CHAPTER 1

2095 Words
CHAPTER 1       MALALAKI ang hakbang ni Yza papasok sa bakuran ng mga De Lorenzo matapos niyang makababa ng taxi. Ito ang pangalawang araw na papasok s’ya sa pagkalaki-laking bahay at bakuran na wala namang tao kundi mga katulong, bodyguards at ang kaisa-isang amo ng mga iyon na si Mister Adamson Rix de Lorenzo, na hindi pa niya nakikita ni nasulyapan man lang sa halos tatlong taon na pamamalagi ng lola niya sa mansyon bilang isang mayor doma. Ayaw din kasi s’yang papupuntahin ng lola niya kasi may pagka-istrikto raw ang amo nito at ayaw ng ibang tao. Noong una s’yang mapunta roon ay hindi alam ng lola niya at papaalis naman para mag-out of town ang amo nito na hindi niya nakita ni dulo ng anino ng buhok. Nai-excite pa naman s’ya sa hitsura kasi ang sabi ng mga katulong doon na iba ay sobrang pogi ng señorito Adam daw na iyon kahit na may pagkatahimik at laging seryoso, kaya ang tapang ng mukha.  Ngayon ay may sakit naman ang lola niya kaya naroon s’ya. Nakita niyang sarado ang main door kaya sa may dirty kitchen s’ya pumasok sa gilid ng bahay,at sa biglang pagliko niya ay nabundol niya ang isang pader. “Ay!” napapikit pa s’ya ng mariin nang sumalpok ang kabuuan niya sa bagay na binagga niya, pero nang magmulat s’ya ay hindi iyon pader. Tao! Natutop ni Yza ang bibig nang makita ang hubad na katawan ng isang lalaki na basang-basa ng pawis pero ubod ng bango. May ganoon palang tao? Nagpapawis ng pabango? She involuntarily looked down and saw him only wearing a boxer. The man’s bulging s*x was vividly exposed and was boastful. Tila nagmamayabang iyon sa kung kaninong makakakita. Anong sinabi ng mga modelo ng briefs at boxers sa mga sikat na magazine? Wala. Hesus! Nakagat niya ang labi dahil sa hiya. She had never seen a man almost naked as close as this man; at kung bakit naman sa ibaba s’ya tumingin ay di namula tuloy ang mga pisngi niya sa nakita ng inosente niyang mga mata. Napatingala na Yza at kamutik na s’yang himatayin sa kagwapuhan na bumungad sa paningin niya, a perfect stranger in her very eye. Matalim tumitig ang mga mata ng lalaki na kulay green pero nakakaakit. Ang ilong ay matangos at ang labi na parang nang-aakit na halikan o parang palaging manghahalik. He has manly facial hairs which make him look like a god from a typical TV series about mythology. Sobrang gwapo! She wanted to think he's a driver but no, he's too handsome to become a driver. Ito kaya ang sinasabing Señorito Adam? Diyos ko! Ke gwapo namang totoo. Kaya pala kinikilig at mala puso-puso ang mga mata ng mga katulong noong magkwento sa kanya nang unang beses s’yang mapadpad sa mansyon na ay dahil kakikiligan naman talaga. Napakurap-kurap pa s’ya at bahagyang umatras nang kaunti. “S-Sorry po.” alanganin na mapayuko si Yza kasi ang sasalubong sa mata niya sigurado ay ang kaumbukan nito sa loob ng boxer kaya diretso na lang s’yang tumingin sa mga mata nito. The corner of the man’s lips ascended lightly, as in sobrang light na hindi pansin na ngumiti, pero kasabay noon ay ang pagguhit ng misteryosong pagtitig ng matiim ng binata sa kanya kaya kinilabutan s’ya. Biglang napunta ang mga mata ni Yza sa isang babaeng naka-green na bestida sa may gilid ng pader at nag-aayos ng sarili. She even saw the woman wore a panty, at ang damit ay nakababa hanggang sa may tiyan. Kita ang dibdib ng babae na kalaunan ay inayos ang bra at tila walang pakialam sa mundo. May pera sa ibabaw ng bag na nakapatong sa isang wooden stool at libo iyon. Natutop niya ng dibdib sa senaryo. Anong ginawa ng dalawa sa dirty kitchen at ganoon ang hitsura ng babae? Nagjajack en poy? “E-Excuse m-me po.” aniyang hindi maitikal ang mga mata sa babaeng walang pakialam kahit na nakita niyang nakabuyangyang ang katawan. Pawis din iyon at nagawa pang pahiran ang tissue sa binti na parang may tumutulo na kung ano. Sinarili niya ang pag-iling pero agad din na natakot. The man si dangerous and she’s very sure of that. Ni hindi na siya nakatingin sa mukha ng lalaki dahil sa nerbyos at saka s’ya nagmamadaling tumalikod at malalaki ang hakbang na naglakad papalabas ng dirty kitchen. The problem is, saan s’ya daraan? Bakit naman kasi nasa labas naglalampungan ang dalawa? Sino ba ang lalaking iyon na berde ang mga mata? Bigla tuloy dumagundong ng nakabibingi ang puso niya at wala sa loob na nalingon niya ang lalaki na nakasunod pa rin ng paningin sa kanya. Nang magsimula iyong humakbang papasunod sa may nilalakaran niya ay kumaripas s’ya ng takbo papunta sa harap bahay. “Lolaaaa!” sigaw niya na parang limot pa si Yza na paanong babangon nga ang lola niya ay may sakit nga at nagpapahinga. “Ate Isay! Ate Perla! Ate Cora!” sigaw pa niya sa may main door sa pangalan ng mga katulong doon. Baka abutan s’ya ng lalaki at gahasain. Nakakatakot naman kasi sa pakiramdam niya. Iyon ba ang tinatawag na s*x? Ang ginawa ng dalawa? Hubad ang babae at hindi niya aktwal na alam kung paano iyon ginagawa pero batay sa hitsura ng babae kanina na nalalilis ang laylayan ng bestida at naipon sa baywang ang damit, alangan naman na nagtumbang preso ang dalawa sa dirty kitchen? Napasinghap s’ya nang bumulaga sa may bukana ng maliit na labasan ang lalaki. He's smiling devilishly, na kahit tipid na tipid ay kitang - kita naman niya na parang natutuwa pa ito na naabutan niya sa ganoong senaryo ang kalandian nito. Ang pogi-pogi sana kaso naman ay mukhang mahilig at mukhang papatay ng tao palagi. Ang mga mata ay parang ang daming itinatagong kung anong mga maiitim na sekreto at katarantaduhan sa katawan. “You wanna come inside, Yza?” tanong pa nito sa kanya sa maharot na paraan. Maski ang boses ay buo at puno ng awtoridad at kapormalan. Paanong kilala s’ya ng lalaking ito? ‘Di naman niya ito kilala. Hindi pa sila nito nagkikita at tiyak niya iyon pero manghuhula yata ito na alam ang pangalan niya. Isang marahan na tango ang isinagot niya at sa pagkagulat niya ay bumukas nang kusa ang pinto nang tumapat ito mismo roon. Alanganin pa s’yang lumapit pero bago s’ya makapasok ay bumungad na ang babaeng nakabestida sa may pinanggalingan ng binata. “When will be the next, Adam honey?” tanong ng babae na nakangisi pa at paseksing naglalakad suot ang sapatos na may napakataas na takong. Natingnan niya ang lalaki na direktang nakatutok ang mga mata sa babae. Susko talaga! Ito na nga ang Señorito Adam nila. Malantod pala at mahilig ang lalaki. Wala sa loob na napatigil s’ya sa paghakbang papasok at kung bakit naman interesado s’yang marinig ang isasagot ng lalaki. Magnobyo yata ang dalawa. “No next time. This will the first and last. You're paid, get the hell out of my sight, woman.” matitigas na sagot nito sa babaeng ubod pala ng ganda sa aktwal kapag nakaharap. Grabe, harapan na pinalayas. S’ya ang nagmamadaling lumayas sa may harap ng binata dahil baka mamaya ay palayasin din s’ya tulad ng paraan ng pagpapalayas sa babae. Nakakahiya. Mas’yadong bossy ang dating. Among - amo ang dating ng Señorito Adam niya. Aalamin muna pala dapat kung saan lulugar dahil tiyak ay manliliit ang tao kapag nakipantay dito. Muli niya itong nalingon at nakatingin na naman ito sa kanya kaya nilakihan niya ang mga hakbang papunta sa kusina kung saan naroon ang maid's quarter. Ang babae na iyon ay nakita na niya. Limot s’ya kung saan pero nakita na niya talaga. Oh I knew it! Former beauty queen ang babae. Kasali iyon sa Bb. Pilipinas dalawang taon na ang nalalilipas, at nakokornahan na Bb. Pilipinas International. Kaya pala ubod ng ganda at sexy dahil beauty queen. “Yza.” napaitlag pa s’ya nang tawagin pa s’ya ng lalaki sa may likuran niya. Yza stopped from walking and tilted her head to the side, embracing her bag. “P-Po?” Ninenerbyos na tanong niya. Nakatayo ito sa may bukana ng dining room at mataman siyang pinagmamasdan. “How old are you?” tanong nito sa kanya. Ewan naman kung bakit nanlalamig ang mga kamay niya. Siguro dahil napala intimidating ng dating nito at napakagwapo na para bang kapag inihalo sa karamihan ay magsa-stand out pa rin ang hitsura sa lahat. He’s tall, sexy and handsome, very manly and there's no trace of fear in his defined and prominent fierce but alluring face. “Magtu-twenty po.” aniya na yumuko pa nang kaunti. Hindi na s’ya makatingin ng diretso sa mga mata nito dahil parang lalong nanginginit ang pagkakatitig nito sa kanya na para bang anumang oras ay malulusaw na s’ya na parang bakal na dinarang sa init. “Are you afraid of me?” usisa pa nito at umarko ang mga dark brown na kilay. Umiling s’ya habang nakayuko pa rin, pero nagsimula na namang kumabog ang dibdib niya nang mapansin na humakbang ito papalapit sa kanya pero napatigil nang sumulpot sa likuran niya ang isang kasambahay na si Perla. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang matalim na pukol nito ng tingin sa katulong. “Oh nandito ka na pala, Yza. Naroon si lola Eli sa kwarto.” aniyon sa kanya kaya nilingon niya ang babae. “H-Ha? O-Oo.” ewan niya kung bakit naman bigla ay nagkadepekto na ang pananalita niya at dahil lang iyon sa nakita niya kaninang hubad na babae at pagkakabundol niya sa pawisan na katawan ng isang gwapong lalaki. Tumingin s’ya kay Adam na nakatayo na sa may mesa at mga dalawang dipa na lang ang layo sa kanya. Mataman itong nakamasid sa kanya nang pailalim. Para itong isang serial killer sa isang pelikula sa TV na ang daming itinatago na lihim sa likod ng gwapo at mapang-akit na mukha. “N-Nariyan po pala kayo señorito. Maglilinis lang po ako sa kwarto niyo.” anang ate Perla niya pero tumaas ang isang kamay ni Adam para patigilin ang babae. “Dahil may sakit si Manang Eli, I want Yza to clean my room a little later.” anito sabay talikod at naglakad papalayo. Napatitig s’ya sa pang-upo ng lalaki na sumasabay sa paglakad nito. Lalaking gumalaw pero umiindayog ang balakang na parang isang modelong rumarampa sa isang fashion show ng mga lalaki. Bakit s’ya ang maglilinis sa kwarto nito? Nakagat niya ang daliri nang tambulin na naman ang dibdib niya. Baka mamaya ay gahasain s’ya ng lalaki. Pero imposible naman dahil ang ganda-ganda naman ng babae na kasama kanina na ipinagtabuyan nga lang. S’ya pa ba naman ang gagahasain nito na ordinaryong babae na nga, mahirap pa at average lang ang hitsura? “Parang ang s-sungit niya ate Perla.” Hinawakan niya ang braso ng may edad na babae pero ngumiti lang iyon sa kanya. “Hindi naman. Hindi lang palaimik ‘yan. Kapag hindi ka kinausap, ‘wag mo lang kakausapin dahil kapag mainit ang ulo niyan, sigurado sisigawan ka. Pero kapag tahimik ka naman, kahit galit ‘yan ay ‘di ka na lang niyan papansinin. Gan’yan ang ugali niyan. Ayusin mo lang kasi matagal kang titira rito. May sakit ang lola mo at swerte na ang dalawang linggo bago ulit s’ya makapagtrabaho.” aniyon sa kanya. Tumango na lang s’ya. Iyon naman talaga ang dahilan kaya pinapunta s’ya roon ng lola niya. Pansalamantala ay gusto ng lola niya na s’ya ang gagawa ng trabaho niyon habang may sakit pa, tuwing darating s’ya galing sa eskwelahan. Balewala naman iyon sa kanya basta gumaling lang ang lola niya dahil kapag nawala pa ang matanda, baka hindi niya kayanin pa. Hindi pa naman katandaan sana, fifty seven pa lang pero mukhang malubha ang dinadaing na sakit. Plano niyang ipatingin iyon sa duktor kaya lang ipapaalam na muna niya iyon sa señorito nila kung papayag ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD