bc

The Revenge of the Battered Wife

book_age18+
1.1K
FOLLOW
16.0K
READ
love-triangle
one-night stand
HE
drama
office/work place
cheating
like
intro-logo
Blurb

"Silence is not my WeaknessBut it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo

Naranasan ni Lea Kristine ang pait at hirap sa kamay ng kanyang asawa na si Mark Samuel Montecillo.

Ngayon bumalik siya para mag-higante sa mga taong nag pahirap at bigay sakanya noon.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Unti-unting minulat ni Lea ang mata at kasabay ang mahinang unggol na pumukawala sa kaniyang bibig sa matinding pag-kahilo. Nasilaw si Lea sa liwanag ng ilaw-at nag aadjust ang kaniyang paningin sa aking nakikita. "A-Aray." Mahinang unggol ni Lea, hanggang maging malinaw na sakaniya ang kapaligiran. "A-Ano bang nangyari?" Ginala ang paningin at napag-tanto na naka-himlay ako sa malambot na kama at tanging nakikita ko ang puting kisame. Sandali. Asan ako? Anong nangyari? Bakit ako nandito? Karaming mga katanungan sa isipan ni Lea, at hindi pa rin matukoy kong bakit ako narito. Pinikit muli ni Lea ang mata at kasabay ang pag-balik ng kaniyang ala-ala. Nanumbalik ang takot sa kaniyang puso ng maalala na umalis si Lea sa bahay nila ni Mark, kasama ang anak niyang si Steven. Sariwang-sariwa pa din ang sakit at kirot ng kaniyang puso na maalala ang masakit at malupet na nangyari, na mas pinili ng kaniyang asawa si Mae. Pilit na inaalala ni Lea ang pangyayari-at sunod na maalala ang malakas na buhos ng ulan ng gabing iyon kasabay nang pag agos ng malapot na dugo sa kaniyang hita. Doon na nagimbal ang puso ni Lea at umupo sa malambot na kama-napansin niya din na may naka-kabit sa akin na dextrose at kong ano-ano pa sa akin. "Ang b-baby ko." Wala sa sariling sambit ni Lea kasabay ang pag-hawak sa walang umbok niyang tyan. "Baby ko, b-baby ko." Paulit-ulit na sambit ni Lea, at pamumuo ng takot sa kaniyang dibdib na baka may nangyaring masama sa kaniyang anak. Rinig ko ang pag bukas-sara nang pintuan na hudyat may pumasok, kaya't natigilan si Lea. Nakita ko si Insoo, na naka-tayo malapit sa pintuan at bakas ang pag-aalala at saya ng makita ako nitong gising na. "Lea." Lumapit ito sa akin, na may ngiti at bakas ang luha sa mata nito. "Mabuti naman at gising kana. Kumusta na ang pakiramdam mo? May nararamdaman ka ba, na masakit? Ano?" Sunod-sunod nitong tanong, na gustong malaman kong okay na ba talaga ang pakiramdam ko. Pasilip-silip pa rin si Lea sa likuran ni Insoo, na may hini-hintay. "Ikaw lang?" Wala sa sariling sambit ni Lea, na kina-kunot naman ng noo nito. "Huh? Anong ibig mong sabihin Lea?" "Hindi mo ba kasama si Mark? Asan na ang asawa ko, Insoo?" May kong anong saya sa puso ni Lea na banggitin ang pangalan ng asawa. Excited siyang makita itong muli at mayakap nang mahigpit. "Wala siya Lea. Ako lang ang nandito." Tugon nito na aking kina-tigil. "I-Imposible," unti ng bumigat ang pakiramdam ni Lea na hindi mahagilap ng kaniyang mata ang asawa na si Mark. "Asan s-siya? Siya ang nakita ko na patakbo sa akin bago ako mawalan ng malay, Insoo. Asan na ang asawa ko Insoo? Gusto ko siyang makita ngayon." "Ako, ang lalaking nakita mo no'ng gabing iyon, Lea." Mahina nitong sambit na nag patigil sa akin. Sinuntok ang dibdib ko sa sinabi nito, dahil ayaw kong paniwalaan na nag kamali ako. Nag kamali ako, na akala ko asawa ko ang nakita ko no'ng gabing iyon. "Nakita kita, na duguan at wala nang malay sa daan kaya't dinala kita sa hospital." "N-No, no." Iyan na lang paulit-ulit na nasambit ni Lea kasabay ang pag-iinit ng sulok ng mata. "Siya nga pala, pinuntahan ko si Mark sa bahay niyo para ipag paalam ang nangyari sa'yo, ngunit wala siya doon. Napag-alaman kong umalis sila ni Mae kaninang umaga papunta sa ibang bansa. Hindi ko alam kong kaylan sila babalik." Dagdag pa nitong muli na mag-pakirot sa puso ni Lea. Ganun na lang ba iyon Mark? Napaka-sakit pa rin talaga na isipin na tuluyan niya na kaming binura nang anak niya sa buhay niya. Wala na ba talaga kaming puwang sa puso mo? Sunod-sunod na bumagsak ang luha sa mata ni Lea, hindi pa rin maitago ang sakit na iniwan ni Mark sa kaniyang puso. "Si Steven, hinatid ko muna siya sa mga magulang mo. Tinawagan ko na rin sila at sinabi ang nangyari sa'yo, at papunta na sila dito sa Hospital." Patuloy na umiiyak ng tahimik si Lea sa harapan ni Insoo. Napaka-bigat ng kaniyang dibdib at sasabog na iyon sa sakit. "So iniwan niya na kami ng tuluyan," basag na salita ni Lea at tumingin sa mukha ni Insoo na nabahiran na rin ng lungkot iyon. "Akala ko, sa pag-alis ko. Hahabulin niya kami. Akala ko, kami pa rin ang pipiliin niya-ngunit nag kamali na naman ako.." pagak kong tugon at kasabay ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Lea. "Mas matimbang pa rin talaga si Mae sa puso n-iya." Hinawakan ni Lea ang kaniyang tyan. "Kumusta ang baby ko, Insoo? Maayos naman siya hindi ba?" Parang batang pag susumbong ni Lea dito. Natigilan si Insoo at gumuhit ang pag-aalinlangan sa mata nito na naka-titig sa akin. "I'm so sorry Lea." Mahina nitong sambit na mag pa kaba sa akin nang husto. "A-Anong ibig mong sabihin?" Umaasa pa rin ako na mali lamang ang aking hinala. "Bakit ka, humi-hinggi ng sorry sa akin? Maayos naman siya diba? Wala naman nangyari sakaniyang masama,d-diba Insoo?" Pag papalakas ko ng loob ko, dahil hindi ko kakayanin kong pati ang anak ko mawala rin sa akin. Wala akong narinig na salita mula kay Insoo at tahimik lamang siya sa harapan ko. Puno rin ng lungkot at sakit ang mata kong paano ako titigan. At nahulaan ko na kaagad, kong anong balita ang gustong iparating nito sa akin. "N-No, hindi totoo iyan diba?" basag kong tinig at sunod-sunod na lumandas ang luha sa aking mga mata. "Hindi siya n-nawala diba? Hindi nawala ang baby ko. Please sagutin mo ako Insoo. Sagutin mo ako!" Malakas na palahaw ng sigaw ni Lea at hinawakan ang balikat ni Insoo para ipaharap sa akin. "L-Lea. I'm so sorry." Doon na nagimbal ang puso ni Lea sa sinabi nito at kasabay ang malakas na palahaw ng iyak sa harapan nito. "Sabihin mo sa akin, na nag sisinunggaling ka lang sa akin diba? Hindi totoo ang sinasabi mo. Buhay ang a-anak ko Insoo, buhay siya. Ramdam ko, narito pa rin siya sa sina-pupunan ko." Pinilig ko ang ulo ko para iwaksi sa isipan ko na tuluyan niya na nga akong iniwan. Huwag ang anak ko. Huwag siya. "Sinubukan ng mga doctor na iligtas ang anak mo, ngunit marami ng dugo ang nawala sa'yo no'ng dinala kita sa Hospital." "No, they're lying!" Malakas kong sigaw. "K-Kakausapin ko sila. Mali lang sila ng tingin sa akin. Hindi nawala ang anak ko Insoo. Hindi siya nawala." Tangkang aalis si Lea sa kama at mabilis naman akong pinigilan ni Insoo. "Please, huwag kang umalis, dito ka lang. Payo ng doctor na kailangan mo pang mag paggaling ng tuluyan, Lea." Pigil nito sa akin. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong marinig mismo sa doctor, ang tunay na kalagayan ng anak ko. Nag sisinunggaling lang sila sa akin! Hindi nawala ang anak ko. Hindi totoo iyon! "No!" Malakas na sigaw ni Lea at kasabay na inaalis ang kamay ni Insoo na naka-hawak sa akin. "Bitawan mo ako Insoo, gusto ko silang kausapin! Gusto kong malaman sakanila ang totoo. Buhay ang anak ko. Buhay siya!" Nanlabo na ang mata ni Lea sa walang humpay na umiiyak sa harapan nito. Patuloy kong pinag hahampas at inaalis ang kamay ni Insoo na naka-hawak sa akin-at lalo pang napa-iyak si Lea sa pag-pigil nito. "It's no use, Lea." Tinanggap ni Insoo ang bawat pag hampas at tulak ko dito. Niyakap ako ni Insoo nang mahigpit at kinulong sa kaniyang bisig, para pakalmahin ako. Doon bumuwal ng pag-iyak si Lea at binuhos ang lahat ng sakit sa puso. "Bitawan mo ako! Please. Bitawan mo ako, Insoo." Palahaw na pag-iyak ni Lea at hindi pa rin napagod at patuloy pa rin nag pupumiglas sa pag-kakayakap ni Insoo. "Hindi nawala ang anak ko. Hindi ko kaya I-Insoo, na pati rin ang anak ko mawala sa akin! Hindi ko makakaya. Ayaw ko. Ayaw ko." Patuloy kong iyak Tinanggap ni Insoo lahat ng sakit ng pag hampas ko sakaniya-hindi siya napagod na iparamdam sa akin na nandito lang siya sa tabi ko. Hinaplos ni Insoo ang aking likod at pinapatahan ako sa pag-iyak. Kusa nang napagod si Lea sa pag tulak at hampas sa binata-kasunod na lang ang malakas na impit na iyak sa bisig nito. "Ahhh!" Malakas niyang sigaw dahil sobra ng bigat na naka-pasan sa kaniyang dibdib. ***** Tulala si Lea na naka-tingin sa kawalan. Ramdam ang pag hahapdi at mugto ng kaniyang mata sa walang humpay na pag-iyak kanina. Hanggang ngayon hindi niya pa din matanggap, na maagang nawala sakaniya ang anak. "I'm sorry baby, kahit si Mommy, hindi kita na p-protektahan. Ang daya mo naman, iniwan mo kaagad ako, anak." Tumulo na naman muli ang bakas na luha sa mata ni Lea at mabilis na pinunasan iyon. Ayaw niya muling umiyak, dahil patuloy lang siyang nahihirapan. Rinig ni Lea ang pag bukas-sara ng pintuan na mag paagaw ng aking atensyon. Lumuwa doon ang maluha-luha na mata ni Mom at sa likuran nito ang blangkong expression ng aking kuya Reynard. "Lea." Naiyak na sambit ni Mom at lumapit ito kong saan ako naka-upo at kinulong ako nang mahigit na yakap. Lalo pa naging emosyonal si Lea ng madama ang mainit na katawan ng aking Mommy-ramdam kaagad ni Lea na may kakampi ako. Pakiramdam ko, hindi ako muling nag-iisa. Si Mom na ang kumalas sa pag kakayakap naming dalawa at puno ng lungkot ang mga mata nito. Gumilid na rin ang bakas ng luha sa mata nito."Kamusta kana anak? Pasensiya na kong, ngayon lang kami dumating ng Kuya Reynard mo.. I'm so sorry darling, for your loss." Basag nitong salita at patuloy na hinahaplos ang mukha ni Lea. Uminit ang sulok ng mata ni Lea at pinapanuod lamang si Kuya Reynard na naka-tayo sa isang sulok. Kahit hindi ito mag salita-ramdam pa din ni Lea na galit ito sa nangyari sa akin. "Si Daddy po?" Hinahanap pa rin ni Lea ang presinsya ng Ama. Hindi naka-salita si Mom, sa aking tanong at aalinlangan pa ito kong paano nito sasabihin sa akin. Ngumiti na lang ng mapait si Lea kasabay ng kurot sa aking puso dahil umasa na naman ako na mag-aalala siya sa akin. "I get it." Mapakla ni Lea na sambit at kasabay ang pag-agos ng luha sa mata. "Alam ko naman na hindi niya ako pupuntahan dito. I dissappointed him again, Mom. Panigurado galit na galit na naman sa akin si Daddy, dahil sa nangyari sa akin." Patuloy niyang hikbi ng tahimik at pinupunasan lamang ni Mom ang bakas na luha na tumulo sa aking pisngi. Masakit! Sobrang sakit. Hanggang ngayon nasasaktan ako, dahil pakiramdam ko-tuluyang lumayo sa akin si Dad dahil sa pinili kong landas. "Huwag mo munang isipin ang Daddy mo. Kahit galit siya sa'yo, mahal ka pa din niya..Ang kailangan mo ngayon mag-pahingga at pagaling muna dito sa Hospital Lea." Pang-aalo nito sa akin. "Kami na muna ang mag-aalaga kay Steven, hangga't nandito ka pa sa Hospital. Kailangan mong maging matatag at maging malakas anak, alang-ala sa anak mo." Hinawakan ni Mom ang aking kamay at bahagyang pinisil iyon. "Bakit ganun Mommy?" Basag kong tinig. "Ganun na ba ako kasama para maranasan ko ang sakit at kalupetan na ito? Wala na sa akin si Mark. I-Iniwan na ako ng asawa ko, pati naman n-ngayon nawala na ang anak ko." Kay lungkot ako tini-tigan ni Mom. "Kasalanan mo din naman iyan. Ilang beses na kita pinag- sasabihin, ngunit patuloy mong pinag tatakpan sa amin ang gago mong asawa!" Matalim na asik ni Kuya Reynard sa isang tabi. "Reynard!" Saway ni Mom dito. "Pinag-sasabihan ko lang si Kristine Mom!" Puno ng gigil nitong asik. Humarap muli sa akin si Kuya, at hindi ako naka-ligtas sa matatalim nitong titig sa akin. "Matagal kana pala niyang pinag lulupitan at pati ang anak mo. Pero anong ginawa mo? Wala ka ring ginawa at nag pabulag ka sa pag mamahal mo sakaniya Kristine...Hindi ko alam kong anong nakita mo sa gagong iyon, at patay na patay ka sakaniya!" Lahat ng binigkas nitong tinig lahat iyon tumarak sa puso at lalamunan ni Lea. "Kong matagal mo na lang siyang iniwan, hindi sana buhay ngayon ang anak mo at hindi ka nag dudusa nang ganito!" Punong gigil nitong asik at sobrang dilim ng aura ng pag-katao nito. "Pasalamat lang ang asawa mo, na wala siya dito-at baka pinatay ko na siya ngayon! Hindi ko na siya matatanggap pang muli!" Banta nitong asik. "Tama na iyan Reynard. Huwag mo ng pagalitan ang kapatid mo." Saway ni Mom ng makita nitong lalo pa akong napapa-iyak sa masasakit na salita na binabato nito sa akin "Mabuti pang lumabas kana muna, samahan mo muna si Glenard, dahil hindi ka nakaka-tulong." Mahinahon ngunit puno ng diin na asik ni Mom dito. "f**k!" Matinis na mura ni Kuya at sa huling sandali, pinabaunan niya pa ako ng matalim na titig. "s**t! Bahala kayo!" Iritado nitong mura at lalabas na sana sa silid nang mag pahabol pa akong salita. "Oo n-na. Kasalanan ko na Kuya." Basag kong salita na kina-tigil ni Kuya sa pag lakad. Hinarap niya muli ako ng blangkong expression, kahit hindi niya sabihin alam kong dinissappoint ko silang lahat. Galit sila sa akin dahil, sa bandang huli, pinag takpan ko ang asawa ko para hindi sila magalit. Alam ko naman iyon. Kasalanan ko rin naman, dahil patuloy akong nag pabulag sa pag mamahal ng aking asawa. Kahit na katiting at konting-konti na pag-asa, pinag hahawakan ko dahil umaasa ako na mamahalin niya din kami. Pero kina-launan, tinapon niya lang kami na parang basura. "Isumbat niyo na sa akin ang lahat! Sabihin niyo na ang masasakit na salita sa akin! Wala na akong pakialam pa doon!" Malakas kong sigaw at kasunod ang pag-patak ng luha sa aking mata. "Oo! Mali na ako! Maling-mali na ako dahil mali ang pinili kong buhay at lalaking pinakasalan. Masaya na k-kayo?" Garalgal kong salita at kasunod ang panlalabo muli ng aking mata sa walang humpay na pag-iyak. Hindi naka-imik si Kuya pero nandon pa din ang galit sa mata nito. "Sana lang namatay na ako! Sana lang namatay na ako ng gabing iyon, kasama ng anak ko. Para natapos na lahat ng sakit at pag hihirap ko! Para hindi ko marinig ang masasakit na panunumbat n-niyo sa akin!" Malakas kong palahaw nang pag-iyak. "A-Alam kong nasasaktan din kayo dahil sa nangyari sa akin, p-pero hindi niyo ba inisip, na mas durog na durog na ako?" Hirap kong salita at napa-tutop si Lea sa mukha at patuloy na umiiyak. "Sobrang pagod na pagod na ako.ahh!" Impit na iyak ni Lea at kasunod ko na lang naramdaman ang pag-haplos ni Mom sa aking likuran para patahanin nito ako. Ang sakit na. Sobrang sakit. Sana hindi ko na maramdaman ang sakit at kirot pag-katapos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook