bc

The Unnoticed Wife

book_age18+
231
FOLLOW
1.1K
READ
love after marriage
pregnant
submissive
drama
bxg
wife
naive
Neglected
like
intro-logo
Blurb

[Taglish]

Sariyah Natalia Alonzo was a good wife. She did nothing but to love her husband. She was faithful and obedient, but then, it wasn't enough to make her husband give her the love that she deserve. He doesn't even recognize her as his lawfully wedded wife.

She was trying her best to earn his husband's love. Pilit na umaasa sa kakarampot na atensiyon na ibinibigay sa kaniya nito kahit pa puro sakit lang naman ang nakukuha niya.

She was hoping that one day, she won't be just the unnoticed wife.

chap-preview
Free preview
Introduction
"B-Buntis ako, Zeus…" Puno ng takot na sambit ni Saya sa kaniyang asawa. Halata iyon sa panginginig ng kaniyang boses, ngunit sa kabila n'on ay umaasa siyang sa pamamagitan ng sinabi niyang iyon ay magbabago ang pakikitungo sa kaniya ng kaniyang asawa. "So what?" He said coldly. Dalawang salita lamang iyong pero sapat na para durugin ang puso ni Saya. She closed her eyes tightly to stop herself from crying in front of a man who did nothing but hurt her. Ni minsan, hindi nito kinilala si Saya bilang legal niyang asawa. To him, she's just nothing — like a shadow in the dark. Just like the wind — felt but unseen and always unnoticed. Walang kuwenta at parausan lang kapag kailangan. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Magpa-party ba dapat ako? Did I fail to remind you to always drink contraceptives? What happened to you again, Sariyah?!" Bulyaw nito sa kaniya. Dapat ay nasanay na siya sa gan'on pero sa loob ng isang taon ay ramdam niya pa rin iyong takot sa tuwing napagtatasan siya ng boses ni Zeus. "S-Sorry…" Iyon na lamang ang nasabi ni Saya. Gustong-gusto ng tumulo ng mga luha sa kaniyang mga mata pero pinipigilan niya iyon sa kadahilanang mas lalo lang maiinis sa kaniya si Zeus. Ilang mura pa ang narinig niya mula sa kaniyang asawa bago siya nito iniwan. Doon lamang nagkaroon ng pagkakataong mabigyang laya ang mga luha ni Saya ni ilang sandali niya ring ikinulong sa kaniyang mga mata. Her mother never failed to remind her na iwan na ang kaniyang asawa. She deserves better she said, but then, she doesn't want to break her promise to her father. Iyon na lamang ang nagsisilbing kapit niya para magpatuloy kahit pa durog na durog na ang kaniyang puso sa lahat ng ginagawa sa kaniya ni Zeus. Pasalamat na nga lang siya at hindi siya nito sinasaktan physically, but then again, words are more powerful most of the time. Sa isang salita lamang, maraming puso at pagkatao ang maaaring masaktan kagaya ni Saya na wala namang ibang ginawa kung hindi ang maging masunurin, tapat at mabait na asawa kahit na kulang na lang ay isumpa na siya ni Zeus sa tuwing nakikita siya nito. Kung nakakayaman lang siguro ang pag-iyak ay naiahon na niya sa hirap ang kaniyang Ina. Matagal na sana nitong iniwan ang buhay na matagal na nilang tinatakasan. Kaya rin siguro hindi siya ma-respeto ni Zeus dahil sa trabaho niya noon. Inaamin ni Saya na nagtrabaho siya noon sa bar pero hindi bilang isang bayaran. She worked there as a waitress, madalas mabastos pero wala siyang magagawa dahil iyon lamang ang puwedeng mapagkakitaan niya noon lalo pa at hindi siya nakapagtapos sa highschool. Mahirap ang buhay at ginipit din sila noon ng landlady sa inuupahan nila na siya rin namang nagpasok sa kaniya sa isang bar. Gayunpaman ay hindi siya pumayag na magpabayad para sa panandaliang aliw kahit pa ilang beses na siyang napagkamalan. Marumi ang tingin sa kanila ng mga tao, pero ano pa nga bang magagawa niya? Hindi niya naman hawak ang isip ng mga ito. Kung gan'on na talaga ang paniniwala ng mga taong mapanghusga, hindi na niya kayang kontrolin pa iyon. "Nasigawan ka na naman ng asawa mo 'no?" si Nanay Telma iyon. Nanay ang tawag niya dahil para niya na rin naman itong Ina. Mabait ito sa kaniya at ito rin ang isa sa mga napagsasabihan niya ng mga problema at hinanakit niya sa buhay. "N-Nay..." she immediately crawled to Nanay Telma and hugged her tight para doon na rin kumuha ng lakas sa katatapos lamang pagdaranas niya. "Naku, hija... ako na ang naaawa sa'yo, e. Ilang beses ka pa bang kailangang masaktan para iwan mo na ang asawa mo? Iyang pagmamahal mo sa kaniya, pagiging martyr na, e. Hinahayaan mo lang na tratuhin ka niya na parang basura," anang matanda habang hinahagod nito ang kaniyang likod. Nagpatuloy sa pag-iyak si Saya hanggang sa maubos na lang din ang kaniyang mga luha. Nandoon pa rin iyong sakit, pero alam niyang hindi iyon magiging sapat para iwan niya si Zeus. "Tapos narinig kong buntis ka pa. Saya naman... kailan ka ba magigising sa katotohanan na hindi asawa ang tingin sa'yo ni Ser? Hindi ka naman bulag anak, hindi ka rin pipi pero bakit nandito ka pa rin at pinipiling saktan ang sarili mo?" Kahit ano'ng pilit niya, alam niyang babalik at babalik pa rin siya kay Zeus. Paulit-ulit din kasi niyang naririnig ang pangakong sinabi niya sa kaniyang ama na kapag nag-asawa siya, iyon na iyon. Na magiging masaya siya at makakabuo ng isang masayang pamilya. Ayaw niyang biguin ang kaniyang ama lalo pa at iyon na lamang ang paraan niya para makabawi rito kahit pa patay na ito. "Kung ako sa'yo, hihiwalayan ko na iyong si Ser. Marami namang lalaki riyan, anak. Hindi lang ang asawa mo. Sa bait mong 'yan, sigurado akong may mas deserving sa pagmamahal mo. Hindi ko na kasi kayang makita kang palagi na lang umiiyak kapag nasasabihan ka ni Zeus ng kung ano-anong mga salita. Kahit naman amo natin iyang si Ser at wala akong karapatang manghimasik sa buhay mag-asawa niyo, alam kong hindi pa rin maganda at tama ang trato niya sa'yo," dagdag pa ni Nanay Telma. "P-Pag-iisipan ko po," labas sa ilong na ani Saya. Alam niyang isa iyong kasinungalingan pero pinili niya pa ring sabihin para kahit paano ay mapanatag naman si Nanay Telma na panay ang kumbinsi sa kaniya na iwan na si Zeus dahil sa trato nito sa kaniya. "Oh siya, umayos ka na at ako'y magtatrabaho pa. Buntis ka kaya dapat hindi ka na-stress. Pumunta ka muna sa garden at magpahangin doon. Tama na ang kaiiyak at baka mapano pa ang anak mo," paalala niyo sa kaniya bago siya nito hinalikan sa noo. Sinunod ni Saya ang bilin sa kaniya ni Nanay Telma. Nagtungo nga siya sa hardin upang maiwaglit sandali iyong nangyari kanina, pero parang hindi pa yata iyon ang katapusan ng pagdurusa niya ngayong araw dahil sa narinig niyang tinig na mula sa kaniyang likuran. "The nerve of you to just sit there and relax? Ano ka rito, santa santita? You get up there dahil papunta rito ang mga kaibigan ko. We'll be having a party and I need to to help the maids to their job. Huwag kang pa-relax diyan at hindi bagay sa'yo!" It was Trisha — ang bunsong kapatid ni Zeus na sa bahay ng kaniyang asawa nakatira. Sa gulat ni Saya ay hindi niya alam kung ano ang gagawin. Palagi itong masungit at galit sa kaniya pero hindi pa rin siya sanay. Madalas din siya nitong tratuhin bilang isang katulong at hindi na lang siya pumapalag para walang gulo. "S-Sige. Uhm... sandali lang at magbibihis ako ng damit. S-Sayang kasi 'tong suot ko..." she said as she scanned her dress. Regalo pa iyon ng kaniyang ama at pinili niyang isuot ngayon dahil sa pag-aakalang magugustuhan ni Zeus ang balita niya pero hindi naman pala. "Magbibihis ka pa, e mukha rin naman iyang pangkatulong. Huwag na! Bilisan mo na lang at dalhin mo rito iyong mga upuan na nasa labas!" Halos mapaatras si Saya sa lakas ng boses na iyon ni Trisha. Mabilis ang kabog ng kaniyang dibdib ng iwan niya roon si Trisha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook