Chapter 1

1142 Words
My english teacher's eyes flee straight to me from the index card where she loudly read my name. Sunod-sunod akong napalunok. Napaka-malas ko naman talaga. Minsan na lang mga ako mauna, sa pagre-recite pa ng tula ni Edgar Allan Poe sa harap ng buong klase. "Gabbana, do you plan to keep us waiting until my period ends?" she asked with her calm voice. "M-Magrerecite na p-po." Napuno ng tawanan ang bawat sulok ng classroom nang pumiyok ang boses ko. Mahigpit kong hinawakan ang necktie ng aking uniform. Hindi ko iyon binitawan hanggang sa marating ko iyong unahan. "Did you memorized it?" I nodded my head once to answer. Natakot na akong ibukas ang aking bibig dahil baka bigla na naman akong pumiyok kapag nagsalita ako. The silence became louder as all my classmate's eyes, including my teachers stayed on me and patiently waits for me to start my oral recitation. It was many and many a year ago, In a kingdom by the sea, That a maiden there lived whom you may know By the name of Annabel Lee; And this maiden she lived with no other thought Than to love and be loved by me. I clasp my hand together and pull it to my chest. Nanatili ako sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago ako nagpatuloy. The angels, not half so happy in Heaven, Went envying her and me— Yes!—that was the reason (as all men know, In this kingdom by the sea) That the wind came out of the cloud by night, Chilling and killing my Annabel Lee. "Ma'am?" Nabitin sa aking lalamunan ang iba pang salitang karugtong ng tula nang may mangibabaw ng pambabaeng boses. Lahat ng tao sa classroom ay napunta ang tingin kay Mama. Binaba ko ang aking kamay at napairap na lang sa ere. Why is she here?  "Mrs. Roman?" Tumayo ang english teacher ko. Hindi na ako nagulat na kilala ito ng aking subject teacher. Bukod sa dating sikat na aktres si Mama nung kabataan niya na nawala lang ang ningning nang maging kabit siya at nabuntis ng isang pulitiko na ngayon ay nasa kabilang buhay na. Madalas niya rin talagang ginagawa ang pag-e-excuse sa akin sa mga klase. Kung saan-saang audition niya kasi ako dinala. Ever since, it became her goal to put me in the lime light and be the actress---a showbiz personality that she failed to be. Habang nakikipag-usap iyong english teacher ko kay Mama roon sa hallway. Naglalakad na ako pabalik sa aking upuan.  "Bakit?" pang-uusisa ng katabi ko nang makita nito na pinapasok ko na ang notebook at ballpen sa aking bag. "Sinusundo na ako ni Mama," I said lazily and then zip up my bag.  "Gab, sige na sumama ka na sa Mama mo. Time na rin naman halos. Bukas mo na lang ituloy yung recitation mo." I hang the strap of my bag against my shoulders. Doon ako sa pinto ng classroom sa may likuran dumaan. Ayaw ko na kasing makakuha pa ng mas maraming atensyon sa biglaan kong pag-alis. "May dala akong dress. Magpalit ka roon sa cr bago tayo umalis ng school." Binigay niya sa akin ang paperbag. Hindi lang dress ang laman non, mayroon ding sandals at headband tapos beaded na bracelet. "Mama huwag mo na nga akong kunin nang kunin sa kalagitnaan ng klase. Nakakahiya sa mga classmate ko. Inaasar kaya nila ako kasi palagi mo iyong ginagawa. Ano na naman pati ang sinabi mo kay teacher at pumayag siya na ma-excuse ako?" I asked. Inakbayan ako ni Mama. Wala naman akong plano na takasan siya ngunit kung gabayan niya ako papunta sa cr, sa dulo ng hagdanan. Talo ko pa iyong bihag niya. "Basta. Ngumiti ka na, ha? Pagkatapos ng audition mo ay ibibili kita ng jolly spaghetti na may chicken joy, fries at chocolate sundae." Pangako nito sa akin. Sapat na iyon para maalo ang dose anyos na Gabbana Roman. Though it's financially hard for my mother that time. Life is easier for me. Those are the best years of my life. "Cut!" Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Direk. "Gabbana, kanina pa tayo rolling. Saan ka ba nakatingin? Nasaan ba ang atensyon mo?" Halatang iritable at galit na ito ngunit hindi niya ako magawang sigawan. No one in the industry would dare yell at the Gabbana Roman. I tore my eyes off the mother and daughter eating on the corner, mga paid actor iyon na kasama ko sa shooting nitong commercial.  Sila rin ang dahilan kung bakit sa kalagitnaan nang pagtatrabaho ay bigla kong naalala ang kabataan ko. "Sorry direk. Na-distract lang ako. Isa pa. Mapi-perfect ko na," I said and the stretch my lips more. The director nodded his head and sashayed back on his chair. "Take three and go!" Mas focus na ako sa pagkakataon na ito. Wala pang bente segundo ang tinagal nang pag-arte ko nang marinig ko ang muling pagsigaw ng direktor sa salitang cut. For a good reason this time. Mabilis na lumapit sa akin si Manager Herrone. Bitbit nito ang lemon water na may chia seeds. "Tapos na di ba? Okay na? May guesting pa kasi si Gab sa isang noon time show. Kailangan na naming umalis." Narinig ko si Mama.  Ilang lagok lang at binalik ko na kay manager iyong hydroflask. Inalalayan ako ni Manager sa pagtayo kahit na hindi ko naman talaga kailangan. I don't need a lot of hands to be able to stand up and walk. For some reason, I can't seem to do those nang walang nag-aabang na kamay sa akin. Kung hindi kamay ng mga staff ang wala pang isang metro ang layo sa katawan ko, sa mga fans naman. Bago umalis ng location. Pinasalamatan ko ang direktor. Ganoon din ang ginawa ko para sa mga staff. May kasama pang kaway at malalapad na ngiti na hindi ko puwedeng hubarin hangga't wala ako sa aking van. "Aabot tayo sa call time hindi ba?" tanong ni Mama sa driver.  "Opo, Ma'am." "Bakit mo pa ba kasi tinanggap iyong guesting, Ma? Pagod na ako. Lampas thirty hours na akong gising dahil sa mga tapings." Inayos ni Mama ang buhok ko. An endearing smile that asking me to let this one slide is on her lips. "Dalawang oras lang naman iyon." I sighed. Wala naman akong choice kung hindi iendure na lang ito. "Nga pala mamayang gabi ka na kumain, ha? Halos naubos mo na iyong props na kanin at burger steak kanina." She stave her eyes off me and lands it to my manager. "Ano na nga bang kilo nito ni Gab? Hindi ito puwedeng tumaba. Baka mamaya ma-issue na buntis siya." Bumaling na naman siya sa akin. "Mag-oats ka lang mamayang gabi," she said. Hindi na ako umimik pa at humawak na lang sa tiyan kong kanina pa talaga nakakaramdam ng gutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD