second day of work promoted agad," natatawa na lang siya sa naiisip. "Hey, Alex are you ready?" narinig niya ang boses ni Mark mula sa likuran n'ya. "Boss 6:30 palang po ah. Akala ko po ba 7:00 a.m. pa?" reklamo niya dahil  hindi niya pa halos napapangalahati ang kapeng itinimpla. "Naisip ko baka ma-traffic pa tayo mamaya kaya ngayon na tayo umalis," sabi nito na nagpatiuna nang maglakad palabas. Dali-dali niyang hinigop ang mainit na kape para lang kahit papano ay mainitan ang sikmura niya atsaka siya humabol kay Mark. "Halika na, sumakay ka na,"sabi nito nang mapansing hindi siya tumitinag sa pagkakatayo mula sa labas ng kotse. Mabilis na sumakay si Alex sa gawing likurang upuan ng kotse pero sinita siya ni Mark dahil magmumukha raw itong driver kapag sa gawing likuran siya sumakay kaya naman agad siyang pinalipat nito sa katabi nitong upuan sa harapan. "Alex, next time magsuot ka naman ng presentableng damit kapag haharap ka sa client natin," sabi nito nang mapansin na kaswal na kaswal ang damit niyang suot. "Pasensiya na po, Boss, hindi ko po kasi alam na sa labas pala tayo ngayon magtatrabaho," nahihiyang sabi niya. "So, anong point mo kung sa loob o sa labas tayo magtatrabaho? Kailangan ba sa labas lang maging presentable ang isang empleyado?"nakataas pa ang noong tanong nito. Hindi nakaimik ang dalaga. May point din naman kasi ito. "Sa sinasabi mong 'yan para tuloy gusto ko nang magkaroon ng dress code sa opisina para naman mag abala kayo sa mga susuotin niyo araw-araw," dugtong pa nito. Hindi na siya kumibo dahil baka totohanin pa nito ang banta sa pagkakaroon ng dress code, magkakaproblema pa siya pag nagkataon. Wala na kasi siyang extra budget para bumili pa ng mga bagong damit pang opisina. Ang mamahal kasi ng mga ganoon. Makalipas ang isang oras narating nila ang restaurant kung saan nila ime-meet ang kliyenteng sinasabi ni Mark. Nakaramdam nang panliliit ang dalaga nang maglakad na sila papasok sa magarang restaurant na 'yon. "Good morning, Sir? This way po," magiliw na bungad sa kanila ng waiter na hinatid pa sila sa mesang ipina-reserve ni Mark. Doon niya lang na-realize ang ibig sabihin ni Mark. Naging concern lang pala ito sa kanya kahit papaano. Wala pa ang kliyente nang dumating sila kaya mas lalo pa siyang naasiwa sa suot niya. "See? I told you. Next time  kapag may meeting tayo with the client ayusin mo naman ang suot mo," pasimpleng sermon nito sa kanya. "Next time po kasi, Sir, sabihan niyo naman po ako para makapanghiram ako ng maisusuot ko," pilit ang ngiting sagot niya. Napakunot ang noo ng binata."Hiram?" Namula ang mga pisngi niya sa sobrang hiya pero kailangan niyang maging honest para hindi na nito ituloy ang sinasabing dress code. "Wala po kasi akong perang pambili ng mga damit ,Sir. Kalalabas ko lang po kasi ng shelter. Solo lang po ako sa buhay. Wala po akong magulang na matatakbuhin gaya ng iba," kwento niya. Napakunot ang noo ni Mark at tila naging interesado sa buhay niya."Nasaan ang parents mo?" Mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. "Hindi ko na po sila nakilala, sanggol palang po ako nang iniwan ako sa labas ng gate ng isang shelter," malamlam ang mga matang kwento niya. Napaawang ang mga labi ng binata. "I can't believe na may ganoon pala talagang nangyayari sa totoong buhay," sabi nito na halatang tinamaan sa kwento niya. Ilang saglit pa at dumating na rin ang kausap ni Mark kaya natigil ang kwentuhan nila. Habang nag-uusap si Mark at ang kliyente, hindi maiwasang sumabat ng dalaga lalo't may bigla siyang naisip na idea tungkol sa commercial Ad na pinag-uusapan ng mga ito. Bagay na hindi nagustuhan ni Mark kaya naman katakot- takot na naman na sermon ang inabot niya habang papauwi sila. "Alex, hindi ba malinaw sa'yo kung ano ang position mo? Isinama kita para mag take down notes sa mapapagkasunduan namin, hindi para maki-sawsaw ka sa usapan namin," sabi nito habang ang mga mata ay nakatutok sa kalsada. "Sorry po, Sir," nakayukong sagot niya. "Puro ka na lang sorry. May magagawa pa ba 'yang sorry mo na 'yan kung dahil sa sinabi mo ay mare-reject ang proposal ko kay Mr. Tan?" galit at buo ang boses na singhal nito sa kanya. "Alam mo, okay sana na marami kang ideya eh, pero hindi naman iyon ang trabaho mo at dapat inaaalam mo kung ano ang mga dapat at hindi mo dapat gawin," dugtong pa nito. "Pero,Sir, hindi pa naman po nangyayari ang iniisip niyo. Bakit nagagalit na agad kayo sa akin? Hindi po ba pupwedeng kapag nangyari na lang 'yon doon niyo na lang po ako pagalitan?" reklamo niya. Napakunot ang noo ni Mark at napalingon sa kanya. Hindi tuloy nito napapansin ang pagbabago ng traffic light at bigla itong napa apak sa preno. Dahil nakaligtaang magsuot ng seatbelt nauntog si Alex. Pero hindi man lang niya narinig na nag-sorry si Mark. "Hay, Ang sama talaga ng ugali ng mokong na'to hindi man lang nag-sorry." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD