Kotang-kota Na Si Alex

1480 Words
Lunch break na pero hindi pa rin nakaka-kalahati si Alex sa pinagagawa sa kanya ni Mark. "Uy, girl, tama na muna 'yan. Kain na muna tayo," sabi ni Sally na inabot na ang isang kamay niya atsaka siya hinila papunta sa canteen. "Mahaba lagi ang pila kaya dapat mabilis ka sa pilahan. Hindi pwede rito 'yung babagal-bagal kung ayaw mong magutuman," kwento nito habang naglalakad. "Okay lang. Wala naman akong ganang mag-lunch ngayon," matamlay na sagot niya. "Hmp...ano ka ba? Huwag mong sineseryoso 'yang si Sir Mark. Ganun lang talaga 'yun pero mabait din naman 'yun minsan. Istrikto lang talaga siya pagdating sa trabaho. May pagka-perfectionist kasi gaya ng lolo niya. "Hmp, ngayon pinagtatanggol mo pa 'yung, Boss mo," aniya habang kumukuha ng kutsara't tinidor, kasalukyan na kasi sila noong kumukuha ng pagkain sa counter. Natawa naman si Sally at tila nanadyang hinamon pa siya. "Ano resign ka na?" "Hindi, noh. Hindi ako matitinag sa mokong na'yun. Ipapakita ko sa kanya na hindi  mayapa't baguhan wala ng alam," sabi niya na noo'y naupo na at sumabak sa pagkain. Halos mabulunan pa siya sa sunod-sunod niyang pagsubo na parang isang linggong hindi kumain. "Oh, hinay-hinay lang," nangingiting sabi ni Sally na tinapik tapik  pa ang gawing likuran niya. Matapos ang lunch break ay mabilis na bumalik sa pwesto si Alex para ipagpatuloy ang naiwang trabaho. Napabuntong hininga pa siya nang makita ang ga-bundok ng files na nasa mesa niya. "Go, Alexandra, kaya mo 'yan. Hindi ka dapat sumuko," kompiyansang sabi niya sa sarili. Para siyang sirang tinikom pa ang dalawang kamay at sumigaw. "Kaya mo 'yan, girl!" Pagkatapos noon ay gumaan nang bahagya ang bigat na nararamdaman niya kaya masiglang sinimulan niya ang trabaho. Pakanta-kanta pa siya habang mabilis na nagta-type sa computer. Pero sadya yatang pinag-iinitan siya ni Mark dahil bigla na lang itong sumulpot sa gawing likuran niya. "Alexandra, hindi videoke bar ang company ko," sabi nito. Mariing napapikit ang dalaga na tila kinakalma ang sarili bago ito  humarap kay Mark. "Sorry po, Sir," sabi niya kasabay ng pilit niyang ngiti. "Unahin mo'to," sabi nito sabay bagsak ng asul na folder sa mesa niya. "Kailangan ko 'yan ngayon."  Napangiwi na lang si Alex nang makaalis ang binata.Talaga yatang nananadya na ito dahil hindi pa man natatapos ang ga-bundok na files na ibinigay sa kanya may mga ipinapasingit pa itong trabaho. Pasimpleng pinagulong ni Sally ang upuan papalapit sa kanya. "Grabe, first day mo palang kotang-kota ka na, girl," bulong nito atsaka muling pinagulong pabalik ang upuan. Alanganin namang nginitian niya ito. "Wag kang iiyak Alex...Kaya mo 'yan...Deadma ka lang," pilit niyang kinakalma ang sarili. Ipinikit niya nalang nang mariin ang mga mata nang maiwaksi ang sama ng loob na nararamdaman, pero hindi niya pa rin napigilan at naibulalas niya rin ito. "Grabe, 'yang boss niyo ha? Adik ba 'yon?!" napalakas pa ang boses na tanong niya. Parang iisang taong sabay-sabay  sumenyas sa kanya ang mga kasamahan na huwag siyang maingay. Napalingon naman agad sa opisina ni Mark sina Albert at Sally na noo'y nag-aalala para sa kaibigan. Nang 'di makatiis ay nilapitan siya ulit ni Sally. "Kung gusto mong ilabas 'yan, 'dun ka sa roof top. Free 'yun para sa lahat ng gustong murahin si Boss," natatawang sabi nito. "Isa ka pa d'yan," aniya na inirapan ang kaibigan. Nangingiti  namang kinabig siya nito at niyakap. "Kaya mo 'yan," sabi nito na hinimas-himas pa ang likuran niya. Si Alex ang isa sa pinakamagaling sa computer sa batch nila. Siya pa nga ang nag-first place noon sa Fastest Finger competition sa school. Halos kusa na kasing gumagalaw ang mga daliri niya kapag nakapatong na sa keyboard. Parang may mga mata ang mga ito na kahit pa nakapikit siya ay alam na  kung saan nanga-kapwesto ang mga letra, kaya kung tutuusin ay sobrang dali sa kanya ng ipinagagawa ni Mark. Kaya naman nang magsimula na siyang magseryoso halos mangalahati na ang trabaho niya sa loob lang ng ilang oras. Sa tuwing nakakaramdam siya ng pangangalay, panandalian siyang tumatayo at nag-iinat-inat. Pero agad din naman siyang napapaupo pag tinitingnan siya nang masama ni Mark. Halos natatanaw kasi nito ang lahat, kapag hindi nakababa ang blinds sa opisina nitong may salaming dingding. Malakas ang kutob niya na sinadya nitong itaas ang blinds para mabantayan ang mga ginagawa niya. Mag-aalas-kwatro palang nang mahawakan niya ang  pinakahuling folder. "Hmp! Kala mo 'di ko matatapos ha," nangingiti pang sabi niya sabay tanaw kay Mark na noo'y abala na sa computer. "Alex, okay ka lang?" tanong ng naparaang si Albert. "Yeah," nakangiting sagot niya. "Kaya pa?" anito na dumukwang pa sa kanya. "Of course," masayang sagot niya. "Iba ka talaga," natatawang nakipag-appear pa ito sa kanya. Natanaw naman ni Sally na nagtatawanang ang dalawa kaya agad itong lumapit sa kanila. "Hoy, ano meron ha?" sabi pa nito habang papalapit sa kanila. "Husay ng bata natin, oh. Isang folder na lang tapos na siya," nangingiti pang sabi ni Albert. "Owws...talaga? Husay ah," nakataas ang  kilay na pinagmasdan pa siya ni Sally mula ulo hanggang paa. "Iba ka, girl,"nangingiting sabi pa nito. Natawa na lang din siya sa biro ng mga kaibigan. Kahit papaano napapagaan ng mga ito ang pakiramdam niya. "Sige na, tatapusin ko na 'to baka makita na naman ako ng dragon," sabi niya na muling tumanaw kay Mark. Pagkatapos  niyang  mag-revise agad na niyang binuksan ang printer para sa hard copy. At nang matapos na  ang lahat masiglang binuhat niya ang ang  files at naglakad papunta sa opisina ni Mark. Napapangiti pa siya habang naglalakad na tila hindi man lang nahirapan sa ginawa. Nang marating niya ang pintuan bigla siyang kinabahan kaya makailang ulit pa siyang nagbuga ng hangin bago siya marahang kumatok. "Come in," narinig niyang sabi nito mula sa loob. "Sir, heto na po 'yung mga files na pinapa-revise niyo sa'kin," bungad niya nang makapasok. "Natapos mo na ba ang lahat?" sabi nito na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. "Yes, Sir."  "Ok sige, Ibaba mo na lang sa table." Napanganga na lang sa inis si Alex. "Grabe, wala man lang thank you o 'di  kaya'y good job! " sa loob-loob niya. Nang mapansin ni Mark na hindi pa siya umaalis, doon na ito nagtaas ng ulo. "Yes? May kailangan ka pa, Alex?" "Ah...sabi ko po, Sir, tapos ko na po ang lahat," sabi niya na sadya pang binigyang diin ang mga salita para mas maunawaan ni Mark ang ibig niyang ipahiwatig. "Ou nga, narinig ko ngang sabi mo. May iba ka pa bang concern?" kunot ang noong tanong nito. "Grabe, iyon lang talaga 'yon? Ano? normal lang ba talaga na natatapos ng empleyado ang ganoong kataas na files sa isang araw na trabaho? Lahat ba gifted na tulad ko? Hindi kaya." Napakunot ang noo ni Mark nang mapansing natutulala na siya. "What?" "W-Wala po, Boss."nauutal niyang sagot. "You can go," maikling sabi nito na ibinaling na ang atensiyon sa ginagawa. "Grabe, talaga.Wala man lang kahit kaunting papuri," pabulong na sabi niya na 'di nakaligtas sa matalas na tenga ni Mark. "Ano ka mo 'yon,  Alex, papuri? Kunot ang noong tanong nito habang tumatayo. Umikot ito at naupo sa gilid ng mesa at matamang tumingin sa kanya. "You're expecting me to compliment you with just a simple job? Ano bang nakaka-amazed dun?" napapailing pang sabi nito. "Hindi ka lang pala mareklamo, demanding ka pa."  Napayuko na lang si Alex. "Grabe naman siyang makapagsalita." Napahalukipkip si Mark. "Since nagde-demand ka ng compliment, bibigyan kita ng chance. Be here at 6:00 a.m. tomorrow," seryoso ang mukhang sabi nito. Bigla siyang natigilan sa narinig."6:00 a.m. po, Sir? kunot ang noong tanong niya. "Yap,"nakangising sagot nito nanilakihan pa siya ng mga mata. "Seryoso, Sir?" muling tanong niya. Napa kunot ang noo ni Mark. "Hindi ka ba marunong umintindi o ugali mo lang talaga na makipagtalo?" Napakuyom ang mga kamay ng dalaga.Gusto niyang magprotesta sa hindi na tamang trato sa kanya ni Mark pero ano nga bang laban niya sa isang Boss, na sa  isang kumpas lang ng kamay maari na siyang masibak at mawalan ng trabaho. "6:00 a.m. talaga," bulong niya pa habang papalabas ng opisina. Hindi siya makapaniwala na kailangan niyang bumangon ng madaling araw para lang makapasok ng ganoong kaaga. Nang makalabas ang dalaga, agad na  sinilip ni Mark ang mga ni-revise nito. Napatango-tango pa siya habang isa-isang chine-check ang mga files. Maayos at pulido ang trabaho nito."In fairness magaling siya," nangingiting sabi niya. Kaya naman pala ganoon na lang ang pakikipagtalastasan nito sa kanya may ibubuga naman pala talaga.Kung tutuusin hindi inaasahan ni Mark na matatapos niya ang lahat ng iyon sa isang araw. Para sa isang baguhan kasi na katulad niya, maswerte nang makaapat na folder siya. Bigla tuloy siyang nagkainterest silipin ang mga credentials nito. Binatak niya ang drawer at muli niyang pinasadahan ang record ni Alex. "Kaya naman pala madaldal, masyadong maraming alam," nangingiting sabi niya habang nakatitig sa files.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD