Chapter 2

2160 Words
Chapter 2 LEA KRISTINE'S POV Binuksan ni Mom ang pintuan at sumalubong kaagad kay Lea ang magandang condo kong saan sila tutuloy pansamantala. Kulay puti ang pintura sa kisame at pader. Pag pasok mo pa lang bubunggad na kaagad sa'yo ang maganda at malawak na sala. Kulay puti ang couch set, malaking tv, puting carpet sa sahig. Apat na silid mayron ang condo, may sariling kusina, malawak na dining area at cr. Kahit ganun kaganda at kaaliwalas ang lugar na iyon, hindi pa rin mapupunan ng saya ang puso ni Lea. Pumasok na sila ni Mom sa loob ng condo–hindi maalis ang tingin ni Lea sa paligid pinag mamasdan ang bawat kanto ng kasulok-sulokan. Pinasok na rin ni Mom ang iba naming dalang bag at maleta laman ng ilang gamit ko. "Mommy!" Patakbo si Steven na may ngiti sa labi at niyakap si Lea sa binti. "I miss you so much Mommy," malungkot nitong turan. Nangulila rin si Lea dahil ilang araw niyang hindi naka-sama at nakita ang anak. Hinawakan ni Lea ang buhok nang anak at hinaplos. "I miss you too sweetheart." May bakas nang yabag ng paa papunta sa gawi namin at si Kuya Glenard lamang iyon. Suot ang pamormang damit at nakapa-mulsa. "Kuya Glenard." Kahit paaano nakapanti at pakiramdam ni Lea hindi siya nag-iisa dahil nandiyan ang kaniyang pamilya na handang gumabay sakaniya. "Kumusta kana? Masaya ako na maayos kana." Lumapit si Kuya Glenard at niyakap ako ng mahigpit at ako rin ang kumalas sa pag-kakayakap naming dalawa. "Si Kuya Reynard?" Hinahanap ni Lea ang nakakatandang kapatid–nag babakasali na lumabas ito. Gusto niya kasi huminggi ng tawad sa pag sagot niya dito no'ng minsan itong dumalaw sa Hospital. Kahit masungit at strikto ang kapatid niya ramdam ko ang pag mamahal nito sa akin, siguro ginagawa niya lamang iyon para protektahan ako sa mga taong gustong manakit sa akin. "Nandito ba si Kuya Reynard?" "Wala siya dito Kristine, ako lang." Nadismaya man si Lea sa sagot nito. May parte pa rin ng puso niya nalulungkot dahil parang iniiwasan niya ako. Takot na si Lea na iwan siya ng mga taong mahahalaga sakaniya. Ayaw niya nang danasin muli ang umiyak at masaktan. Humawak si Kuya Glenard sa aking balikat at ngumiti ng matamis. "Huwag kanang malungkot, pina-pabigay ito ni Reynard. Humihinggi siya ng despinsiya na hindi siya makaka-punta ngayon dahil sa meeting niya.. Nangako siya na dadalawin ka niya dito kapag bakante na ang schedule niya." Inabot ni Kuya Glenard ang munting paper-bag na pina-pabigay nito. May munting ngiti sa labi ni Lea, kahit masama ang loob sa akin ni Kuya, inaalala pa din siya nito. "Maraming salamat Kuya." "Sige na idala mo muna Glenard si Steven sa silid niya, kailangan pa mag pahingga ng kapatid mo para bumalik na ang kanyang lakas." Pag papasunod ni Mom dito. "Sige po Mom." Hinawakan ni Glenard ang balikat ni Steven. "Halika na. Mag goodnight kana muna Steven, kay Mommy mo." Pag papasunod nito. Tumango na lang si Steven at hinalikan ito ni Lea sa pisngi. "Goodnight sweetheart." Niyakap ni Lea sa huling pag kakataon ang anak bago matulog. "Goodnight din Mommy." Kumalas na si Steven nang yakap sa akin at dinala na ito ni Kuya Glenard sa silid nito. Naka-ngiti na pinapanuod lamang ni Lea ang dalawa hanggang mawala ito sa aking paningin. "Dito na muna kayo titira pansamantala sa condo habang wala pa kayo ni Steven na matutuluyan. Gustuhin ko man sana na sa Mansyon ka tumuloy kasama ng Apo ko, kaso hindi naman magugustuhan ng iyong Daddy doon." Hinawakan ni Lea ang kamay ng Ina at pinisil iyon. "Maraming salamat Mommy. Salamat sainyo nila Kuya dahil hindi niyo ako iniwan at pinabayaan. Kong wala k-kayo, hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko." "Ofcourse ganun ka namin kamahal Lea. Pamilya mo kami at aasahan mong nandito lang kami parati sa tabi mo.." nag ningning ang mata ni Mom sa saya at lungkot. Sobrang swerte ni Lea sa Ina dahil sa akibat ng aking pag kakamali noon, parati siyang nandiyan para sa akin. Hindi niya ako tinuring na iba at mas lalo niya aking minahal. "Huwag kanang umiyak. Dito muna ako pansamantala sasamahan ko kayo ni Steven hangga't hindi ko pa masiguro na, hindi ka pa okay." "Paano si Daddy?" Pag aalinlangan sa salita ni Lea. Hindi magustuhan ni Daddy ang pag sama ni Mom dito sa akin. "Ayos lang sakaniya na dito ka muna pansamantala Mom? Baka magalit din siya sa'yo." "Hushh! Huwag mo na isipin ang Daddy mo," pag papasunod nito. "Sige na, pumanhik kana sa silid mo para makapag-pahingga kana. Mag liligpit muna ako dito bago din ako mag pahingga." Tumango na lang si Lea at sinunod na ang gusto nang Ina na pumanhik sa silid. ***** Pag pasok ni Lea sa silid nanaig na naman ang lungkot sa kaniyang puso na mapag tanto na mag-isa siyang matutulog sa silid. Malaki ang silid at komportable para sa iba ang matulog doon, pero kay Lea naalala niya muli ang masasakit na binigay ni Mark sa kaniyang puso. Pinadaanan niya ng haplos ang malambot na kama at kinuha ang bag lamang ng gamit niya. Inaalis ni Lea ang mga gamit sa bag at nilalagay iyon sa wardrobe. Sa pag tutupi ni Lea nang damit, nag paagaw atensyon sakaniya na makita ang isang litrato. Litrato na nag bigay lungkot sa kaniyang puso. Litrato na nag iwan sugat sa kaniyang pag katao. At ang litrato na iyon ang wedding picture nila ni Mark. Matamlay na kinuha ni Lea ang wedding picture. Sobrang aliwalas ang mukha ni Lea sa litrato at iyon ang pinaka-masayang nangyari sa kaniyang buhay. Si Mark masungit at hindi man lang ngumiti, pero napaka-anggas at guwapo nito doon. Nadama ni Lea ang pangungulila sa asawa. Nalulungkot na naman siya muli, na ngayon wala na ito. Kasama sa pag alis ni Mark, iyon din ang pag kawala nang aming anak. Hindi lubusang akalain ni Lea, na naka-sabay pala sa kaniyang pag hahakot ng gamit bago sila umalis sa Mansyon ang wedding picture nila ni Mark. "Ang daya mo n-naman Mark," garalgal na saad ni Lea. "Kahit iniwan na kita, hindi pa rin maalis ang sakit at kirot na binigay mo sa akin." Gumilid ang bakas na luha sa mata ni Lea, kahit pasunudin niya man ang sarili na huwag umiyak—kusang dumadaloy ang munting luha sa kaniyang mga mata. Masakit pa rin ang kaniyang puso. Ilang gabi na siyang umiiyak. Ilang gabi na niyang pinipilit na kalimutan si Mark, pero hindi pa rin siya maalis sa isip at puso ko. Kahit hindi maganda ang simula ng pag sasama namin na dalawa. Aaminin ni Lea sa sarili na minahal niya ang kaniyang asawa at hindi madali na tanggapin na mas pinili nito si Mae kaysa saamin. "Bakit ang u-unfair mo? Bakit? Nagawa mo pa talagang umalis kasama si Mae, na hindi mo man lang kami pinuntahan ng anak mo. H-Hindi mo man lang inalam ang kalagayan n-namin." Kinurot ang puso ni Lea sa sakit na sinasambit ang katagang iyon. "Hindi mo man lang nalaman na n-nawala na ang anak natin..Ganun na lang ba iyon? Wala na ba talagang pag-asa Mark?" Sa kasulok-sulokan ng puso ni Lea umaasa pa din siyang babalik ito muli, kahit alam niya sa sarili na suntok sa buwan na lang na mangyari iyon. Niyakap ni Lea nang mahigpit ang wedding picture nila ni Mark kasabay ang munting iyak niya sa silid na iyon. Iyak lang nang iyak si Lea, binuhos niya ang sakit at kirot sa puso. Hindi niya na alam sa sarili kong ilang oras na siyang umiyak sa silid– gusto niya lang umiyak na walang bukas hanggang sa matauhan na siya. Matauhan na kusa ng mawala ang sakit at mabigat na bagay na pumapasan sa kaniyang dibdib. Hindi pa rin talaga niya matanggap na iniwan na siya ni Mark. Hindi niya matanggap, na nasira na ang pamilya na pilit niyang sinasalba. Tulala at wala sa sariling lumabas si Lea sa silid. Hindi na rin ininda ni Lea ang pag mumugto ag hapdi ng mata sa walang humpay na pag-iyak. Sobrang tahimik na rin at walang bakas na tao sa malawak na sala. Tulog na ang kaniyang Mommy at iilan na lang ang ilaw ang naka-bukas na mag sisilbing gabay ni Lea na makita ang kapaligiran. Gulong-gulo na sa isipan si Lea, ang gusto niya na lamang mawala ang sakit na kaniyang nararamdaman. Gusto ko nang matapos ang sakit at pag hihirap ko. Dinala nang paa si Lea sa malawak na kusina. Ilang segundo siyang naka-tayo doon at naka-titig sa kutsilyo na naka-lagay sa lalagyan. Maraming pumapasok sa isipan niya na dapat gawin. Gusto na niyang tapusin ang kaniyang buhay para matakasan ang mapait na karanasan niya. Gusto niya na mawala ang pag hihirap at pag durusa niya. Habang naka-titig sa kutsilyo–naalala na naman ni Lea ang masasayang alaala na mag kasama sila ni Mark. Mga alaalang ayaw niya pang wakasan. "M-Mahal na mahal pa rin kita Mark." Naiyak niyang sambit at hindi inaalis ang mata sa kutsilyo. "Lea! Lea!" Patakbo at takot na takot si Mom na lumapit sa akin. Inagaw nito sa aking kamay ang hawak kong kutsilyo–na hindi na namalayan ni Lea na kanina niya pa pala iyon nahawakan. Umiiyak na ito sa takot na makita ang aking ginagawa sa sarili. "Ano bang ginagawa mo ha? Papatayin mo na ba ang sarili mo? Ha?!" Bulyaw nito ng pagalit sa akin kasabay ang pag-agos ng luha sa mata nito. Hinawakan ni Mom ang aking pulsuhan at doon dumanak ang sariwang dugo na umaagos doon. Sobrang lalim ng pag-kakahiwa ko sa aking pulsuhan at nang-manhid na ang katawan ni Lea. Wala na siyang naramdaman na sakit, takot para sa sarili. Gusto niya lamang matapos na ito. "Glenard! Glenard!" Umiyak na tawag ni Mom. "Glenard, ang kapatid mo!" Mga ilang sandali lamang tumakbo na si Kuya Glenard na halatang nagising sa malakas na sigaw at iyak ni Mom. Magulo ang buhok ni Kuya Glenard at kahit damit hindi na nag palit. "s**t! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Lea?" May galit at takot na gumuhit sa tinig nito. Lahat na sila nag panic at hindi alam ang gagawin. "f****d! Ikaw na bahala sakaniya Mom, kukunin ko lang ang susi ng sasakyan!" Nag mamadali na umalis si Kuya Glenard sa kusina. Samantala naman si Mom, panay iyak lamang ito sa aking tabi. Tulala na lang si Lea kasabay ang munting luha sa kaniyang mga mata. Pagod na ako. Gusto ko na matapos ito. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Lea? Bakit ganito ka anak h-ha? B-Bakit?" Patuloy na iyak ni Mommy. Kumuha ito ng malinis na tela at ig pressed sa aking pulsuhan para pigilan na umagos ang malapot na dugo doon. "T-Tama na Mommy, siguro tama na ito. Mas mabuti na siguro na mawala na ako para matapos na itong pag-hihirap ko." Wala sa sariling tugon ni Lea at hinawakan siya nang Ina sa balikat. "Please dont do this to yourself Lea, please.. makakaya natin ito a-anak diba? Matapang, malalampasan mo ito. Mag pakatatag ka lang." "Paulit-ulit kong tina-tanong sa sarili ko, kong ano bang nagawa kong kasalanan? Ano pa bang kulang sa akin? Bakit hanggang ngayon, hindi ako magawang mahalin ng asawa ko? Ano bang mali M-Mom? Ano bang m-mali sa akin?" Patuloy na lumalandas ang luha sa aking mga mata. Kahit gusto ko man pigilan ang pag-patak no'n pero parang may sariling isip iyon na patuloy na lang lumalandas. "There's nothing wrong with you darling. Hindi ka malas, at walang kulang sa'yo. Huwag mong sisihin ang sarili mo, sa lahat ng mga nangyari." Saad nito habang umiiyak. "Sobra-sobra ka ngang nag mahal at pinahangga mo ako sa katapangan mo, na kahit ilang beses kana nilang yurakan at apak-apakan, naging matatag ka pa rin sa bandang huli.. Iyon ang katangian, na wala ako, na mayron ka... Si Mark na ang may mali, hindi niya nakita kong ka gaano ka ka special at kabait. Si Mark, ang nawalan at hindi ikaw, tandaan mo iyan." "N-Nawala na ang baby ko at ngayon naman w-wala na si Mark. Gusto ko nang mamatay i-ito lang naisip kong solusyon para matapos na ang pag-hihirap ko Mommy. Pagod na pagod na ako,. A-Ayaw ko na." "Hindi solusyon ang pag papakamatay para takasan mo ang sakit at problema mo! Isipin mo naman si Steven, paano na lang siya kong nawala ka? Inisip mo man lang ba iyon Lea?" Patuloy nitong hikbi. "Mas magiging kawawa si Steven kapag pati ikaw sumuko rin anak. Ayusin mo ang sarili mo at mag simula ulit para na lang kay Steven, a-anak. Para na lang sa anak mo." Napa-baling ng tingin si Lea at nadurog ang kaniyang puso na makita si Steven sa isang tabi. Kanina pa nanunuod at umiiyak. Pasensiya na anak. Pasensiya na kong naging mahina ako. Pasensiya na kong naging duwag ako. Pangako. Pakatapos nito, hindi na ako iiyak pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD