Chapter 1 - Part 1 "Reunited Again"

2278 Words
- Kristen Thomas- Two years later... Hi, my name is Kristen Thomas. I'm 25 years old. My mother is half Spanish and half Filipino and my father is Fil-American. Pangalawa ako sa aming tatlong magkakapatid at nag-iisa akong babae. Ang trato sa akin ng pamilya ko ay parang isang princesa, someone who should always be protected. In every move I make, lagi silang nakaalalay. Feeling ko iniisip nila na hindi ko kaya. Mahina ako at kailangan lagi ng protection. Para akong mamahalin na Chinese porcelain na pang display lang. Siguro ay dahil tahimik lang ako. Sabi pa nga ng mga taong nakakakilala sa akin ay hindi daw ako makabasag pinggan. All my life pinapatunayan ko sa pamilya ko na hindi ako katulad ng pagkakakilala nila sa akin. Hindi ako mahina! Kaya ko rin makipagsabayan sa achievements ng mga kapatid ko in my own way. Sa totoo nga niyan ay I'm an achiever noong nag-aaral pa ako. I excel in everything I do. Pero kahit anong gawin ko hindi ko maramdaman ang appreciation mula sa pamilya ko. Everything I do is not enough for them to trust me that I can also do things on my own. When I first told them that I wanna open a coffee shop business. Nakita ko agad ang disgusto sa mukha ng Daddy ko. "I don't think a coffee shop is a good idea. It has a high risk of failure. Magwork ka nalang sa company natin... At least we are there and help you with everything you will need." mula iyon sa Daddy ko. He really doesn't trust me. He always thinks that I would fail without them around me. "Starting your own business is not that easy. I don't think you can handle the pressure." said kuya Lucas. He is 5 years older than me. But at his young age he is already the one managing some of our family businesses. And he is doing very well. This is the reason why I want to open my own business rather than working at our family business. I don't wanna live like a shadow of kuya Lucas. I want to stand on my own and find my own strength. Hindi sa ayaw kong tumulong sa family businesses namin... Kilala ko lang kasi talaga ang Daddy at kuya ko. Masyado silang protective pagdating sa akin. I'm pretty sure that they won't give me a hard task kasi akala nila hindi ko kaya. They think that I'm weak to live on my own. Paano ko malalaman kung hanggang saan ang kakayahan ko kung lagi silang nakaalalay na akala mo ay isa akong itlog na mababasag anytime. Mabuti nalang talaga at napakiusapan ko si Mommy. Siya ang kumausap kay Daddy na bigyan ako ng chance na gawin ang gusto ko. Sa huli ay pumayag na rin si Daddy but in a condition that when I fail I will be working then in our family business without any complaint. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para sa "Dream Mugs", iyon ang pangalan ng Coffee shop na pagmamay-ari ko. Actually hindi lang ito basta coffee shops dahil specialties din namin dito ang masasarap na pastries which I personally did the recipes. Ilang buwan palang kaming nag-ooperate pero maayos naman ang takbo nito. If you want to know about my marital status, I'm single. NBSB to be exact. Yes, I've had no boyfriend since birth. I have few suitors but having a bf is not my priority at this moment. Kung may darating, bakit hindi? Naniniwala ako na kung talagang may para sa akin darating 'yon kahit hindi ko hanapin.   ---   NANDITO ako ngayon sa harap ng dambuhalang building ng MSSAC Corp. I have to deliver cakes. Actually hindi naman talaga ako ang gumagawa nito. Earlier kasi ay naaksidente ang delivery man namin. Wala namang malalang nangyari at salamat kay God. Minabuti kong pagpahingahin muna siya sa ospital para masigurado namin na talagang okay siya. Kaya ako na mismo ang gumawa sa trabaho niya. Ipinasok ko ang phone ko sa likod na bulsa ng pantalon ko at tsaka dahan-dahan na kinarga sa dalawang braso ko ang tatlong may kalakihang boxes ng cakes at lumabas na ako ng kotse ko. Naglakad ako papunta sa entrance ng dambuhalang building. "Thank you, kuya!" nakangiti kong turan sa security guard na nagbukas ng pinto para sa akin. "Nako Ma'am mukhang mabigat po 'yata yang dala mo. Kaya mo po ba, tulungan na kita..." How nice of him. Totoo may kabigatan nga itong dala ko pero kayang-kaya ko 'to. "Ayos lang kuya. Salamat!" Hinayaan naman niya ako. Dumeretso na ako sa information desk. "Delivery po para kay Miss. Angela Castillo," nakangiti kong turan sa receptionist. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay tumaas ang isang kilay. Bigla tuloy akong na-conscious sa hitsura ko dahil sa uri ng tingin niya sa akin. "May mali ba sa akin?" hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko. Sinipat ko ang sarili ko. I'm wearing a white sport shoes, jeans and simple baby pink T-shirt na may nakaprint na name at logo ng "Dream Mugs". Wala rin akong kahit anong make-up except my light pink lip tint. Naka Ponytail naman ang mahaba at tuwid kong buhok. "24th floor, bilisan mo at kanina ka pa hinihintay," saad niya in not so friendly way at may inabot na card sa akin. Ganun pa man ay nagpasalamat parin ako at mabilis na naglakad na papunta sa elevator. May dalawa akong babaeng nakasabay mukhang mga empleyado sila dito ayon sa mga ayos nila. One of them clicked floor no. 15 tapos ay lumingon sa akin "What floor?" tanong niya sa akin. "24th floor, thanks," I answered with a friendly smile. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa then up katulad ng receptionist earlier. Ano bang mayroon at ganito sila makatingin? Hindi ko nalang pinansin. "Do you have a pass card? one of them asked. "Yes, I have," sagot ko at pinakita ang card nakasabit sa leeg ko. "Hindi lahat ay pwedeng makatong-tong sa office floor ng mga big boss. Kahit ang mga empleyado ay hindi basta basta nakakapunta doon ng walang pahintulot," paliwanag ng isa. "I see" tangi kong nasabi. Ganoon pala. Kaya siguro kung makatingin sila sa akin ay parang sinisino ang pagkatao ko. Sa totoo lang ay ngayon ko palang naranasan ito sa buong buhay ko. All my life, people around me looked and treated me with respect. Especially those who work for my family. Kung mga opisina ng mga big Boss ang 24th floor, e di ibig sabihin importanting tao pala ang paghahatiran ko ng mga cakes na ako mismo ang nag bake. Nakakaproud! Opportunity na rin ito para mas makilala pa ang "Dream Mugs". I'm excited! "Have you heard the news?" narinig kung kausap ng isang babae doon sa kasama niya. "Yes, our hot Big Boss is here! OMG!!!" kilig na sagot noong isa na maarte magsalita. "Oo, nakita ko siya kaninang paakyat. My God, ang gwapo talaga niya, noh?" kinikilig din na turan noong isa. "Sino ba ang crush mo sa mga boss natin?" "I'm in love with Sir KC's killer smile. Goshhh makalalag matris..." turan noong isa na akala mo ay bulate na binudburan ng asin sa sobrang kilig. "Basta ako silang lahat ang crush ko. Ang hirap kasing pumili... Lahat naman kasi sila super hot, diba?" "Sinabi mo pa!" "And take note, they're all singles." Napangiti ako ng sekreto mula sa kabilang side ng elevator sa pinag-uusapan ng dalawa. Typical topic talaga ng mga babaeng empleyado ang Big bosses ng kompanya nila lalo na kung gwapo. But anyway wala akong pake. All I care is to deliver this cakes on time at medyo tense na ako dahil medyo late na nga ako dahil sa hindi inaasahang nangyari doon sa delivery boy namin. Pasalamat nalang talaga ako at wala nang iba pang tao kaming nakasabay paakyat at diretso ang naging akyat ng elevator. Pagdating ng 15th floor ay bumaba na ang dalawang babae at naiwan akong mag-isa. "Oh no! I'm running late," turan ko ng sipatin ko ang oras sa wrist watch kong suot. Pagkadating ko sa 24th floor ay kaagad akong nagtanong sa pinakaunang taong nakasalubong ko. "Saan po ang kay Miss. Angela---?" hindi pa man ako natatapos magsalita ay may maganda at sexy na babaeng nagmamadaling lumapit sa akin. "You're late! Kanina pa ako naghihintay... I specially instructed on the phone that this should be delivered on time!" mataray na salubong nito sa akin. Ganun ba katagal ang 10 minutes para magalit siya? "I'm sorry!" paghingi ko ng paumanhin. "Ano pa ngaba ang magagawa ng sorry mo... I will make sure na makakarating 'to sa Boss mo and I will leave a negative comment on your website," aniya habang itinuturo sa akin kung saan ko dadalhin ang mga cakes. Ten minutes late lang ako akala mo ay magugunaw na ang mundo kung makapag react si ate gurl. Grabe siya! Pero syempre ay humingi pa rin ako ng tawad dahil kasalanan ko naman talaga dahil kahit 10 minutes lang, late parin ako kahit ano pang dahilan. "Huwag naman po, Miss. Castillo. Babawi nalang ako sa susunod sisiguraduhin ko na mas maaga pa akong darating kaysa delivery time." "I don't think there's a next time!" she commented. "Sige na, ayusin mo na 'yan diyan sa table at pagkatapos ay makakaalis ka na." Gusto ko sana sabihin na delivery lang ang included sa binayaran nila at iyon lang ang obligasyon ko sa kanila. Pero sige na nga. Dahil late ako, pang bawi ko nalang ito. Not a big deal. Mukhang may welcome party celebration dahil sa welcome back na nakasulat sa may dingding. Hindi ko nabasa ang pangalan dahil sa malusog na babaeng nakaharang. Ang mga tao sa paligid ay hindi  magkandaugaga sa pag-aayos ng mga pagkain sa mahabang mesa at ang iba naman ay sa mga dekorasyon. "Can you hurry up! Kaya ka naman pala nalate e, ang bagal mong kumilos, daig mo pa ang pagong," sikmat sa akin ni Miss Castillo ng makita siguro na sobrang calm ko lang at walang pagmamadali sa mga kilos ko. Like, hello! Bakit ko naman stress ang sarili ko sa isang bagay na hindi naman ako ang dapat na gumagawa. Lalo na at nakikita ko siya na busy lang sa pagretouch ng lipstick at make-up niya. Tapos ang ibang mga empleyado ay kung masigawan at utusan niya ay akala mo siya ang may-ari ng mga buhay ng mga ito. I really don't like people na masyadong abusado porket tingin nila ay nakakataas sila sa buhay kaysa sa iba. Para sa akin kasi anuman ang katayuan mo sa buhay, matoto kang makipagkapwa tao. Tsaka, bakit kaya hindi siya tumulong para mabilis matapos? FYI trabaho niya ang pinapagawa niya sa akin. Pasalamat siya hindi siya sa kompanya nila Daddy nagtatrabaho dahil sure akong patatalsikin siya agad ni kuya Lucas. Bawal doon ang puro ganda lang. Sino ba ang boss nila dito at mukhang hindi naturuan ng magandang asal ang mga empleyado nila. Mukhang nagbabase lang ata sa panlabas na anyo sa pag hire ng tao. Sobrang mahaba ang pasensya ko  pero napipikon na talaga ako. Pinipigilan ko lang dahil sa image ng "Dream Mugs". Ilang buwan palang kaming nag-ooperate at ayaw kong bigyan ng wrong impression ang mga customers. Mas binilisan ko nalang ang kilos ko at ng makaalis na ako dito. Patapos na ako sa pag arrange ng mga cakes sa mesa ng may isang empleyadong nagmamadaling pumasok. "Miss Angela, andyan na si Boss," imporma nito. "How do I look?" tanong ni Miss Angela sa bagong dating. Umikot pa ito na akala mo ay nagmomodel. "Perfect!" may thumbs up pa na sagot ng kausap nito. Ayon naman pala. Mukhang may something si Miss Angela para sa Boss nila. I know that it's none of my business! Kaya ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Iniipon ko ang mga box na pinaglagyan ng cake ng marinig ko ulit ang pagbukas ng pinto. "Angela, is everything set?" boses iyon ng isang lalaki na makapasok lang. Ang gwapo ng boses. Kinilabutan nga ako e. Paano ay hindi ko pa man nakikita ang mukha niya ay ramdam ko na sa boses niya ang masculinity at authority. Gusto ko sanang lingunin kaso parang biglang kumabog ang puso ko. Bigla akong kinabahan. The feeling is familiar. But I don't think it's him. Ang huling balita ko sa kanya ay nasa Italy siya at inaasikaso ang business na naiwan ng father niya. Baka kaboses lang... "Yes Sir, inaayos ko na ang lahat," narinig kong pa sweet na sagot ni Miss Angela. Malayo sa tono ng boses niya noong ako ang kausap niya. "How about the meeting with Mr. Thomas?" "Okay na rin, his secretary confirmed this morning at the lunch meeting with us tomorrow." "Good." Tapos ay konting katahimikan. "Do we have a new trainee here?" he asked after a while. "No Sir. She's just a delivery girl from one of the Coffee shops nearby," said Miss Angela. Mukhang ako ang pinag-uusapan nila. "Miss, you can go now..." utos ni Miss Angela sa akin. Pagharap ko ay muntik ko nang nabitawan ang boxes ng cake na hawak ko. Hindi ko inaasahan makita ang taong nasa harap ko ngayon. My heart instincts were right. It's really him. Ang tagal narin ng panahon mula ng huli ko siyang nakita ngunit hanggang ngayon hindi parin mapigilan kumabog ng puso ko kapag nakikita ko ang gwapo niyang mukha. Ang mga ngiti sa labi niya na akala mo ay laging nang-aakit. Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha niya. Malamang, tulad ko ay hindi rin niya inaasahan na makita ako. "Kristen!" sambit niya sa pangalan ko. "M-Madrigal..." tanging nasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD