Chapter 3

1190 Words
3rd Person POV   Alas dose na pala nang tanghali ngunit walang makitang job opening si Dalhia kahit nilibot na niya ang buong Maynila. Umalis siya sa dati niyang pinapasukan dahil nalugi ang kompanya kaya obligado siya ngayon maghanap ng bagong trabaho lalo na’t may pinapakain siyang anak.   Nang makaramdam siya ng gutom ay nagpunta siya sa isang karenderia malapit sa Clemente Corporation building.   “Isang order nga po ng gulay at isang kanin,” aniya sa isang tindera sabay abot ng bayad.   Napansin ng tindera ang suot ni Dalhia na nakaputing blouse at black fitted skirt.   “Nag-aapply ka ba bilang personal assistant ng CEO sa Clemente Corporation?” biglang tanong nito sa kaniya.   Natawa si Dalhia sa tanong ng tindera sa kaniya. Sa laki ba naman ng kompanya ay malabong mapakasok siya ro’n.   “Ay, hindi po! Mataas yata ang standards nila do’n at malabong makuha ako,” ngiting pagtanggi ni Dalhia sa babaeng kausap niya.   Naningkit ang mga mata ng tindera at tinitigan siya mula ulo hanggang paa.   “Maganda ka hija, sigurado akong makakapasok ka. Mataas din ang sahod do’n at tingnan mo…” pagtuturo nito sa labas. “…ang haba ng pila at kasing ganda mo ang mga aplikante. Yun lang, kailangan single ka at walang anak,” dagdag nito.   Napakunot-noo si Dalhia matapos isalaysay ng tindera iyon at naagaw ang atensyon niya nang marinig ang single at walang anak.   Kinuha niya ang kaniyang order at nilapag iyon sa mesa. Mula sa kaniyang puwesto ay kitang-kita ng dalawa niyang mga mata ang nakapilang aplikanteng sa labas ng building.   Nang matapos kumain ng tanghalian si Dalhia ay mabilis na nagtungo ito sa building ng Clemente Corporation. Inusisa niya kung ano pa ang ganap do’n hanggang sa inabutan siya ng application form ng isang staff.   “Miss, mag-aapply po ba kayo bilang secretary?” tanong ng babaeng staff sa kaniya.   Hindi niya pa niya sinagot ang tanong nito ay bigla niyang kinuha ang application form.   “Wala naman masama kung mag-apply ako,” wika niya sa kaniyang sarili. Nang akmang aalis na ang staff sa harap niya ay biglang nagsalita si Dahlia.   “Ay! Miss! Saglit po. May tanong ako. Bakit kailangan pala ng walang anak?”   Nanliit ang mga mata ng staff sa pag-aakalang may anak ito.   Kaagad naman na nagsalita si Dalhia.   “M-may kaibigan kasi ako na single mom. K-kaya ko natanong,” pautal na wika niya sa staff.   “Ahh. Kasi kailangan pong walang responsibilidad na iba ang secretary para makapag-focus sa trabaho,” sagot nito sa kaniya.    Nang umalis na ang staff ay nilabas ni Dahlia ang kaniyang ballpen sa bag at sinimulan nang sulatan ang application form. Napahinto siya saglit nang makita niya ang tanong kung may anak ba o wala. Ilang sandali lang ay minarkahan niya ang sagot na ‘None’ sa kaisipang hindi naman siya makakapasok sa first screening.   Makalipas ang limang araw ay nakatanggap ng resulta si Dalhia mula sa Clemente Corporation. Halong emosyon ang naramdaman niya; masaya dahil nakapasok siya at kabado dahil nagsinungaling siya.   “Ano? Pasado ba?” Sabik na malaman ng Nanay Elsie niya ang resulta.   “O-opo,” sagot nito habang kinagat ang ibabang labi.   Hindi niya kinuwento sa Nanay Elsie niya ang bawal ang may anak dahil siguradong pagagalitan siya nito.   “Ipagpapatuloy ko pa ba ito, Nay?” tanong nito sa ina niya.   “Aba’t kailangan mo pumunta sa final screening. Siguradong malaki din ang sahod do’n at malaking kompanya din iyon. Bakit? Kinakabahan ka ba dahil sa interview?”   Huminga nang malalim si Dalhia. Iniisip kung marami ang nag-apply, siguradong marami din ang nakapasa sa first screening.   “Tama, Dalhia. Isa lang naman ang hinahanap nila kaya malabong makuha ako sa final screening,” ani nito sa sarili.   *** “Just give me the key Mang Berto, ako na muna magmamaneho.” Kaagad na inabot ng driver ang susi ng pulang Ferrari car kay Valentino.   Habang nasa byahe si Valentino ay iniisip niya kung paano niya tatanggalin ang advertisement sa telebisyon na gawa ng kaniyang ama. Kinausap na rin niya lahat ng mga channels ngunit dahil sa lakas ng koneksyon ni Don Mariano ay hindi niya iyon napatigil.   Mabilis na inapakan ni Valentino ang preno nang biglang tumawid ang isang babae na may suot na puting blouse at pulang pencil skirt.    Galit na nagsisigaw ang babae sa labas ng kaniyang sasakyan dahil sa ginawa  niya.   “Lumabas ka!” hiyaw ng babae habang kinakatok ang bintana ng sasakyan.   Pinarada ni Valentino ang sasakyan niya at lumabas siya.   Parang huminto saglit ang mundo niya nang hinarap niya ang babaeng muntik na niyang masagasaan. Tanaw niya ang taglay nitong kagandahan, maamong mukha at ang suot na corporate attire na nakakurba sa sexy nitong katawan.   “What can I do for you, Miss?” mahinahong tanong ni Valentino sa babaeng iyon.   Napahawak ng beywang ang babae bago magsalita.   “Sa susunod na mangyari ulit ito, ipapapulis na kita!” lakas loob nitong wika sa kaniya.   Marahang tinanggal ni Valentino ang kaniyang sunglasses at binigyan niya ito ng matamis na ngiti.   “Pasensya ka na, Miss. Marami lang akong iniisip kanina kaya hindi kita nakita. But sure, I’ll be careful next time.”   Inabot ni Valentino ang kaniyang kamay upang makipagkamayan sa babaeng kausap niya.   “By the way, I’m—” Biglang tinapat ng babae ang palad nito sa mukha niya.   “Wala akong oras makipagkaibigan dahil kailangan ko nang umalis,” wika nito at saka tiningnan ang wrist watch.   “Hohemji! Late na ako!” dagdag nito pagkuwan ay mabilis na tumakbo palayo sa kaniya.   Nakita niya ang babae na papunta sa direksyon patungong building ng Clemente Corporation. Napangiti siya habang sinusuot ang sunglasses at muli siyang pumasok sa sasakyan. Nang makarating siya sa building ay sinalubong kaagad siya ng mga bodyguards upang samahan siya papuntang opisina.   Palinga-linga siya habang naglalakad patungong elevator dahil hinahanap niya ang babae kung nasa loob ito ng building.   Nang pumasok na siya sa elevator kasama ang mga bodyguards ay kinausap niya sila.   “May napansin ba kayong  babaeng nagmamadali bago ako pumasok ng building?”   “Wala po, Sir Valentino pero ipapahanap naming sa security.”   Biglang tinaas niya ang kaniyang kamay. “It’s not that important. By the way, nakaalis na ba si Miss Joan?”   “Yes, Sir. Kanina lang,” sagot ng head bodyguard niya.   Nag-leave ng limang buwan si Miss dahil namatayan ito ng ama. Kailangan ni Miss Joan umuwi ng probinsya at magbakasyon upang alalayan ang kaniyang pamilya at damayan sila. Kaya walang nagawa si Valentino kundi maghanap ng papalit kay Miss Joan.   ***   “Ano? Ako lang po ang nakapasa sa isang libong applicants para maging personal assistant ng CEO?”   Halos matumba sa kinauupuan si Dalhia matapos niyang marinig ang anunsyo ng Head Human Resources sa interview room. Hindi siya makapaniwalang na ang isang katulad niya ay mapalad na nakapasok sa isang prestihiyosong kompanya ng bansa.   Paano niya gagawin ang magpanggap na wala siyang pinapakain na anak? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD