bc

Legacy Of Questhora

book_age16+
136
FOLLOW
1K
READ
dark
powerful
independent
brave
drama
twisted
sweet
bxg
mystery
kingdom building
like
intro-logo
Blurb

MASAYA na ang buhay ni Lorrine sa piling ng mga salamangkerong kumupkop sa kaniya sa bayan ng Verphasa. Wala na ngang mahihiling pa ang dalaga kun'di ang makasama nito nang matagal ang kaniyang itininuturing na pamilya.

Isang kondisyon ang magpapalaya sa kaniyang kaibigan, ito ay ang manatili siya sa Questhora at umanib sa grupong ng mga salamangkero--- ang Atramentous.

To make the sun rise again in the dreadful darkness for a long time. To have morning and evening. To shine in the world they have been covered by darkness. And to dispel the fear and resentment of the citizens of the kingdom, would she risk her life?

Siya ba ang susi ng Questhora upang makalaya ang kaharian? O siya rin ang magiging dahilan ng tuluyang pagkabagsak nito't manaig ang kasamaan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
      "UMPISAHAN NA!" Nakangising kong hinintay ang paglapit sa akin ni Nhykira. Puno ng pagkaseryoso ang mababakas sa mukha nito habang papalapit sa akin. Parang anumang oras ay maaari akong malagutan ng hininga nang dahil lang sa talas ng pagkakatitig nito. Ngunit hindi ako nagpadaig, pinakita ko ang kawalan ng interes sa kabila ng matatalim nitong tingin. Prente akong nakatayo at walang ginawa kundi ang hintayin siyang makalapit. Ganoon na lang ang aking naging tuwa nang mapagtagumpayan ang binabalak. Nakita kong napansin na ni Nhykira na wala akong ginagawa para kalabanin siya. Agad itong huminto sa pagsugod at tiningnan siya nang nagtataka. "Bakit hindi ka lumalaban?"  Ngumisi ako saka nagpakawala ng mga kataga. "Destul!" Nanlaki ang mata ng aking kalaban nang mapansing hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan. "Și urmați-mi porunca." "Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa, Lorrine?!" Akmang susugurin ako ni Miandro upang pigilan ang pagkawala ng hininga ng kaniyang kapatid. Hindi naman ako tuluyan pang nahihibang, agad kong pinakawalan ang kaibigan dahilan upang habulin nito ang paghinga. "Bakit mo ginawa iyon?"  Hawak-hawak ni Nhykira ang kaniyang leeg na parang sa paraan na iyon ay mas makakahinga siya nang maayos. I just smile and turned my back. "Sinusubukan ko lang maglagay ng kaunting takot sa iyo. Hindi ko iyon sinasadya. Tara na!" Niyaya ko na silang bumaba sa mataas na bahagi ng gubat. "Ano'ng pakiramdam no'ng ginawa ko?" Tila walang pakialam kong ani.  "Kinabahan ako! Akala ko iyon na ang katapusan ng buhay ko. Nakakainis ka naman, e! Bakit hindi kita matalo-talo?!" nagpupumadyak na sagot ni Nhykira sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil muntikan ko na siyang mapatay. Hindi naman iyon ang nais ko at lalong hindi ko binalak. I just want to put some thrill. I am no longer challenge with Nhykira. But I'm not saying that she's not that good enough. Tuwing sasapit ang ikatlong kabilugan ng buwan ay nagtutungo kami sa gubat upang magsanay. Gustong-gusto kasi ni Nhykira ang maging mahusay na wizard upang makatapak sa pangarap nitong kaharian--- ang Questhora. Kung saan naroon ang pinakamalalakas na wizard. Nais nitong makatungtong doon at kilalanin na isa sa pinakamalakas. Sa lahat siguro ng wizard na naninirahan sa Verphasa, ako lang ang walang kainte-interes na makapasok sa kaharian na iyon. Ang mahalaga sa akin ay nabubuhay ako... at mabigyang hustisya ang pagkamatay ng magulang ko. Bata pa lang ako nang kupkopin ako ng mga magulang ni Nhykira at Miandro. Para na nila akong naging kapatid kahit ang totoo ay hindi nila ako kaano-ano. Ang kuwento sa akin ni Inay Serra--- nanay ng magkapatid, malalim na raw ang gabi noon, kasalukuyang isinisilang ni Inay Serra si Nhykira no'ng panahon na iyon nang walang anu-ano'y pumasok ang magulang ko sa kanilang tahanan at ihabilin ako. Agad akong inilapag ng aking ama sa tabi ni Inay Serra at nakiusap na kupkopin ako. Bagama't naguguluhan pa sila nang sandaling iyon ay wala silang nagawa kun'di ang kupkopin ako. Sa oras at araw ding iyon, biglang nalagutan ng hininga ang mga magulang ko sa harap nila. Ang sabi pa'y isang malakas na wizard ang gumawa no'n sa kanila. Ngunit ang dahilan, hanggang ngayon ay hindi namin alam. "Ang pinagtataka ko..." singit ni Miandro. Nakuha naman nito ang atensyon ko at bumalik sa reyalidad ang aking isip. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Paano mo ba nagagawang patigilin ang isang bagay o tao?" dagdag na tanong nito. Kahit ako ay naguguluhan, hindi ko alam ang kasagutan sa tanong na iyon. Sa tuwing nakikipaglaban ako o nagsasanay, bigla ko na lamang nasasabi ang mga salitang hindi ko alam kung saan nanggagaling ngunit batid ko kung para saan ang mga iyon. Dalawang dekada ko nang inaalam ang tungkol sa pagkatao ko... dalawang dekada ko na ring inaalam ang tungkol sa magulang ko. Umiling ako. "Hindi ko rin alam. At hindi ko siniseryoso ang bagay na iyon," seryoso kong tugon saka ipinagpatuloy ang paglalakad. "Pero nakakainis pa rin! Paano ako makakatungtong sa Questhora kung ikaw lang ay hindi ko magawang talunin?" pagmumukmok ni Nhykira na ikinatawa ko nang malakas. "Hanggang ngayon ba naman ay hinahangad mo pa rin ang Questhora? Para sa akin, isa iyong napakawalang kuwentang pangarap." Umirap pa ako pagkakuwan. "Ano ka ba? Ayaw mo bang matawag bilang isa sa pinakamalalakas na wizard? Gusto mo bang mamatay na mahina?" "At sino namang nagsabi na mahina ako?" Mataman ko siyang tiningnan. Sinukat kung hanggang saan ang kaya niyang makipagtitigan. Sa huli, binawi niya rin ang tingin sa akin saka ipinagpatuloy ang pagbaba sa gubat. "Tch!"  .....        "ANO BA 'YAN! Walang mansanas!" muling atungal ni Nhykira nang makababa kami ng gubat, dumiretso kami sa pamilihan saka naglibot na maaaring mabili roon. "Napakareklamador mo! Hindi ka ba puwedeng manahimik na lang muna?" inis kong tanong. "Tinawag pa itong pamilihan, e, wala namang mabili." "Nhykira, hindi lahat, aayon sa gusto mo." Hindi naman na siya sumagot. Nakanguso siyang sumabay sa akin sa paglalakad. Naglibot pa kami sa maingay na pamilihan, may ibang batang wizard na tuwang-tuwa sa paggamit ng salamangka, ang iba nama'y inaabuso ang salamangka sa pamamagitan ng pagpapalutang ng mga bagay sa ere. Halos lahat ng paninda ay nakalutang. Animo'y tamad na tamad ang tinderang i-abot ang pinamili kung kaya't ginagamit na lang ang salamangka upang ibigay ang ibiniling gamit. Ilang minuto pa ang tinagal namin sa pamilihan nang agad akong mapahinto. Nagningning ang mata ko nang makita ang isang kulay itim na panali sa buhok. May disenyo itong mala-crystal sa kinang. Kinapa ko ang bulsa ng suot kong kapa upang tingnan ang natitirang Bani na bigay sa akin ni Inay Serra. Nanlumo ako nang makitang anim na lang iyon. Hindi ko alam kung sasapat ba pambili ng itim na panali sa buhok. "Bakit ka huminto? May gusto ka bang bilhin?" tanong sa akin ni Miandro. Umiling ako bilang sagot. "Wala. Nanakit lang bigla ang aking ulo," pagsisinungaling ko. "Kung gayo'y halika na't umuwi. Marahil ay napagod ka sa pagsasanay." Hindi na ako muling umimik pa't nagpatuloy na naman sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa munting kubo, doon ay sinalubong kami ni Inay Serra at Itay Kulim.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook