bc

WS #2 : Wrong Affection

book_age18+
108
FOLLOW
1K
READ
dark
kidnap
family
teacherxstudent
drama
tragedy
heavy
mystery
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Wrong Series #2

Rachel Ann Macasaet is in love to Diego Guttierez since high school. Pero ang matalik niyang kaibigan na si Sidney Lim ang nagustuhan nito at niligawan na naging dahilan para magkasira sila ng kaibigan niya.

Later on, Tairon Lim-who happens to be Sidney's brother confessed his feelings to Rachel. But Rachel's heart was still beating for Diego. Si Diego na bigla na lang niyang nalaman na kapatid pala ng childhood best friend niyang si Kelsi.

Ang pagbabalik ni Kelsi sa pamilya ng mga Guttierez ay hindi alam ni Rachel na kasiraan pala sa pamilya niya na nagdulot ng pinakamalaking sugat sa pagkatao niya.

She lost and came back with her vengeance. Paghihiganti sa pamilya ng childhood best friend niya at sa lalakeng tinitibok ng puso niya.

Mananaig nga ba ang paghihiganti niya o mas madadaig siya ng puso niyang walang ibang sinisigaw kung 'di si Diego Guttierez.

chap-preview
Free preview
Simula
Mga nakakakilabot na haplos ang gumising sa diwa ko. Mabilis akong nagmulat ng mga mata at agad na bumangon. “A-anong g-ginagawa niyo?” Nagkakandautal-utal at nanginginig ang boses ko dahil sa takot na agad lumukob sa akin. “Paisa lang, Hija. Ilang araw ka ng nandito at ilang araw na rin akong nagpipigil,” sabay pakita niya sa akin ng nakakakilabot niyang ngising aso. Sunod-sunod ang naging pagbuhos ng aking mga luha habang ako'y umiiling. “P-parang awa n-niyo na p-po. H-huwag niyo po a-akong s-sasaktan.” Umiling siya at umayos ng upo. Lumipad ang kamay niya papunta sa kandungan ko kaya agad akong lumayo sa kanya at umatras patungo sa headboard ng higaan ko na gawa sa kawayan. “Isang beses lang naman, hija. Virgin ka pa ba?” “P-please...” pagmamakaawa ko. “Sige na, raraos lang ako ha?” aniya at agad na dinakma ang dibdib ko. “Huwag po!” sigaw ko na may kasamang paghagulgol. Mas lalong lumakas ang iyak ko nang sinimulan niyang haplusin ang dibdib ko at umamba pang hahalikan ako sa aking leeg. “Parang awa niyo na po! Huwag po, please! Tulong! Tulungan niyo po ako!” muli kong sigaw at halos mamaos na ako. Sinuntok niya ang tiyan ko dahilan upang matigil ako sa pagsigaw at maiyak na lamang sa sakit na naramdaman. Sobrang lakas ng naging suntok niya at nawalan ako ng lakas para manlaban. Nagtagumpay siyang halikan ako sa kung saan-saang parte ng katawan ko at wala akong ibang nagawa kung 'di ang umiyak. Sa isang barong- barong sa gitna ng gubat ako dinala ng mga taong hindi ko kilala. Ilang araw na akong nandito at alam kong kinidnap ako. Not for ransom I'm sure. Dahil kung pera ang kailangan nila dapat unang araw pa lang ay tinawagan na nila ang mga magulang ko para hingan ng pera. Pero hindi... Lagi nilang sinasabing maghintay ako dahil darating ang boss nila. Wala akong kaaway. Pero nitong mga nakaraang araw lang ay nalaman ko ang mga ginawa ni mama noon. Nalaman ko kung anong koneksyon niya sa pamilya Guttierez at sa mga Lim. At binalaan niya kaming mag ingat. Ngayon ay nagsisisi na ako at hindi ako nakinig kay mama. “Ang kinis mo naman,” anang lalake at tuluyan na ngang pinunit ang unipormeng suot ko. Napapikit ako ng mariin at natatarantang pinagtatatakpan ang katawan ko. “Parang awa niyo na po. Please po. Please!” pagmamakaawa ko pa pero tila wala siyang narinig. Nagpatuloy siya sa ginawagang pamomolestiya sa akin. Nanghihina man ay pilit ko siyang tinutulak. Pero masyado siyang malakas. Wala akong laban. Tumayo siya ng tuwid upang magtanggal ng sinturon at pantalon. Kinuha ko agad ang pagkakataong iyon para makatakas. Gamit ang natitirang lakas ay sinipa ko siya sa bayag. Alam kong hindi kalakasan iyon pero sapat na para mapaluhod siya. Nagmadali agad ako sa pagbangon at agad na tumakbo palabas sana ng kwarto. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay nahawakan na niya ako sa binti ko dahilan upang madapa ako. Bumagsak ang katawan ko sa sahig na gawa sa kahoy. Agad na umikot ang paningin ko pagkatapos mabagok ng ulo. “Akala mo makakatakas ka ngayon ha! Pwes, lalawayan ko lahat lahat sa iyo ngayon,” sabay halakhak niya. Iniikot niya ako upang mabaliktad ang posisyon kong nakadapa. “Hayop ka! Wala kang puso!” sigaw ko. Sinampal niya ako ng sobrang lakas at mas lalo akong pinanghina niyon. Sa pagkakataong iyon ay gusto ko na lamang mamatay. Sinubukan kong ipikit ng mariin ang mga mata ko. Sinubukan kong pigilan ang paghinga ko para lang bawian ako ng buhay pero nanatili pa rin akong buhay at humihinga. Ramdam na ramdam kung paanong nilapastangan ang katawan ko. Sa mga sandaling iyon ay nawalan na ako ng pag asa. Tumigil ako sa pag iyak at natutulala na lamang sa kawalan. Mag isa ako. Walang magliligtas sa akin. Naisip ko kung hinahanap na ba ako ng mga kaibigan ko o ng pamilya ko. Ilang araw na akong nandito. May humintong sasakyan sa labas na agad ring nagpahinto sa lalake sa kanyang ginagawa. “Putangina naman oh! Kung saan malapit na!” pagmumura niya at saka tumayo. “Tulong! Tulungan niyo ako!” sigaw ko. Agad kong nakita sa mukha niya ang takot. “Manahimik ka! Putangina kang babae ka!” “Tulong! Tulong! Tulong!” Mabibilis na yabag na papalapit sa amin ang sunod kong narinig. Nang bumukas ang pintuan ay agad akong nag angat ng tingin sa kung sinumang dumating. “Putangina, Gregor! Anong ginawa mo?!” anang lalake na siyang tagahatid ng pagkain ko sa halos isang linggo kong pananatili dito. “Titikim lang naman sana. Hindi nga nakaraos, e.” “Gago ka pala, e!” sigaw nito at agad na sinuntok si Gregor na lumapastangan sa akin. Bumangon ako’t nagmadali sa pagtakas habang abala ang dalawa sa pagsusuntukan. “Tumatakas! Gago! Habulin mo!” Narinig ko pang sigaw ni Gregor nang nakalabas ako at nakarating sa bakuran. Sunod kong narinig ay ang putok ng baril. Sa malayo ay may naaanigan akong mga ilaw ng mga sasakyang paparating. Alam kong kung hindi pa ako tatakas ngayon ay siguradong mahuhuli ako. Pero mas nakuha ang atensyon ko ng sasakyang pabalang na naka-park sa bakuran. Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pag agos ng aking mga luha. Kilalang-kilala ko ito. Papaano kong hindi makikilala ang sasakyang ito? E, lagi ako nitong hinahatid mula sa skwelahan pauwi sa bahay. “Rachel! Tumakas ka na!” Napalingon ako sa lalakeng sumigaw. Agad niya akong hinagisan ng itim na jacket. “Takas na!” malakas niyang sigaw. Kinuha ko agad ang jacket niya at agad na akong tumakbo papalayo. At sisiguraduhin kong sa oras na makabalik ako ng Maynila. Magsisisi ang lahat ng Guttierez sa ginawa nilang ito sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook