CHAPTER 2

1585 Words
HINUBAD ni RA ang suot na coat dahil naiinitan siya. Ang naiwan lang ay ang long sleeve white polo at necktie. Kasalukuyan silang nasa canteen ng University at kumakain. "Damn. Bakit ang init pa rin?" Sabi ni RA. "Paanong hindi ka maiinitan? E nakasuot ka pang ng white shirt sa loob." Sabi ni RK. "Kung magsalita ka naman diyan parang wala ka ring suot na white shirt, ah." Sabi ni RA. "At least hindi ako naiinitan katulad mo." RK rolled his eyes. "Kumain na nga lang kayong dalawa. Ang ingay." Sabad ni RV na kanina pa tahimik na kumakain. RA tsked. Ngumiti lang naman si RK dahil mukhang nainis niya si RA. Habang kumakain, napansin ni RA ang babae na mag-isang kumakain sa sulok ng canteen. Kumunot ang nuo niya nang makitang pamilyar ito. "Bree." He muttered. Humarap ito sa direksiyon niya kaya nakumpirma niyang si Bree nga ito. Mag-isa lang itong kumakain. Kusang napangiti si RA at tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ni RK. "Sa puso mo." Sagot ni RA at naglakad patungo kay Bree dala ang pagkain niya. "Hi." He greeted Bree. Inilapag niya ang pagkain sa mesa saka umupo. "Mag-isa ka lang?" Nagkibit ng balikat si Bree. "As you can see, Kuya." "Samahan na lang kita." Ngumiti si RA. "I'm with my two brothers but I saw you alone so I approached you." "Salamat, Kuya." Sabi ni Bree. "I'm used to it." Aniya at nagsubo. "Wala ka bang kaibigan?" Tanong ni RA. Umiling si Bree. "I don't have." "Bakit naman?" Nagkibit lang ulit ng balikat si Bree. RA looked at his two brothers. Nakatingin ang dalawa sa kaniya at nasa mukha ng mga ito ang pagtataka. Well, hindi sila malapit sa mga babae lalo na si RV na masungit sa mga babae maliban lang sa dalawa nilang kapatid na babae at sa kanilang ina. Kapagkuwan napailing si RV saka nagpatuloy sa pagkain. Nakita niyang tatayo sana si RK pero nakita niyang may sinabi rito si RV kaya kaagad rin itong umupo. Mahinang natawa si RA. "Are they your brothers?" Tanong ni Bree. Tumango si RA. "We're triplets." Damn. Kaya pala siya pamilyar. Sila ang triplets na sikat rito sa university dahil bukod sa mga gwapo sila. Kasali rin sila sa sports. Sabi ni Bree sa isipan. Bakit ngayon ko lang naisip 'yon? "Bree?" Napakurap si Bree at napatingin kay RA. "Kuya?" "Okay ka lang?" Ngumiti si Bree. "Oo naman, Kuya. May iniisip lang ako." Nagpatuloy silang dalawa sa pagkain. Habang kumakain sila, nag-uusap sila. RA also tells a joke, kaya nagtatawan silang dalawa. Hindi alam ni Bree pero magaan ang loob niya kay RA kahit ikalawang beses niya pa lang itong nakita. She's comfortable around him. And that's the start of their friendship.  Palagi silang magkasama na kumakain lunch. Minsan kasama rin nila ang mga kapatid nito. Naging mag-best friend si RA at Bree. Nakikilala ni Bree si RA mula sa dalawa nitong kapatid na kamukhang-kamukha nito kahit sa unang tingin pa lang. RA kept on asking her kung paano niya ito nakikilala.  "I don't know." Sagot niya dahil hindi niya rin alam talaga. Until Bree's birthday came.     "IS THAT for Mom?" Tanong ni RK kay RA nang makita niya itong bumibili ng bulaklak. Kumunot ang nuo niya nang makitang dalawang bouquet ang binili nito. "Sinong pagbibigyan mo ng isa?" Nagtataka niyang tanong. RA looked at his brother. "Kay Bree." "Oh." RK crossed his arms over his chest. "Are you really in love with that girl?" Tanong niya. RA looked at RK. "She's seventeen. I'm treating her as my best friend and my little sister." Aniya. Tumaas ang kilay ni RK. Hindi siya naniniwala sa kapatid. "Really?" Hindi naniniwalang saad niya. Napailing siya saka tinapik ang balikat ni RA. Kinuha niya ang isang hawak nitong bouquet. "Ako na ang magbibigay nito kay Mommy." RA rolled his eyes. Tinalikuran niya ang kapatid at naglakad pabalik sa university. Nakasunod lang naman ng tingin si RK kay RA. Hindi niya namalayan na nasa likuran niya pala si RV. "Para kanino 'yan?" Tanong ni RV. "Kay Mommy. Galing kay RA." Napatingin si RV kay RA na naglalakad papasok sa loob ng university. "Is he holding a bouquet? For whom?" He asked. RK chuckled. "Para kay Bree. Naalala mo, 'yong magandang babae na laging kasama ni RA." Napailing si RV. "He's committing a crime. The girl is just a teenager." Nagkibit ng balikat si RK. "Ewan ko kay RA. Mukhang close naman na sila kaya hayaan mo na. Kilala naman natin si RA na marespeto sa mga babae kaya wala kang dapat ipag-alala." "I know. Kaya nga hinahayaan ko. Let's go." Sabi ni RV. Sabay silang pumasok sa loob ng university. RA smiled when he saw Bree sitting in the cafeteria. Naglakad siya palapit rito at inilapag niya ang bulaklak sa harapan nito. "Happy birthday." Bati niya rito. "Woah. Thanks, Kuya." Ngumiti si Bree at inamoy ang bulaklak. "Akala ko nakalimutan mo na ang birthday ko." "Syempre hindi 'no." Sabi ni RA. Kinuha niya ang black velvet box sa bulsa at inilapag sa harapan ni Bree. "May gift to you." "This is..." "Open it." "Kuya, this is too much." Sabi ni Bree. Ngumiti si RA. "Don't think about it. This is my gift to you." Kinuha niya ang black velvet box saka ito binuksan. Kinuha niya ang kwintas na nasa loob nito at tumayo. Pumunta siya sa likuran ni Bree saka isinuot ang kwintas. "There." Hinawakan ni Bree ang kwintas. "Thank you, Kuya." RA just smiled. He pated Bree's head. "Seventeen ka na. Isang taon na lang dalaga ka na." Aniya. Ngumiti si Bree. "Kuya, my parents wanted to meet you. Palagi kasi kitang ikukwento sa kanila." "Ah? Bakit gusto nila akong makilala?" Tanong ni RA. Bigla siyang kinabahan. Wala naman siyang ginagawang masama kay Bree. "Relax ka lang, Kuya." Sabi ni Bree. "Gusto ka lang nilang makilala. Ikaw kasi ang unang naging kaibigan ko. I'm also comfortable around you." Tumango si RA. "Okay." "Really? Kailan ka pwede, Kuya?" Excited na tanong ni Bree. "Anytime." "Really? Pwedeng sa weekend, Kuya?" Tumango si RA. "Okay." "I'll text you the address, Kuya." "Okay." RA smiled.  RA was looking for the weekend. Hindi niya alam pero excited siya na makilala ang pamilya ni Bree pero nagtataka siya dahil dalawang araw na pero hindi niya nakita si Bree. Hindi kaya ito pumasok? Huling pagkikita nila ay noong birthday nito. He was texting her pero hindi naman ito nagrereply. Tinatawagan niya rin ang dalaga pero unattended ang cellphone nito. Nakaramdam ng pag-aalala si RA sa dalaga kaya naman friday pa lang, pagkatapos na pagkatapos ng klase ay nagtungo siya sa address na binigay ni Bree sa kaniya noong birthday nito. Hindi siya sumabay sa mga kapatid na umuwi. He used also his own car to find Bree's home. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta basta ang sinabi niya lang sa mga kapatid ay bibili siya ng bagong phone. "Excuse me. Where is the house of Bree Garcia?" Tanong niya sa isang babae na nakasalubong niya. "Bree Garcia? Doon. Ang malaking bahay na 'yon." Sabi ng babae sabay turo nito sa malaking bahay na nasa hindi kalayuan. "Salamat, Ate." RA drive his car toward the house that the woman pointed. Nang makarating siya doon, itinigil niya ang kotse at bumaba. Nag-doorbell siya pero walang nagbukas ng gate. Kumunot ang nuo ni RA. "Parang wala namang tao." Aniya habang sinisilip ang loob ng compound. Patuloy siya sa pag-doorbell. "Hijo, anong ginagawa mo?" Napatingin si RA sa matandang babae na lumapit sa kaniya.  Nilapitan ni RA ang matandang babae. "Nasaan po ang mga nakatira diyan?" Tanong niya. "Bakit? Kaano-ano mo ba sila?" "Ahmm...kaibigan po ako ni Bree." Sagot niya. "Kaibigan mo siya pero hindi mo alam ang nangyari sa kaniya." Kumunot ang nuo ni RA. "Ano po ang ibig niyong sabihin? Dalawang araw na po kasi siyang hindi pumapasok at nag-alala po ako sa kaniya." Napabuntong hininga ang babae. "Hindi mo nga alam. Noong nakaraang araw, naaksidente ang pamilya Garcia. Namatay ang mag-asawa. Nakaligtas naman ang anak nila pero walang nakakalam kung nasaan ito." "Po?" Nanlaki ang mata ni RA. "Ate, huwag naman po kayong magbiro." "Hijo, hindi ako nagbibiro." Sabi ng matandang babae. "Naaksidente ang pamilya Garcia. Napa-cremate na kahapon ang labi ng mag-asawa. Ang anak naman nila ay walang nakakaalam kung nasaan na ito ngayon." Napahawak si RA sa gilid ng kotse dahil sa narinig.  "Sige, Hijo. Mauna na ako sa 'yo." Naglakad na palayo ang matandang babae. RA gulped. Nanghina siya dahil sa narinig. "Bree..." Hindi niya inaasahan ito. Pilit ni RA na pumasok sa lob ng kotse. Tumingin siya sa bahay nila Bree. "Bree, what happened? Where are you?" Naalala niya ang sinabi ng babae. Buhay si Bree pero walang nakakalam kung nasaan ito. Bree, I will find you. Pagdating ni RA sa mansyon nila. Nadatnan niya ang pamilya na nasa sala.  "RA, nandito ka na pala." Sabi ni RK.  "Anak, join us here." Sabi ng kaniyang ina. Hindi pinansin ni RA ang ina at si RK. Nilagpasan niya ang mga ito. Umakyat siya sa ikalawang palapag at pumasok sa kaniyang kwarto.  "Anong nangyari kay RA?" Nagtatakang sabi ni RK. "Brokenhearted." Sabi ng kanilang ama. Napatingin silang lahat sa itaas nang marinig ang malakas na pagsara ng kwarto ni RA. Nagkatinginan ang mga nasa living room. RA locked his room and when weekends came. Nasa loob lang siya ng kwarto at hindi siya lumalabas. Lalabas lang siyang kwarto kapag kakain siya. He was thinking about Bree.  He will find her. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD