bc

Forsaken CEO (Tagalog)

book_age18+
8.7K
FOLLOW
59.1K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
love after marriage
confident
CEO
comedy
bxg
mystery
husband
like
intro-logo
Blurb

Trending sa buong bansa ang fake news na gawa ng isang baguhang reporter na si Jana Abrenica ang pagpapakasal umano ni Cassandra “Cassy” Taleon na sikat na model sa isang matipunong CEO. Hindi nagsalita si Cassy tungkol sa isyu kaya lalong umugong ang balita.

Paano nga ba aayusin ito kung siya mismo ay walang nobyo?

Nag-krus ang landas nila ni Dylan Almodovar na isang aspiring model. Kinumpara ni Cassy ang litratong nakita niya sa article at di siya nagkamali na iyon ang ginamit ni Jana. Naisip ni Cassy gawing fake husband si Dylan at tapusin ang relasyon.

Pero hanggang saan hahantong ang isang relasyong nabuo bunga ng isang fake news kung sila mismo ay nahuhulog na sa isa’t isa—at gusto ng totohanin ang inumpisahang pagkukunwari?

2021 © Ziellanes. All rights reserved.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Cassy's POV SA pagbukas ng pinto ng limousine ay bumungad sa akin ang mga nakaabang na reporter. Lumabas ako sa kotse at sinalubong ko ang mga kumikislap na kamera kahit nakakasilaw dahil sa flash nito. Suot ko ang kumikinang na Golden Sequin Evening Gown na design ng isang kilalang fashion designer na si Allison Moore. Agad na pumuwesto ang mga bodyguards ko sa harap upang hawiin ang daan. Sunod-sunod na mga tanong ang narinig ko habang inaabot nila sa akin ang mikropono. “Miss Taleon! Totoo po ba na nag-asawa ka na?” “Maaari po ba namin malaman ang pahayag mo tungkol dito?” “Balita namin isang mayaman na CEO ang napangasawa mo?” “Pero kung totoo iyon, bakit di mo suot ang wedding ring?” Bigla kong naramdaman ang isang bagay na bumalot sa ulo ko. Napatingala ako at nakita ko ang isang black suit sa ibabaw ko. Naramdaman ko rin ang mahigpit na pagkahawak nito sa magkabilang braso ko. Napabilis ako ng lakad nang sinimulan niya ako alalayan sa daan. Pagkarating namin sa loob ng venue ay marahan na tinanggal niya ang black suit sa ulo ko. Nakita ko siyang ngumiti bago siya lumisan. Mabilis ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ang nakakatunaw niyang ngiti. Pero teka, hindi ko nakita buong mukha niya dahil naka-focus ako sa mga labi niya. Akmang hahabulin ko siya kaso hindi ko na alam kung nasaan siya nang makita ko ang mga lalaki na kapareho ang suot niya. “Kanina pa kita hinahanap, Miss Taleon. Bigla ka kasi nawala kanina. Magsisimula na ang awarding night,” ani ng manager ko na si Vivian. Nginitian ko lang siya at nagtungo kami sa puwesto. Palinga-linga ako sa mga tao sa loob, nagbakasakaling makita ko ulit ang lalaki kahit alam kong malabo dahil hindi ko nakita ang buo niyang mukha. “Hindi na ako natutuwa sa mga nilalabas na isyu tungkol sa’yo, Cassy,” galit na tono ng manager ko. Nilipat ko ang tingin sa kaniya. Kunot-noo ang nakita ko kay manager. Alam kong naiipit na rin siya sa mga isyu. Iniisip ko tuloy na baka ito ang maging dahilan ng pagwasak ng career ko. “Ayusin mo ang problemang ito, Cassy. Kung hindi, alam mo na ang mangyayari,” banta niya sa’kin saka tumayo upang palakpakan ang awardee sa stage. Tumayo rin ako at pilit na ngumingiti sa dumadaang kamera sa amin. Nang tinawag na ang panagalan ko ay umakyat ako sa stage upang tanggapin ang parangal bilang Model of the Year. Habang masayang kinakarga ko ang malaking trophy ay bigla kong nakita ang mga nagdadagsaang mga reporter na nagtungo malapit sa stage. Hindi na sila napigilan ng mga guwardya dahil sa dami nila. “Totoo po ba ang isyu ng pagpapakasal mo?”tanong ng isang lalaking reporter. Tikom ang bibig ko nang bumaba ako ng stage. Hindi ako nagsalita tungkol sa isyu, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot. Hindi ito ang unang beses. Marami na rin akong isyu tungkol sa love life ko pero sumusobra na sila. Halos mawalan na ako ng privacy sa buhay ko. Puro na lang isyu at pagod na rin ako sa ayusin ito. Binagsak ko ang aking katawan sa malaki at malambot kong kama. Kinuha ko ang laptop sa side table at binuksan ito. Binisita ko ang f******k, mga site ng mga broadcast at sa YouTube. Laking gulat nang makita ko ang isyu. Isang mayamang CEO? Seriously? Ni hindi nga ako nagka-jowa ng isang businessman tapos ito ipaparatang na isyu sa’kin? Napabuntong-hininga ako sa mga nababasa kong article. Umagaw sa atensyon ko ang isang reporter na si Jana Abrenica. Siya pala ang nagpakalat sa isyung ito. Inusisa ko ang profile ng reporter na ito at natantuan kong isa pala siyang bagong reporter ng TVC. Tinawagan ko ang kakilala kong reporter na si Charlene na kunin ang contact number ni Jana. “Pasensya ka na, Cassy pero hindi ko talaga makuha yung number ni Jana,” malungkot na sabi ni Charlene sa’kin. “Nabasa mo na ba yung article na isinulat ko tungkol sa isyu na kinalat ni Jana? Alam ko naman na hindi totoo iyon. I tried to reach her but hindi ko siya makausap. Bayaan mo, Cassy. I’ll try my very best para maayos ang isyung ito,” dagdag niya. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa puso ko matapos ko marinig si Charlene. Siya lang kasi matatakbuhan ko pagdating sa isyu, malakas nga lang kalaban namin at sadyang pumatok ang article na sinulat ni Jana tungkol sa’kin. Binasa ko ulit ang article ni Jana. Napahinto ako sa nakita ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang makita ko ang picture ng lalaking iyon. Yung ngiti niya, iyon ang nakita ko kanina sa venue. Pero bakit half face ulit? Naghanap ako ng mga artikulo tungkol sa isyung iyon dahil sabik na ako makita ang buong mukha ng lalaking iyon ngunit nabigo ako. “Nababaliw ka na, Cassy," aniko sa sarili. Alas-dose ng hatinggabi ay di pa rin ako dinaluyan ng antok. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Bakit kaya niya ako tinulungan? At sino siya? *** MAAGA akong nagising dahil may pupuntahan akong audition. Inimbita ako ng The Most na maging hurado para sa nalalapit na runaway fashion. Kailangan nila ng mga subsitute model dahil nagkaro’n ng emergency ang ibang mga model na dapat sana kasali sila. “Good morning, Miss Taleon!” maligayang pagbati ng isang staff sa loob ng venue. Ngumiti lang ako at tumango. Umupo ako sa puwesto. Napainom ako ng tubig nang makaramdam ako ng gutom dahil hindi na ako nakakain kanina ng breakfast dahil sa pagmamadali. Sinimulan nang bukasan ang mga ilaw sa runaway at nagsalita na rin ang MC para buksan officially ang audition. Lahat ng mga contestant ay puro mga lalaki. Hindi ko alam pero na-excite ako bigla. Imbis na i-rate sila bilang model ako naman itong hinahanap ang mga ngiti nila. “Suggest ko lang, I just want to see their smile,” taas kamay kong sabi. “B-but, Miss Taleon. This is a runaway. Hindi puwedeng--” Napahinto si Miss Madrigal nang bigla akong tumayo. “I just want to see their smile bago sila umikot.” Kaagad nila inabisuhan ang mga nag-audition dahil sa instruction na bigay ko. Sinimulan na nilang magpatugtog at paisa-isang nagrampahan ang mga nag-audition. Hindi ako naging masaya dahil wala ni isa sa kanila ang nag-match sa hinahanap ko. Natapos ang audition ay bigong umalis ako sa venue. Habang naglalakad ako sa hallway ay biglang may bumangga sa akin na isang lalaki na mukhang nagmamadali papunta sa audition. Natigilan ako nang ngumiti siya sa akin. Kahawig niya ang ngiting nakita ko kagabi. “Sorry, Miss. Nagmamadali po ako,”paumanhin ng lalaki sa’kin. Naka-black leather suit ito at nakaporma siya para sa audition. Hinayaan ko lang siya umalis habang pinagmamasdan ko ang likod niya. Matangkad siya at perpekto ang katawan para maging fake husband ko. Biglang nag-vibrate ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Charlene sa screen kaya kaagad ko itong sinagot. “Pasensya ka na, Cassy. Lumalala na ang isyu. Kailangan natin mabigyan solusyon ang problemang ito.” “I already have a solution," ngiting sagot ko kay Charlene.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.0K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.8K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
829.8K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
63.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
476.8K
bc

Fight for my son's right

read
146.1K
bc

Unwanted

read
508.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook