CHAPTER 3

1128 Words
Nagulat si Vexie, nang may bumatok sa kanya. Nasa canteen siya nang mga oras na 'yun, dahil vacant niya sa isang subject. " "Aray ko naman Gerald," aniya sa kaibigang bakla na muli siyang tinampal sa ulo. "Ang sakit na ah," reklamo niya sa kaibigan. "Anong Gerald kasi ang sinasabi mo? It's Genny. Capital G-E-N-N-Y! kaloka ka!" maharot na sabi nito, sabay hawi pa sa maiksing buhok. "Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" usisa nito na tumabi sa kanya. Napabuntong hininga siya at pilit na ngumiti. "Next week na ang 18th birthday ko. Naisip ko lang, karaniwan sa mga babaeng katulad ko nae-excite sa ganun. Pero ako parang bangungot ang pagdating ng kaarawan ko." Dahil pinapaalala ng kaarawan niya ang pagkawala ng Mama niya. Panibagong lungkot, dusa at pangungulila ang nararamdaman niya tuwing sasapit ang kanyang kaarawan. Tinapik ni Genny ang kanyang balikat at nakakaunawang ngumiti sa kanya. "Beshy, huwag mong gaanong iniisip 'yan. Alam mo kailangan mo ng mag-move on from the past, huwag kang gumaya sa Papa mo na stuck na ata, " mahaderang sabi nito. Sana noh? Ganoon lang kadaling kalimutan ang lahat, ganoon lang kadaling burahin ang pangit na nakaraan. Kasi kung Oo, buburahin niya lahat ng 'yun. Sana makalimutan na lang niya ang lahat, para kahit tignan siya ng may disgusto ng Ama niya, okay lang sa kanya. "Para na nga akong nagka-trauma beshy, parang ayoko ng mag-birthday. Kasi pakiramdam ko kapag magbe-birthday ako, mas doble ang pagkamuhi sa akin ni Papa." Sobra kasi siyang nahihirapan, iyong tipong hindi katulad dati na tuwing kaarawan niya, ang Papa niya ang unang babati sa kanya. Iba na ngayon, pagluluksa ang isine-celebrate ng kanya Ama. "Ano ka ba beshy, alam mo kumain na lang tayo. Libre kita. Na-stress ako kapag nakikita kitang ganyan, baka ngumawa pa ako rito sige ka! " Sabay tayo ni Genny at sumimangot. Ayaw na ayaw talaga nito kapag nagda-drama siya. "O sige, maraming pagkain ang gusto ko. Walang singilan ha? Libre 'yan," pakikisakay na lamang niya, pilit itinago ang kalungkutan. "Hintayin mo ako diyan." Tsaka na umalis ang kaibigan at nagtungo sa may counter. Nangalumbaba si Vexie at muli na namang nahulog sa malalim na pag-iisip. Inaatake na naman siya ng pagka-over thinker niya. Pakiramdam din niya, ang lungkot lungkot ng kaloob-looban niya, parang ang saya niya ay superficial lamang, hindi makarating sa kaloob-looban niya. Lalo na sa puso niya. Sometimes, her sadness is silently killing her. Walang nakakaalam at walang nakakapuna, but the truth is, she just want to disappear. She wanted to escape. *** Dumating ang araw ng kaarawan ni Vexie. Ang Ate Veatriz niya ang unang bumati sa kanya, sabado kaya wala itong pasok, pero nagpaalam ito sa kanya na may pupuntahan kasama ang nobyo nitong si Aldrin. Kita naman sa mukha ng Ate niya na ayaw siya nitong iwan ngayong kaarawan niya, pero parang importante ang lakad nito at ang nobyo nito, kaya hinayaan na niya. "Oh ano, Vexie. Mag-isa ka na naman. Ipagdiriwang mo na namang mag-isa ang kaarawan mo. Masanay ka na. Masanay ka na... sinabi ng M-masanay k-ka n-na..." gumaralgal ang tinig niya sa huling salitang tinuran. Kasunod nun ay ang marahang pag-agos ng mga luha niya sa kanyang mga pisngi. Wala ng bago, tuwing kaarawan niya, iiyak na lamang siya. Pero kahit ganoon, hindi pa rin siya nasasanay, iyon ang kinagagalit niya sa sarili niya. Kung bakit hinahayaan pa rin niyang masaktan siya sa tagal na panahong paulit-ulit na lamang nangyayari 'yun sa kanya. Ilang saglit pa siyang umiyak, pagkaraan ay pinunasan ang mga luha at bumangon mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Nagugutom na siya, ikakain na lamang niya ang lungkot na nadarama. Saktong paglabas niya sa kanyang kwarto, ang siya namang pagdaan ng Papa niya na nakabihis na at handa ng pumasok sa opisina. Kapwa pa sila natigilan at nagkatinginan. Sa maiksing sandali umasa siya na babatiin siya ng Ama. Pero nang lampasan lamang siya nito nang walang salita, muli na naman nawasak ang puso ni Vexie. Iyong tipong durog na durog na tapos lalo lang nadurog. Muli na naman niyang naramdaman ang kagustuhang umiyak, pero pinigilan niya ang sarili. Hinintay na lamang niyang makababa sa matarik na hagdan ang Ama, bago siya bumaba patungong kusina. Nadatnan niya doon si Manang Ludy. "Kakain ka na ba, hija? Pagsasandok na kita," anito habang nakangiti sa kanya. Marahan siyang tumango at ngumiti. Binigyan siya ng Plato at kutsara ni Manang Ludy, niyuko niya iyon tinitigan na tila may kung ano siyang pinapanood doon. "Siya nga pala hija, maligayang kaarawan sa'yo,' anang matanda. "Nabigla siya at marahang iniangat ang paningin at lumamlam ang mga mata. "Maraming salamat po, Manang," aniya sa matanda na ngayon ay nilalagyan siya ng ulam sa plato. Hindi alam ni Manang Ludy, gaano kalaki ang impact sa kanya sa tuwing may makakaalala at babati sa kanyang kaarawan. Pero sa kabila nun, may isa pa rin siyang boses na hinahanap. Boses ng Ama na binabati siya gaya ng dati, pero mananatili na lamang siyang bigo sa bagay na 'yon. "Kumain ka nang marami ha? Parang pumapayat ka hija. Huwag mong pinapabayaan ang sarili mo, hindi iyan nagugustuhan ni Ma'am Cassandra kung nabubuhay lamang siya," marahang sabi ng matanda. Tumango na lamang siya at mapait na napangiti. Tama si Manang, ayaw na ayaw ng Ina niya napapabayaan sila o pinapabayaan ang mga sarili nila. Nakakamiss pala. Nakakamiss pala ang mga pag aalala ng Ina niya. Pagkatapos niyang kumain, nagpaalam siya sa matanda at muling umakyat sa kanyang kwarto. Nadatnan niyang tumutunog ang kanyang cellphone at nakitang si Genny ang tumatawag. "Happy Birthday beshy!" Tili ni Genny sa kabilang linya na halos magpapikit sa kanya. "Oy! Balak mo bang sirain ang eardrums ko?" Aniyang natatawa. "Kuh! Pasalamat ka lang at binati kita, o ano, saan tayo ngayon?" Excited na sabi nito. "Ikaw, saan mo ba ako balak ilibre?" Biro niya rito. "Sama ka na lang sa akin sa Bar. Since nasa legal age ka na, beshy! Nakoooo promise mag-eenjoy ka!" Napalunok si Vexie at binasa ang mga labi, ngayon pa lamang siya papasok sa bar kung sakali. "S-sige. Isama mo na lamang ako. Basta ba huwag tayong gagabihin masyado ha?" "Promise hindi tayo gagabihin masyado. Dahil umaga na tayo makakauwi," biro ni Genny, "pero siempre joke lang 'yon," bawi nito. Dahil kung magiging totoo 'yon, patay sila sa tatay niya. "Basta tawagan mo na lang ako kung pupunta na tayo ha? Puntahan mo na rin ako dito, wala akong kotse." "Ang poor! Sige na, basta suotin mo na ang pinaka sexy mong damit at magpaganda ka ng sobra. Birthday mo naman, feel mo na!" Tawa na lang ang isinagot niya sa kaibigan bago niya pinatay ang tawag. Siguro kalimutan na muna niya ang mga problema niya, dapat niyang enjoyin ang araw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD