Episode 3

969 Words
Habang tumatagal nagiging possessive siya hindi ko lubos maintindihan ang ginagawa niya at mas lalo akong natatakot sa kanya araw araw niya na akong hinahatid at sundo!  Lagi syang tumatawag at nag t-txt ang ginagawa ko pinapatay ko ang phone na bigay niya sa akin.  At pag weekend binibisita rin nya ako sa apartment ko halos wala kaming imikan pag magkasama kami hindi ko maintindihan kung bakit iniuubos niya ang oras niya sa akin minsan, ang paper works niya dinadala nalang niya sa apartment ko.  Lagi niya akong tinatanong kung saan ako pupunta at kung anu ang gagawin ko gagawa ako ng palusot para lang hindi sya maglagi sa apartment ko.   Patago akong nag file ng leave sa opisina para magkaroon ako ng space at malayo din kay Xavier tinapos ko agad ang pina assigned na trabaho sa akin ng boss ko mahigit isang linggo rin yun total minsan ko lang gamitin ang leave ko. “Biglaan ata ang leave mo?” Tanong ni Dein kumakain kami sa cafeteria.“ Bakit ba biglaan Millyn? Kaya pala sobrang busy ka sa nagdaan kasi tinatapos mo yung binigay na task sayo.” “May aasikasuhin lang ako Dein at anu ka ba? Para namang hindi na tayo magkikita e isang linggo lang naman. ” Paliwanag ko. “ Basta yung maiiwan ko na work yung Kay ma'am lesly nalang ibibigay ko sayo mamaya ipapasa mo lang naman kay ma'am Lesly.”  “Okay.”  “Tapos na yun.” “May tanong ako. Isang tanong isang sagot?” “Anu na naman?” nakukulitang sabi ko. “Bakit ka nga mag l-leave?” Tanong nito ulit.  “ Hindi ko sasabihin kung anong rason pero gusto ko lang ng space.” sabi ko. “Space lang naman pala e may leave kapang nalalaman.” “Ano ba Dein? Ang kulit nito. Stress ako gusto ko munang mag liwaliw.” sabi ko pa. “ Hay naku. Hindi ko alam kung ano ang rason mo pero sana makatulong yang pag leave mo. Masyado lang kasi kitang mami- miss.”  “Salamat Dein. Bukas ako aalis mag ingat ka at wag mong kalimutan ang pinapasuyo ko sa darating na monday.” Nakangiting sabi ko. Tatlong araw na rin  ang nakalipas simula  ng makabalik ako dito sa maynila naging maayos naman ang naging bakasyon ko at nakaramdam ng ginhawa sa mga nag-daang  araw. Napagdesisyon kung umalis sa trabaho at maghanap nalang ng iba upang magpakalayo layo kay Xavier total may ilang araw  pa naman  ako para makapag ayos. Speaking of Xavier wala siyang alam sa pag alis ko at kahit tawag o anu paman wala akong sinasagot. Nagiging creepy  na siya masyado. Hindi ko ito masabi kay Dein dahil nahihiya naman ako.  Nakipag kita ako kay Dein para mag paalam umiyak ito ng malamanniya pinigilan pa akong wag nang umalis pero desidido na talaga ako.   “Bakit biglaan naman? Ang sabi mo isang linggong leave pero bakita parang habang buhay? Alam mo bang mami-miss kita? Ikaw na nga lang ang kakampi ko sa office aalis kapa.” naiiyak pa nitong sabi.  Hinagod ko ang likod nito at niyakap. “Ano ka ba? E mag kikita pa naman tayo. Hindi nga lang araw-araw tulad ng dati pero at least gagawa tayo ng time para sa atin. ” sabi ko pa. “Talaga?” tanong pa nito. “Ou naman!  Basta dapat hindi tayo mawalan ng communication.” “Ou na. Gumawa ka na ba ng resignation letter?” Tanong nito. “Ou, kanena pinasa ko na.” “Wow hanep! Excited ah! Nakapasa agad.”  Natawa pa ako sa sinabi nito. Bago kami nagkahiwalay ni Dein ay sinulit namin ang oras na mgaksama kami.  Ng makauwi ako sa apartment ko nakita ko si Xavier na nakatayo at nagbabagang ang galit sa mukha nito. Linabanan ko ang kabang nararamdaman ko pinatigas ko ang expresyon sa mukha ko dre-dretso ako sa paglalakad hanggang sa nilagpasan siya pero bago pa man ako makalayo  hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad ako papasok sa kotse niya.  "let me go Xavier! " pagpipiglas ko.  “Where have you been?” may diing pagkakasabi nito. “ Pagod ako Xavier pwede bang umuwi kana at sa susunod nalang tayo mag usap ” sabi ko  habang pinipiglas ang brasong hawak nito.  “I said where have you been?” pag uulit nito.  “Ano ba ang pakialam mo?  Kailang mo bang malman kung saan ako galing at kung anu-ano ang ginagawa ko? You're not my boyfriend!”  "YOU WILL NEVER LEAVE ME AGAIN MILLYN! " Inangat nito ang braso ko at mas lalong hinigpitan ng pagkakahawak.  “ Aray ko! Nasasaktan ako Xavier bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” pagsisigaw ko.  "Ano ba Xavier?! nasasaktan ako! let me go!" Paulit na daing ko habang pinipilit ko  na maka  pag piglas sa mga kamay niya pero tila wala lamang sa kanya ang mga sinasabi ko at ang lakas ko. "let me go Xavier! Ano ba?!" pabalabag akong pinapasok ni Xavier sa mamahaling kotse nito at sinara ng malakas agad syang umikot sa kabila at pumasok sa kotse lumapit siya akin at  mahigpit niyang hinawakan ang pagkakapit sa mga braso ko feeling ko magkakapasa ako naiiyak na ako sa sitwasyon ko ngayon.  "Sasama ka sa akin sa ayaw sa gusto mo." Matigas na sabi nito. "Nababaliw kana ba? Please Xavier" Naiiyak na pakiusap ko. Natatakot na ako ng sobra sa mga nangyayari. "Ano ba ang nagawa kong kasalanan sayo?" "You're mine!" Madiing pagkakasabi nito. "Baliw kana ba? Hindi mo ako pag aari! at lalong hindi tayo!" sigaw ko rito. Ramdam ko ang higpit na paghawak nito sa mga braso ko feeling ko anytime mawawalan ako ng malay ng dahil sa sakit na nararamdaman ko. "No Xavier! Dont please ...anong gagawin mo? please Xav.." naiiyak kong sabi ng makita kong may linabas ito sa bulsa nito. "AKIN KA LANG! " naramdaman ko nalang na may inilapat syang panyo sa aking bibig at nakaramdam ako ng pagka antok.  Naiiyak akong nagpipiglas sa kanya pero sadyang malakas si Xavier  at wala akong magawa haggang sa mawalan na ako ng malay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD