Chapter 2

1127 Words
Mama is not kidding when she said that I'll have oats for dinner. Part of me knows that she will do exactly what she said, but part of me hoped that she might change her mind about dinner. Kahit sana kaonting portion na lang ng kanin at masarap na ulam. Kahit na hanggang sa lalamunan ko na lang iyon umabot ay okay na sana sa akin. "Eat well," she said after she place a bottle of Evian behind my oat meal. Kung sino man ang nakaisip na puwedeng kainin ang oats bilang meal. Mayroon siguro siyang seryosong kaso ng depression. I've never seen a food so saddening until I was introduced in a bowl of oats when I was thirteen because I have to maintain a certain weight. If not, they said the world will beat me for it. Nakipagtitigan ako sa mangkok na may oatmeal habang paulit-ulit ko itong hinahalo. I'm hoping for a miracle, dreaming for it too. Baka kapag hinalo ko ito nang hinalo ay mag-magic ito at mag-appear sa ibabaw ng depressing meal na ito ang iba't ibang cut ng fruits. Five minutes later and my oat meal still looks the same. Isang puno sa kutsara ang kinuha ko roon sa bowl at dinala sa aking bibig. I closed my eyes and force myself to swallow the damn food. Hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon na nguyain ang pagkain ko. Wala naman akong makukuhang lasa mula rito kahit na isang oras ko pa itong patagalin sa aking bibig. Pagkalunok ng nasa bibig. Kumutsara ulit ako galing sa mangkok. Gahibla na lang ang layo ng kutsara mula sa aking bibig nang makaramdam ako ng pagkapuno. Ibinalik ko iyon doon sa mangkok. I stood up from the table and silently made my way to my room. Nakakatatlong hakbang pa lang ako ng, "Bakit hindi mo ito inubos? Pinaghirapan ko pa man din itong gawin, Gabbana," sita sa akin ni Mama. Anong mahirap doon? Gaano ba kabigat para sa kaniya ang maglagay ng oats sa mangkok, dagdagan ng tubig at ipasok sa loob ng microwave? She did not even put sugar on the damn food to make it a little tolerable. "I'm full. Gusto ko nang matulog." Pumihit ako paharap sa kaniya habang ang mga kamay ko ay nanatiling nakapatong sa ibabaw ng bannister. "You, too. Matulog ka na. Don't get drunk." Even if I told her that. Alam kong uubusin niya pa rin iyong bote ng wine kung saan niya kinuha ang laman ng glass niya. "Gab, alam mo namang hindi na ako naglalasing. Nag-promise na ako sa iyo na magbabago na ako hindi ba? Akala mo ba hindi ko iyon tinutupad?" tanong nito sa akin. "You stop drinking hard liquors but you still drink yourself to sleep and if you did not realize it yet. Drunk on wine is still drunk, Mama. That does not change the fact that you're alcoholic." To end the discussion. I walks out on her and did not look back even when she is screaming my name. Totoo naman ang sinabi ko kay Mama na matutulog na ako sa kuwarto. Masiyado ng pagod ang katawan ko para hindi ko pa ibigay sa kaniya ang pahinga na kailangan nito. It's quarter to ten when I fell asleep and woke up at two am because of my hunger. Pagmulat ng mata ay dumiretso ako ng bangon mula sa kama. I grab an olive green nylon jacket and a baseball hat in the same color. Flip flops for my feet and my wallet. Pigil na pigil ang paghinga ko habang binubuksan ko ang pinto ng kuwarto. Madilim na sa maliit na hallway ng secondfloor. Nakapatay na rin ang mga ilaw sa baba. Alanganin na ang oras kaya siguradong tulog na si Mama. Paisa-isa ang naging paghakbang ko pababa ng hagdan. Kung saan-saan din umaabot ang tingin ko para lang masigurado na clear talaga mula kay Mama ang daraanan ko. When my feet finally met the black tiles of the first floor. I silently run to the front door without looking back. All I have in my head is that when Mama happens to caught me sneaking out. I'll run faster and continue my night escapade. Mabuti na lang at maski isa sa mga scenario na nagpi-play sa aking utak habang tumatakas ako ay hindi nangyari. Payapa akong nakaalis ng condo. I rode a taxi to take me to the river bank. Palagi kong nadaraanan ang lugar na 'to kapag papunta kami sa iba't ibang location. Wether it's taping location, guesting sa mga network shows, fan meeting o photoshoot. Balewala lang naman sa akin ang lugar na ito pero ngayong gabi. Ewan ko. Ang lakas ng sipa ng kagustuhan ko na makita ang ilog na ito na para bang dito nakasalalay ang sanity ko. "Ma'am wala po akong barya sa five hundred pesos," sabi ng driver ng taxi. Lumingon ito sa akin. Binaba ko kaagad ang suot na baseball cap para matakpan ang aking mata at hindi niya ako makilala. Without saying a thing. I slide out of his taxi and walks straight to the riverbanks. From where I decided to settle myself with a stick of corndog that is loaded with four kind of cheese. Kitang-kita ko ang ilog. Tahimik at banayad lang ang agos nito. It has all the peacefulness and serenity that I need. Tumayo ako mula sa step kung saan ako tahimik lang na nakaupo habang paminsan-minsang kinakagatan ang pagkaing dala. I stood up straight in front of the calm river. Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ko rito pero malinaw na natutuwa ako. I was about to take another step closer to the edge next to the river when someone stand beside me and ask, "Tingin mo tulog na iyong mga janitor fish na nandiyan?" Mahina itong tumawa, "Dapat tulog na sila kasi bukas maaga pa silang maglilinis. Gets mo ba ako? Maglilinis sila ng maaga bukas kasi nga janitor fish sila," pagpapaliwanag nito sa punchline niyang hindi  bumenta sa akin. Nang maramdaman ko na tinitingnan niya ako ay kusa na rin itong nilingon ng leeg ko. Halos magkatulad ang suot naming dalawa. Ang pinagkaiba lang ay cheese burger ang nasa kamay niya. Iyon din sana ang gusto kong kainin kanina nung binili ko itong corndog kaya lang kulang ang cash na dala ko. Hindi naman ako puwedeng magbayad gamit ang card sa mga food stall dito. "Gusto mo?" Alok nito sa akin at bago ko pa ito mahindian ay nahati niya na iyong cheese burge. Iyong parte na nasa balot pa at hindi niya naman nahawakan ang binigay nito sa akin. "Thank you," I said in tiny and that's when I saw the world's brightest smile. Kilala ko ang lalaking ito. He's DNI's Haden Sandoval.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD