bc

ONE NIGHT, ONE MISTAKE (La Gresa Series #2)

book_age18+
14.9K
FOLLOW
94.5K
READ
others
dark
drama
comedy
twisted
sweet
humorous
heavy
serious
kicking
like
intro-logo
Blurb

Isang gabing nalango sa alak si Vexana Cordova, at nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali. Iyon ay ang naisuko niya ang kanyang p********e sa isang estranghero. Kay Leon La Gresa.

Makalipas ang apat na taon, muling nag-krus ang landas nila ng lalaki. Ang masaklap pa, sa senaryong siya ang magiging Yaya ng anak ni Leon. Binatang-Ama pala ito. At ni hindi siya nito matandaan.

Paano niya ipapaalala sa lalaki ang gabing iyon? Ang gabing inangkin siya nito. Maaalala pa kaya siya ni Leon, ang lalaking hindi nilubayan ang kanyang isipan sa nakalipas na taon o mananatili na lamang ba siyang limot na pangyayari sa buhay nito? Lalo na't nalaman niya, na hangang ngayon ay minamahal pa ng lalaki ang unang pag-ibig nito. Paano na?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"How's my Princess Vexie?" Tanong ni Mr. Cordova, nang salubungin siya ng walong taong gulang na anak na si Vexie. Kadarating lamang niya galing opisina at kadalasan ay nakaupo sa harap ng main door ang anak. Kinarga niya ito at inikot ikot sa ere. Humagikhik naman si Vexie. "Naku, napaka hyper niyan sa maghapon," ang sabi naman ni Mrs. Cordova, habang papalapit sa mag-ama. Napangiti ng matamis ang Ama ni Vexie nang makita ang kabiyak. Halata sa mga mata nito kung gaano nito kamahal ang kabiyak. Mga klase ng pagtitig na tumatatak sa kanyang murang isipan, mga titig na nakamulatan ni Vexie. Sa murang isipan, labis na tumatatak sa kanya kung gaano magmahalan ang mga magulang. At lubos 'yong nagbibigay ng saya sa puso niya. She saw, how her father held her mother's waist and gently kiss her on the lips. She smiled. Napaka sweet ng kanyang Ama sa kanyang Ina, sa ate niya at sa kanya. Natatandaan pa nga niya noon, laging sinasabi ng Ama niya kung gaano nito kamahal ang kanyang Ina. Dahil hindi daw basta basta ang pinagdaanan ng pag-iibigan ng mga ito. Mahirap lamang ang Ama niya noon at mayaman naman ang Ina niya, kaya tutol ang mga magulang ng kanyang Ina sa relasyon ng dalawa noon. Pero nalampasan ng kanyang mga magulang ang lahat ng iyon. At ngayon nga ay isa na sa mayayaman sa bansa ang kanyang Ama. Dahil sa sipag, tiyaga, diskarte at dedikasyon nito. "As usual, Honey. Nasaan si Veatriz?" Usisa ng kanyang Ama at iginala nito ang tingin sa paligid. "Nasa silid nila ni Vexie. She's sleeping, gusto mo bang magmeryenda?" anang Ina niya, habang sabay sabay silang naglalakad papasok sa sala. "No honey. Busog pa ako, maglalaro na lang kami ng aking prinsesa." Binalingan siya ng Ama. "Hindi ba?" Tsaka pa ito kumindat sa kanya at itinaas ang isang kamay para makipag high five sa kanya. "Yes! I miss you!" Tsaka niya niyakap ang Ama. Lagi naman niyang Miss ito, sobrang lapit kasi nila sa isa't isa. Daddy's girl siya. Kabaligtaran siya ng kanyang Ate na, mas close sa kanilang Ina. Natawa ang Ama niya na niyakap siya at hinalikan pa ang tuktok ng kanyang ulo. "Naku, naglalambing ang bunso namin," natatawang sabi ni Mrs. Cordova. Humagikhik siya. She wants to be confined in the arms of her Father. Her shelter and she felt safe there. Maya maya pa ay ang tawanan nilang Mag-ama ang pumuno sa kabahayan nila. Habang masaya silang pinagmamasdan ng kanyang Ina. *** Nang mga sumunod na araw ay naging abala sa Mansion ng mga Cordova. Dahil kinabukasan ay ang ika siam na kaarawan ni Vexie, sobra siyang excited. Dahil tuwing kaarawan niya ay maraming surpresa ang Ama niya para sa kanya. "Mas excited pa ata ako sa kaarawan mo." Napatingin siya sa kanyang Ate Veatriz. Matanda ito ng limang taon sa kanya, malaki talaga ang agwat nila. Siya daw ang baby na sobrang hinintay ng kanyang mga magulang, matagal bago siya nabuo. "Sabi ni Papa, malaki raw ang cake ko!" Masaya niyang balita sa kapatid. Nanlaki rin ang mata ng Ate niya. "Talaga?! Wow! Mas lalo akong na-excite!" Sagot naman nito at hinila siya nito palapit sa kandungan nito at kinalong siya. Napangiti siya. Sobrang close rin nilang magkapatid. Ganoon kasi silang pinalaki ng kanilang mga magulang. "Ikaw Ate? May regalo ka ba sa akin bukas?" Inosente niyang tanong. "Oo naman! Ako pa ba mawawalan? Inipon ko pa ang pambili ko ng regalo mula sa mga allowance ko noh." "Yehey!" Niyakap at hinalikan niya ang kapatid. "Veatriz, Vexie." Napatingin sila sa pinto ng kanilang kwarto. "Bakit po Mama?" Usisa ng Ate niya. "Aalis muna kami ng Papa niyo. May aasikasuhin lang kami para bukas, okay? Behave muna kayo kina Manang, " bilin ng kanilang Ina at hinalikan sila sa mga pisngi. Sunod sunod na tango ang sagot nila dito. Nang makalabas na sa kanilang kwarto si Mrs. Cordova ay napagpasyahan na lamang nilang maglaro. *** Dumating na ang araw ng kaarawan ni Vexie. Sobrang magarbo ang pagdiriwang na iyon, ganoon naman lagi eh. Basta ang Ama niya ang nagplano. "Are you excited, My little princess?" Tanong ni Mr.Cordova sa kanya. Pinuntahan siya nito sa kanyang silid habang inaayusan siya. "Opo! Meron po bang mga mascot?" Nakangiting tumango ang Ama. Gusto niyang magtatalon sa Saya. "Yehey! Yehey! May Mascot!" Sabik na sabik niyang sabi habang pumapalakpak pa. "Hurry. Everyone's waiting for you," anang Ama niya. Sa kanilang malawak na hardin kasi ang ipagdiriwang ang kanyang kaarawan. Pagkatapos maayusan ay kinarga siya ng Ama at lumabas na sila ng silid. Baby na baby talaga siya pagdating sa Ama. Sa kanilang pagbaba ay nadaanan nila si Pura. Ang paborito niyang alagang pusa. "Wait Papa, si Pura oh!" Nagpababa siya sa Ama at pinuntahan si Pura, sabay karga rito. Gusto niyang kasama niya ito sa tabi niya. Hindi na muli siyang nagpakarga, naglakad na lamang siya, hangang makarating sa hardin. Sinimulan na nila ang selebrasyon, naging maayos naman ang lahat at sobrang saya niya. Akala niya tapos na, pero nagulat siya nang sabihin ni Mr. Cordova na pupunta sila sa isang resort. Nirentahan iyon ng Ama niya para sa kanilang night swimming. Nag empake na ang lahat, halos mga bisita niya ay mga kamag anak nila at mga kaklase lamang. Excited siyang mag-swimming. Nauna pa nga siyang sumakay sa kotse nila habang karga karga si Pura. Siempre, hindi niya ito iiwan. Tumigil pa sila sa grocery store na nasa gilid lamang ng kalsada, dahil may mga bibilhin pa ang Mama niya. Mapapalayo pa kasi sila kung pupunta pa sila sa Mall. Pinauna na nila ang iba sa resort. "Mama, baba rin ako?" Kulit niya sa Ina. "Huwag na. Tatawid pa si Mama oh." Pagbaba ng Ina niya ay bumaba rin siya kahit ayaw nito. Hindi niya namalayan na sumunod si Pura, nagtuloy tuloy ang takbo sa gitna ng daan. "Mama si Pura!" Sigaw niya. Sa takot na mabundol ang alaga ay tinakbo niya ito sa gitna ng kalsada. "Vexie, No!" Boses ng Ina niya. Nagsigawan ang mga tao dahil may paparating na mga sasakyan. Napapikit siya sa gitna ng kalsada habang nangangatog ang mga paa. Akala niya mabubundol na siya. Pero may tumulak sa kanya. "Cassandra!" Boses ng Ama niya. Halos panawan siya ng ulirat nang makita kung paano tumilapon ang Ina sa lakas ng Impact ng pagkakabundol. Ang sasakyan na bubundol sana sa kanya ay sinalo ng kanyang Ina. She saved her and Pura. "Mama..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Fight for my son's right

read
146.6K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.2K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.3K
bc

Love Donor

read
86.8K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook