CHAPTER 1

1110 Words
Mabilis na isinara ni Vexie ang binabasang libro nang makarinig siya ng mga katok mula sa labas ng kanyang kwarto. Alas dose ng tanghali nang mga oras na iyon. Tumayo siya at binuksan ang pinto ng kanyang kwarto. Ang Ate Veatriz niya ang nakatayo sa labas. "Ate, bakit?" "Kakain na tayo," anito sa kanya habang nakangiti. Its been eight years since the accident happened. Ang mga ngiti ng kanyang Ate ang nagpapalakas sa loob niya, ito ang saksi sa lahat ng pait at hinanakit na naranasan niya simula mawala ang kanyang Ina. "U-umalis na ba si Papa?" Nauutal niyang sabi. Umiling ang kanyang kapatid. "Nasa hapag kainan pa rin siya," anito. "Parang ayoko munang kumain Ate. Sabayan mo na muna siya," nag aalangang sabi niya. Malungkot na pinagmasdan siya ng kanyang Ate at hinaplos ang mahaba niyang buhok. May lungkot sa mga mata nito. "Anong nangyari sa pamilya natin? Bakit tayo humantong sa ganito, Vexie." Gusto niyang yakapin ang Ate niya at mag iiyak sa bilikat nito. Kung sanang maibabalik lamang niya ang panahon, paulit ulit niyang pipiliting maging isang paslit. Sa panahong, buo at masaya pa sila. "Kasalanan ko ang lahat, Ate." "Don't say that." Binigyan niya ito ng pilit na ngiti. "Sige na Ate, mamaya na ako kakain. Sabayan mo si Papa doon. Malungkot kumain ng mag-isa," nasabi niya iyon dahil nararanasan niya ang pakiramdam na kumain ng mag-isa. Palagi. Napatango ang Ate niya at bumaba na ito. Muli niyang isinara ang pinto at napahawak sa kanyang puso, kumikirot na naman iyon dahil sa mga emosyong kinikimkim niya sa mahabang panahon. Naglakad siya palapit sa kanyang kama at umupo roon, nabaling ang paningin niya sa family picture nila na nasa bed side table niya. Kinuha niya iyon at mapait na napangiti. Kuha iyon noong kaarawan niya, sa mismong araw na kinuha sa kanila ang Ina niya. "It's been a years, Ma. Pero ang iniwan mong sugat sa pagkawala mo narito pa. Lalong lalo na sa puso ni Papa. Kinasusuklaman niya ako, he's blaming me kung bakit ka nawala, and I am blaming myself too. I'm sorry." Pumatak sa larawan ang mainit na likidong nagmula sa kanyang mga mata pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon. Oo. Siya ang sinisisi ng Ama niya kung bakit nawala ang kanyang Ina. Galit na galit ang Ama niya sa kanya na halos hindi siya kayang titigan. Nawala na ang dating pagtingin nito sa kanya bilang anak, wala na ang pagtrato nito bilang prinsesa noon sa kanya. Kasabay nang pagkawala ng Ina niya ay ang pagkamatay ng pagmamahal ng Ama para sa kanya. Naiintindihan niya ang Ama, at patuloy na iintindihan. Her father loves her Mother too much. Too much that he's still grieving, kahit pa walong taon na ang lumipas. "Sana Ma, dumating ang araw na, mapatawad na niya ako. Sana dumating na ang araw." Bigla siyang napahikbi, "...ang araw na, mahalin na niya ulit ako at titigan, gaya ng pagtitig niya noong bata pa ako. Because, I missed him a lot. He's near yet so far from me," patuloy na kausap ni Vexie ang larawan kung nasaan naroon ang Ina. Patuloy pa rin sa pag agos ang mga luhang tila hindi nauubos. Bandang 12:40pm nang muling katukin siya ng Ate niya sa kanyang kwarto. "Bakit?" aniya nang mapagbuksan ng pinto ang kapatid. "Nakaalis na si Papa. Kumain ka na, oras na eh." Tumango siya. Kanina pa nga siya nagugutom, ayaw niyang makasabay ang Papa niya sa kainan or makita man lang ito. Dahil nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya sa hitsura at mga mata nito ang pagkasuklam sa kanya. Hindi siya sanay na ganoon itong tumitig sa kanya, namimiss na niya ang puno ng pagkalingang mga mata nito patungkol sa kanya. "Ayos ka lang? Umiyak ka na naman ba?" Usisa ng Ate niya habang pababa sila sa hagdan. "Hindi ah. Ano naman ang iiyakan ko?" Sabi niya na natatawa. Pilit itinatago ang tunay na nararamdaman. Ngunit kagaya ng dati, hindi siya nakakaligtas sa matalas na pakiramdam ng Ate niya. "Sa akin ka pa ba maglilihim? Kilalang kilala yata kita." Inakbayan siya nito. "Huwag mo nang pansinin si Papa. Balang araw, magigising ka na lang, bumalik na siya sa dati. Okay?" Napangiti siya napatango. Sa isip niya, hihintayin niya ang panahon na 'yun. "Sana nga Ate. Hihintayin ko ang araw na iyon. Gaano man katagal at gaano man kahirap." Sinamahan pa siya ng Ate niya na kumain, bago ito umalis. Isa kasi itong guro. Iyon ang pinili nitong propesyon, siya naman ay gusto niyang maging manunulat ngunit tinutulan iyon ng kanyang Ama. Gusto nito ay mag aral siya ng management dahil siya daw ang aasahan nito sa kompanya nila balang araw. Sinunod niya ang gusto nito, dahil sa pagmamahal sa Ama, at sa pag aakalang kapag sinunod ang mga gusto nito ay babalik ang dating Amor nito sa kanya. Kahit ayaw niya sa kursong pinili ng Ama para sa kanya. Parang ang unfair lang kasi. Parang ayaw siyang sumaya ng Ama, parang iyon ang paraan nito upang maghiganti sa kanya. Pero anong karapatan niyang magreklamo? Pera ng Ama niya ang nagpapaaral sa kanya at isang buhay ang nawala dahil sa kanya. Sino siya para magreklamo? Pagkaalis ng Ate niya ay naiwan na naman siya sa mansion, kasama ang dalawang kasambahay. Nakakainip. Wala siyang pasok ngayon. Sa mga ganitong pag iisa niya naaalala ang Ina at namimiss si Pura. Ang pusa niya na pagkatapos mawala ng Ina ay ipinatapon daw ng Ama niya sa kung saan. Ang sakit. Kasi pakiramdam niya, pinaparusahan siya ng Ama niya, pinaparamdam nito kung ano ang nararanasanan nito. Pero wala siyang magawa, lagi siyang nagpapaubaya. Pagkatapos kumain ni Vexie, umakyat na siyang muli sa kanyang kwarto. Maya maya pa tumunog ang cellphone niya, tumatawag ang kaibigan niyang bakla na si Gerald o Genny. "Bakit?" Bungad niya. "Hindi ka ba boring?" Anito sa kabilang linya. "Sobrang boring nga eh. Bakit? " "Tara gala. Free ako today, ikaw ba?" Nag isip muna si Vexie, bago sumagot. "Free rin ako. Saan ba tayo rarampa?" "Kahit saan. Pero mas maganda sa may Afam." Sabay halakhak ni Bakla. Natawa na rin siya, isa rin ito sa nakakawala ng stress niya eh. "Ang landi, Genny. Sige na maliligo na ako. Text kita or call na lang kapag tapos na ako. Sunduin mo ako ah? Wala akong auto." "I know right! Bilisan mo girl! At ng makarami tayong dalawa." "Sige na. Liligo na ako, bye!" Pinatay na niya ang tawag at naghanda na ng susuotin bago naligo. Maglilibang na muna siya. Para kasi siyang mababaliw sa kakaisip. Baka matuluyan na siya kapag nagtagal, kaya kailangan niya ng pampalipas oras upang makalinutan niya ang kanyang mga problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD