Chapter Two

2827 Words
          HINDI na mabilang ni Chaia kung ilang beses na siyang huminga ng malalim. Iyon ang unang araw niya sa The Groove Bar, at ang balita pa niya, ayon sa mga kasamahan niya. Dadagsain daw sila ng mga tao sa gabing iyon dahil weekend. At darating daw ang boss nila mamaya. Lalong kumabog ang puso niya dahil hindi pa niya nakakaharap ang may-ari ng Bar. Ang tanging humarap lang sa kanya ay ang Manager nila na si Miss Anne.           “Chaia, are you ready?” tanong nito.           Awtomatikong ngumiti siya. “Opo. Pero kinakabahan ako.” Sagot niya.           Tinapik nito ang isang balikat niya. “Don’t be. You’ll be fine. Sa galling ng pinakita mo sa amin during your interview at practical exam. Hindi ka dapat kabahan. Show them what you got.” Pagpapalakas pa ng loob nito.           Tumango siya. “Thank you po. Fighting!” sabi pa niya.           “Alam mo na ba ‘yung mga drinks natin dito? Kabisado mo na?” tanong pa nito.           “Opo, alam ko na po.” Sagot naman niya.           “That’s good. So, I’ll see you in a bit,”           “Sige po.”           Lord, kayo na po ang bahala sa unang gabi ko dito sa trabaho ko. Bless the works of my hands. Amen. Piping panalangin niya.           “Chaia, tara na! Labas na tayo.” Yaya sa kanya ng mga kasamahan.           Dahil malaki na paikot ang buong Bar apat silang bartender doon, at nag-iisa siyang babae. Ang tatlong kasama niya ang mga nanghusga sa performance niya noong Actual Performance Exam niya. Bago siya tuluyang humarap sa costumers, huminga ulit siya ng malalim.           Go Chaia! Fighting! No guts! No glory! Pagpapalakas pa niya ng loob sa sarili.           Pagharap niya sa mga customers, isang kolehiyala ang unang um-order sa kanya, at mukhang suki na ito doon.           “Wait, you’re new here. Right?” tanong agad nito sa kanya.           “Yes Ma’am!” magiliw na sagot niya.           “I knew it, anyway, give me one dry martini please.” Sabi pa nito.           “Right away, ma’am.” Aniya. Agad niyang ginawa ang order nito at mabilis na sinerve dito.           “Hmmm, you’re good. I like you.” Puri pa nito sa alak na minix niya.           “Thank you, ma’am.”           Sa pagdaan ng mga sandali, unti-unti ay nawawala ang kaba ni Chaia. Nagsimula na siyang mag-enjoy sa trabaho niya. Malaking pasalamat niya sa Diyos dahil hindi siya nagkamali. At sa paglalim ng gabi, padami din ng padami ang mga tao. Mabuti na lang at nasanay na siya kapag maraming customers, kaya na-handle niya iyon ng maayos. Mayamaya, lumapit sa kanya ang isang kasamahan niyang bartender.           “We’ll start in five minutes, Chaia.” Paalala nito sa kanya. Ang tinutukoy nito ay ang show na gagawin nila. Magpe-flair sila sa harapan ng mga customers. Ibig sabihin, hahaluan nila ng sayaw at performance ang pagmi-mix nila ng drinks. Mabuti na lang at may talent siya sa pagsayaw, kaya madali niyang nakuha ang mga routines na tinuro sa kanya.           Sa isang show, tatlong routines ang gagawin nila. Or tatlong drinks ang imi-mix nila. Ilang sandali pa, biglang lumakas ang musika sa buong Bar. Hudyat na iyon na magsisimula na ang show. Nagsimulang pumapalpak at nagsigawan ang mga customers na nanonood sa kanila, sinabayan nito ng palakpak ang musika. Kaya lalong nawala ang kaba niya, at mas ginanahan siyang mag-perform.           Sabay-sabay nilang ginawa ang mga routines. At masaya siya dahil nakakasabay siya sa mga ito. At aaminin niya, iyon ang pinaka-favorite part niya sa trabaho niya bilang isang bartender. Ang mag-perform at mapasaya ang mga customers nila. Sa tatlong routines na ginawa nila, tatlong cocktails drinks din ang binigay nila sa iba’t ibang customers doon. Nang matapos ang show nila, pinaulanan siya ng papuri. Hindi daw nila akalain na makakasabay siya sa tatlong beteranong bartender doon. Ang sagot niya sa mga ito.           “Wala naman pong mahirap kapag desidido kang gawin ang isang bagay,” aniya.           “Great job, Chaia.” Puri sa kanya ni Miss Anne. “Nagustuhan ni Sir Karl ang performance mo.”           Nanlaki ang mata niya, sabay lingon sa paligid. “Talaga po? Nandito na si Boss?” tanong niya.           “Oo, nariyan lang siya sa paligid. Nag-e-estima ng mga customers at mga kaibigan niyang suki na nitong Bar.” Sagot nito.           “Eh Miss Anne, ano po bang itsura ni Sir Karl?” tanong niya.           Ngumiti lang ito. “Hintayin mo na lang, lalapitan ka rin no’n.” sagot nito ng nakangiti, pagkatapos ay umalis ito agad. Nagtaka siya sa sagot nito.           Ano bang itsura no’n? At kailangan pang pa-suspense? Tanong niya sa sarili. Pinilig niya ang ulo. Saka tinuon na lang sa trabaho ang atensiyon, wala naman siyang dapat ikatakot. Sabi nga ni Miss Anne, nagustuhan daw nito ang performance niya sa gabing iyon.           “Kuya, puwede ba akong mag-CR muna? Naiihi na talaga ako eh.” Paalam niya sa kasama.           “Sige, ako munang bahala dito. Pero balik ka agad, ha?” pagpayag nito.           “Okay.”           Agad siyang lumabas ng Bar. Habang naglalakad siya patungo sa kinaroroonan ng Comfort Room, may mga customers doon na patuloy pa rin siyang binabati. Malapit na siya sa CR nang mabangga siya ng kung sino.           “Aray!” daing niya.           “Oh, I’m sorry Miss.” Hinging paumanhin agad ng nakabangga sa kanya.           “O-okay lang.” aniya.           Pag-angat niya ng ulo, para tingnan kung sino ang may malaking katawan na bumangga sa kanya. Daig pa niya ang sinipa ng kabayo. May kung anong sumikdo sa dibdib niya sa sandaling nagtama ang paningin nila. Hindi agad siya nakakibo. Nanatili lang siyang nakatulala sa harap nito. Paano nga ba hindi siya matutulala? Napakaguwapo nito. Sa kabila ng malamlam na ilaw sa paligid ng buong Bar. Naaninag niya ang magandang mata nito. He has honey brown eyes. Medyo matangos ang ilong nito, at mapula ang mga labi nito. Halatang hindi ito naninigarilyo. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang clean-cut na buhok nito. He’s perfection.            Pero bakit ganito ang kaba sa dibdib niya? Hindi niya maintindihan. Bakit kailangan bumilis ang t***k ng puso niya? Hindi naman niya kilala ito. Tinitigan niya ito ng mabuti. May kung anong bumubulong sa puso niya na nakita na niya ang pares ng mga matang iyon, hindi lang niya maalala kung saan. Tila natauhan siya ng magsalita ang lalaking nasa harap niya.           “You must be Chaia,” anito.           Kumunot ang noo niya. Nagtaka siya dahil alam nito ang pangalan niya.           “Kilala mo ako?” tanong niya dito. Bigla niyang naalala na may name tag pala sila. Wala sa loob na nahawakan niya iyon saka napangiti. “Oo nga pala,” aniya. Para hindi siya tuluyang mapahiya ay nagpaalam na siya dito.           “Ah, sige po. Una na ako.” Sabi pa niya. Pagtalikod niya, nagulat siya dahil pinigilan siya nito.           “Wait,”           “Bakit po?”           “I want to congratulate you for doing great on your first night here in The Groove. I think the customers like you. Karamihan kasi ng Bartender na magaling sa Flairing ay mga lalaki. And first time na magkaroon kami ng Bartender na babae.” Mahabang sabi nito.           Agad na natutop niya ang bibig. Saka mabilis na rumehistro sa isip niya kung sino ang nasa harap niya. “Oh my! Hala! Kayo po ba si Sir Karl? Ang may-ari nitong bar?” tanong pa niya.           Mabait na ngumiti ito sa kanya, saka mabilis na tumango. “Ako nga.” Sagot nito.           Nilahad nito ang kamay. “It’s nice to meet you, Chaia.” Sabi pa nito. Tinanggap niya ang kamay nito, para lamang muling mapatulala. Hindi niya sigurado kung naramdaman nito iyon. May kung anong mainit na pakiramdam ang hatid ng pagdadaop ng palad nilang iyon. Wala sa loob na napatingin siya dito, ganoon din ang ginawa nito. Mataman itong tumingin sa kanya ng hindi binibitawan ang kamay niya. Pilit niyang kinalma ang puso niyang unti-unti ay nawawala sa normal ang pagtibok.           Nagbitiw lang sila ng kamay ng dumating ang isang lalaki na guwapo din.           “Hey! You’re the new Bartender!” sabi pa nito.           Napakurap siya. Saka tinignan ang bagong dating. “Uhm opo.” Aniya.           “Pinsan, saan ka ba pumupunta? Bakit ngayon mo lang nakita ang isang magaling na gaya ni…Uh, what’s your name again?”           “Chaia po,” pagpapakilala niya.           Ito mismo ang kumuha ng kamay niya saka pinakilala din ang sarili. “Wesley. I’m his cousin. Actually, marami kaming magpi-pinsan dito. Mamaya, lalapitan ka nila.” Anito.           Pinakiramdaman niya ang sarili ng magdaop ang palad nila. Ngunit hindi niya naramdaman dito ang naramdaman niya kay Karl kanina nang magkamay sila. Wala sa loob na napatingin siya sa huli, nakangiti lang ito habang nakikinig sa kanila.           “Uh, sige po. Una na ako. Sir. Sir Wesley.” Paalam niya.           “Okay,” ani Karl.           Mabilis siyang nagtungo sa CR. Pagdating sa loob ng cubicle, agad siyang sumandal doon saka humugot ng malalim na hininga. Hindi niya alam kung anong meron ang Boss niyang iyon, at ganoon ang reaksiyon niya. Hinawakan ni Chaia ang bilog na emerald stone na pendant ng kuwintas niya.           Relax Chaia. Siya kasi ang boss mo kaya ka kinakabahan. Okay? Iyon ‘yon! Pangungumbinsi pa niya sa sarili.             Hindi alam ni Chaia kung ano ang mga mangyayari sa kanya sa pagtatrabaho niya sa The Groove Bar. Pero dalangin niya na sana’y iyon na ang simula at maging daan ng pagbabago ng kanyang buhay.                     HINDI mapigilan ni Karl na sulyapan ang bagong Bartender niya. Hindi kasi niya maisip kung saan niya nakita ito. Kanina nang magkabangga sila at magkaharap, he suddenly felt strange. He knows, somewhere, he already met Chaia. Pero saan? Pilit niyang hinalukay ang isip niya. Ngunit hindi talaga niya maisip. Muli niyang tiningnan ito. Abala ito ng mga sandaling iyon sa pag-e-estima ng mga customers.           Nang sandaling magtama ang mga mata nila. Alam ni Karl, nakita na niya ang kulay tsokolateng mata na iyon. Wala sa loob na napahawak siya sa pendant ng kuwintas niya, isa iyon singsing na may hawig sa sapphire gemstone. Bata pa lang siya ay palagi na niyang suot iyon. Bigay iyon ng isang kaibigan na nakilala niya, ilang taon na ang nakakalipas. At sa maraming taon din ang lumipas, hindi na sila nagkita pa nito. Ngunit lihim siyang umaasa na muling pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas. Naputol ang pag-iisip niya ng bahagya siyang sikuhin ng pinsan niyang si Jefti. Nang lumingon siya dito, nginuso nito si Chaia.           “You like her?” diretsong tanong nito.           “Hindi ah!” mabilis niyang sagot.           “Really?”           “Hindi masamang umamin, kami naman ang kasama mo eh.” Giit pa ng pinsan niyang si Miguel. Halata naman na nang-aasar lang ito.           “She’s not bad. Actually, not very bad. She’s beautiful.” Puri pa ni Daryl.           “Bagay nga kayo eh,” dugtong pa ni Marvin, sabay tapik sa balikat niya.           Pumiksi siya. “Ay! Ano ba kayo? Puro kayo kalokohan eh! Pamilyar lang siya sa akin.” Sagot niya sa mga ito.           “Ano ka pengkum? Kilala ka namin, boy! Isa ‘yan sa mga dialogue kapag may nilalapitan kang babaeng type mo.” Pambubuking ni Jester.           “Uhm, excuse me, Miss. Have we met before? I’m not sure, but your face looks familiar. Did I saw you somewhere? Oh, I’m sorry. It must be somebody else. By the way, I’m Karl, and you are?” panggagaya pa ni Kevin sa kanya.           Hindi siya nakasagot agad. Totoo naman kasi ang sinasabi ng mga ito. Iyon ang madalas niyang introduction sa mga nagugustuhan niyang babae. Tumikhim siya ng malakas bago sumagot, para makabawi sa pagkapahiya.           “Nah! This time it’s for real. Parang nakita ko na siya na hindi. I don’t know. Somewhere.”           “Nice, so you mean you’re attracted to her?” usisa pa ni Glenn.           “Wala akong sinabing ganyan,” sagot niya.           “Such a looker for a bartender. Sa totoo lang, naka-jackpot ka ng i-hire mo siya. Dagdag hatak ng customers si Chaia. Dahil bukod sa maganda na, magaling pa. At mukhang mabilis matuto.” Sabi pa ni Wayne.           Hindi siya sumagot. Dahil abala siya sa pag-iisip kung saan at kailan niya nakita ito. Pero ayaw talagang maki-cooperate ng utak niya. Marahas siyang napabuntong-hininga sabay pilig ng ulo.           “Hindi ko talaga maalala.” Aniya.           “Huwag mo kasing kunsumihin sarili mo! Tingnan mo, bigla mo na lang maaalala ‘yan.” Sabi pa ni Mark sa kanya.           “Tara, lumipat tayo doon sa puwesto ni Chaia.” Yaya sa kanya ni Wesley.           “Huwag na! Dito na lang tayo!” tanggi niya.           “Bahala kayo, I’m going!” sabi nito, saka mabilis na nilapitan si Chaia, umupo ito sa bakanteng high chair sa harap ng Bar. Nagsunuran ang iba pa niyang mga pinsan, kaya sumunod na rin siya.           “Wait, I’ll go ahead.” Paalam ni Gogoy sa kanya.           “Aren’t going to stay for a bit longer? Nagkakasiyahan pa tayo.” Pigil niya dito.           “I’ll pass. Pagod ako. Kaya lang ako sumama dito para magpa-antok.” Paliwanag nito.           “Makakapagmaneho ka pa ba? Sabihin mo lang kung hindi, ipapahatid kita sa isa sa kanila.” Aniya.           “No, I’m okay. Hindi naman ako nahihilo. Konti lang ang ininom ko.” Sabi pa nito.           “Okay, ingat.” Sabi pa niya dito.           Pumasok siya sa loob ng Bar at doon tinabihan niya si Chaia. Tila nahihiya pa ito ng tumingin at bumati sa kanya. Pinakilala niya dito isa-isa ang mga pinsan niya. At sa pagdaan ng mga sandali. Madaling nakagaanan ng loob ni Chaia ang mga pinsan niya. Mula sa likuran nito, lihim niya itong pinagmasdan. Baka nagkakamali siya, hindi pa sila nagkikita nito.           “Sir, gusto po ninyo ng drinks? Igagawa ko po kayo.” Alok nito sa kanya.           Ngumiti siya dito. “No thanks, I’m done. I already had a few drinks.” Sabi pa niya.           “Okay po.” Usal nito.           Mayamaya, muli na naman itong dinagsa ng mga customers. Dumami ang orders nito. Dahil naroon siya sa loob ng Bar, tumulong siya sa pagse-serve ng drinks. Dahil busy at tutok sa ginagawa si Chaia, hindi namalayan nito na nahulog sa sahig ang basahan ginagamit nito pamunas.           “Konting Flair naman diyan, Chaia!” kantiyaw pa ng mga pinsan niya dito, maging ng ibang mga customers.           “Naku eh,” usal nito, sabay sulyap sa kanya. Tila ba hinihingi nito ang permiso niya na mag-flair.           “Go ahead,” pagpayag niya. Sinabayan nito ang malakas na musika, habang nagmi-mix ng drinks ay nagpe-flairing din ito. Muli na naman itong pinalakpakan ng mga tao. Dahil abala ito sa pagpe-perform, hindi na nagawa pa nitong pulutin ang basahan na nahulog. Akma siyang yuyuko para pulutin sana iyon, dahil baka madulas ito. Nagulat pa siya ng marinig niya itong biglang sumigaw. Natapakan nito ang basahan at nadulas.           Awtomatikong kumilos ang katawan niya. Mabilis niyang sinalo ito ng mga bisig niya, at hinapit palapit sa kanya para hindi ito bumagsak sa sahig. Napapikit ito. Nang dahan-dahan itong dumilat, kapwa napako ang mga mata nila sa isa’t isa.           Bakit ganito ang nararamdaman ko? Tanong niya sa sarili. Unti-unti ay kumakabog ng malakas ang puso niya.           “Ah, a-are y-you okay?” kandautal na tanong niya.           Namumula ang magkabilang pisngi na tumango ito. “O-opo, thank you, Sir.” Anito.           Tatayo pa lang ito ng maayos nang siya naman ang madulas, dahil nakahawak ito sa braso niya. Natangay niya ito, kaya dalawa silang bumagsak ng sahig. Muli na naman itong humiyaw. Siya naman ay napaigik ng biglang kumirot ang likod niya. Ngunit ang mas nakabahala sa kanya ay ang posisyon nila. Chaia was on top of her.           Nang ma-realize nito na nasa ibabaw niya ito. Mabilis itong tumayo. “Naku, Sir. Sorry po!” hinging paumanhin nito agad, sabay tayo. Inalalayan pa siya nitong tumayo.           “No, it’s okay. It’s my fault. Ako ang nadulas.” Sabi pa niya.           Nang sumulyap siya sa mga pinsan niya ay iisa ang hilatsa ng pagkakangisi nito. Halatang nanunudyo na naman ang mga ito.           “Sorry po ulit.” Usal nito.           Tumango lang siya, bago umalis ay tinapik niya ito ng mahina sa braso. Saka mabilis na umalis doon sa Bar. Dumiretso si Karl sa loob ng CR. Doon siya nakahinga ng maluwag. Hindi siya maaaring magkamali. Minsan lang niya naramdaman ang ganoon klase ng kaba. At paano nga ba niya makakalimutan ang dalagitang nagpatibok ng kagaya niyon sa puso niya.           Gising Karl! Focus! Hindi siya si Ikay! Sabi pa niya sa sarili.               NANG humupa na ang mga customers, naupo sandali si Chaia sa sahig ng Bar. Saka pilit na pinakalma ang sarili. Hindi niya maalala ng maayos ang nangyari kanina. Basta ang natatandaan lang niya, humiling ang mga pinsan ng Boss niya na mag-flair siya. Pinagbigyan naman niya ito dahil na rin sa pagpayag nito. And the next thing she knew, bigla na lang siya nadulas at nasalo siya nito. Pagkatapos, ay tuluyan silang bumagsak sa sahig at nasa ibabaw na siya nito.           Mariin siyang napapikit, saka marahan tinapik-tapik ang magkabilang pisngi.           “Naku Chaia, mag-ingat ka ng kilos mo. Ayaw mo naman sigurong mabawas sa sweldo mo ang mababasag mo.” Pagkausap pa niya sa sarili.           Biglang rumehistro sa isip niya ang naging eksena kanina. Habang nakakulong siya sa mga bisig nito at malapit ang mukha sa isa’t isa. Malinaw sa alaala niya kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib niya.           “Yah! Boss mo siya! Hindi dapat ganoon!” pagpapakalma pa niya sa sarili.           “Chaia, may customer.” Anang kasama niyang Bartender.           Tumango siya. Huminga muna siya ng malalim bago muling tumayo at harapin ang customers. Pilit niyang pinalayas ang kung ano man nagpapagulo ng isip niya. Lalo na kung tungkol sa Boss niya.                                                                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD