Chapter 2

1514 Words
"Huwag kang mag-alala kumpadre, paimbestigahan ko 'yan sa lalong madaling panahon. "Kumpadre, kailangan ko ng magagaling na bodyguard. Kahit magkano magbabayad ako. Basta maprotektahan lang ang aking pamilya," desperadong sabi ng aking ama. "Huwag kang mag-alala kumpadre, bukas na bukas rin ay dadalhan kita dito. Si Dane nasaan?" "Kakaalis lang, pumunta ng America," tugon ng aking ina. Kinabukasan ay dumating ang dalawang magong bodyguards na kinuha ng aking ama. At hinatid ito ni General Mons Omo. Nalaman ko na rin ang nangyari sa aking ama at gusto kong umuwi. Ngunit pinigilan ako ng aking ama, dahil alam niya na importante ang aking business trip. "Kumpadre, ito ang mga bago mong badyguards. Sila ang huling baraha ko na maibibigay sa 'yo." "Mapagkatiwalaan ba sila kumpadre?" "Oo, kaya nilang isugal ang mga buhay nila para sa inyo. Siya si BLOOM VERTON at si HUANG YONG." Pakilala ni General Mons Omo. Hindi tumugon ang dalawang bodyguards na ninja at tumango lang ang mga ito. "So paano kumpadre, aalis na ako dahil may meeting pa ako." "Salamat, kumpadre." Bloom's POV "Blom, Huang. Sumunod kayo sa akin," utos ni General. "Magdoble ingat kayo, hindi pa natin alam kung sino ang mga kalaban." "Huwag kang mag-alala General, kami na ang bahala dito." "Huang Yong, ikaw ang bahalang mag-check sa itaas. At ikabit mo ang mga cctv, ako naman dito sa ibaba at sa labas." "Copy, Blom." "Huwag mo ring kalimutan na kabitanan ang may pinto at mga bintana." "Copy!" Kumilos ako at nag-ikot-ikot sa buong paligid ng sala at kinabitan ko ito ng mga cctv. Nang matapos ako sa loob ay lumabas rin ako. Para malagyan rin ng mga cctv ang paligid ng bahay. Makabagong teknolohiya ang aming ginagamit. Maliliit na camera ang aming ikinabit upang hindi madaling mahalata ng mga kalaban. Nang matapos kami sa pag-aayos ay pinatawag kami ni don Lawrence sa kaniyang library. "Magandang hapon, don," bati namin ni Huang Yong. "Take a seat." "Sino nga ulit si Blom sa inyo?" "Ako, don, siya naman si Huang Yong." "Pinatawag ko kayo, dahil may mahalaga akong misyon sa inyong dalawa. I will pay you, five million each." "Ano ang kapalit Don?" tanong ko. "Protektahan lang ninyo ang aking mga anak, na hindi sila mapapahamak. Huang Yong. Ipagkatiwala ko sa 'yo ang aking bunsong anak na si Dekker. Siya ang priority mo. Naninigurado lang ako para sa mga buhay nila." "Huwag kang mag-alala Don, makakaasa ka na, gagampanan namin ang aming trabaho," tugon ni Huang Yong. "Blom, sa 'yo ko ipagkatiwala ang aking panganay na anak na si Dane. Nasa America siya ngayon. Please, protect him." "Kahit buhay ko Don. Isusugal ko para sa aming sinumpaang trabaho." "Salamat. Ito ang mga tseke anytime ma-withdraw ninyo 'yan." "Salamat, don." Tumayo na kami ni Huang Yong para bumalik sa aming trabaho. "Huang Yong, puwede ka nang bumalik sa trabaho. Blom stay here." "Yes, don," tugon ng aking kaibigan at agad lumabas. "Blom, malaki ang tiwala ko sa iyo. Kaya sa iyo ko ihabilin ang lahat na mga importanteng bagay. Kung sakaling may masamang mangyari akin. Ikaw na ang magbigay nitong lahat kay Dane. Hindi ito alam ng aking mga anak, ito ang sekretong vault." Sabay alis niya ng isang tiles sa sahig. Pinindot niya ang itim na botton at biglang humiwalay ang magkadikit na lalagyan ng mga libro. Lumantad sa akin ang isang napakatibay na pinto. Na kahit pagbabarilin ito ay hindi basta-bastang mawawasak. "Ang password nito ay ang title ng paborito naming kanta ni Dane." "Noted, don." "Nandiyan lahat ng mga dokumento ng aming mga ari-arian Blom." "Sana huwag mo akong biguin," aniya na tila nagpapaalam na. "Don, makaasa ka. By the way, lahat ng paligid ay kinabitan na namin ng mga cctv. Sa inyong pinto sa labas ay meron na rin at sa labas ng bintana." "Mabuti kung ganoon, Blom." "Kailangang mag-double ingat tayo. Dahil hindi pa natin kilala ang mga kalaban . Pero huwag kayong mag-alala dahil nag-imbestiga na kami." "Good!" Hanggang sa natapos ang aming pag-uusap ni Don. Lumabas na ako para mag-checking sa paligid. Pagsapit ng hating gabi ay may nakita kaming mga kalalakihan na kahina-hinala ang mga galaw at nasa labas ang mga ito. "Huang Yong, kunin mo si Dekker at dalhin mo sa kuwarto ng kaniyang mga magulang." Utos ko, at naghanda ako sa aking sarili. Tiningnan ko ang buong paligid sa labas at sampung tao ang aking nakikita. Ang iba ay may dalang mga armas, dali-dali kong isinuot sa aking likod ang samurai, isang baril na may silencer at isang maliit na patalim. Isinuot ko rin ang maliit na earphone na nakakonekta kay Huang Yong. Dali-dali akong lumabas at nagpunta sa kuwarto nila Don. At agad akong kumatok. Tama naman na dumating si Huang Yong at dala niya si Dekker. "Sino iyan?" tanong don Lowrence Dahil kumatok ako. "Si Blom, don Lawrence, please open the door." "Blom, may problema ba?" kinabahang tanong ni Don nang mabuksan niya ako. "May mga armadong tao sa labas." "Ano?! bulalas ng Ginang at agad-agad kaming pinapapasok. "Huang Yong, bantayan mo sila at i-check mo ang mga cctv. Ako na ang bahala sa labas at i-guide mo ako!" utos ko at lumabas na sa kuwarto. "Mag-iingat ka Blom!" Paalala ni Huang Yong. Dahan-dahan akong lubas sa kuwarto at nang makarating ako sa baba ay maingat kong binuksan ang likurang pinto at dito ako lumabas. May dalawang lalaki na papaakyat sa bakod at agad akong pumwesto. "Blom, may papaakyat," boses ni Huang Yong. "Oo! Dito ako at nakapuwesto na." Nang makatalon ang dalawa ay agad ko silang binaril at parehong bumagsak ang dalawa dahil pinuruhan ko ang kanilang mga noo. "Blom, right side may tatlong nakapasok..." sabi ni Huang Yong. Nakayuko ako habang papalapit sa kinaroroonan ng tatlong kalaban. Agad kong binunot ang maliit kong patalim. Nang makalapit na ako sa isa ay palihim kong tinakpan ang kaniyang bibig. Sabay laslas sa kaniyang leeg. Nang lumingon ang isa ay agad ko ring sinaksak ang kaniyang dibdib. Binaril ko naman ang isa pa dahil bumunot ito. Ang mga bangkay ay itinago ko sa gilid upang hindi mahalata ng mga kalaban "Huang Yong, saan ang next target?" Ang lahat kong pagpatay sa mga kalaban ay nasaksihan ni don Lawrence at lihim siyang napahanga. "Blom, pupunta ako diyan, may iba pang dumating!" wika ni Huang Yong. "Don Lawrence, ito itimbre mo sa amin ang mga location ng kalaban. Kailangan kong tulungan si Blom. Ito ang baril at kahit anong manyari huwag kayong lumabas dito." "Okay, okay! Please, mag-iingat kayo." Isinuot naman ni don Lowrence ang airphone. Dali-daling lumabas si Huang Yong at maingat na nagmamasid sa paligid. Hindi namin hinayaan ang kalaban ng makalapit sa bahay "Saan ka, Huang Yong?" tanong ko. "Nandito ako sa likod, Blom." "Mag-iingat ka diyan," paalala ko. Nagpaputok ang mga kalaban at maagap naman akong nakagulong sa lupa. Tatlong putok mula sa aking baril na may silencer at tatlo rin ang bagsak. Sa bawat putok ng aking baril ay lagi kong sinisiguro na matataan ang aking mga kalaban. "Psit!" sitsit ni Huang Yong sa kalaban sabay palo sa ulo. Nang mawalan ng malay ay agad niyang nilaslas ang leeg. Sa batas namin ni Huang Yong ay 'NO MERCY', pagdating sa aming mga kalaban. Hindi namin ito iiwanan na may buhay. Dahil marami ang posibleng manyayari kung sakaling bigyan ng second chance. "Ayos ka lang Blom?" tanong ni Huang Yong. Nang mapag-abot kaming dalawa. "Oo' ayos lang ako, huwag mo akong alalahanin." May dalawang naiwan na kalaban at tumakbo ang mga ito. "Huang Yong, huwag!" pigil ko sa kaniya. Dahil babarilin na sana niya ito. "Bakit Blom?" pagtataka niyang tanong. "Ako na ang bahala, kailangan nating malaman kung sino ang nag-utos sa kanila. Tawagan mo si General Mons Omo, para ma-check itong mga bangkay. At balikan mo na sila Don Lawrence." "Sige, Blom. Mag-iingat ka" Agad akong sumakay sa aking sasakyan at sinundan ko ang pinatakas naming dalawang kalaban. Dumidistansiya ako, para hindi nila mahalata. Malayo na sa bayan ang kanilang binabaybay na kalsada. Hanggang sa pumasok sila sa isang malaking gate. Agad kong kinuha ang pangalan ng lugar. "Paimbestigahan ko ang may-ari nitong warehouse," bulong ko sa aking sarili at bumalik na ako sa malaking bahay. "Blom, saan ka galing?" tanong ni General Mons Omo. Nang makabalik ako sa bahay. "General, sinundan ko ang dalawang lalaki. Ito ang pangalan ng warehouse at location. Paimbestigahan mo kung sino ang may-ari niyan at balitaan mo ako agad." "Good job Blom. Sige, balitaan kita agad," tugon ni General Mons Omo. "Don Lawrence, kumusta po kayo? Kid, okay ka lang ba? Ma'am okay lang ba kayo?" tanong ko sa aking amo, sapagkat nag-alala ako. "Mabuti kaming lahat Blom,at maraming salamat," tugon ni Don Lawrence at inabot sa akin ang kaniyang kamay. "Amazing ... Astig! Ang galing po ninyong dalawa, para akong nanood ng action movie..." masayang sabi ni Dekker. Samantala, sa loob ng warehouse. "Mga tanga! Paano kung nasundan kayo dito?" galit na tanong ng isang lalaking nakatakip ang mukha. "Boss, hindi siguro," nanginginig na sagot nang isang lalaki. "Wala kayong mga silbi!" boses ng kanilang boss at binaril ang tauhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD