Chapter 2

1106 Words
Cassy’s POV MABILIS akong tumakbo pabalik ng venue. As expected, hindi siya pinagbigyan ng staff dahil tapos na ang audition. “Parang awa mo na, Miss. Kailangan ko kasi ito. Na-late lang ako dahil sa sobrang traffic,” pagmamakaawa ng lalaki habang hinahawakan niya ang pulso ng babaeng kausap niya. “Pasensya ka na, Sir. This is beyond my limit. Hindi ko kayang gawin ang gusto mo. Hindi ko hawak ang event,”sagot ng staff saka tinanggal ang pagkahawak sa kaniya at nilisan siya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya dahil sa kabiguan. Binaling niya ang kaniyang paningin sa mga taong naglilipit ng mga gamit sa stage. Dama ko ang pagkawalan niya ng pag-asa dahil talagang desperado siyang makasama sa audition. Yukong umikot siya paharap sa akin at muling siyang napatingala nang makita niya akong nakaharang sa daan. Aww. Bakit ang cute niya pa ring tingnan kahit malungkot siya? Cassy, please stay focused! Sekretong kinuha ko ang aking calling card sa bag habang nagtitigan kami. Humugot ako ng lakas ng loob bago ko siya kausapin. Marahang tiningala ko ang aking baba at mabilis na inabot sa kaniya ang aking card. “I can help you, just call me if ready ka na humingi ng tulong sa’kin,” ngiting sabi ko habang nakaunat ang kanang braso ko sa kaniya. Why does he look confused? Ayaw ba niya ng tulong ko? Nakita kong nanliit ang kaniyang mata at nagsalubong ang noo niya. Don’t tell me he is suspecting my kindness? “Look, Mister. Hindi kita pinipilit but I can help you get your slot para maging model ka ng The Most. Just call me if you want.” And I walked away. KINABUKASAN. Kanina ko pa kinakalaw ang mainit kong kape habang iniisip ko ang lalaking iyon hanggang sa biglang nag-vibrate ang phone ko sa mesa. Nakita ko ang unknown number kaya kagyat kong sinagot ang tawag sa kaisipang siya ‘yon. “I’ll accept your help.” Napalundag ako nang marinig ang sagot niya na para akong lumulutang sa langit. Next step is to give him an offer tungkol sa fake husband at sana maging smooth ang transaction namin. Dali-dali akong nag-ayos dahil magkikita kami ngayon sa Starbucks. Mabilis kong sinuot ang grey long sleeve dress at naglagay ng light make-up. Pagkababa ko ng sasakyan ay chineck ko muna ang relo. Oh my! I’m fifteen minutes late! Hindi na ako nag-atubiling bagalan ang lakad ko dahil baka magbago pa isip no’n. Pagdating ko sa Starbucks ay umagaw ang atensyon ko nang makita ko siyang may dalang bulaklak. Napahinto ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa ginawa niya nang inabot sa’kin iyon at nalipat niya ang kaniyang pisngi sa pisngi ko. What is he thinking? Ngumiti siya sa’kin, ‘yong nakakatunaw na ngiti pagkatapos ay sinenyasan niya ako gamit ang matalas niyang mata na umupo. “Ano mayro’n? Bakit bigla mo akong binigyan ng bulaklak?” bulong na tanong ko sa kaniya. May kinuha siyang papel at ballpen sa kaniyang bag at nagsulat tapos inabot niya sa akin. I saw an article about you and I want to be your fake husband with two conditions. Hindi ko alam pero napangiti ako sa nabasa ko. Pero teka, may lahing manghuhula ba ito at nababasa niya isip ko? Napalinga-linga ako sa paligid at hindi nga ako nagkamali na maraming paparazzi ang umaaligid sa amin. “Paano mo nalaman na kailangan ko ng fake husband? Are you my stalker?” tanong ko sa kaniya. He smirked and looked at me. “Nakita ko sa article ang half face picture ko. And I was thinking na baka kailangan mo ng fake husband kaya nag-volunteer ako,” kumpiyansa niya sa sarili. Nakita kong kinuha niya sa bulsa ang cellphone niya at pinakita sa akin ang kaniyang larawan. Laking gulat ko nang makita ko ang buong litrato. Hindi nga siya nagsisinungaling, siya ang nasa article. Yung ngiti niya ay kahalintulad do'n sa picture na pinost ni Jana. "Okay. So what are your two conditions?" muling tanong ko sa kaniya. Hinawakan niya kamay ko bigla at palihim itong nagpalinga-linga sa paligid pagkatapos ay tiningnan niya ako na parang nagsasabi na makisabay sa trip niya. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita. “Ang una kong kondisyon ay tulongan mo ako makapasok sa The Most bilang isang model. Pangalawa, alam kong kailangan mo ng fake husband but...malaking sahod ang kailangan ko.” Nanlaki mga mata ko sa narinig kong malaking sahod. Gano’n ba siya ka desperado na mag-apply as my fake husband? Tinanggal ko ang kamay niya na nakapatong sa akin. “How much do you want?” Mga sampung segundo ang nagdaan bago pa niya sinagot ang tanong ko. "One million per month and it has to be tax free," sagot niya. Halos matumba ako sa aking kinauupuan nang sinabi niya iyon. Like seriously? Isang milyon kada buwan? Nag-tatake advantage ba 'to sa'kin purket siya ang lalaking nasa picture? Napalunok ako ng laway dahil hindi ko akalain na may pagka-demanding din ang lalaking ito. Mahinay na kinuha ko sa mesa ang isang basong tubig at saka ko ininom. "Saglit lang. Are you serious? Ang laki naman ng demand mong suweldo?" kunot-noo kong reklamo sa kondisyon niya. "Look, Miss Cassy. Hindi dahil sa piniperahan kita pero kailangan ko ng gano'ng halaga. Okay, sige. I'll give you discount. Nine Hundred Thousand Pesos." Napahawak ako sa ulo nang sinabi niya ang discounted salary. Nagpapatawa ba siya? Huminga ako nang malalim bago ako nagsalita. "I'll think about it…" napahinto ako saglit dahil hindi ko alam pangalan ng lalaking kaharap ko. "Dylan," mabilis niyang pagpapakilala. "...okay Dylan. Tawagan na lang kita pag nakapagdesisyon na ako." I saw his face disappointed. Alam kong nabigo siya pero kailangan ko muna i-background check itong lalaking ito. Baka mamaya niyan isa pala itong kriminal. Mahirap na. "Okay. I understand, Miss Cassy. But I am still hoping for your positive response," aniya. Tumayo si Dylan, umalis siya sa puwesto at lumapit sa akin. Inunat niya ang kaniyang kamay upang makipagkamayan. Ako naman itong tumayo at hinawakan ang kaniyang kamay. Imbis na shake hands lang ang gagawin namin ay bigla niya akong hinila at hinagkan. Muli akong napalunok ng laway nang matamaan ko ang matigas niyang dibdib. Oh my! What I am thinking?! At ang bango pa ng dark blue leather jacket niya. Nilapat niya ang kaniyang bibig sa tenga ko kaya naman ako itong nakikiliti dahil dama ko ang hininga niya. "Pag-isipan mo nang mabuti, Miss Cassy," bulong niya saka siya humiwalay ng yakap at nilisan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD