bc

Mr. Aeolus

book_age16+
8.2K
FOLLOW
32.4K
READ
billionaire
love-triangle
friends to lovers
playboy
badboy
dare to love and hate
drama
tragedy
comedy
chubby
like
intro-logo
Blurb

He's handsome but She's fat.

He's rich but She's a maid.

He's gentleman but She's liberated.

Sa unang pagtatagpo palang nila ay di na naiwasan ang bangayan at minsan may kasama pang sakitan. Hindi naman sila aso't pusa sadyang maloko lang ang isa.

Magaling siya sa mabulaklaking salita at minsan sa nakakagulat na hokage moves niya. Hindi mahirap sa kanya ang magpa-ibig ng babae lalo na pag natipuhan niya. Pero kay Lottie hindi siya uubra.

Maria Lolita Y Perez kilala sa tawag na lottie. Isinuko ang magandang career kapalit ang pagiging katulong dahil sa mataas na sweldo. She's in a relationship and soon to be engaged. Paano magbabago at gugulo ang buhay niya sa isang offer na hindi niya aakalain na uubos ng kanyang pasensya. Gusto niyang sumuko pero hindi niya kaya, hindi niya magawa, hindi niya kayang magpatalo lalo na't tinagurian siyang bully at higit sa lahat ay liberated.

"I'm taken pero kung gugustuhin mo na makuha ako di kita pipigilan.. Hindi na ako magpapakipot, gwapo ka din naman, pero paghirapan mo muna ako."

Her words I feel it into my nerves.. It makes me more gigil to take her, to hold her and touch her. Wala akong maisagot dahil natameme ako sa kanya.

"It's up to you kung seseryosohin mo ang sinabi ko. Uulitin ko may boyfriend na ako, I'm taken. Kaya mas lalo mo akong paghirapan. Dinadaan mo ako sa biro eh muka namang type mo ako. Sir Aeolus I mean Mr. Aeolus. I want to let you know that I'm a liberated person so mag-isip isip kana kung gugustuhin mo ako or hindi."

chap-preview
Free preview
PROLOGUE MAMB C-1
***************************** At dito nag simula ang lahat............ "Bakit ka nandito sa labas? Mainit, sayang naman kung pagpapawisan ka, sayang ang bilbil mo," biro ko habang papalapit sa pwesto ni Lottie. Kitang-kita ko ang pagkunot nya ng noo hindi niya siguro napansin na papalapit ako sa kanya. Tandang tanda ko din ang pangalan niya dahil sa lahat ng katulong ay siya lang ang medyo mataba. "Sir bakit ka nandito?" tanong niya na tila binalewala ang biro ko. "Gusto ko nang malamig na hangin and to see you," biro ko ulit. Biglang lumaki ang butas ng ilong niya at pasimpleng umatras pahakbang. "Sir wag kang lalapit, naku may pagka ano ka pa naman." "What?! Anong ano? What do you mean?" "Ano basta ano, wag ka nang lumapit ayaw kong paalisin ako ng amo ko." "What do you mean?" asked. Huminto siya sa paghakbang at umayos ng tayo. Ako naman ay napahawak sa baba habang nakatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na mahubog pala ang katawan niya. A voluptuous body, curvy hips and breast, and her lips.. It looks so sexy tila may pagnanasa akong naramdaman habang nakatitig sa kanya. "Kasi ganito yun.. Ayaw kong paalisin ako ng amo namin dahil sinabihan kitang m******s na kung tutuusin ay ikaw naman talaga ang may kasalanan meaning isa kang manyak," diretsahang sabi niya dahilan para humagikgik ako ng tawa. "It's your fault not mine." "Ako?! Ako pa may kasalanan? Bakit ako?" Halata ko sa mukha niya ang pagkainis. Ewan ko ba natutuwa talaga ako pag naiinis siya. Kahit mataray ang itsura niya I'll find her attractive. "Yeah," dahan dahan akong lumapit sa kanya. Siya naman ay sinamaan lang ako nang tingin na tila ba hindi magpapasindak. Isang hakbang na lang ang pagitan namin. Nagtama agad ang aming mata dahil may katangkaran din ang height niya. "Yeah, yeah your face!" singhal niya at umismid. "You have dimples?" "Yeah as you said yeah, hindi lang halata kasi mataba ako," pagtataray niya ulit sabay taas ng isa niyang kilay. Hinawakan ko ang baba niya hahawiin sana ng kamay niya ang kamay ko ay agad kong pinigilan iyon. Hindi niya alam na may lipstick ang ibabang parte ng labi niya. "Bitawan mo nga ako! Hoy hindi uubra sa akin yang pag ka chinito mo!" Hindi ako nagsalita bagkus ay lalo kong hinigpitan ang kamay niyang pilit na nagpupumiglas. "Ano ba!" "Wait wag kang magulo, your lipstick it messed up in your lower lips," sambit ko sabay bitaw ng kamay niya at kinuha ang panyo sa bulsa ko. Napakurap kurap na lang siya habang pinupunasan ko ang kumalat na lipstick. "See this," at pinakita ang lipstick na nasa panyo. "Ahh-- ambot!" sabay iwas ng tingin sa akin. "What?!" "Ambot si imo dong!" "What does it mean?" "Ewan ko sayo Sir." Napailing iling na lang ako hindi ko alam kung anung sinabi niya dahil bago sa pandinig ko iyon. "Whatever."Muli kong sinuksuk ang panyo sa bulsa ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Siya naman ay hindi makatingin sa akin marahil ay naiinis pa rin siya. "Teka nga nandito ka ba para hawakan na naman ang puwet ko? Naku sir wag na wag mong gagawin yun kundi sisigaw talaga ako." "No I won't do that but I like your butt that's why I touched it." "Baliw ka ba? Hindi mo pwedeng hawakan ang puwet ko dahil sa gusto mo, pasensya na sir pero napipikon na talaga kasi ako." Bigla akong ngumiti dahil sa sinabi niya dagdag pa na panay irap ang ginagawa niya sa akin. "Lottie?" "Yes ako nga." "I'm Aeolus." pakilala ko sabay lahad ng kamay sa kanya. Tinignan niya ang kamay ko na tila nag-iisip kung makikipag shake hands ba siya sa akin o hindi. "Gentleman ka din pala eh," sambit niya at nakipag shake hands sa akin. Pasimple kong hinigpitan ang hawak sa malambot niyang kamay dahilan para hatakin niya agad ang kamay niya. "Tsansing ka din Sir." "Your hands so soft." "Ganun talaga sir pag mataba," bigla na naman akong tumawa dahil sa sagot niya. "Yeah mataba pero sexy," biro ko. Tumango siya na sinabayan niya ng pagngiti. "Kung ganyan ba naman ang maririnig ko sayo Sir sigurado magkakasundo tayo.Teka nga mukang binobola mo lang ako Sir." "It's true," patangong sagot ko habang nakangiti. "It's true na binobola mo lang ako?" "No. It's true that you're sexy and have a voluptuous body," at tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "Naku Sir kung ganyan ka sa akin mag-iisip talaga ako na type mo ako." "What? Type kita?" Walang preno ang bibig niya kaya tumawa ulit ako. "Kanina ka pa tawa ng tawa Sir, haynaku bahala ka dyan!" Hahakbang na sana siya nang bigla kong hatakin ang braso niya. "Wait." Huminto siya sa paghakbang sabay hatak sa braso niyang hawak ko. "Sir kung aasarin mo lang ako ay wag mo nang tangkain dahil kayang-kaya kitang ibalya, mukha yatang naliliitan ka sa akin." "No no no, I just want to talk to you." Tumaas ulit ang isang kilay niya at may pagtataka akong tinignan. "Ha?! Bakit?" "I just want to apologize for teasing you." "Nag-so-sorry ka dahil sa pang-aasar mo?" tanong niya na sinagot ko nang pagtango. "Okay" muli niyang sambit at kasunod nito ang ngiti na sumilay sa labi niya dahilan para makita ko ang kanyang dimples. "Wow totoo nga yang dimples po," at hinawakan ang pisngi niya. "Sir-sir," wika niyang nautal habang nakatitig sa akin. "I'm sorry," paumanhin ko at tinanggal ang kamay kong nasa pisngi niya. Nabalot kami ng ilang segundong katahimikan hanggang sa napansin kong umatras siya ng hakbang palayo sa akin. "It's hot hindi ka pa ba papasok?" tanong ko at tumingin sa langit. "Hinahantay ko po kasi si Minah ilang araw ko din kasi siyang hindi nakita at nakausap," napatingin din siya sa langit. "Your very close to Minah." "Sinabi mo pa, madalas kasi siyang magkwento sa akin, minsan kailangan ko pang pilitin siya para magkwento," tuloy tuloy na sabi niya na pakiramdam ko komportable siyang kausap ako. "Sir pasensya na din ha kung minsan wala ng preno ang bibig ko." "No no it's ok.. I like how you talk to me it feels comfortable." "Sir pwede magtanong?" "Sure". Halata ko sa boses niya na tila nakangiti siya. "Bakit mo ko kinakausap?" Napaisip din ako sa tanong niya kaya nilingon ko siya seryoso ang mukha niya. Her lips. Her lips is seducing me. "Gusto lang kitang kausapin. Why? Hindi ba pwede? I mean may magagalit ba?" "Ang totoo niyan sir may magagalit sayo pag nakitang kinakausap kita, pero hindi ka naman niya makikita rito dahil wala siya dito sa mansyon," ngumiti siya na tila ba may ibig sabihin. "Who?" "Boyfriend ko." "Is that a joke? You have a boyfriend?" "Teka nga tanong ba yan o pang iinsulto? Hindi porket mataba ako ay hindi na ako pwedeng mag ka boyfriend," akmang hahampasin niya ako ay agad niya ding pinigil. Tapos yung bibig niya may gigil na naiinis. "Pasalamat ka gwapo ka kung hindi kanina pa kita binalya," natawa ako sa sinabi niya. "Hey-hey, tinanong ko lang kung may boyfriend ka ang dami mo nang sinabi." "Tinanong mo pa, eh narinig mo naman ang sagot ko diba? Ano toh kailangan paulit ulit?" Mabilis pala siyang magalit. "Good for you kung may boyfriend kana." "Okay." "But for me it's not." "Bakit hindi? Dahil mataba ako? Excuse me hindi ako mataba kundi mahubog meaning sexy." "Yeah I know that's why it's not good for me." "Bakit nga?" Makulit din pala siya, hindi ko siya magawang tignan dahil hindi ko napigilan ang ngumiti. "Cause you're taken." "Weh, di nga?" "It's up to you kung maniniwala ka or hindi." "Sir magsabi ka nga nang totoo, type mo ba ako," sabay lingon tingin naming dalawa kaya kitang kita ko ang nakangiti niyang mukha. Hindi ako sumagot bagkus ay ngumiti lang ako habang nakatitig sa kanya. "Naku si Sir talaga nagpapacute, wag mo akong daanin sa pagpapacute mo hindi na ako pwede. Sabi mo nga eh taken na ako." "Your right. But it's still your decision." Nakita kong tumaas ang isang kilay niya at nagpameywang na sa harap ko. "Sir hindi ako naniniwala sayo, feeling ko binobola mo lang ako, sa itsura mo pa lang marami ka nang chicks eh." "If I have many Chicks could you be my pig?" biro ko at siya'y sinamaan ako ng tingin. "Aba mukang gusto mo yatang!" akmang hahampasin niya ako ay nakailag agad ako. Kinuha ko ang kamay niya at pumuwesto sa likuran niya sabay kuha din ng kabila niyang kamay. "Nakakainis ka talaga!" nagpupumiglas na siya. Mabuti na lang walang tao sa paligid kaya malakas ang loob kong asarin siya. "You smell so good," sabi ko at inamoy ang buhok niya kasunod ang sintido niya pababa sa batok niya. "Ay!" napasigaw na siya nang inamoy ko ang batok niya. Hindi ako nahirapang yumuko dahil matangkad din siya. "Ano ba?! Bwisit ka m******s!" inis niyang sambit at pilit na inaalis ang kamay niyang hawak ko. Ewan ko ba, it makes me happy when I see her mad. "Bitawan mo sabi ako!" galaw siya ng galaw kaya lalo kong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "Wag ka nang lumaban kung ayaw mong halikan kita," bulong ko. "Bitawan mo ko, makakatikim ka talaga sa akin!" "Makakatikim? Magugustuhan ko ba yan?" pilyong tanong ko. Bigla siyang tumigil sa paggalaw. Huminga siya ng malalim mukang nagalit na siya ng tuluyan kaya binitawan na ko na ang kamay niya. "Oh, your mad." Hinarap niya ako kaya nagtama agad ang aming mata. Magkalapit ang mga mukha namin na tila isang dangkal lang ang pagitan. Serysong tingin ang nakita ko sa mata niya kaya napaseryoso din ako ng tingin. "Anong sinabi mo Sir? wag akong lumaban kung ayaw kong halikan mo ako?" Tumango ako habang nakatingin sa kanya pakiramdam ko hahampasin niya ako. "Eh paano yan gusto kong lumaban?" "Then I will not hesitate to ki--ss." Bigla niyang hinapit ang batok ko palapit sa mukha niya dahilan para magdikit ang aming mga labi. Kumurap nalang ako habang nakatingin sa mata niyang nakapikit. Para akong estatwa ng mga sandaling iyon. Unang beses na nangyare sa akin ito na sinunggaban agad ako ng halik, hindi ako makapaniwala na ginawa niya ito sa akin. Her kiss, it feels so right. The smell of her breath, it taste so sweet. Binigyan niya ako ng limang segundong halik na tanging pagdikit lamang ng aming labi ang naramdaman sa isat isa. Walang kilos pero tila umabot sa talampakan ko ang parang kuryenteng nagmumula sa mga labi niya. Bigla niyang nilayo ang labi niya sa labi ko tapos ngumiti siya na tila siya ang nanalo sa aming dalawa. Humakbang siya paatras na halos isang hakbang ang pagitan namin sa isa't isa. "I'm taken pero kung gugustuhin mo na makuha ako di kita pipigilan. Hindi na ako magpapakipot gwapo ka din naman, pero paghirapan mo muna ako." Her words, I feel it into my nerves. It makes me more gigil to take her, to hold her and touch her. Wala akong naisagot dahil natameme na ako. "It's up to you kung seseryosohin mo ang sinabi ko. Uulitin ko may boyfriend na ako. I'm taken, kaya mas lalo mo akong paghirapan." Humakbang ulit siya palapit sa akin na tila may ibubulong. "Dinadaan mo ako sa biro eh muka namang type mo ako." Sunod sunod na paglunok lang ang nagawa ko habang nakatingin sa kanya.Ngumiti ulit siya marahil ay napansin niya ang reaksyon kong di makapaniwala. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ay siya lang nag naglakas loob na sabihan ako nang ganoon. Umayos siya ng tayo at inayos din ang damit niya pagkatapos ay tinignan niya ulit ako. "Sir Aeolus I mean Mr. Aoelus. I want you to know that I'm a liberated person so mag-isip-isip kana kung gugustuhin mo ako or hindi," sambit niya ulit at tumalikod na para humakbang. Bago pa siya makahakbang ay hinatak ko ang braso niya at hinapit ang bewang niya. Kaya nagtama ulit ang aming mukha. Wala sa bokabolaryo ko ang magpatalo sa kanya kaya kailangan kong bumawi. "I don't mind if your liberated or not. What important is type mo ko at type din kita. It means we like each other." Tumaas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin. Bigla niya akong tinulak at sinipa sa binti kaya napaatras ako sa kanya. "Ouch!" "Buti nga sayo!" sambit niya at tumakbo papasok ng Monet Mansion. "That girl! May araw ka din!" sambit ko habang nakahawak sa binti kong sinipa niya. "May tumatawag?" umayos agad ako ng tayo kahit masakit pa ang binti ko. Kinuha ko ang cellphone at agad na sinagot ang tawag. "Dude ang ganda ng movie mo," Apollo said while laughing. "What?!" "Naisahan ka ni Lottie," narinig ko ang malakas na tawanan sa kabilang linya. Naalala kong marami palang cctv ang nakapalibot sa mansyon. "Did you guys watched it?". "Yeah what a nice scene!". "Hey Apollo shut up." "Okay, okay. Umakyat kana parating na sila Minah at Manang." "Okay. Bye," sabay putol ko nang tawag. Bago ako humakbang pabalik ng da vinci mansion ay nilingon ko muna ang monet. "Lottie hindi pa tayo tapos!" gigil na sabi ko at kasunod nito ang ngiting di ko napigilan. ________________ "Master ang akala ko bumalik ka na ng Korea?" Bungad sa akin ni Manang habang papalabas ako ng sasakyan. "Yeah I was there last week, kelan pala ang balik ni Zeus and Minah?". Tinungo ko ang kabilang pinto at pinagbuksan si Oddy. "Sa sunod na buwan, isang buwan silang wala dito.. alam mo naman honeymoon nang dalawa..." "What? mag-ha-honeymoon palang sila? but it's been 2 months since they get married" "Master may sugat si Minah kaya nagpagaling muna siya, aba'y sa laki ng pinsan mo tingin mo hindi bubuka ang sugat niya?" Biro ni manang at humagikgik ng tawa. "Oo nga pala, well ganun talaga kaming mga Falcon malalaki" biro ko din kaya dalawa na kaming tumawa. Napatingin si Manang sa pinto ng sasakyan ng makita si Oddy. Hawak nito ang tablet at abala sa paglalaro ng video games. "Teka eto na ba si Oddy?" tanong ni Manang. Nilingon siya ni Oddy sandali pero bumalik ulit sa paglalaro. Wala itong reaksyon ng makita si Manang. "Yeah" "Aba kamukhang kamukha mo talaga siya master, chinito din at gwapo" "Thanks Manang, Nasa lahi na nang Falcon ang pagiging magandang lalake" biro ko at tinignan si Oddy. "Oddy come out, I talk to manang gusto mo bang maiwan dito?" "Whatever! you disturbing me!" ismid nito ng hindi ako nililingon. Nagkatinginan kame ni manang halata ko sa itsura niya ang pagkagulat. "Oddy halika na, nagugutom kaba? nagluto ako para sayo" lambing ni manang. "I'm not hungry" hindi pa rin niya kame nililingon kaya hinablot ko na ang tablet niya. "Oddy!" napalakas na ang boses ko. Pagdating talaga sa batang ito ay nauubusan ako ng pasensya. "Ok!" singhal nito at padabog na lumabas ng sasakyan. nagpalipat lipat na lang ng tingin sa amin si Manang. Hindi niya siguro aakalain na ganoon kame mag-usap na mag-ama. "Teka nga bago kayo mag-away na mag-ama doon na muna tayo sa sala." Paglabas sa Basement ay dumiretso agad kami sa sala ng Da Vinci mansion. Nakaupo ako sa sofa si Oddy naman ay nasa solong upuan abala na naman sa tablet. "Master bakit ka pala bumalik dito sa Pilipinas at kasama pa ito si Oddy?" Tanong ni Manang na nakaupo sa solong upuan. "For business purposes Manang, Actually it's not my main priority" sabay buntong hininga ko at sumandal sa sofa. "Bakit anong priority?" pagtataka ni Manang at nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Oddy. "Well masyado ng matigas ang ulo ng batang yan kaya dinala ko muna siya dito". "Mukha nga master" mahinang sambit ni Manang at sumulyap kay Oddy. "Quiet! ang sabihin mo you're hiding" sabat nito habang nakatingin sa tablet. "Nagtatago?, bakit ka nagtatago Master?" "Shut up your mouth Oddy.." malumanay na sambit ko pero nag-uumpisa na akong mainis. "He's hiding kasi ang dami niyang babae sa korea" diretsahang sagot ni Oddy. "Aba marunong din palang magtagalog si Oddy at magsabi ng totoo". "Manang wag kang maniwala dyan". "Yeah, tinuruan po ako ni mommy magtagalog". Napailing iling na lang ako sa sinabi ni Oddy. "Master tumawag ka ba kay Master Zeus na bibisita ka dito?" pag-iiba ni Manang. "Yeah I call him last night, and asked a favor from him, pumayag din naman siya at si Minah". "Anong pabor Master?". Napahawak muna ako sa baba at nagbuntong hininga bago nagsalita. "If I can borrowed one of his Maid. I'm looking for a maid na mag-aalaga kay Oddy. It's hard to find a yaya na makakasundo niya, halos lahat yata ng maid sa korea ay kinuha ko na kaso wala talagang tumagal". "Ahh yun ba sige kakausapin ko ang mga Maid dito kung papayag silang mag-alaga ng bata.". "Manang tell them na dodoblehin ko ang sahod". "Ha?! Tama ba naririnig ko Master Aeolus?". "Yeah, magkano pala ang pinapasahod ni Zeus sa mga maid dito?". "100,000.00". "What?! Ganyan kalaki?!!" "Oo Master mapili si Master sa pagha-hired ng katulong alam mo naman dati di ba na iba ang ugali niya?" alam ko ang ibig sabihin ni manang. "I see naiintindihan ko na, well wala naman kaso kung 200,000.00 ang ipapasahod ko basta maalagaan niya si Oddy ng maayos at kung pwede sana mapalambot ang ulo ng batang yan". "Who is she?" sabat ni Oddy dahilan para lingunin namin siya, nakaturo siya sa maid na medyo may katangkaran at katabaan. Abala ito sa pagwawalis ng tuyong dahon at hindi siya kalayuan sa pwesto namin. Kanina ko pa siya nakikitang pasulyap sulyap dito sa sala kilalang kilala ko siya kahit umiwas pa siya ng tingin sa akin. "Hijo si Lottie yan" Lottie may atraso pa sa akin, sinipa mo ako sa binti and you stole me a kiss... "Lottie? Lottie na kaibigan ni Princess sarah?" sambit ulit ni Oddy. "Naku palabiro din pala itong anak mo Master" "Manang madaming kalokohan yan kung alam mo lang" "Dad I want her to be my yaya!" parehas kaming napatingin ni Manang kay Oddy. May kalokohan na naman siguro siya dahil nakangisi na ang bibig niya. "Sige kakausapin ko siya kung papayag siya" saad ni Manang. "Basta I want her to be my Yaya!! She look like a pig I like her" Umiling iling na lang ako habang nakatingin kay Oddy."Manang narinig mo ang sinabi niya, wala na akong magagawa pag gusto niya ipipilit niya talaga". "Sige Master kakausapin ko siya". ---------------------- "Ano kayang pinunta ng chinito na yun kanina dito sa mansyon? At bakit may kasama siyang bata? Anak niya ba yun o kapatid?" sambit ko habang nakatingin sa TV. Mayamaya ay may narinig akong katok mula sa pinto. "Sino kaya itong kumakatok sa pinto? Si jane kaya o si Levi?" tanong ko habang papalapit sa pinto at binuksan. "Bakit po Manang?" "Hija pwede ba tayo mag usap?" "Sige po Nay pasok po" sabay hawi ko ng pinto para pumasok si Manang. "Ikaw na lang pala ang nandito ano?". "Opo nay, medyo nakakalungkot nga po kasi wala na akong kasama loner na ako hehehe" biro ko at sinara ang pinto. "Ahh ganun ba, pero mukang hindi kana magiging loner" makahulugang sambit ni Manang dahilan para magtaka ako habang nakatingin sa kanya. "Bakit Nay?!" "Hija ikaw kasi ang napili ng anak ni Master, ikaw ang mag-aalaga sa anak niya" "Ha?! mag-alaga ng anak? Sinong master?" Tumango tango si Manang, seryoso ang mukha niya kanina pero ngayon nakangiti na siya. "Nay alam kong mag-alaga ng bata, pero sino? at sinong master? eh hindi pa naman nakakabuo sila Sir at Minah diba. Ano yun Nay 45 days lang parang manok?" "Naku bata ka ang bibig mo talaga.., malalaman mo bukas, teka tatanggapin mo ba? kung ako sayo tanggapin mo na aba'y malaki kaya ang sahod" "Talaga Nay? Magkano?" nagpameywang si Manang tapos yung ngiti niya ay hindi pa rin maalis. Kung malaki ang sahod tatanggapin ko talaga, malaking tulong para sa magulang ko at sa nag-aaral kong kapatid. Lalo na makakaipon pa ako para sa plano naming kasal ni Mark. "Doble ng sahod mo dito". Namilog ang mata ko habang nakatingin kay Manang. Ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan ng mga sandaling iyon. "Sahod ko? 100,000.00 ang sahod ko, tapos doble? ibig sabihin 200,000.00, tama ba Nay?!" hinawakan ko ang magkabilang balikat ni manang at tinignan siya ng mata sa mata. "Tama Hija" "Naku Nay tatanggapin ko yan, kelan ba ako mag-uumpisa? Nasaan na yung bata? yung aalalagaan ko?" at niyugyog ang balikat niya. "Hija Teka lang!! bitawan mo muna ako". Nakalimutan ko si manang pala ang kausap ko. "Sorry Nay". sabay tapik ng balikat niya. "Bukas susunduin ka ng bodyguard ni Master, pagdating mo doon siya na ang magpapaliwanag sayo nang mga kailangan mong gawin". "Ahh ibig sabihin po wala dito yung bata, eh sino pala yung master na tinutukoy mo Nay?". "Malalaman mo bukas, wag ka nang magtanong basta ang gawin mo ihanda muna ang mga gamit mo, yung mga dadalhin mo bukas". "Bakit bawal magtanong Nay?". "Kada tanong mo mababawasan ka ng 1,000 pesos sa sahod mo sige ka" pagbabanta ni Manang. Napakagat bibig nalang ako. "Sige nay hindi na ako magtatanong, isipin ko na lang na 200,000.00 ang sasahurin ko OMG!!" napasigaw na ako dahil sa sobrang saya at excitement. "Maiwan na kita, Ala-sais daw ng umaga pupunta ang mga tauhan ni Master para sunduin ka". "Hala Nay ang aga naman, paano yan hindi na ako makakapag paalam sa tatlo kong beshie". "Ako na lang ang magsasabi sa kanila, basta maghanda kana pati pasensya mo ihanda mo na rin" "Pasensya? Bakit?". pagtataka ko. Nilakihan ako ni Manang ng mata. "1,000.00 pesos ibabawas ko ba?". "Oo nga pala bawal palang magtanong" sagot ko at tumawa na lang. "Maiwan na kita Hija" lumakad na si Manang papuntang pinto bago siya lumabas ay tinignan niya muna ako. "Pag di mo kinaya, tumawag ka sa akin pwede kang bumalik dito" makahulugang sambit niya sabay sara ng pinto. Napatingin na lang ako sa pinto. Kanina pa ako napapaisip kung sino yung bata? sino yung master? at bakit may pasensya. "Lottie 200,000.00 yun kahit sino aasamin na magkaroon ng ganung kalaking sahod, magiging choosy ka pa ba?" kausap ko sa sarili ko. "Tama para sa 200,00.00 WOHHHHOOOO!!!!!!" sigaw ko at tumakbo papuntang cabinet para kuhanin lahat ng gamit ko. Biglang akong huminto sa pagkuha ng gamit ng maalala si Aeolus at ang batang kasama niya kanina. "Sila kaya ang tinutukoy ni Manang?, baka hindi naman.. ahh basta para sa 200,000.00 hindi na ko magpapaka choosy pa!" pagbabalewala ko at nagtuloy na lang sa pag-iimpake. _________________________ "Yes Manang?" sagot ko habang kausap si Manang sa kabilang linya. "Master pumayag si Lottie, bukas nang umaga ay nandyan na siya, yung Resume pala niya pinadala ko na sa Bodyguard natanggap mo na ba?". "Thanks Manang, Yeah I have it pero di ko pa nababasa". "Matanong ko nga hanggang kelan pala kayo dito sa pilipinas?". Napasandal ako sa swivel chair ay inikot iyon paharap sa bintana. "I dont know siguro matagal, Oddy wants to study here,". "Mukang magtatagal din pala si Lottie dyan". "Yeah, that's what I think, don't worry I take care of her" pilyong sambit ko dahilan para humagikgik si Manang ng tawa. "Ikaw talaga kapilyuhan mo na naman, iba yatang alaga ang gagawin mo sa kanya, o baka naman siya ang mag-aalaga sa inyong mag-ama". "Manang alam mo naman na magaling akong mag-alaga di ba". "Tigilan mo nga ako Master ikaw talaga.. abay naalala ko yung sinabi ng anak mo kanina, umuwi daw kayo dito dahil nagtatago ka sa mga babae mo, tama ba?". "Geez... No it's not,.. they are just my friends" pagmamaang maangan ko. "Kaibigang may benepisyo kamo" prankang sabit ni manang dahilan para tumawa ulit kami. "Exactly friends with benefits". "Sana lang kayanin ni Lottie si Oddy, naku magpapamisa talaga ako pag nagkasundo silang dalawa at pag napatino niya ang anak mo. Pati din ikaw master sana mapatino niya" parang may ibig sabihin si Manang kaya tumawa na lang ako. "Well sana nga manang, sa personality pa lang niya muka namang palaban siya". "Naku Master alam mo bang siya ang pinaka bully dito sa lahat ng mga katulong?". "Wow.. mas mabuti kung ganoon". "O siya siya.. may gagawin pa ako Master tatawag na lang ako bukas pag papunta na dyan si Lottie". "Ok Manang thanks," "Bye Master". Narinig ko na lang na pinutol na nito ang tawag. Pagbaba ng telepono ay inikot ko ulit ang swivel chair ko sa tapat ng mesa. Nabaling agad ang tingin ko sa brown envelope nakalagay doon. Binuksan ko iyon at kinuha ang kapirasong papel. "Maria Lolita Y Perez... hmmmm interesting name" patango tangong sambit ko habang binabasa ang resume ni Lottie. Habang binabasa ko iyon ay panay din ang taas ng isang kilay ko."What?! she won a pageant?!!" muntik pa akong malaglag sa kinauupuan ko kaya umayos ako ng upo. "She won it when she was in high school maybe payat pa siya noon, hindi na masama maganda naman siya". habang binabasa ang resume ni Lottie ay bigla na lang tumunog ang telepono na nasa tabi ko. "Dad!!! I'm Hungry I want Pizza". Singhal ni Oddy sa kabilang linya. "Hey!! daddy mo ako bakit mo ko inuutusan?" napalakas na naman ang boses ko. "I want pizza now!!". "Your such a bossy pwede ka naman pumunta sa opisina ko nasa isang bahay lang tayo dude!" "I want pizza,.. pizza pizza 4 boxes of Pizza!!!" napapapikit na ako sa lakas ng boses niya. "Stop that!! your on a diet!!". "I'm on a diet??!! Ok kakain na lang ako ng peanut". "Oddy!!!!" sigaw ko na sinabayan niya rin nang pagbaba ng telepono. "Geez... maaga akong tatanda sa batang ito!!" napipikon na sambit ko at napahilot na lang sa sintido. Ilang saglit pa ay nakita ko si Oddy sa TV na nagbubukas ng fridge. Kahit matigas ang ulo niya ay hindi ko siya matiis kaya kinuha ko ang telepono at umorder ng pizza. "Hindi uso sa kanya ang diet, goodness!!!". Sambit ko at sumandal ulit sa swivel chair, habang nakasandal ay nabaling ulit ang tingin ko sa resume ni Lottie. Kinuha ko ulit yun at pinagpatuloy ang pagbabasa. "I hope she will take care Oddy, sana makaya niya ang katigasan ng ulo ng anak ko." sabi ko saka nagpabuntong hininga. _____________________

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
607.8K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
324.6K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.4K
bc

YOU'RE MINE

read
891.8K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
310.9K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
380.2K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
40.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook