Chapter Two

1242 Words
Habang gumagawa si Franceska ng kanyang  assignment ay binuksan nito ang telebisyon. Pinaglipat-lipat nito ang channel  dahil wala  siyang makitang magandang palabas ng bigla siyang matigilan nang makuha ang kanyang atensyon sa isang TV show. Isang Wrestling Entertainment ito at kasalukuyang may naglalaban sa loob ng ring. Kumunot ang kanyang noo nang biglang nagdilim ang buong Arena. Ililipat na sana niya muli ang channel ng kanilang telebisyon nang biglang nag-apoy ang entrance nito at lumabas ang isang lalaking nakasuot ng maskara. ''Ang weird...Ngayon lang ako nakakita ng isang Wrestler na nakatago ang mukha.'' sambit niya sa kanyang sarili.. ''Oh My God! That's- , that's gotta be Cade!''   sigaw ng isang commenter. Habang papalapit  ang lalaking nakamaskara sa ring ay malakas na nag-hihiyawan ang mga tao sa Arena. Nang bigla nitong hinawakan ang pinto ng Steel cage at sapilitan itong winasak. Pumasok ito sa ring at hinarap ang isang Wrestler. ''Oh! Cade is facing The Phenom. Look at the size of Cade, he's bigger than The Phenom''  muling nagsalita ang commenter. Nakatutok ang mga mata ni Franceska sa lalaking nakamaskara, nang bigla nitong sinipa ang Wrestler na tinawag ng commenter na The Phenom, pagkatapos nitong sipain ay binuhat naman niya  ito at binigyan ng tinatawag na Tombstone, ayon na rin sa sinabi ng isang commenter. Lumakas lalo ang hiyawan ng mga taong nasa Arena habang nag-eenjoy ang mga ito sa napapanood na paghaharap ng dalawang Wrestler. ''Cade,'' sambit ni Franceska sa pangalan ng lalaking nakamaskara.   Pagkatapos ng eksenang iyon sa ring, ay walang sabi-sabing lumabas ng ring si Cade at naglakad palayo ito habang ang The Phenom ay nakahandusay  lamang sa ring. Sinisigaw ng mga tao ang pangalan ni Cade at parang balewala lamang ito para sa lalaki. Simula ng araw na iyon, ay naging idolo na ng dalagitang si Franceska si Cade. Doon na rin nagsimula ang pagkahumaling niya sa panonood ng AWE o America's Wrestling Entertainment.  Sa lahat ng Wrestling Superstars ay si Cade lamang ang hinahangaan niya ng husto. Isa sa mga dahilan kung bakit niya hinahangaan si Cade ay ang character nito sa ring. Ang pagiging misteryoso nito dahil sa suot nitong maskara, at sa tuwing may laban ito at sa pagpasok nito sa ring ay lumilikha ito ng apoy sa apat na sulok ng ring. Alam niyang hindi totoo na nakakalikha ito ng apoy pero nakakadagdag iyon sa  character nito bilang isang The Devil's Favorite Demon. ''Franceska!'' tawag ni Ellen sa dalagitang si Franceska. ''Bakit po, Ma?'' sagot naman niya. ''Tapos na ba ang pinapagawa ko sa iyo?''pagalit na tanong nito. ''Hindi pa po!'' muling sagot ng dalagita at mabilis na kumilos. Lumabas ang Ina ni Franceska mula sa kusina at muling nagsalita ito. ''Aba'y kanina ka pa dyan bata ka! Hindi ka pa tapos sa pag-aayos sa mga yan?''  sabi ng Ina. ''Eh, tatapusin ko na po Ma.'' si Franceska  na dinampot ang mga nakakalat na mga photo  album. Tinignan ng kanyang Ina ang kanyang inaayos ng mapalingon ito sa telebisyon at nakita nito kung ano ang kanyang pinapanood. ''Sinasabi ko na nga ba eh! Kaya hindi ka matapos tapos sa ginagawa mo dahil mas inuuna mo na namang manood ng Wrestling !'' sermon ng kanyang Ina. ''Ma,naman! Wala naman po masama sa panonood ng Wrestling ah.'' depensa niya .. ''Hay!  Franceska bilisan mo na dyan,'' sabi ng Ina at  iniwan na siya sa kanyang ginagawa. Nagpatuloy si Franceska sa kanyang ginagawa habang ang mga mata ay nakatutok sa pinapanood. Hinihintay niya ang match ni Cade laban kay  Mankind. Nang biglang nagdilim ang paligid at naglikha ng isang pyro at lumabas si Cade. ''Let's welcome in the ring, weighing 320 pounds The Devil's Favorite Demon ''Cade!''malakas na sigaw ng Announcer. Napangiti si Franceska ng makita niya ang idolong si Cade na naglalakad palapit sa ring kung saan naghihintay ang opponent nitong si Mankind. Pumasok si Cade sa ring, at katulad ng dati ay naglikha ito ng apoy sa apat na sulok ng ring. Naghiyawan ang mga tao. Muling nagliwanag ang buong Arena at tumunog ang nagsisilbing hudyat para magsimula ang laban. Naunang sumugod si Mankind at agad na binigyan ng suntok si Cade na tumama sa mukha nito, kasunod ay isang sipa naman dahilan upang sumadsad sa sulok ng ring si Cade.  Lumapit si Mankind kay Cade upang muling bigyan ng sipa si Cade nang bigla gumanti ng isang matinding Uppercut si Cade gamit ang kanang kamay nito. ''Cade and his wicked right hand,'' sabi ng  commenter. ''What can I say, he's a Demon!'' sagot naman ng isa pang commenter. Walang pakialam si Franceska sa mga sinasabi ng nasa commentary dahil ang atensyon  niya ay kay Cade lamang. Pagkatapos bigyan ni Cade ng isang  Uppercut si Mankind ay sinundan niya ito ng sunod-sunod na sipa dahilan upang bumagsak ito. Lumabas ng ring si Cade at umakyat ito sa top rope at hinintay na makatayo si Mankind bago ito tumalon . ''Cade with his Jumping clothesline!'' nakakamanghang sigaw ng commenter.    Dahil sa bigat ni Cade ay muling bumagsak si Mankind. Cade covers Mankind and the referee starts to count. One, Two. Then Mankind moves his leg. Tumayo si Cade at hinila ang mahabang buhok ni Mankind at sapilitang tinayo ito bago niya binigyan ulit ng isang matinding Uppercut. ''Oh, another Cade wicked right hand.'' sabi ng commenter. ''Poor Mankind. He's opponent is a real Demon!'' dagdag pa ng isang  commenter. Tinulak ni Cade si Mankind sa gilid ng ring, umatras si Cade  at tumakbo papunta kay Mankind upang bigyan sana ito ng clothesline pero sinalubong naman siya nito ng isang sipa dahilan  para matumba si Cade. Nagkaroon ng pagkakataon si Mankind upang umatake kay Cade. Habang hindi pa muling nakakatayo si  Cade ay sunod-sunod na sipa ang binigay nito kay Cade. Pagkatapos nitong bigyan ng ilang ulit na sipa ay lumabas ng ring si Mankind at pumunta sa table of commentary. ''Give me the chair,'' maawtoridad na utos ni Mankind. Binigay naman ng mga ito ang Steel chair at muling umakyat ng ring si Mankind. Sakto namang sinusubukang tumayo ni Cade nang bigla itong hinampas ni Mankind ng Steel chair at tumama ito sa likod ni Cade. ''Oh My God. That's really hurt!'' muling nagsalita ang nasa commentary na mukhang masaya pa. Naglakad patungo sa gilid ng ring si Cade at muli sanang aatake si Mankind gamit ang Steel chair ngunit sinalubong ni Cade ng isang sipa na tumama sa dibdib ni Mankind. ''Cade with his big boot!'' Patuloy lang sa pagsasalita ang mga commenter. Naghiyawan ang mga tao sa Arena at sinisigaw ang pangalan ni Cade. ''Look at the people here in the Arena, they are chanting Cade's name,'' sagot naman ng isang commenter. Tumayo si Mankind habang si Cade ay  nakaambang ang kamay nito, nang pagharap ni Mankind ay biglang hinawakan ni Cade ang leeg nito  inangat ito at malakas na binagsak  sa ring. ''Cade with his Chokeslam!'' Malakas na naghiyawan ang mga tao dahil sa ginawang Chokeslam ni Cade. Cade covers Mankind and the referee starts to count. One! Two! Three!'' At pagsabay ang pagtugtog ng bell. Nanalo si Cade. Naghiyawan ang mga tao sa Arena. ''The winner of this match, Cade!'' sigaw ng Announcer. Muli ay  dumilim ang buong Arena at naglikha ng Pyro si Cade. ''I hate every time he created a fire,'' natatawang saad ng commenter.  Napangiti si Franceska habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon.  ''Ang galing niya talaga,'' bulong niya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD