PAGSUSUMAMO

3727 Words
CHAPTER 2 Bumunot ako ng malalim na hininga. Muli kong pinagmasdan ang paligid. "Kuya, malayo pa ba tayo?" tanong ko sa driver ng traysikel.                 "Malayo-layo pa po. Pero sir, hindi ba kayo natatakot do'n?" tanong niiya.                 "Bakit po?" balik tanong ko.                 "May mga sabi-sabi lang po kasi sir."                 "Ano hong sabi-sabi?"                 "Ewan ko ho kasi kung totoo, pero sabi pinamumugaran daw ang bahay na iyon ng mga di mapakaling kaluluwa.                 "Seryoso kayo, kuya?"                 "Ano ho ba kasing sadya niyo do'n sa ganitong oras ho sir?"                 "Bahay naming yun kuya."                 "Ah, sorry ho."                 "Nagpapaniwala kayo sa multo. Saka di ba nakakainsulto din na sabihin ninyong pinamumugaran ng kaluluwa ang bahay na kinalakhan ko? Kaya wala tayong asenso dahil sa mga paniniwalang ganyan" halatang napikon ako. Umiling siya. Kinutuban pa din ako ng hindi maganda. Paano nga kung totoo ang sinasabi ni Kuya? Anong kailangan kong katakutan sa lumang bahay namin?                 Kaysa makipag-away ay pinili ko na lang manahimik. Wala ako sa mood para makipagtalo lalo pa't sa hindi naman mahalagang bagay.                 Inayos ko ang paa ko. Nakita ko ang sapatos na suot ko. Ito ung unang binigay ni Greg sa akin na sapatos. Napabuntong-hininga ako. Muli akong dinala ng sapatos na iyon sa alaala ng aming nakaraan.                 Ang tatlong oras lang sana namin sa motel na iyon ni Greg ay tumagal ng isang buong araw dahil hindi na kami mapaghiwalay. “Hindi pa ba tayo lalabas?” tanong ko habang nakaunan siya sa aking dibdib. “Bakit, gusto mo na bang lumabas?” “Ayaw. Gusto ko kasi kasama na lang kita lagi.” “Kasama lang ba o nasarapan ka lang sa ating mga romansa,” pilyo kong bulong sa kanyang tainga saka ko dinilaan iyon. Alam kong nakadagdag ng kiliti iyon sa kanya dahil sa humigpit ang paghawak niya sa kaselanan ko na kanina pa niya nilalaro-laro. “Ikaw ba? Hindi? Halata namang nag-eenjoy ka din a.” Napangiti akko habang titig na titig siya sa galit na galit ko pa ring kargada. Inaamin ko, nagustuhan ko din naman ang kakulangan niya ng experience. “Pang-ilan mo na ako?” “Sa s*x?” “Oo. Pang-ilan na ako nakatalik mo?” “Pangalawa?” “Dadalawa na lang hindi ka pa sigrado?” Ngumiti siya. Hinalikan niya ako. “Kasi barkada ko yung una. Hindi ko alam kung masasabi ko na s*x na yung nilaro ko lang yung kanya habang tulog siya at nilabasan pero ako, hindi.” Natawa ako. “Seryoso? Mabuti hindi ka sinuntok?” “Hindi naman kaso kinabukasan umiwas na siya. Akala ko kasi nagusthan din dahil nilabasan naman e.” “Straight ba?” “Oo, may girl friend e. Nakitulog lang yun sa akin kasi sabi ng girl friend niya na best friend ko e, di na nito kayang magmotor pauwi dahil lasing na. Sa akin pinatulog kasi nga bawal sa bahay ng best friend ko. Hayon dahil sa naka-boxer lang siya na tumabi sa akin. Di ko napigilan ang sarili ko na ganunin siya.” “Para mo na ring hinalay yung tao. Ibig sabihin ako pa lang yung unang nakatalik mo. Yung totoong sex.” Tumango siya. “Bakit mo natanong? Halata bang wala akong alam?” “Hindi naman halata,” sarkastiko kong sagot. “Una, sumasabit ang ngipin mo sa ano ko. Pangalawa, pati paghalik sablay. Walang dila. Walang buka ng bibig. Masyadong subtle. Pangatlo, sobrang nasaktan ka yata nang ginawa natin yung kaninang gustong-guto ko at masikip-sikip ka pa.” Siniko niya ako nang sinabi ko ang pang-apat na para pa siyang nahihiya. “Pang-huli parang di ka napapagod at laging sabik kahit katatapos pa lang natin.” “Halata nga pala. Pero matuturuan mo naman ako lalo na kapag tayo na hindi ba?” “Anong tayo na?” natawa ako. “Hindi ako nakikipagrelasyon ng agad agad. Kung s*x, s*x lang. Ayaw ko nang sakit sa ulo.” “Trip lang pala sa’yo ito?” “Seryoso ka?” “Mukha ba akong naglalaro?” “Pucha, hindi mo pa nga ako kilala ‘tas gusto mo relasyon agad?” “Mali ba?” CHAPTER 2 Bumunot ako ng malalim na hininga. Muli kong pinagmasdan ang paligid. "Kuya, malayo pa ba tayo?" tanong ko sa driver ng traysikel.                 "Malayo-layo pa po. Pero sir, hindi ba kayo natatakot do'n?" tanong niiya.                 "Bakit po?" balik tanong ko.                 "May mga sabi-sabi lang po kasi sir."                 "Ano hong sabi-sabi?"                 "Ewan ko ho kasi kung totoo, pero sabi pinamumugaran daw ang bahay na iyon ng mga di mapakaling kaluluwa.                 "Seryoso kayo, kuya?"                 "Ano ho ba kasing sadya niyo do'n sa ganitong oras ho sir?"                 "Bahay naming yun kuya."                 "Ah, sorry ho."                 "Nagpapaniwala kayo sa multo. Saka di ba nakakainsulto din na sabihin ninyong pinamumugaran ng kaluluwa ang bahay na kinalakhan ko? Kaya wala tayong asenso dahil sa mga paniniwalang ganyan" halatang napikon ako. Umiling siya. Kinutuban pa din ako ng hindi maganda. Paano nga kung totoo ang sinasabi ni Kuya? Anong kailangan kong katakutan sa lumang bahay namin?                 Kaysa makipag-away ay pinili ko na lang manahimik. Wala ako sa mood para makipagtalo lalo pa't sa hindi naman mahalagang bagay.                 Inayos ko ang paa ko. Nakita ko ang sapatos na suot ko. Ito ung unang binigay ni Greg sa akin na sapatos. Napabuntong-hininga ako. Muli akong dinala ng sapatos na iyon sa alaala ng aming nakaraan.                 Ang tatlong oras lang sana namin sa motel na iyon ni Greg ay tumagal ng isang buong araw dahil hindi na kami mapaghiwalay. “Hindi pa ba tayo lalabas?” tanong ko habang nakaunan siya sa aking dibdib. “Bakit, gusto mo na bang lumabas?” “Ayaw. Gusto ko kasi kasama na lang kita lagi.” “Kasama lang ba o nasarapan ka lang sa ating mga romansa,” pilyo kong bulong sa kanyang tainga saka ko dinilaan iyon. Alam kong nakadagdag ng kiliti iyon sa kanya dahil sa humigpit ang paghawak niya sa kaselanan ko na kanina pa niya nilalaro-laro. “Ikaw ba? Hindi? Halata namang nag-eenjoy ka din a.” Napangiti akko habang titig na titig siya sa galit na galit ko pa ring kargada. Inaamin ko, nagustuhan ko din naman ang kakulangan niya ng experience. “Pang-ilan mo na ako?” “Sa s*x?” “Oo. Pang-ilan na ako nakatalik mo?” “Pangalawa?” “Dadalawa na lang hindi ka pa sigrado?” Ngumiti siya. Hinalikan niya ako. “Kasi barkada ko yung una. Hindi ko alam kung masasabi ko na s*x na yung nilaro ko lang yung kanya habang tulog siya at nilabasan pero ako, hindi.” Natawa ako. “Seryoso? Mabuti hindi ka sinuntok?” “Hindi naman kaso kinabukasan umiwas na siya. Akala ko kasi nagusthan din dahil nilabasan naman e.” “Straight ba?” “Oo, may girl friend e. Nakitulog lang yun sa akin kasi sabi ng girl friend niya na best friend ko e, di na nito kayang magmotor pauwi dahil lasing na. Sa akin pinatulog kasi nga bawal sa bahay ng best friend ko. Hayon dahil sa naka-boxer lang siya na tumabi sa akin. Di ko napigilan ang sarili ko na ganunin siya.” “Para mo na ring hinalay yung tao. Ibig sabihin ako pa lang yung unang nakatalik mo. Yung totoong sex.” Tumango siya. “Bakit mo natanong? Halata bang wala akong alam?” “Hindi naman halata,” sarkastiko kong sagot. “Una, sumasabit ang ngipin mo sa ano ko. Pangalawa, pati paghalik sablay. Walang dila. Walang buka ng bibig. Masyadong subtle. Pangatlo, sobrang nasaktan ka yata nang ginawa natin yung kaninang gustong-guto ko at masikip-sikip ka pa.” Siniko niya ako nang sinabi ko ang pang-apat na para pa siyang nahihiya. “Pang-huli parang di ka napapagod at laging sabik kahit katatapos pa lang natin.” “Halata nga pala. Pero matuturuan mo naman ako lalo na kapag tayo na hindi ba?” “Anong tayo na?” natawa ako. “Hindi ako nakikipagrelasyon ng agad agad. Kung s*x, s*x lang. Ayaw ko nang sakit sa ulo.” “Trip lang pala sa’yo ito?” “Seryoso ka?” “Mukha ba akong naglalaro?” “Pucha, hindi mo pa nga ako kilala ‘tas gusto mo relasyon agad?” “Mali ba?” “Hindi ko alam kung inosente k aba talaga o ignorante.” “Grabe ka naman sa akin. Pero Jeric, kahit nang magka-chat lang tayo hanggang sa nagkita tayo, gusto kita. Pakiramdam ko nga, mahal na kita noon pa man e.” “Parang I knew I loved you before I met you lang ng Savaged Garden ah.” Napangiti siya. “Ayaw mo ba sa akin?” seryoso niyang tanong. Tinignan ko siya. Hindi na ako lugi kay Greg. Gwapo, maganda ang katawan, edukado at mukhang hindi rin naman siya malandi. Bagay na ayaw ko sa karelasyon. Kaya siguro laro na lang sa akin ang lahat dahil wala naman akong relasyong nagtatagal ng tatlong buwan. Hindi dahil nasa akin ang problema kundi nasa kalandian talaga ng mga kagaya ko. Makakita lang ng magandang katawan sa f******k, i-message agad. Makasulyap lang ng guwapong lalaki sa mall o sa daan, kikiri na agad. Kaya nang nakatatlong relasyon ako na nauuwi din naman sa pakipahlandian nila sa iba habang kami pa ay itinaga ko na sa baton a hinding-hindi na ako papasok pa sa isang relasyon. Hinding-hindi na ako paloloko. Tama na yung ganitong tikiman lang. walang hassle. Saktong chill lang sa kama at pasarap isa iba’t ibang putahe. Saka confident ako sa kaguwapuhan ko na hinding-hindi ako maze-zero. “Ano, bakit hindi ka sumasagot?” “Ano bang tanong mo uli?” “Ayaw mo ba sa akin?” “Gusto naman.” “Oh, gusto mo naman pala ako e. Ano bang problema?” “Look, pumunta ako dito, nakipagkita sa’yo para lang sa s*x. Gusto kong magpakatotoo sa’yo. Hindi ako pumapasok sa relasyong hindi ako sigurado. Paano kung landian lang pala talaga ito?” “Anong tingin mo sa akin? Nakikipaglandian lang?” “Sus, pare-pareho lang kayo nang tatlo kong ex. Ganyan na ganyan din naman ang sinabi sa akin. Ending, hayon nakipaglandian lang din sa iba.” “Bakit hindi mo ako subukin? Iba naman ako sa kanila. Napaka-judgemental mo naman.” “Iba kasi kapag nakipagrelasyon ako e. Maaring hindi ako matino kasi ganito lang ako pero tang-ina loyal ako sa karelasyon ko.” “E, di ikaw na nga ‘yong hinahanap ko. Tayo na lang, please?” Niyakap niya ako. Hinalikan na may kasama nang padila. Mukhang nagpapakitang-gilas. “Ano, tayo na?” “Hindi pa rin talaga.” “Anong gusto mong gawin ko para mapapayag kita?” “Wala. Maghintay?” “Maghintay? Paanong maghintay?” “Kilalanin muna natin ang isa’t isa. Hindi naman natin kailangang magmadali.” “Sige, pero exclusive na tayo?” “Anong ibig mong sabihin sa exclusive?” “Hindi na tayo pwede makipag-date pa sa iba.” “E, di parang gano’n na din. BInago mo lang yung term. Magkarelasyon na din ‘yon.” “Sige na nga. Suko na ako. Kung ayaw mo sa akin. Fine.” “Nagtatampo agad?” “E, kasi parang binebenta ko na ang sarili ko sa’yo ng palugi di mo pa din gustong bilhin.” “Hindi naman sa ayaw ko sa’yo. Hindi lang maganda yung basta tayo magdesisyon na tayo agad agad. Mga bata pa naman tayo. Bakit hindi muna natin subukang kilalanin ang isa’t isa.” Seryoso kong pagpapaliwanag sa side ko. “Okey, sige. May punto ka din naman.” “So paano, okey na?” “Okey na po.” Ngunit sadyang hindi sumusuko si Greg. Idinaan niya sa pagbibigay ng regalo, weekend short travel sa Tagaytay at Batangas at ang mga date sa mamahaling restaurant at movie night. Ramdam kong pinagbubuhusan niya ako ng effort at oras, bagay na hindi ko naranasan sa mga naging ex ko. Hindi na siya nangungulit na maging kami ngunit sa mga ginagawa niya, katangahan na lang maituturing kung hindi ka mahuhulog. Hanggang isang weekend sa isang sikat na resort sa Batagas ay ako na mismo ang nagtanong sa kanya. “Gusto mo na bang maging tayo?” “Hindi pa ba?” “Uyy, hindi pa kita sinasagot ah.” “Hindi na ako nagtatanong kaya paano mo ako sasagutin.” “Ah, so, ganunan na lang.” ipinahalata ko sa kanyang nagtatampo ako. “Naisip ko kasi, nagagawa naman natin yung ginagawa ng mga iba pang magkarelasyon. Meron nga akong kaibigan, sila ng partner niya pero walang nangyayari sa kanila. Parang pera na lang ang nagpapatakbo sa kung anong meron sila.” “Kaya gusto mong hanggang ganito na lang tayo?” seryosong tanong ko. “Bakit para yatang nabaliktad na lahat?” “Bakit, may gusto ka bang pagbabago?” “Ikaw, kung ayaw mo. Huwag na lang din.” “Ito naman, di man lang manligaw muna.” “Manligaw? Kailan naman nauso ang ligawan sa ganitong relasyon. Ang sinabi ko noon, kilalanin muna na natin ang isa’t isa. Tatlong buwan na tayong laging magkasama. Kaya kahit papaano may alam na ako kung sino ka.” “Kung maging tayo na, handa ka bang lumipat at tumira sa condo ko?” “Kailangan pa ba ‘yon?” “Jeric, mas gusto ko yung araw-araw kitang kasama at nakikita. Yung pag-gising ko ng umaga, ikaw agad ang makikita ko at bago ako igupo ng antok, ikaw ang kayakap ko. Ngayon kung hindi mo gusto ng live-in e di ganito na lang muna tayo. Dating and travel buddies with f*****g on the side.” Natawa ako. Inakbayan ko siya saka ko hinalikan sa kanyang labi. “Sige.” “Sige? Sigeng ano?” “Tayo na at lilipat na din ako sa’yo. Magpapaalam lang ako sa tito ko.” “Sigurado ka ba?” “Kailan ko pa hindi napandindigan ang mga sinasabi ko.” “Seryoso ka nga. Yeyyy!” mahigpit niya akong niyakap at hinalikan din ako ng paulit-ulit sa labi. “Hinding-hindi ka magsisisi. Salamat mahal.” “Mahal?” “Oo, endearment natin, ayaw mo ba ng mahal?” “Ikaw ang bahala. Hindi din naman ako sanay sa mga ganyan e.” “Sanay sa pakikipagsex pero hindi sa relasyon?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Ngunit totoo din naman. Sanay siya sa pakikipagtalik ngunit naging laro lang sa kanya ang relasyon. Kaya naman hindi din niya masisisi ang tatlo pang nauna. Naging complacent lang kasi talaga siya. Hindi siya ang nagdadala sa relasyon dahil hindi naman talaga siya yung emosyonal na tao. “Sorry, nasaktan ka yata.” “Medyo. Pero may katotohanan din naman kasi ang sinabi mo kaya ayos lang.” “Uyy, nasaktan nga.” Inakabayan niya ako saka ako kiniliti ng kiniliti. “Ano ba, hindi nga,” tinapik ko ang kamay niya ngunit hindi pa din siya tumitigil kaya naman ako gumanti din. Hanggang sa nagpangbuno na kami sa maputing buhangin. Doon ay magkapatong kaming humihingal. Hanggang sa siniil ko ng halik ang kanyang labi. Noon, alam ko kahit hindi ako emosyonal na tao. Ramdam kong mahal ko siya at hindi ako nagsisising sumugal ako sa kanya. Ang trip lang sana noon ay nauwi sa relasyon. Lumipat ako sa kanya kahit pa kontra ang Tito Diego ko sa pag-alis ko sa poder niya. Si Tito Diego ay matandang binata na kapatid ng papa ko. Siya na lamang ang naging kasa-kasama ko. Nang namatay at naaksidente ang mga magulang ko ay siya na ang tumayong papa at mama ko. Kahit pa anong pagtigas-tigasan ang ipinapakita ni Tito sa akin, alam kong sa kanya ako nagmana. May berdeng dugo. Pansin ko kasing may kakaiba sa mga iba’t ibang barakong mga bisita niya. Bukod sa kwarto niya nakikitulog ang mga ito ay may kung ano pa akong napapansin sa lagkit ng mga tingin niya sa mga kainuman niya. Ngunit hindi na ako nagtanong. Tulad ng hindi din niya pagtatanong sa akin. Alam kong basa na namin ang isa’t isa. Amoy namin ang aming kalansaan. Ngunit kahit bakla kami kung ituring ng iba, mas atig pa kami sa mga straight na mga lalaki. “Sigurado ka ba diyan sa pagsama mo sa kaibigan mo?” “Tito, kita naman ninyo, maayos na kausap si Greg.” “At gwapo,” dagdag niya. Ngumiti ako sa sinabing iyon ni Tito. “Ibig ko sabihin ano,” nagkamot. Mukhang kasing napahiya sa kakaibang ngiti ko. “Sabi ko sana magalang na bata.” “Hmmnnn sige na nga. Pero pogi naman talaga siya di ba tito?” biro ko. “Oo pogi naman.” “Napilitan ka pa niyan tito ah.” “Pero mas poging pamangkin ko.” “Yan, tayo e.” hinaplos-haplos ko ang mukha ko. “Yabang mo ‘uy!” ginulo niya ang buhok ko. “Sige na at baka naiinip na sa sala yung kaibigan mo.” “Sige tito.” “Bakit ‘andami mo yatang dalang damit. Kinuha mo na yata lahat. Parang wala nang balikan ‘yan a.” “May iniwan naman po ako.” “Basta kung ano man ang mangyari, bumalik ka sa akin. Huwag kang paapi.” “Ako tito? Mukhang aapihin?” “Hindi nga, mukhang ikaw ang aapi. Basta ‘nak, magsabi ka sa akin kung may problem aka ha? Nandito lang si tito para sa’yo.” “Okey po. Sige tito, tuloy na ako.” “Ihahatid na kita sa baba nang makausap ko ‘yang kaibigan mo.” “Hala tito, anong sasabihin mo?” “Oh, ba’t ka biglang natatakot?” “Kasi kung di ka kilala ng ibang tao, matatakot talaga sa laki ng katawan at baba ng boses mo. Baka mamaya matakot’ yon sa’yo e.” “Ito naman para mo namang sinabing mukha akong criminal.” “Gwapong criminal ‘to.” “Sige, bolahin mo pa ako.”   Nang makita kami ni Greg na pababa sa hagdanan kasama si Tito ay tumayo si Greg at yumuko. “Greg… Greg ng aba?” tumingin sa akin si Tito, nagdadalawang isip kung tama ang itinawag niyang pangalan. Mabilis akong tumango. “Yes po,” nahihiyang sagot ni Greg. “Patinuin mo itong pamangkin ko ha?” “Matino naman po siya.” “Kita mo tito? Ikaw lang eh.” “Matino ba ‘yan? Ayaw magseryoso sa trabaho, ayaw din naman tumigil sap ag-iinom at paninigarilyo.” “Tito, di ko alam kung sinisiraan mo ako o bini-build-up.” “Nagsasabi akong totoo. Basta  Greg ha, huwag kang magsasawang intindihin ang topak ng pamangkin ko.” “Wala hong problema, sir. Ako hong bahala sa kanya.” “Aba, ayos ka din ah. Sir? Teacher mo ba ako? Ha?” Halatang nagulat si Greg. Hindi niya alam kung biro iyon o seryoso si Tito. “Kita mo ‘to? Sabi ko huwag mong takutin e.” Pinunasan ni Greg ang pawisan niyang noo. “Nagbibiro lang ‘yang si tito.” Tinignan ko si Tito. “Uy ‘To sabihin mo nagbibiro ka lang.” “Seryoso ako. Bakit mo akong tinatawag ng Sir?” “Sorry ho.” May nginig sa boses ni Greg. Hindi ko masisisi si Greg. Malaking tao si Tito, malaki din ang katawan at parang kulog ang boses. Sinong di matatakot kung pati mukha ay seryoso din? Tumawa si Tito. “Nakakatuwa naman ang kaibigan mo Jeric, madaling masindak. Tawagin mo akong tito. Huwag sir Greg, okey?” tinapik ni Tito ang balikat ni Greg. “Okey po. Nanginig ako do’n ah.” Ngumiti si Greg. “Sige na at baka abutan pa kayo ng ulan. Larga na.” “Sige po tito. Alis na po kami.” Sige, mag-ingat sa pagda-drive Greg.” “Sure tito.” Sagot ni Greg. Natuwa ako sa narinig kong pagtawag niya ng tito din sa Tito Diego ko. Iyon na ang simula ng aming pagsasama ni Greg. Masaya sa una. Walang naging problema. Nag-apply ako sa trabaho. Nakuha din naman ako agad dahil hindi din naman ako bobo. Isa pa, may tinapos din naman ako kahit sabihing medyo nagtagal nga lang ako sa kolehiyo bago ko natapos ang kurso kong Business Administration. Ako yung tipo ng estudiyante na marunong ngunit tamad at madaling mabuyo ng barkada.  Kaya nga napapadalas ang dalaw ni Tito Diego sa Prefect of Men sa aming University dahil sa pagiging pasaway ko. Naging maganda ang epekto ni Greg sa akin. Napagtrabaho niya ako, napatigil nang bahagya ang pag-inom at kung dati, isang pakete ng sigarilyo ang nauubos ko, naging tatlo hanggang lima na lamang. Naging mas malambing siya sa akin. Hatid sundo niya ako sa aking trabaho at laging may dalang makakain. Nagbuhay prinsipe ako sa kanya at ibinabalik ko ang kabaitan niya sa akin ng masarap na romansa at mainit na gabi. Wala kaming kapaguran. Kahit saan kung abutan kami ng kalibugan doon namin ginagawa. Bumilang kami ng ilang buwan hanggang sa nagbilang na din kami ng taon. Siya ang tanging nagdadala sa aming relasyon. Napakarami naming alaala. Masasaya at minsan hindi maiwasan ang pag-aaway na nauuwi din naman sa mainit na pagtatalik. Kaya lang, nagbago ako. Nawalan ako ng gana sa masyado nang paulit-ulit naming routine. Nakakasawa din pala. Naghahanap ako ng bagong adventure. Hindi ako nakukuntento sa paulit-ulit lang na nangyayari sa aking buhay. Sumama ako sa bagong mga nakilala, nagkaroon ng bagong napaglibangan ngunit maling direksiyon pala ang aking tinahak. Muli kong pinagmasdan ang aming litratong hinugot ko na sa aking pitaka. Sinong mag-aakalang mauuwi din pala sa hiwalayan ang matagal na naming samahan? Ngunit kasalanan ko din naman ang lahat. Hindi na niya ako pinagbigyan nang humiling ako ng isa pang pagkakataon. Kahit ilang ulit akong nagpabalik-balik sa condo niya. Ilang beses akong makiusap, magmakaawang balikan niya ako at magbabago na talaga ako ngunit nanatiling sarado ang isip at puso niya sa akin. Isang hapon ay natyempuhan kong palabas siya lulan ng kanyang kotse. Mabilis kong iniharang ang katawan ko. Wala siyang magawa kundi tumigil. “Mag-usap naman tayo please?” pakiusap ko. “Sige, kakausapin kita nang matigil na ang panggugulo mo. Sumakay ka.” Mabilis akong sumakay. Itinabi niya ang kanyang kotse sa gilid ng daan. Pinindot niya ang hazard. Ibig sabihin doon na kami mag-usap ng mabilisan. “Gusto mong tanggapin uli kita?” seryosong tanong niya sa akin. “Please?” pagsusumamo ko. “Bakit may nabago na ba?” “Nabago saan?” “Sa ugali mo, sa mga gawi mo, sa buhay mo.” “Magbabago ako para sa’yo.” “Nasaan? Pakitaan mo ako ng patunay. Jeri,  pagod na pagod na ako. Kaya please lang. Bago mo ako balikan, sana naman may maipapakita ka na sa aking nabago.” “Paano ko gagawin iyon e hindi mo na nga ako babalikan.” “Pupunta ka ditong amoy alak. Pati bigote at balbas mo, hindi mo maahit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa’yo.” “Tanggapin mo ako mahal, ipapakita ko sa’yo na babaik ako sa dati.” “Hindi nga ganoon kadali iyon. Anong panghahawakan ko para maniwalang nagbago ka na? Ni wala ka pang maipagmamalaki sa akin. Wala kang trabaho, walang pera, walang kahit ano! “Sige, pero sana huwag mong isara ang puso mo. Unblock mo ako sa f******k mo para maipakita ko sa’yo na magbabago na ako.” “Sige, unblock kita pero huwag mo akong kulitin. Kapag kinulit mo ako, hinding-hindi na kita i-a-unblock pa.” “Deal.” Sagot ko. Sa mga panahong iyon, hindi ko kayang magsimula na wala si Greg. Mahal na mahal ko pala talaga siya. Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya. Nasanay na ako sa kanya ng limang taon. Naiintindihan ko siya. Sa katulad niyang nasaktan at nawalan ng tiwala, katibayan ang kailangan niya. Gusto niyang makakita ng sapat na dahilan para muli kaming magkabalikan. “Paano kung kung mas mahal mo na yung bago mo ngayon?” “Hindi ko pa masasagot ‘yan. Sa totoo lang, mahal pa rin naman kita Jeric pero napagod na lang din ako. Ito lang ang tanging paraan para makalimutan kita ng mabilis. Kung gusto mong bumalik ako sa’yo, ayusin moa ng buhay mo at kung di na ako babalik pa, maaring hindi nga talaga tayo para sa isa’t isa at hayaan mo na lang akong maging masaya sa piling ng iba.” “Pangako, magtitino na ako at sana babalikan mo pa rin ako.” “Tignan natin. Ayaw kong magsalita ng patapos.” “Mahal na mahal pa rin kita Greg.” “Okey.” Malamig na sagot niya. “Okey lang?” “Wala ka na bang sasabihin? Susunduin ko pa si Daryl.” “Daryl pala ang pangalan niya?” “Oo. At nakikita ko sa kanya yung dating ikaw noon. Sana lang hindi siya magbago.” “Mas matagal ang pinagsamahan natin at naniniwala akong mahal mo pa rin ako at babalik ka rin sa akin.” “Taas ng confidence ah. Pero sige, tignan natin basta please. Tigilan mo na muna ako.” “Muna? Ibig sabihin may pag-asa pa rin?” “Tulad ng sabi ko, tignan natin. Sige na, bumaba ka na. Baka naghihintay na ‘yon ngayon.” “Sige. Salamat sa oras.” “Okey.” “Hihintayin kita mahal. Kahit mahirap pilitn kong magbago, balikan mo lang ako.” Binuksan niya ang pintuan ng kotse. Muli kong naamoy ang kanyang pabango. Namiss ko siya. Miss na miss ko si Greg pero nang yakapin ko siya para sana ay halikan ay itinulak niya ako. “Baba na.” Bumunot ako ng malalim na hininga saka ako bumaba. Sana pagdating ng araw kami pa rin. Sana ma-realize niyang mahal pa rin niya ako. Naniniwala akong maiisip pa rin niya akong balikan. Gagawin ko na ito hindi lang para sa kanya kundi para na rin sa aking sarili.ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD