Chapter Three

1296 Words
''Oh my Gosh! I love you THE DEVIL'S FAVORITE DEMON ''CADE'! '' sigaw ni Franceska sa Wrestling Arena habang pinapanood ang magandang laban ni Cade at ng ka-tag team nitong si The Phenom. Bumiyahe siya mula Pilipinas hanggang sa East Main Street Stamford, United States para lang panoorin  ang laban ni Cade, ang kanyang  numero unong  idolong Wrestling Superstar. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya nang malapitan ang naturang Wrestling Superstar, bonus pa dahil kasama nito sa ring ang ka-tag team nitong si The Phenom. Habang pinapanuod niya ito at nakikita niya kung paano nito patumbahin ang kalaban nito sa ring ay mas lalo siyang napapahanga rito. ''Ang galing niya talaga,'' bulong niya sa kanyang sarili habang pinapanood si Cade na ginamitan ng Chokeslam ang kalaban nito. Napangiwi siya dahil sa malakas na pagbagsak ng kalaban nito. Hindi mawala ang kaba sa kanyang dibdib.Mananalo kaya ang ''The Brothers of Destruction'' o may mga asungot na naman na aakyat sa ring upang dayain ang mga ito.Pero hindi ! Lamang ang mga ito dahil nanghihina na ang kalaban. ''Look at this!The Brothers are trying to outdo each other, they are competing with each other!''  masiglang sigaw ng commenter. ''Oh! Sideslam to the Demon!'' sunod na nagsalita ang  isang commenter. Tuwang-tuwa si Franceska habang pinapanood si Cade.  ''I LOVE YOU THE DEVIL'S FAVORITE DEMON!'' Sakto namang tumahimik ang mga taong nagsisigawan sa Arena kaya narinig ng mga ito ang pagsigaw niya ng - I  LOVE YOU kay Cade. Bigla siyang  napayuko nang  tingnan siya ng mga tao. Lumingon din sa gawi niya si Cade at pakiramdam niya ay biglang nanlalamig ang buong katawan niya  dahil kahit nakasuot ito ng maskara ay alam niyang nakatitig ito sa kanya. Bigla siyang nagtakip ng mukha dahil sa sobrang hiya. Sa kanya na kasi nakatingin ang mga taong katabi niya. ''Lukaret ka talaga Franceska! Wala ka talagang hiya!'' sambit niya sa kanyang sarili at dahil sa pagtatakip niya ng mukha ay hindi  na niya nakita kung paano  nanalo ang The Brothers of Destruction. Narinig na lamang niya nang I-announce ng tagapagsalita ang pangalan ni Cade at ni Phenom na sinasabing ang mga ito ang nanalo sa match na iyon. At dahil gusto niya pa rin masilayan ang iniidolo niya ay tinanggal niya ang takip ng kanyang mukha at sa pagkagulat niya ay nasa harap na niya si Cade. ''Oh my Gosh!''  nasambit niya  habang nasa mismong harap niya si Cade. Nakatulala lamang si Franceska habang ang mga tao sa paligid ay nagsisigawan. Nagsalita naman ang dalawang commenter. ''Look at The Demon, I think he's beginning to break his character  and the people are keep on screaming.'' Nakatulala pa rin si Franceska habang nasa harap niya si Cade. Parang umurong ang dila niya dahil hindi niya lubos akalain na makikita niya ito nang malapitan at mismong nasa harap pa niya ito. ''What's your name?'' tanong ni Cade kay Franceska. ''I-I'm... I'm! s**t nauutal ako.'' bulong niya sa sarili. Ngunit muli siyang nagbuka ng bibig. ''I'm Franceska. I'm from Philippines and I'm your number one fan Cade!' ' mabilis niyang sagot  sa lalaking nasa harap niya habang walang tigil ang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi  nagsalita ang lalaki bagkus ay inangat siya mula sa barricade na para lamang siyang  isang napakagaan na bagay na binuhat nito. Wala ng nakaharang sa kanila. ''OMG!'' You are really huge!'' hindi niya napigilang sambitin sa lalaking nasa harapan niya. ''And you're too small  lady,'' sagot nito. Napayuko siya sa sinabi nito at di nakapagsalita nang bigla niyang narinig na nagsalita ang ka-tag team nitong si The Phenom. ''Hey Man! are you still not done here?'' si The Phenom na nagsalita. ''Just wait  Big Brother,'' sagot naman ni Cade, at bago pa siya muling makapag-angat ng tingin sa mga ito ay hinawakan ni Cade ang kanyang mukha at bigla siya nitong hinalikan  sa mga  labi. Naghiyawan ang mga taong naroroon sa Arena  na parang nanoond ang mga ito ng isang eksena sa pelikula. Nagulat siya sa ginawang paghalik sa kanya ni Cade  kaya wala siyang maapuhap na salita. ''You're going to be my girl  Lady!'' muling nagsalita si Cade na dahilan upang tumawa si The Phenom. ''Oh Man! Why did you kissed her?'' tanong ni Phenom sa kapatid nito na natatawa dahil sa ginawa ng nakababata nitong kapatid. ''What's wrong with that Big Brother? She said earlier that  she loves me right.?'' sagot naman ni Cade. Habang nagpapalitan ng salita ang dalawang magkapatid sa harap niya ay nananatili pa rin siyang tulala at  hindi makapag salita. HInawakan ni Franceska ang mga labing hinalikan ni  Cade. ''What's your name again Lady?''  tanong ni Cade sa kanya ngunit wala pa rin lumalabas na salita sa kanyang bibig. ''See Little Brother. She can't even talk because of what you did.'' si Phenom na parang nasa mukha pa rin nito ang pagkamangha sa ginawang iyon ng nakababatang kapatid nito. ''Why? what's wrong with kissing her? She has a nice and sweet lips Big  Bro.'' sagot ni Cade habang ang mga mata nito'y nakatitig sa kanya. ''Oh!  Come on Big Man, you can't just grab a woman then kiss her as long as you want. Look at her . She's still not talking.'' sabi ni Phenom kay Cade. ''Hmm! Maybe I should  kiss her again Big Bro?''  Patuloy sila Cade sa pagsasalita habang siya'y  nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang malaking tao sa harap niya. Muling naghiyawan ang mga tao sa nasasaksihang pagpapalitan ng salita ang dalawang magkapatid dahil lamang sa paghalik sa kanya ni Cade. ''Oh Oh! It seems that The Demon  is already in love with a  fan .What do you think?'' tanong ng isang commenter sa kasama nito. ''I don't know. But The Demon just kissed the girl, so maybe he likes the girl.''  mabilis naman na sagot ng commenter sa kasama nito. Hindi pa man siya nakakaget-over sa paghalik ni Cade sa kanya ay bigla na naman nitong hinawakan ang kanyang mukha at muling hinalikan ang kanyang mga labi, mas mariin ito kumpara sa unang halik na iginawad nito  sa kanya kanina lang. Naghiyawan ang mga tao sa muling  paghalik sa kanya nang naturang Wrestling Superstar.  Hindi pa sana ito titigil sa paghalik sa kanya ng bigla itong tinapik ng kapatid nitong si Phenom. ''Bro! That's enough, you're making a scene already.'' binitawan naman ni Cade ang kanyang   mukha at tumititig  sa kanya, at bago pa siya makapagsalita ay  tumalikod na ito kasama ang kapatid nito na naglakad palayo sa kanya. ''Cade...'' bulong niya habang hawak ang labing hinalikan nito. ''I LOVE YOU CADE! I LOVE YOU!''   sigaw niya nang biglang may bagay na tumama sa kanyang mukha. ''FRANCESKA! Gumising ka na dahil mahuhuli ka na sa eskwela.'' sigaw ng kanyang Ina. Binato pala siya nito ng unan sa mukha upang magising siya. ''Ma, naman! Ang ganda ng panaginip ko eh! Inistorbo niyo naman  ako.'' maktol niya sa kanyang Ina.  Hay!  akala niya ay totoo na ang nangyaring paghalik sa kanya ni Cade, ngunit katulad din pala ito ng mga nauna niyang panaginip. Hanggang  sa panaginip na lang talaga. ''Siguro  yung Cade na naman ang laman ng panaginip mong bata ka!'' tanong ng Ina ng dalaga. Hindi siya sumagot sa Ina, bagkus ay tamad na bumangon  na lang siya sa kanyang kama dahil male-late na siya sa kanyang pagpasok sa eskwela. ''Kailan ba matitigil ang pagka-adik mo sa Wrestling, Wrestling na iyan Franceska, huh! aba'y napapabayaan mo na ang  pag-aaral mong bata ka.'' sermon ng kanyang Ina. ''Ma, wala naman masama na magkaroon ako ng idolong isang wrestling superstar.'' sagot niya. ''Walang masama anak, pero  hindi lang basta  simpleng idolo ang nararamdaman mo sa Kane na iyan eh''.  ''Hay! Mama talaga. Sige na po at maliligo na ako.''  paalam niya sa kanyang ina bago ito talikuran at tumungo sa banyo upang maligo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD