CHAPTER 2

1046 Words
Dahil sa masyadong nalibang si Vexie sa pag gagala sa mga malls kasama ang kaibigan, hindi na niya namalayan ang oras. "Bakla! Alas siete na ng gabi." Nanlaki ang mga mata niya at kinabahan. Siguradong masasabon na naman siya ng Ama, pag uwi. "Naku! Hatid mo na ako Bakla! Mayayari na naman ako kay Papa." Hinatid nga siya ng kanyang Kaibigan, pero hindi na niya ito pinapasok pa sa loob. Baka madamay pa ito sa galit ng kanyang Ama patungkol sa kanya. Kabado siya habang binubuksan ang Main door. Ayaw na ayaw ng Ama niya na umuuwi siya ng lampas sa alas singko ng hapon, ganoon kahigpit ang Ama niya. Nang mabuksan ang pinto ay nagulat pa siya nang makita ang bulto ng Ama na nakaabang sa may pinto. Nakahalukipkip ito habang ang mga ma-awtoridad nitong mga mata ay matiim ang titig sa kanya. "P-papa.." "Uwi ba ito ng babae?" Kalma ngunit halata ang galit sa bawat pagbigkas nito. Kaya mas lalong kinabahan si Vexie. "S-sorry po. Nalibang lang po ako kasama si Geny sa pamamasyal." "Bullshit!" Nagulat siya biglang pagmumura nito. "Imbes na atupagin mo ang mga gawain mo sa school, paggagala lamang ang ginagawa mo!" "P-pero- " Naputol ang sasabihin niya ng sumabat muli ang Ama. Gusto sana niyang sabihin na bakit ang Ate niya noon, binibigyan nitong kalayaan sa paglilibot. Bakit siya hindi pwede? Atsaka hindi siya nagpapabaya sa pag-aaral. "Shut up! Ayokong nangangatwiran ka pa. Ikaw na ang may mali." "Lagi naman po akong mali sa paningin niyo Papa." Puno ng hinanakit ang kanyang tinig nang sabihin ang mga salitang iyon. "What did you say?" Nangunot ang noo ng Ama. "Lagi naman mali lahat ng ginagawa ko, sa paningin niyo hindi po ba? Bakit Papa?" Inilang hakbang ng Ama ang pagitan nila at hinaklit nito ang braso niya. "Dahil wala kang ginawang tama. Dahil sa'yo-" "Dahil sa akin namatay si Mama. Dahil sa akin kung bakit nawala ang pinakamamahal mong babae! Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko hindi ba iyon po ang gusto niyong sabihin?" Hindi na niya napigilan ang emosyon na sumambulat. Masyadong masama na ang loob niya sa kanyang Ama. Marahas na binitiwan siya ng Ama at pinakatitigan siya. Hindi niya mabasa ang emosyong nakapagkit sa mukha ng matanda. "Oo. Because of you I lost her, I lost your Mom. We lost her. And that's because of you being stubborn." "Kaya ba pinaparusahan mo ako ngayon? Pinaparusahan mo ako sa bagay na hindi ko ginusto?" Ayaw man niyang umiyak sa harapan ng Ama, ngunit hindi niya mapigilan. Hindi niya mapigilan ang nadaramang sama ng loob sa Ama. Tinalikuran siya ni Mr. Cordova. "Kapag nakikita kita, naaalala ko lahat. How I lost cassandra, at hindi ko mapigilang kamuhian ka. Sana, sana ikaw-" Parang mabibingi si Vexie sa paghihintay sa susunod na sasabihin ng Ama. Ngunit hindi nito itinuloy ang sasabihin. Umalis na ito sa harapan niya at iniwan siyang umiiyak. Kahit hindi itinuloy ng Ama ang sinabi, alam naman niya ano ang dapat gusto nitong sabihin. Na sana, sana siya na lang ang nawala kesa sa Ina nila. Walang kapantay na kirot ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Napakalupit ng Ama niya. "Vexie?" Napaangat ang ulo niya nang marinig ang pagtawag ng kanyang Ate Veatriz. Nakita niya ang pag aalala sa mukha nito at ang awa. "A-ate.." garalgal ang boses niya nang bigkasin iyon. Mabilis na lumapit ang kanyang kapatid sa kanya at ikinulong siya nito sa mga braso nito. Doon ay mas malayang umagos ang mga luha niya. "Ate, hangang kailan magagalit sa akin si Papa? Kailan niya ako mapapatawad?" Pahikbi niyang sabi sa Ate. "Hush . Hayaan mo muna si Papa, he's still in pain for losing our Mom. Pero I know, balang araw makaka move-on na rin siya at magiging okay kayo ulit. Hangang kailan? Kasi ilang taon na ang lumipas pero ganoon pa rin ang Ama sa kanya. Parang mas tama ata ito, siya na lang sana ang nawala para hindi niya nararamdaman ang sakit na ito ngayon. "Sana Ate ako na lang ang nawala. Sana ako na lang ang namatay, siguro mas madaling tangapin iyon. " "Don't say that, Vexie." Iniangat ng Ate niya ang kanyang ulo. Hinawakan siya sa magkabilang pisngi at ngumiti sa kanya. Her Ate's smile reminds her of their mom's smile. It was comforting, gentle and sincere. "Kahit ikaw ang sinisisi ni Papa sa pagkawala ng Mama natin, huwag na huwag mong itatak sa isip mo na ikaw nga ang dahilan nun. Wala kang kasalanan. Huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo, Vexie. " Napatango siya. Pero huli na ang lahat, dahil nakatatak na rin sa isip niya na siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang Ina niya. Iyon kasi ang pinaniwala ng Ama niya sa kanya. Kaya partly, sinisisisi niya rin talaga ang sarili niya. "Good. Tara hatid na kita sa kwarto mo, magpahinga ka na, bukas kakausapin ko si Papa." Sumama siya nang akayin na siya ng kanyang kapatid. Tumigil na rin siya sa pag-iyak. Isa mga ipinagpapasalamat niyang sobra na meron siyang Ate Veatriz. Ang Ate niya na laging natatangol ay dumadamay sa kanya, kung wala ito siguro hindi niya kakayanin ang mga dinaramdam niyang pait. "Sige na, pasok na," anito nang nasa tapat na sila ng kwarto niya. Bago siya pumasok sa kanyang sariling silid ay niyakap niya ng mahigpit ang kapatid. "Thank you, Ate. Dahil sa'yo parang kasama ko pa rin si Mama. I love you." "I love you too, Lil' sis. Magpahinga ka na ha? Matulog ng mahimbing. Huwag mo ng pansinin mga sinabi ni Papa." Kumalas siya sa kanyang Ate at napatango tango. Pumasok na siya sa kanyang kwarto at agad na nahiga sa kama. Tinamad na siyang mag-shower. Ang gusto lang niya ay humiga at matulog, pakiramdam niya kasi ang pagtulog na lamang ang pantakas niya sa mga iniisip niyang problema. Patuloy pa rin siyang aasa na balang araw magiging okay din ang lahat sa pagitan nila ng Ama. Miss na miss na niya ito, ang paglalambing at pagtawag nitong prinsesa sa kanya, sa pagkawala ng Ina niya, parang pati ang kanyang Ama ay nawala rin sa kanya. Parang sabay siyang nawalan ng Ina at Ama, at sobrang hirap nun. Sana sa paggising niya okay na ulit ang lahat. Sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD