Chapter 4

1030 Words
"Let's make this night more fun," suhestiyon ni Marko na para bang may binabalak na masama sa ngiti niya. "Go on," walang ganang wika ni Craig na sa dami ng nainom ay parang hindi man lang nalalasing. "Well, it's a dare. Body shot with a stranger," paliwanag ni Marko. "Sounds fun." May bakas ng excitement na sagot ni Craig. Samantalang ako ay walang maramdaman na excitement, bigla akong natakot. Ang pagpunta sa isang lugar na bago sa akin ay nakakatakot na, ang makipag-body shot pa kaya sa isang estranghero. "I'm not interested," sagot ni Erika. "Oh yeah?" mapang-uyam na tanong ni Craig kay Erika. "Are you under estimating me? There's no man who can't be lure by my charms." Pagmamalaki pa ni Erika. Tinawanan lang siya ni Marko at Craig. Si Ethan naman ay tinaasan siya ng kilay. "Well, of course except for you three," bawi ni Erika. Napakunot ang noo ko. Pumayag din kalaunan si Erika at sinabing payag na siya. "Okay, your target is the man in the bar counter, wearing a button down shirt." Agad tumayo si Erika at binitbit ang isang shots ng tequila. Linapitan niya ang lalake na tinuro ni Marko. Nag-usap pa sila ng ilang saglit, at maya maya pa'y linagyan na ni Erika ng asin ang leeg ng lalake. Ang lime ay nasa bibig ng lalake, dinilaan ni erika ang asin sa leeg ng lalake, tinungga ni erika ang shot ng tequila at kagat sa lime na nasa bibig ng lalake. Nag-tilian ang mga tao na nasa malapit sa bar, siguro ay mga kasamahan ng lalake, tila kinilig sa ginawa ni erika. Pero siya ay napangiwi, ganoon pala ang body shot. Nakaka-excite ngunit sa gaya kong hindi sanay sa ganitong kasiyahan ay nakakailang. Nagpasalamat muna si Erika sa lalake saka bumalik na sa upuan nila. "No sweat." Pagmamalaki nito sa kanila sabay flip ng hair at baling sa mga kasamahan namin. Nginitian ko si Erika, napaka-cool niya. Tinaasan ang prize, kanina ay ten thousand. Ngayon ay naging twenty thousand na. Kaya naman ganadong-ganado si Marko noong siya na ang sasabak sa dare sa kanya. Confident itong tunguhin ang target niya. Kailangan niyang maagaw ang babae doon sa kasayaw. Nang malapitan na niya ang target ay, walang pag-alinlangan ang babae na lumipat ng partner at game na game makisayaw sa kanya. Muntik pang magkagulo dahil napikon ang lalake na kanina'y kasayaw, inawat na lang ng bouncer kaya naagapan. Nang matapos sa pakikipagsayaw at hinila pa siya ng babae at hinalikan ng madiin sa labi. Natatawa na lang kami sa table nila habang pinapanood si Marko at ang babae. Ngayon ay nakabunsangot na dahil iniwan na ng binata sa gitna ng dance floor. Patawa-tawa din si Marko ng makabalik na sa couch. Ngayon naman ay binalingan niya si Ethan. Bodyshot with Erika ang dare ni Marko kay Ethan. Pero sumama ang timpla ni Ethan sa narinig. Sinabi niya na wala daw thrill ang dare kung kay Erika niya ito gagawin. Napairap si Erika. May babaeng mukhang tahimik at mag-isa sa bar counter. Iyon ang target ni Ethan. Akala ko mahihirapan siya dahil mukhang may pagka-aloof ang babae pero hindi pala. Bumigay ito kay Ethan. Hinalikan pa siya sa pisngi ng babae bago siya iniwan doon ni Ethan. Lakas ng s*x appeal! Dahil kami na lang ni Craig ang hindi pa nasasalang ay nagsimula ng magkarerahan ang t***k ng puso ko. Lalo na ng tinignan ako ni Ethan na may nakakalokong ngiti sa labi. "How old are you, Ella?" tanong ni Ethan, nakatingin siya sa akin ng seryoso. "Tw-twenty." Pagsisinungaling ko. "Nagkaboyfriend ka naman na siguro, do make out, or engage in sex." Hindi yun tanong kundi pahayag. Marahil ay nakikita ang discomfort sa mukha ko kaya naitanong niya. "Are we having an interview here?" singit ni Erika na hindi na maganda ang timpla ng boses. Tinaasan ako ng kilay ni Ethan. "NBSB," tipid kong sagot at nagbaba ng tingin. "Alright," ani Marko na sa boses ay tila may binabalak. "Your dare is to kiss me," usal ni Ethan. Walang kurap ang pagbigkas niya ng mga salita. Kapwa kami natigilan ni Erika. "H-huh?" Nakangisi si Ethan at tila naghihintay na lumapit ako para sa dare. Natahimik ako, naisip ko na mas higit pa dito ang mangyayari mamaya. Mukhang normal lang sa mga tao dito ang halik sa labi. Kinuha ko ang alak sa tapat ko at ininom bago ako tumayo. Hindi na din masama para sa isang halik at lalong hindi na din masama para sa aking first kiss. Total higit pa sa halik ang gagawin namin mamaya ni Ethan. Lumapit ako kay Ethan at umupo sa tabi niya. Ngumisi siya. Malakas ang kalabog ng aking dibdib pero dahil sa alak ay nagkaroon ako ng kaunting kapal ng mukha. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Ethan saka ko siya siniil ng halik. It was supposed to be a smack pero ng aalisin ko na ang labi na nakalapat sa labi niya ay kinabig niya ako at diniinan ang halik na aking sinimulan. His lips move in sensual way and then he bit my lower lips. The kiss became more aggressive and I suddenly don't know whether I should respond or not. Pinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang halik at ang kakaibang damdamin na binubuhay ng mga halik sa kanya ni Ethan. "Okay time is up, unless you want to continue it somewhere." Bumalik ako sa wisyo ng marinig si Marko na ngayon ay natatawa sa halikan namin ni Ethan. "Anong feeling ng fist kiss?" Bulong sa akin ni Erika na may himig panunudyo. Nailing lang ako. Bahagya akong nakaramdam ng kaunting hiya. Ang nakakahiya ay iyong s*x scandal. Kastigo ng isip ko. "Don't be shy, your lips taste sweet," wika ni Ethan habang nakatingin sa akin. Hindi man lang binulong ang sinabi. Dinig na dinig ng mga kasama namin. Nagtawanan ang mga lalake. Pinulot ni Erika ang pera at binigay sa akin. Nakatingin lang ako sa mga paa ko ng kalabitin ako ni Erika. Nakita ko na ininom na ni Ethan ang alak na binigay sa kaniya ni Erika kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD