bc

The Billionaire's Innocent Seductress

book_age18+
77.8K
FOLLOW
424.3K
READ
billionaire
possessive
sex
maid
comedy
sweet
city
first love
lonely
seductive
like
intro-logo
Blurb

WARNING! THIS STORY CONTAIN EXPLICIT AND MATURE CONTENT THAT IS NOT SUITABLE FOR MINORS! KUNG SENSITIVE KA, HINDI DIN ITO PWEDE SAYO!

(ROMCOM SPG)

Nanganganib sina Rose na mapalayas sa kanilang bahay. Gusto ng bawiin ng may-ari ng lupa ang kinatitirikan ng kanilang bahay. Hindi nila kayang bayaran ang hinihingi nitong kabayaran, kaya napilitan siyang gumawa ng bagay na ni minsan ay hindi pumasok sa kaniyang isip.

At ngayon ay kailangan niyang pagbayaran ang bagay na nagawa niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Walang makakapagbigay sayo ng gano'ng kalaking halaga sa isang gabi lang, kahit pa virgin ka pa Rose," wika ni Mae. Sa kanya na ako lumapit dahil halos lahat ng kamag-anak at kakilala ko ay nalapitan ko na pero wala naman silang malaking halaga na mapapahiram sa akin. "Pero may kakilala ako na kayang magbigay ng gaya ng halaga na kailangan mo." "Talaga?" natutuwa kong tanong sa kababata, tila nabuhayan ako ng loob. "Huwag ka munang matuwa, baka hindi ka pumayag. Pero kung ako sa'yo, kunin mo na," wika niya sabay hit-hit buga sa kaniyang sigarilyo. "Kahit ano, Mae, kailangang- kailangan ko talaga ng pera," mangiyak-ngiyak kong pakiusap. "May kakilala kasi ako na kakailanganin ang serbisyo mo." "Anong ibig mong sabihin?" Sumeryoso ako ng tingin kay Mae. "Simple lang, Rose. Kailangan mong makipag-s*x habang may nakatagong video." Laglag ng panga ko sa sinabi ni Mae. Ano 'yon? Parang sa mga porn lang? "Makikipag-s*x ka, pero, hindi niya alam na may video. Lalasingin natin ang lalake." Nakangisi siya. "Ano payag ka?" tanong ulit ni Mae. Nag-isip muna ako. Oo nga at handa kong gawin ang kahit na ano sa tindi ng pangangailangan namin. Handa kong ibenta ang sarili para makalikom ng halaga pero ang may s*x video o scandal ay parang pagpapakamatay na ito. Malala pa sa plano kong kapit patalim na pagbebenta ko ng aking sarili. "Ano ba ang ginagawa kapag nag-ano?" Tumawa si Mae at napailing-iling. "Maghahalikan, maghuhubad ng damit. Kung gusto mong may romansa at haplos-haplos, okay. Pero kung gusto mong ipasok agad. Pasok," paliwanag niya na halos hindi ko maintindihan. "Meron ka hanggang bukas para pag-isipan 'yan, Rose. Kunin mo ang number ko at tawagan mo ako kapag nakapag desisyon ka na." Sobrang bigat ng pakiramdam ko na umuwi, galing pa ako ng bulacan. Lumuwas lang ako ng Manila para sadyain si Mae. Kababata ko siya at hindi lingid sa akin ang trabaho niya. Nagtatrabaho siya sa isang bar. Mali, lounge pala ang sabi niya. Mas mayayaman daw ang mga customer dito sabi niya. Lumapit ako sa kaniya para sana ipasok niya ako sa trabaho. Kahit pa hindi marangal na trabaho ang pagbebenta ng aliw papatusin ko na. Ang sabi kasi, kapag nagtatrabaho sa bar ay malaki ang kinikita kapalit ang isang gabi. Pero mukhang mali naman, dahil ang kapalit ng puri mo ay kapiranggot lang na halaga at hindi mo ikakayaman. Baka aabutin pa ng ilang buwan bago mapag-ipunan iyong halaga na kailangan ko. Napalayas na din kami nu'n sa lupang kinatitirikan ng bahay namin. Nagtungo na ako sa terminal ng bus at uuwi ng walang napala. Sana naman nakagawa na ng paraan si tatay. -- Pagkarating ko sa amin ay nadatnan ko ang aking pamilya na malungkot. Kita sa mukha nila ang panlulumo at pagkabagabag. "Ano po ang nangyari?" tanong ko. Dali-dali kong linapitan ang aking magulang at kapatid na mga nag-iiyakan. "Dalawang linggo na lang, ate, papalayasin na tayo dito ng may-ari ng lupa." Ang lupang kinakatirikan ng bahay nila ay hindi sa kanila. Kung hindi nila mabayaran ang lupa ay mapapaalis na sila. Ilang beses na silang pinagbibigyan ng may-ari ng lupa pero inabot na sila ng apat na buwan na palugit pero hindi pa din sila makagawa ng paraan. Isang construction worker lang ang tatay niya at ang nanay naman niya ay tumatanggap ng labada. Five hundred thousand ang halaga ng lupa at sa kanilang isang kahig isang tuka na pamumuhay ay malabong magkaroon sila ng ganoong kalaking pera. "Gagawan ko po ng paraan 'tay, huwag na kayong mag-isip." Pampalubag loob niya sa pamilya. "Sino naman ang magpapahiram sa atin ng ganoon na halaga, Rose? Hindi biro iyon. Ang tiyahin ko sa america sabi wala daw siya mapapahiram." "Gagawan ko po ng paraan," aniya. Kahit anong kaka-isip niya ay wala na talaga siyang maisip na lapitan. Kinagabihan ay tinawagan niya si Mae. "Hello, Rose, alam ko talagang tatawag ka agad eh," bungad neto sa kanya. "Kailangan ko 'yung pera sa loob ng isang linggo, Mae." "Bukas gawin natin ang plano," sagot ni Mae mula sa kabilang linya. Kinabukasan, maaga siyang gumayak at nagbiyahe papuntang maynila. Sinundo siya ni Mae sa terminal. "Mamayang gabi pa natin gagawin, pero ngayon pag uusapan muna natin ang plano," aniya habang lulan sila ng taxi. Sa isang mataas na building sila nagpunta. Ayon kay Mae, naghihintay daw ang babae doon. Madami siyang tanong at hindi niya lubos maunawaan. Kadalasan ay ang lalake ang magbabayad sa babae para sa aliw. Gano'n ang mga napapanood sa palabas. Kung ano ang dahilan ng babae ay gusto niya itong malaman. Pagpasok sa isang unit, ay sinalubong sila ng isang magandang babae, matangkad at napakaputi. May magandang hubog ng katawan, at maihahambing siya sa isang dyosa. Para siyang model sa tangkad na nasa 5'7 siguro o 5'8. Maganda din naman siya at maputi, hindi nagkakalayo ang kanilang kutis. Matangkad naman siya sa height 5'4 ngunit kung itatabi siya dito ay maliit siya. Hindi din siya papasa bilang isang modelo. Ngumiti ito sa kanya. "Siya ba, Mae?" tanong ng babae kay Mae "Oo, kababata ko 'to," turo sa kanya ni Mae. "May boyfriend ka ba?" tanong ng babae sa kaniya. "18 lang po ako, ma'am, kaya wala pa po sa akin ang ganiyang bagay," magalang niyang sagot. Natawa ang babae, tinignan ang kabuuan niya mula taas pababa. "Pero aware ka naman siguro kung ano ang gagawin mo 'di ba?" tanong sa kaniya habang nakataas ang isang kilay. Tumango siya. At nagsimula na silang pag-usapan ang plano. "Lalagyan ko ng gamot at alak na iinumin niya, at doon natin isakatuparan ang plano." "Gusto ko lang po sana itanong kung ano ang motibo niyo para gawin ito sa lalake?" may pag aalinlangan niyang tanong dito "May kasalanan kasi siya sa akin," 'yon lang ang tanging sagot ni Erika sa kaniya. "At, hindi kita babayaran para magtanong," masungit nitong usal. Tinignan ko siya ng masinsinan. Ano ba ang motibo niya para gawin iyon? Marami pa siyang gustong itanong pero hindi din naman masasagot. Iniwan siya ni mae sa condo ni erika dahil may trabaho pa daw ito. Buong maghapon silang nagplano, sa gagawin nila mamayang gabi. Kabadong kabado siya sa papasukin niya. Ngunit nangingibabaw ang determinasyon niyang gagawin niya ito para sa pamilya. "Isuot mo yan, pupunta tayo sa club." sabi sa kanya ni erika ng pumatak na ang dilim.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unloved by the billionaire

read
396.3K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.5K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
248.3K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
324.6K
bc

Sexytary |SPG|

read
535.2K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
235.9K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook