MFMTB 2

1582 Words
SOL Kinabukasan ay sinubukan ko naman ang prosthetic na susuotin ko sa pagkuha ng impormasyon mula sa labas ng mansyon nila Walton. Bukod sa fake wig na gaya ng buhok ni Dora. Binigyan pa ako ni Mr. X ng fake big nose at denture na sobrang laki ng gilagid! Hindi ko na makilala ang aking sarili. Sa tingin ko kamukha ko na si bakekang na may halong kimidora! Ahhhh! “Yung kalbong yun talaga!” Gigil na bulalas ko. Sakto namang tumunog ang phone ko at number ni kalbo este! Mr. X ang bumungad sa akin. Inopen ko ang camera dahil video call ang gusto niya. “Ay sorry nagkamali ako ng tinawagan.” Pambungad niya na ikinadugtong ng kilay ko. “Tatawa na po ba ako Mr. X?” Nanliliit ang matang tanong ko sa kanya. “Sol? Ikaw na ba yan? Hindi kita nakilala!” Nakangising bulalas niya. Ngumisi ako ng parang aso at pinilit kong hindi mainis. “Ang galing mong maglagay ng prosthetic.” Puri niya sa akin pero hindi ako naging proud sa sarili ko. Siya kaya ang pasuotion ko ng lahat ng ito? Ano kayang magiging itsura niya? “Syempre Mr. X diba pinag-aralan ko yung module na bigay mo sa akin? Kaya lang kailangan ba talaga ganito ako kapangit?” Reklamo ko sa kanya. Naupo ako sa gilid ng kama. “Walang taong pangit Sol–” “Puwes ako na pala ang pinakapangit?” Putol ko sa sasabihin niya. “Hindi naman, maganda ka pa rin. Pero kailangan mo yan para hindi ka makilala lalo pa ngayon papasok ka sa loob ng mansyon bilang maid nila.” “WHAT!?” Bulalas ko na ikinatayo ko sa kama. “Nalaman ko kasi na kumuha sila ng kasambahay sa isang agency. Instead na siya, ikaw ang papupuntahin ko. You have two weeks para magawa ang misyon. Yun lang, ingat!” Paalam niya na ikinalaki ng mata ko. “Sandale Mr. X! Mr. X! Kalbo!” Sigaw ko nang patayin na ang tawag. Haist! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Noong nakaraan sa farm niya ako pinagdakot ng ebak ng mga kabayo at pinag-araro. Ngayon gusto naman niya akong maging maid sa mansyon ng mga demonyo! Naiiling na napaupo na lamang ako sa kama. Sabagay, mas mapapadali ang misyon ko kung papasok ako sa bahay nila bilang maid. Pero kakayanin ko bang magsuot ng ganito araw-araw? Isang oras din ang ginugol ko para maikabit lahat ng prostethic na ito! At kakayanin ko din ba ang maging maid? Ang hirap kaya ng ginagawa nila. Ikaw kalbo ka! Kapag natapos ko ang misyon ko hihingi talaga ako ng isang taong bakasyon! Para naman makahanap na ako ng jowa! Kinagabihan ay hindi naman ako makatulog. May nagdala sa akin na tauhan ni Mr. X na papeles na gagamitin ko bukas sa pagpasok ng mansyon. Kaya hindi ako makatulog dahil sa 2x2 picture na ginamit niya. Kumuha pala siya ng screenshot ko habang katawagan ko siya kanina at ipinatong lang sa katawan ng nakasuot ng business attire. Ito ang gagamitin kong resume bukas. Kasama na rin ng mga fake document na gagamitin ko. Pero hindi pa yun natatapos. Dahil kung gaano ako kapangit sa picture ganun din kasagwa ang pangalan na binigay niya sa akin. Siguro mortal kaming magka-away ni Mr. X sa past life namin at ngayon niya ako binabawian! Two weeks lang Sol! Matatapos din ito! Kinabukasan ay maaga akong bumangon upang umpisahan ang pag-aayos ng sarili. Bukod sa papeles na ipinadala sa akin ni Mr. X may pinadala din siyang mga damit na sa tingin ko mula pa sa lola niya. So kailangan kong maging conservative na pangit ng dalawang linggo? Suminghap ako at nagbuga ng malakas na hangin sa dibdib. Bakit ako pa? Puwede naman yung ibang TAJSO agent ang kunin nila! Haist! After an hour ay lulan na ako ng trisicle patungo sa mansyon ng mga Montenegro. Ipinadala ko kasi sa tauhan ni Mr. X ang kotse ko dahil hindi ko naman yun puwedeng dalhin. At naroon din ang ibang mahahalagang gamit ko. Ang dala ko lang ngayon ay isang bag ng mga damit pamalit at isang folder. Wala rin akong weapon na dala dahil mahigpit daw sa guard house palang. Kaya inayos ko ng tiklop ang mga underwear ko. Pagbaba ko ng trisicle ay dumerecho na ako sa doorbell. Ilang sandali lang ay bumukas ang maliit na bintana nito. “Anong kailangan mo?” Bungad na tanong sa akin ng lalaking nakaitim. “Magandang umaga. Ako yung maid na pinapunta dito ng agency.” Sagot ko sa kanya. “Ah ganun ba? Anong pangalan mo? Para matawagan ko yung mayordoma sa loob.” “Ako po si Marikit Bartolome.” Hindi nakaligtas sa akin ang pagngisi ng lalaking kausap ko. “Ano kamo? Marikit ang pangalan mo?” Ulit pa niya na ikinakunot ng noo ko. Ilang oras ko din sinanay ang bibig ko sa denture na suot ko kaya huwag siyang loloko-loko sa akin. “Ala eh, Uho! Kagandang pangalan di-ga ho?” Nakangiting sabi ko sa kanya. Lalo siyang natawa sa sinabi ko. Sinenyasan niya akong aalis lang sandali. Maya-maya ay binuksan na niya ang maliit na gate. Dumaan ako sa detector equipment. “Sige Miss, derecho ka lang doon sa gilid tapos kumaliwa ka may makikita kang puting pinto. Pumasok ka doon nandoon si Manang Pasing sasalubungin ka niya.” Utos niya sa akin. Sinunod ko ang instruction niya pero panay din ang linga-linga ko sa paligid. Confirmed nga na sa likod ng nagtataasang pader mga armadong tauhan ang nakapalibot sa buong mansyon! May nakatingin pa sa akin dahil sa pagpasok ko. Ibinaling ko sa harapan ko ang aking mga mata ngunit umawang ang aking labi nang may makita akong lalaking kaka-ahon lang sa swiming pool. Damn! That fvcking body! Natigil ako sa paghakbang dahil natuon sa guwapo, macho at yummynies na katawan ang mga mata ko. He’s like a greek God! “Are you staring at me?” “Yes? Este! No! I mean dili oy!” Pagtangi ko na ikinangiti niya. Perfect smile indeed! Napaypay ko ang sarili dahil hindi ako makapaniwala na dito lang ako makakakita ng man of my wild imagination! “Ikaw ba si Marikit?” Nabaling ang tingin ko sa babaeng maputi na ang buhok na lumapit sa akin. “Ah, uho ako nga ho.” “Tara na pumasok ka na sa loob.” Wika niya sabay hila sa akin. Napalingon ako at naiiling na nakangiti na lamang ang lalaki na tumingin sa amin. “Ako nga pala si Manang Pasing ang mayordoma dito. Anong sabi pala sa’yo ni Sir Leandro? Bakit ka niya kinausap?” Tanong niya sa akin nang makapasok kami sa puting pinto. Umupo kami sa salamin na table at kinuha niya ang folder na hawak ko. “Sir Leandro?” ulit ko sa sinabi niya. “Oo, pamangkin siya ni Sir Walton at kadarating lang niya galing amerika isa din siya sa magiging amo natin dito sa mansyon.” Imporma niya na hindi ko inasahan. Ang lalaking yun, wala sa maanong itsura niya ang gumagawa din ng masama! “Wala naman naligaw po kasi ako.” Tipid na sagot ko sa kanya. “Kompleto na pala ang dala mong requirements. Ihahatid na kita sa kuwarto mo para ma-itour na kita sa buong bahay.” Wika niya. Tumayo siya at sumunod ako sa kanya. Nasa pasilyo kami nang may marinig akong parang nagtatalo. “Maging bulag, pipi at bingi ka habang naninilbihan dito.” Seryosong paalala niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Boss, p-patawarin mo na ako! H-hindi na ako uulit!” Narinig kong pagmamakawa ng isang lalaki. Hangang sa nakita ko mismo kung saan nangagaling ang mga boses na yun. Napatigil ako sa paghakbang habang pinagmamasdan ang lalaking may hawak na baril at nakatutok sa isang lalaking nakaluhod ang dulo nito. Ngunit hindi lang yun. Kamukhang-kamukha siya ng lalaking nakita ko sa pool kanina! Namalayan ko na lamang ang pagtakip ng kamay sa mga mata ko kasabay ng pagputok ng baril na umalingaw-ngaw sa loob ng bahay. “Derecho ang lakad.” Bulong niya sa akin. Ibinaba niya ang kamay niya at lumingon ako sa kanya. “Sir Leandro?” “Marikit! Halika na dito!” Giit ni Manang Pacing. Nabaling ang tingin ko sa lalaking duguan na nakahandusay ang katawan sa sahig. At bahagyang napunta sa akin ang mga mata ng lalaking bumaril sa kanya bago siya tumalikod at umakyat sa hagdan na parang walang nangyari. “Tara na! Ikaw talaga! Ipapahamak mo pa ako!” gigil na sabi ni Manang Pasing sabay hila sa kamay ko. Pagkapasok namin sa kuwarto ay sinara niya ang pinto. “Gusto mo bang mamatay? Diba sabi ko maging bulag, pipi at bingin ka habang naninilbihan dito?” Singhal niya sa akin. “Nagulat lang po ako dahil magkamukha sila ni Sir Leandro.” Pagdadahilan ko. “Oo, dahil kambal sila. Siya si Sir Lorenzo. At huwag na huwag kang titingin sa kanyang mga mata. Kumpara kay Sir Leandro mas nakakatakot si Sir Lorenzo.” Paliwanag pa niya sa akin. Ito ba yung sinasabi niya na kailangan kong magpakabulag, pipi at bingi? Dahil siya mismo ay parang sanay na makakita ng ganung pangyayari sa mansyon na ito? Hindi naman ako nakaramdam ng takot. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko sa ngayon. Pero sa tingin ko higit pa sa paghuli kay Walton ang gagawin ko sa mansyon na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD