bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

book_age18+
47.7K
FOLLOW
325.5K
READ
billionaire
sex
one-night stand
CEO
boss
drama
twisted
bxg
realistic earth
seductive
like
intro-logo
Blurb

Nag-iisang anak si Valentino Clemente na CEO ng isang kilalang kompanya. Hiling ng kaniyang ama na mabigyan siya ng apo bago man lang pumanaw dahil bilang na lang kaniyang kaarawan. Simula nang pumasok sa trabaho si Valentino ay nawalan siya ng oras sa pag-ibig. Madalas iniisip ng kaniyang ama na baka bakla ito ngunit ang hindi niya alam ay dakilang babaero si Valentino no’ng wala pa siya sa kompanya.

Nang malaman ito ni Don Mariano ay kaagad na naglabas ng anunsyo sa telebisyon na may pamagat na “The Billionaire’s Last Heir” Nakasaad sa anunsyo na kung sinong babae ang inanakan ni Valentino ay mabibigyan ng mana ang bata. Sagot na nila ang pagpapa-DNA Test ngunit sa haba ng pila ay tila malabong may mag-positive.

Hanggang sa nakilala ni Valentino ang bagong sekretarya niyang si Dahlia. At hindi niya maintindihan kung bakit unti-unti siyang nahuhulog dito.

TEASER:

“Sir Valentino, you have to check this out. Your father made an announcement on television about something,” wika ng secretary niya saka pinindut ang remote ng TV.

Napaupo si Valentino sa sofa nang marinig niya ang anunsyo.

“The Billionaire’s Last Heir? What is he up to?” tanong nito sa kaniyang sarili dahil hindi niya naabutan ang buong pahayag.

Lumapit sa kaniya si Secretary Joan at saka nagsalita. “Hinahanap ni Don Mariano kung sinong babae ang naanakan mo, Sir Valentino,” sagot nito na halatang pinipigilan ang tawa.

2021 © Ziellanes. All rights reserved.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Dahlia's POV   Naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin nang binuksan niya ang bintana dahilan ng pagtindig ng mga balahibo ko nang muli itong dumapo sa aking katawan. Nakaupo ako sa kama at lumingon sa bandang likuran ko at do’n bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan nang makita ko ang mantsa ng sapin ng higaan. I feel so embarrassed.   Humarap ang hubad na lalaki sa’kin. Pilit kong hindi iangat ang aking ulo dahil sa kahihiyan.   “Do you want another round?” tanong nito sa’kin.   Natigilan ako sa tanong niya at bigla kong naramdaman ang panginginig ng katawan ko, hindi dahil sa lamig ng hangin kundi dahil sa susunod na mangyayari. Napalunok ako ng laway saka tumingala. Alam ko naman na gusto niya pa kaya dahil sa matinding pangangailangan ay hindi na ako nagatubuling sumang-ayon sa gusto niya.   “S-sige,” sagot ko habang nakatitig sa madilim niyang mukha.   Bigla niyang binalot ang katawan ko ng kumot.   “Don’t force yourself if you are not yet ready,” wika niya saka umalis sa harap ko.   Nagulat ako sa sinabi niya kaya palihim na pinahid ng mga palad ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko.   May inabot siyang envelope sa’kin. “I know I’m your first and also know that you did that out of desperation. So, I added a tip,” malamig na wika niya sa’kin saka mahinay kong kinuha ang envelope.   Tumalikod siya sa’kin at natungo sa pinto upang buksan iyon. Aalis na sana siya ngunit huminto siya saglit at nagsalita. “Don’t sell yourself again next time,” aniya saka marahang sinara ang pinto ng kuwarto.   Niyakap ko ang mga tuhod nang iniwan niya ako mag-isa sa silid. Hindi ko na mapigilang humikbi dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Puno na kasi ako sa utang at nangangailangan ng gamot ang nanay kong may sakit na breast cancer. Hindi naging sapat ang sahod ko bilang office staff kaya nagawa ko iyon kahit labag sa loob ko.   Binuksan ko ang laman ng envelope at laking gulat nang makita ko ang dalwangpung libong piso.           ***   “Nay, kailangan niyong kumain para lumakas ka. Isang subo na lang ‘to,” pagkukumbinsi ko sa nanay kong may sakit.   Tinaas ko ang kutsara at tinapat sa bibig niya kaya wala siyang nagawa kundi isubo iyon.   Napansin ko ang malungkot niyang mukha habang nginunguya ang pagkain. Tila nababawasan na rin ang timbang ni Nany Elsie kaya makikita mong nangangayayat siya ngayon. Kahit wala siyang ganang kumain ay pinipilit ko ang sarili na ibigay ang nararapat sa kaniya, kasi alam ko naman para sa ikabubuti ng nanay iyon.   Hinawakan niya bigla ang kamay ko.   “Pasensya ka na, Dahlia anak. Sana mapatawad mo ako kung naging pabigat ako sa’yo. Kung hindi lang sana kami naghiwalay ng tatay mo noon, hindi ka sana nahihirapan ngayon,” mangiyak na sabi niya sa akin.   Binaba ko ang hawak kong kutsara at pinatong sa plato.   “Nay naman! Wag mong sisihin sarili mo. Hindi mo kasalanan iyon kung iniwan tayo ni tatay. Masaya na siya sa iba at may sarili na rin siyang pamilya. At saka ‘wag mo na ako alalahanin, ang importante ay nagpapagaling ka.” Bigla kong niyakap si Nanay Elsie dahil ayoko ipakita sa kaniyang naluluha ako. May sakit siyang breast cancer at may taning na rin ang buhay niya. Gayunpaman, hindi ako nawawalan ng pag-asa na gagaling si nanay. Hindi ko kakayanin na pati rin siya ay mawala sa’kin, kaya lahat  ginagawa ko para maitawid lang ang buhay namin.   Ilang araw matapos mangyari ang gabing iyon ay nag-apply ulit ako bilang administrative officer assistant ng isang private company, medyo malaki ang sahod kumpara sa office staff. Pinangako ko rin sa sarili ko na hindi na mangyayari iyon kaya hanggang ngayon ay nasisisi pa rin ako sa ginawa ko. Diring-diri ako sa sarili ko dahil nasira na ang prinsipyong sa taong mahal ko lang isusuko ang p********e ko.   “Girl, kanina ka pa ako nagsasalita rito pero mukhang malayo ang iniisip mo. Okay ka lang ba?” Naagaw ang atensyon ko nang magsalita si Lina.   Napahinto ako ng lakad at hinarap ko siya.   “Mali bang gawin ko ang lahat para maitawid ko lang ang pamilya ko?” tanong ko sa kaibigan ko na si Paulina Dimaano.   Kumunot ang noo ni Lina dahil sa tanong ko sa kaniya. I think she figured out that I had a big problem. Matagal ko na siyang kaibigan at alam kong kilala na niya ako.   “Dahlia. Sabihin mo sa’kin. May nangyari ba?” pag-aalala niya sa akin.   Tumango ako at biglang umiyak sa harap niya. Hindi ko alam pero natatakot ako sa susunod na mangyayari. Ayoko sanang isipin na magbunga ang kamaliang nagawa ko sa buhay.   Bigla akong hinagkan ni Lia. “Shh. Magiging okay ka rin, Dahlia. Alam kong malalampasan mo ang lahat ng iyon.”   Nagtungo kami sa canteen dahil lunch break na. Katulad ko, si Lia ay isa ring administrative officer assistant kaya sabay kami pumapasok, kumakain at umuuwi. Kasabayan ko rin siya noong nag-aaral ako bilang Office Management sa TESDA kaya magaan ang loob ko sa kaniya.   Habang kumakain kami ay napahinto ako nang bigla kong matantuan ang masangsang na amoy.   “May naamoy ka ba, Lia?” tanong ko sa kaniya.   Umaktong sininghot niya ang paligid at ang pagkain na nasa mesa. “Wala naman akong naamoy na kakaiba,” sagot niya.   Biglang umikot ang paningin ko na parang nahihilo ako ngayon. Mahinay na tumayo ako at nagtungo sa rest room. Pagpasok ko sa cubicle ay kagyat na sumaka ako sa inidoro. Napahawak ako bigla sa tiyan ko.   “H-hindi ito puwedeng mangyari,”usal ko sa sarili.   Kaagad na nagpunta ako sa Pharmacy upang bumili ng pregnancy test, pagkatapos ay bumalik ako sa rest room upang ieksamen ang ihi ko. Nang pinatak ko na ang sample ko ay pikit kong hiniling sa itaas na sana hindi mag-positive. Muli kong dinilat ang aking mga mata matapos ang ilang segundong dasal. Habang tumatakbo sa control line ang sample ay unti-unting lumabas ang dalawang linya.   Napalunok ako ng laway sa nakita ko pagkalipas ang tatlong minuto. Nanghina bigla ang mga paa ko kaya napasandal ako sa pader.   Isa na namang malaking pagsubok ang tatahakin ko sa buhay. Ni hindi nga ako makaraos sa ibang bagay, ito pa kaya?   Napahawak ako ng ulo, ginulo ko ang aking buhok at napahiyaw ako sa bigat ng nararamdaman ko. Paano ko ito dadalhin? Ni hindi ko kilala ang ama ng dinadala ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
430.8K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.1K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.0K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
478.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook