TUW: Chapter 1

1038 Words
TUWChapter1: Anger Kagaya ng inutos ni Trisha, walang nagawa si Saya kung hindi ang tulungan ang mga kasambahay sa pag-aayos sa hardin kung saan gaganapin iyong party kasama ng mga kaibigan nito mamaya. Kahit pa nga nakikita naman ni Trisha na may ginagawa si Saya ay panay pa rin ang utos niya rito na para bang tuwang-tuwa ito kapag nakikita siyang nahihirapan. Gan'on na lang din kung maka-ilag si Saya dahil natatakot siya na baka matamaan ang tiyan niya at baka kung ano pa ang mangyari sa baby nila ni Zeus. Kahit naman kasi hindi tanggap ni Zeus ang pagbubuntis niya, hindi ibig sabihin n'on na pababayaan niya na lang ang buhay na dala niya. Kahit naman ayaw ni Zeus sa bata ay pinili rin ni Saya na akuin iyon kahit pa nasasaktan din siya para sa anak niya. "Ang kupad mo namang gumalaw, Saya! Kapag talaga 'to hindi natapos bago dumating ang mga kaibigan ko, lagot ka sa akin!" Iitadong untag sa kaniya Trisha bago ito padabog na nagmartsa paalis doon nang nakasimangot. Napabuntonghininga na lamang si Saya bago nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Iyong pagdidisenyo ay hindi naman na niya trabaho. Bale pagbubuhat lang at pag-aayos ang gagawin niya an dapat hindi niya naman ginagawa kasi hindi naman siya katulong doon. Asawa siya ni Zeus, pero parang hindi. She wasn't treated the way she should be. "Ang sarap kurutin sa singit nung si Trisha, e. Kung ako ang ginaganyan-ganiyan niyang batang 'yan, naku sinasabi ko sa'yo. Pareho lang sila ni Sir, e. Kung hindi ko lang kailangan ng pera at trabaho, umalis na rin ako rito," si Raisa naman iyon. Isa rin sa mga kasambahay sa mansion. "Hayaan mo na. Baka naman kasi may pinagdaraanan at nasanay sa ganoong trato sa kaniya ng mga magulang nila. Naniniwala naman akong mabait siya." Sa sinabing iyon ni Saya ay napailing na lamang si Raisa kasabay ng pag-irap nito. "Jusmiyo, Saya. Diyan ka nadadale, e. Sa sobrang kabaitan at lawak ng pag-intindi mo riyan sa asawa mo at kapatid niyang maldita, inaabuso ka na nila. Ang sarap mo rin minsang i-untog kasi baka doon ka magising," anito sa kaniya. Saya swallowed the bile on her throat. Ilang sandali rin niya iyong inisip bago siya ngumiti kay Raisa. "Basta. Hayaan niyo na lang ako. Kinakaya ko pa naman. Hangga't hindi naman ako sinasaktan physically, siguro kakayanin ko naman lahat..." Ngumiti ito ng pilit kay Raisa na napahilamos na lang sa kaniyang palad sa kaniyang mukha. "Kami na rito, Saya. Umakyat ka na roon sa kuwarto niyo ng asawa mo at magpahinga. Nakita ko namang umalis na si Trisha kaya puwedeng hindi ka na tumulong dito," sabi ni Nanay Telma sa kaniya ngunit kaagad na umiling si Saya. "H-Hindi na po. Nandoon po kasi si Zeus at baka hindi niyo rin matapos ito kaagad. Mas malalagot po ako kung sakali kaya tutulong po ako hanggang sa matapos para po mabilis. Kahit iyong mga magagaan na trabaho na lang po, 'Nay Telma..." ani Saya na animo'y nakiki-usap. Sa huli ay pumayag na rin naman ang matanda dahil totoo naman iyong sinasabi ni Saya. Saksi rin sila sa lahat ng paghihirap ni Saya sa loob ng isang taon niyang pamamalagi sa mansion ng mga Valderama. Inayos niya na lang iyong mga upuan. Sinigurado niyang nasa tamang ayos ang mga ito. Alam niya kasing perfectionist si Trisha at mahirap i-please kaya madalas siya nitong masigawan sa kaunting making kilos. Kaya namang tiisin din iyon ni Saya dahil gusto niyang mapalapit man lang ang loob sa kapatid ni Zeus. "Tapos na po ako sa mga upuan, 'Nay. May ipagagawa at maitutulong pa po ba ako diyan?" tanong ni Saya sa matanda nang lapitan niya ito. Naka-ilang pilit man siya ay hindi pa rin pumayag si Nanay Telma na tumulong siya kaya sa huli ay sinunod niya na ang gusto nitong umakyat na sa taas. Patapos na rin naman kasi iyong gawain sa baba kaya ayos na rin siguro kung aalis siya at magpahinga. Ngunit nang nakarating siya sa tapat ng pinto ng kanilang kuwarto ay isang malalim na paghinga muna ang ginawa ni Saya. She held the door knob, but stopped when she thought of knocking first. Noong walang sumagot ay saka lang siya naglakas loob na pasukin na iyong kuwarto. Daig pa niya ang magnanakaw kuny madahan-dahan sa kaniyang paglalakad si Saya. Ingat na ingat lalo pa nang nakita niyang mahimbing na natutulog si Zeus sa kanilang kama. Gan'on na lamang ang tahip ng kaniyang dibdib habang sinusubukan niyang maupo sa kama, sa gilid ni Zeus, pero kahit anong pag-iingat niya, laking gulat na lamang ni Saya nang nagising si Zeus at kaagad itong nasigawan. "Hindi ka ba marunong rumespeto sa taong natutulog? Sobrang desperada mo na ba kaya kung ano-ano na naman ang naiisip mong gawin?!" malakas na bukyaw at paratang nito sa kaniya na kaagad namang itinanggi ni Saya sa pamamagitan ng pag-iling. "M-Mali ang iniisip mo, Zeus... magpapahinga l-lang naman ako. Uh... hindi ko naman balak na gawan ka ng hindi mo g-gusto—" Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ang tumama na sa kaniyang mukha ang unan na ihinagis sa kaniya ni Zeus. "Could you stop taking? Imbes na natutulog ako, naririnig ko pa 'yang boses mong nakakairita. Kung gusto mong magpahinga, huwag kang nang-iistorbo ng ibang tao!" Zeus exclaimed that made Saya taken aback. Nanlalaki ang mga mata ni Saya habang dali-dali niyang pinulot iyony unan na nalaglag sa sahig. "S-Sorry ulit. Sa... sofa na lang ako matutulog," ani Saya saka ito kabadong umalis sa harapan ni Zeus na galit ang mga matang pinagmasdan siya hanggang sa makaupo na siya sa sofa na nasa paanan ng kama. Sa sobrang gulat ni Saya sa pagsigaw sa kaniya ni Zeus ay ilang sandali rin siyang nakatitig lamang sa kawalan habang panay ang paglunok sa bara sa kaniyang lalamunan. She also but the inside of her cheek para pigilan ang sarili sa muling pagbabadya ng iyak. Ilang beses niya na ring tinanong ang sarili niya ngayong araw kung ilang beses ba niya kailangang umiyak. Ilang beses pa ba dapat siyang mabulyawan at masabihan ng mga masasakit na salita at ilang mura pa ba ang aabutin niya mula sa kaniyang asawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD