KABANATA II
Pagod akong napaupo sa hagdan at sandaling nagpahinga dahil kanina pa ako hinihingal kakaakyat-baba ko. Ito ang pangalawang bahay na lilipatan ko pero mas maayos naman ito kesa doon sa una kung tinirhan noon. Mabuti nalang at nakahanap kami ng ganito kamurang bahay bukod sa malapit siya sa trabaho namin ni Diwa. Lalo na hindi naman ganoon kalakihan ang sahod namin sa trabaho.
Tiningnan ko ang kamay kung namumula na dahil sa dami ng binuhat ko. Ngayon malaya na ako magagawa ko na ang lahat ng bagay na gusto kung gawin hindi gaya ng dati.
“Hoy, Roseane pahinga? Bawal ‘yan wag kang madaya,” ingos ni Diwa ng maabotan niya akong nagpapahinga.
“Naupo lang ako hindi ako nagpapahinga.”
“Luh, ako pa? Wag ako, Roseane iba nalang. Tara na, nagugutom na ako.”
Sabay nalang kaming umakyat papunta sa kwarto naming. Mabuti nalang at ito na ang huli makakapagpahinga na kami. Pagdating sa unit naming ay nagsisisigaw na si Diwa at pabagsak na humiga sa kamang hindi pa naming naaayos. Pati ang ibang gamit namin ay nakakakalat pa sa may pintoan dahil naninigas na talaga ang mga binti at braso ko sa sobrang pagod.
Nakangiti kung pinagmasdan ang unang achievement ko ngayon sa buhay ko. Sana marami pa akong first time na magawa kasama ang bahay na ito. Gusto kung namnamin ang kalayaang meron ako na hindi na muling maaagaw ng iba.
“Roseane…Roseane, nag-order na ako ng pagkain natin ah!” sigaw ni Diwa habang nasa kwarto ako.
“Sige, pakiayos nalang ang naiwan natin diyan sa labas kasi nakakahiya kung makakaabala tayo,” sigaw ko din.
Pero hindi ito sumagot kaya napilitan akong lumabas. Habang hinahanap ko si Diwa ay may isang lalaking sumulpot sa pintoan naming. Ilang beses pa akong napakurap-kurap habang nakamasid sa kanya. Simple lang ang suot nitong puting tshirt at shorts pero heto siya at ninanakaw na ang hangin sa paligid ko.
“May problema ba Mister?” tanong ko sa kanya ng matauhan ako. “Oh, my! Isa ka ba sa tenant dito? Ang bait naman pala ng mga nakatira dito binisita pa kami—“
“Tsk! Hindi ko kayo binibisita, Miss. Dahil ang totoo nandito ako para sawayin kayo. Ang ingay niyo kasi at nakakaistorbo kayo,” imporma niya bago ako tinalikoran.
Aba’t walang’ya ‘yon ah! Napakabastos bigla nalang akong tinalikoran hindi pa nga ako nakakabawi sa pinagsasabi niya. Gwapo nga antipatiko naman! Tsk!
Saan ba kasi nagpunta si Diwa? At biglang nawala imbes na tapos na kaming maglinis nawala na naman. Siguro kumikerengkeng na naman ito sa kung saan. Bumalik nalang ako sa kwarto at muling inayos ang iilang naiwan kung ligpitin bago muling lumabas sa sala. Kailangang matapos na kami ngayon para makapagpahinga na kami ng maaga dahil bukas ay may pasok na kaming dalawa.
“I’m back!”
“Hoy, saan ka galing? Gala ka na naming babaita ka.”
Pinakita niya ang dalang plastic bag na puno ng pagkain. Kaya mabilis naming niligpit ang iba pang mga naiwan naming kalat na gamit sa labas. Hindi ko nga alam bakit ang dami naming dalang bagahe. Dapat ay kakaunti lang pero heto at nananakit na ang likod ko kakaligpit.
Naligo muna ako bago namin inayos ang mga pagkaing pinamili ni Diwa. Gabi at kailangan na naming magpahinga mabuti nalang at mabilis naming natapos ang natirang ligpitin.
“Diwa, ako na ang magliligpit nang teka nga—Hoy, bastos ka! Bakit mo tinitingnan ang dibdib ko? Binubusohan mo ako ano? Bastos ka! Wala kang modo,” sigaw ko doon sa lalaking nakatayo sa bukana ng pintoan namin.
May hawak itong aso na nakatingin din sa akin. Ilang minuto niya pa akong tiningnan na para bang may kung anong hinahanap ito sa katawan ko kaya naitakip ko nalang ang mga kamay ko sa sarili.
Inayos nito ang aso niya bago kunot noong nagsalita. “Hoy, babae! Hindi kita binubusohan. Ikaw ang yumuko sa harap ko at hindi ko na kasalanan ‘yon. Magdamit ka nga ng maayos at isara mo ang pintoan ng kwarto mo. Wala ka sa sarili mong bahay!” sigaw nito bago nawala.
Akmang hahabolin ko pa ito pero nawala nalang bigla ang lalaki. Bwesit ‘yon ang kapal ng mukhang sabihin na magdamit ako ng maayos. Maayos ang damit ko sadyang manyak lang siya. Ang kapal ng mukha niya!
Ilang minute ko pang inabangan ang lalaking ‘yon pero hindi na ito muling lumabas pa kaya sinarado ko nalang ang pinto naming bago naghanda na sa pagtulog. Maaga pa ang pasok namin bukas ni Diwa kaya kailangan ko ng magpahinga. Ayoko ng stressin ang sarili ko sa mga taong gaya niya napaka close minded.
“Diwa… Diwa… Mauuna na ako ah! May kailangan pa akong daanan eh!” tawag k okay Diwa na mukhang tulog pa rin.
Nag-iwan nalang rin ako ng notes dahil baka hindi niya ako narinig. Paglabas ko ng bahay ay bumungad sa akin ang magandang paligid ng apartment na ito. Walang pang masyadong tao sa ibaba at kahit dito sa hallway ay wala kang maririnig na ingay o makikitang tao man lang. Mga aswang ba ang tao dito? Totoo yata ang sinabi ni Aling Mema na wala masyadong lumalabas na tao sa mga unit. Dahil kung hindi daw madalas wala ay abala naman sa trabaho. At siguradong kasali doon ang lalaking namboso sa akin kahapon.
Pababa na ako ng hagdan ng bigla akong gumilid dahil sa rumaragasang tumatakbo pababa. At halos mapasinghap ako ng dumaan sa harap ko ang malaking putting aso kasunod ang isang lalaking nakablack sando at sports shorts. Kahit ganoon ang suot niya ay parang gusto nang sumunod ng ilong ko sa kanya dahil sa sobrang bango nito. Saang unit kaya ‘yon galing? Sana makilala ko din si Koya ang bango-bango.
“Iha, may problema ba at ganyan ang itsura mo?”
“Anak ng pitong tupa! Aling Mema naman nakakagulat kayo. Bigla-bigla kayong sumusulpot dito sa harap ko,” asik ko sa landlady naming na nakatingala sa akin.
“Naku, iha kanina pa kita tinatawag ikaw itong tulala at hindi man lang ako naririnig. Papasok ka na ba?”
“Opo. May problema po ba?”
“Ah wala naman. Medyo kapag gabi na iwasan niyo nalang ang masyadong mag-ingay dahil puyat lagi ang katabi niyong unit.”
“Ay ganon po ba. Sige po sasabihan ko din si Diwa. Naku ang ingay pa naman naming lagi, Aling Mema.”
Kahit nakikipag-usap ako sa kanya ay abala ang mata ko na hanapin ang lalaking dumaan sa harap ko kanina. Kahit nga sa hagdanang tinatahak ko ay naiiwan ang bango niya para tuloy akong naging aso sa gawin ko ngayon.
Nagpaalam lang ako kay Aling Mema bago dumiretso na sa paradahan ng trickle papunta sa kanto. Saka ko na ulit hahanapin si Koya dahil baka sakaling bukas ay magtagpo na ang landas naming dalawa. May kailangan pa akong daanan bago ako pumasok. Kinuha ko lang ang uniform kung naiwan bago ako dumiretso ng Farview Mall. Mabuti nalang at ilang kanto lang ang layo nito sa bahay. Kahit mahal ang unit na nakuha naming ay worth it na rin kasi nga malapit sa laaht at hindi nakakatakot mag byahe pauwi.
Pagpasok palang sa employees entrance ay puno na agad dahil sa mga nakapila para mag-aaply. Naalala ko tuloy nang unang beses akong mag-apply dito. Parang gusto ko nang kainin ng lupa sa sobrang kahihiyan ko sa maraming tao. Over dress lang naman ang lola niyo nang pumunta ako dito. Nawala sa isip ko na sales lady pala ang aaplayan ko at hindi manager. Tinawanan tulyo ako nang lahat pati na rin ang mga interviewer naming. Mabuti nalang kahit ganoon ay natanggap pa din ako at hindi umuwing luhaan.
“Good morning, Roseane! Opening ka?” tanong ng isang promo na naging kaibigan ko na din.
“Oo. Yie… magkasama pala tayo.”
Tuwang-tuwa kaming nag-apir bago pumunta sa kanya-kanyang lamesa para mag-ayos ng mukha. Kailangan kasi nakaayos ang mukha at buhok naming. Pag hindi kita ang make-up mo at may lumaylay sa buhok mo ay penalty na agad. Ang mahal pa naman ng bayad. Sayang pang milk tea ko na din ‘yon.
Isang beses ko pang pinasadahan ang mukha at uniform ko bago ako nagtime in.
Weekend ngayon kaya maraming tao ang mall. Kapag maraming tao ay nagkakaroon kami ng pagkakataon na mapagpahinga sa kakatayo dahil makakaupo kami kapag nag-aayos ng mga display. Iyon nga lang maya’t maya din ang ayos mo. Idagdag pa ang walang tigil na tanongan at pag-assist sa kanila. Hindi naman sa ayaw o nagrereklamo pero iyong ang tagal mong inassist tapos hindi pala bibili. Kakapagod kaya ‘yon.
“Pssst! Pssst!”
Nilingon ko ang tumatawag sa akin. Nakailang ikot pa ako bago ko nakita si Diwa na kumakaway na at sinesenyas ang relo niya. Pagtingin ko sa relo ko ay alas dos na pala ng hapon. Hindi ko na namalayang lunch na pala. Ang busy ko masyado akala mo naman ang laki ng sinasahod ko.
“Debby, lunch lang ako ah!” tawag ko doon sa isang kasama ko dito.
Puro kasi bag ang toka naming dalawa. Siya naman ay doon sa kabilang side. Mabuti nalang at hindi ito mabusisi gaya ng damit. The last time I was assign on that aisle I really wanted to curse my manager that time. I was so exhausted fixing the children’s clothes on the rack. Gusto ko nalang silang lahat ihanger para wala ng bubuklatin ang mga tao.
“Woi, nalipasan ka na naman ng gutom kaya tumatawa kana mag-isa,” kalabit sa akin ni Diwa habang naglalakad kami palabas.
Hindi kami kumakain sa canteen ng mall kasi mahal ang pagkain. Idagdag pang hindi naman masarap ang luto. Minsan nagbabaon naman ako kapag nakakapagluto ako pero madalas ay mga de-lata lang. Hindi pa ako magaling magluto kaya hindi pa ako pwedeng mag-asawa.
“Hindi pwedeng may nakita lang akong nakakatawa? Ang sama agad ng iniiisip mo sa akin,” irap ko sa kanya bago naglakad palapit sa lamesa ni Ate Techie. “Te, sarap ng ulam natin ah! Wala kang bagoong?” nakangisi kung tanong sa kanya ng makita ko ang baon niyang ulam.
Hindi ko mapigilang mapalunok nalang habang nakatingin sa ulam niyang talbos ng kamote, okra at talong. Noon hindi ako kumakain ng mga ganitong pagkain bukod sa hindi ko rin talaga alam ‘to. Pero nang pumasok ako sa trabahong ‘to ay natuto na akong kumain ng mga bagay o putaheng hindi ko alam na nag-iexist na pala noon pa man.
Napangiwi ako ng hampasin niya ang kamay ko nang akamng kukuha ako ng pagkain niya. “Maghugas ka muna ng kamay. At ano ako na naman kakain ng pagkaing bibilhin mo?”
Nagpeace sign lang ako sa kanya bago tumayo at pumunta na sa tabi ni Diwa. Namili lang ako at inabot sa kanya ang pambayad sa pagkain ko bago ako pumunta sa lababo para maghugas ng kamay. Ayaw kasi ni Ate Techie ang ganoon dahil nakakawala daw ng manners. Minsan naalala ko sa kanya ang Nanay ko sa pagiging masungit niya.
“Roseane! Hindi kita nakita sa taas ah! Busy ka din?” tanong ni Rosette na isa din sa mga naging kaibigan kung Saleslady.
“Oo. Ang dami kayang tao tapos ang daming ligpitin alam mo na.”
“Naku, Roseane sabi ko naman sayo tawagin mo ako kapag kailangan mo ng tulong sa aisle mo. Para akong si Superman kahit gaano karami ang tao maririnig ka,” singit ni Miguel.
Isa din ito sa mga naging kaibigan ko. Madalas kaming nakakapagkulitan lang kapag sabay-sabay kaming nagtatanghalian. O di naman kaya ay kapag nagkakaayaan kapag tapos ng shift namin. Madalas ay iyon lang ang oras dahil nga sa haba ng oras ng trabaho dito sa pinas. Kahit pagod kana kailangan mo pa ring magtrabaho kasi kasama ang oras na ‘yon sa binayad sayo. Samantalang sa ibang bansa ang walong oras natrabaho dito ay katumbas lang ng isang oras minsan nga ay wala pa.
“Naku Miguel tigilan mo ako sa pagkasuperman mo. Kaya pala nakakailang ulit na akong tawag sayo para sa bagong stocks ay wala naming Super Miguel na dumarating sa akin,” tukso ni Rosette dahilan para magtawanan kami.
Pagbalik ko ay kumakain na si Ate Techie at Diwa. Hindi man lang ako inantay napakwento lang naman ako ng kaunti ay nakalimotan na nila ako. Gaya ng sabi ni Ate Techie ay siya nga rin ang kumain ng binili kung pagkain at ako ang kumakain ng baon niya. Parang ayoko na ngang mamigay dahil nga bihira lang naman ako makakain nito. Natapos ang lunch break ko na ang sakit ng tiyan ko dahil sa dami ng nakain ko idagdag pa ang walang katapusang kwentohan at tawanan. Pati ang ibang katabing mesa ay nagwiwelga na sa kaingayan ko daw.
“Roseane, pa assist nalang si Sir. Naghahanap daw siya ng bag na pangregalo,” tawag sa akin ni Rosette.
Nakasunod sa kanya ang isang lalaking nakatakip ang hood ng jacket sa ulo. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kaya medyo creepy tingnan.
“Sir, anong klase po ng bag ang hanap niyo? May preferred po ba silang kulay o brand?” tanong ko sa kanya.
“Any brand will dp. But I need something that can be used on outdoor activities like hiking or camping something like that,” sagot nito sa baritonong boses.
Ang pogi siguro nito. Boses palang parang nagtatayoan na ang balahibo ko eh. Parang gusto ko nalang siyang kausapin at ientertain maghapon na para bang lahat ay gusto ko nalang itinda sa kanya. Ang bago-bango niya pa. Lumalandi kana naman Aglaea Roseane ah!
“Ito po ang avail naming—“
“Miss, can you please move your butt in front of me? I don’t know what’s your selling if your butt or this bag. You should be moving with grace and carefully for pete’s sake!”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko naman kasalanan na kailangan kung tumuwad para kunin ang iba pang bag. At hindi ko rin naman kasalanan na nasa likod ko siya nakatayo hindi ba? Pero kung magsalita siya ay para bang ako pa ang mali sa lahat ng sinabi niya.
“Sir kung may problema po kayo huwag niyo po akong idamay. Nagtatrabaho po ako ng maayos dito,” magalang ko pa ring saad sa kanya.
Gustohin ko man siyang bastosin ay ayoko pa rin naming mawalan ng trabaho. Kaya hangga’t maaari ay gusto ko pa ring ibigay ang paggalang na deserve niya. Sabi nga kahit anong mangyari ay huwag naming patolan ang mga customer namin.
“I don’t see that. Ganyan ba ang training na ginawa sa inyo? I don’t see that you’re an effective saleslady for me. It would be best if you trained more. Base kasi sa nakikita ko hindi mo deserve ang kung anong posisyon meron ka ngayon!” Naikuyom ko ang mga kamao ko sa tinuran niya sa akin.
Simpleng mga salita lang ang sinabi niya pero parang natulos na ako sa kinatatayoan ko. Absorb na absorb ko ang bawat salitang binitawan niya. For the first time in my life, I received the most insulting words about my job. Hindi ako sana’y sa ganitong pakiramdam, but this f*****g asshole slap me hard on the face with his words. He makes me feel how incapable I am in front of him.
Para bang sa mga simpleng salita niyang iyon ay buong pagkatao ko na ang nilait niya. Hindi ko tuloy alam kung iiyak ako o tatalikod nalang at iwan siya doon.
“Hindi man ako ganoon kagaling para sayo pero alam kung ginagawa ko ang trabaho ko ng tama base sa mga taong natutuwa sa serbisyo ko. Tatawag nalang po ako ng ibang mag-aassist sa inyo, Sir,” saad ko bago umalis sa pwesto ko at tinawag si Debby para pumalit sa akin.
Masyado akong mahal ng mga magulang ko para ibaba ko ang tingin ko sa sarili ko dahil lang sa iisang taong niyuyurakan ako.