OBTPD 3-TALIYAH'S 18TH BIRTHDAY

2240 Words
Sumapit na ang ika-labing walong kaarawan ni Taliyah. Abala ang buong nayon. Pati na ang mga magsasaka sa bukid ay tumulong na rin sa paghahanda. Nakakatuwa lang sa probinsya dahil hindi mo na kailangan na magpa-cater. Sa mga kapitbahay pa lang at kakilala ay solve kana. Madaling araw pa lang ay nagsisimula na silang magkatay ng baboy, baka at manok. Talaga naman na ginawang engrande ng mag-asawa ang kaarawan ng nag iisa nilang anak. Kasalukuyang nakatanaw si Taliya sa bintana. Pinapanood niya kung gaano kaabala ang mga tao sa pagde-decorate sa bakuran nila. "Nakakatuwang isipin na ganap na akong magiging isang dalaga." Kausap niya sa kanyang sarili. Napapangiti siya ng wala sa oras sa kaisipang iyon. Napalingon siya sa pintuan niya ng bumukas iyon at iluwa ang Inay nyang nakangiti. "Taliyah, anak. Halika na at bumaba kana nang makapag-almusal ka muna. Maya-maya ay darating na rin ang mag aayos sa iyo." Tawag sa kanya ng Inay niya. Hindi na nag abala na pumasok pa dahil sumunod na rin naman siya. "Inay, napakarami ko naman po yatang handa, baka po naubos na pati na ang ipon niyo ha," ani Taliya habang bumababa sa hagdanan. "Walang mauubos anak, dahil talagang pinaghandaan namin ng tatay mo ang iyong kaarawan. Matagal ka naming hiniling sa Diyos anak, at ipinangako namin na pakamamahalin ka namin at aalagan ng husto. Kaya ng binigay ka niya sa amin ay hindi naman namin siya binigo," sabi ng Inay niya na hindi nawawala ang ngiti sa labi. Napakaganda talaga ng Inay niyang si Maria. Napakaamo ng mukha, lagi pang nakangiti kaya maaliwalas tingnan ang itsura nito. Kung tutuusin ay para lang silang magkapatid kung iisipin ng ibang hindi sila kilala. "Thank you talaga Nanay." Niyakap niya ang inay niya mula sa likuran nito. Dumiretso na sila sa kusina at pinaupo na siya sa mesa para makakain na. Simple lang ang bahay nila. Up and down din ito pero hindi kagaya ng iba na malamansyon ang itsura. Ang bahay nila ay gawa sa tabla na napag alaman nyang nanggaling sa puno ng narra. Semento ang sahig sa ibaba pero pagdating sa itaas ay tabla na, nilagyan na lang ng barnish para magandang tingnan. Sa ibaba ang kwarto ng kanyang inay at itay. Si Taliyah naman ay solo lang sa itaas. Malaking ang itaas at medyo malaki rin ang kwarto niya na may disenyong parang prinsesa. Dahil iyon ang gusto ng inay niya para sa kanya. Daig pa niya ang isang prinsesa sa mga fairy tales kung ituring ng mga magulang niya. Pagkatapos niyang maligo ay isinuot ang pink na roba na binili pa nila ng Inay niya sa bayan noong nagpatahi sila ng gown na isusuot nito sa debut niya. Idedeliver na lang daw ang gown sa kanya kasabay ng taong mag-aayos at maglalagay ng kolorete sa mukha niya. Binalot ng tuwalya ang buhok para matuyo. Wala kasi silang blower dahil hindi rin naman gagana iyon sapagkat wala naman silang kuryente. Kaya sariling sikap siya sa pagpapatuyo ng buhok. Muling pumasok sa kwarto niya ang kanyang ina para sabihin na nasa baba na ang mag-aayos sa kanya. "Anak, nandyan na iyong gown mo. Napakaganda. Nandyan na rin ang mag aayos sa iyo." Pabatid ng kanyang ina. "Opo, inay. Papasukin niyo na.lang po dito sa kwarto," sabi naman niya. Ipinagpatuloy ang ginagawang pagkuskos ng tuwalya sa kanya ng halos mabitawan niya ang tuwalya sa narinig. Nagulat siya at napatayo ng isang tili na animoy kambing na nanunuot sa tenga. "Taliyah! Ikaw na ba iyan?" Ani ng tumili. Naguguluhan naman siya kung bakit kilala siya ng binabaeng kaharap niya ngayon. Lumapit sa kanya at hinawakan ang dalawang balikat niya. Pinaikot pa siya nito at parang hindi makapaniwala. "Ikaw nga!" Bulalas nito habang siya ay nakakunot ang noo dahil sa itsura ng nasa harap niya. Hindi niya kasi mawari kung babae ba o lalake ang nasa harapan niya. "T-teka nga. S-sino kaba?" Nag aalangan na tanong ni Taliyah. "Ako 'to, Si Kuya Pancho! Ang pinsan mo! Hindi mo na ba ako naaalala?" Anito sa kanya na pilit ipinapakilala ang sarili. "Kuya Pancho? Hoy! Ang kilala kong Pancho ay lalake at hindi babae! Wag mo nga akong ginogoyo dyan!" Inis na sabi ni Taliyah. "Magpanggap ba daw na si Kuya Pancho. Tapos nakadamit babae pa," sa isip isip ni Taliyah. "Naku hija! Mahabang kwento. Pero ako talaga 'to," nagpupumilit ito. Tinanggal nito ang wig na blonde color at pinunasan ang kolorete sa mukha pati na rin ang makapal na pulang pula na lipstick. Nanlaki ang mga mata ni Taliya ng mapagtantong ito nga ang pinsan niya. "I-ikaw nga kuya!" bulalas niya. "Oh ano? Naniniwala kana?" Anito. Napanganga si Taliyah. Aba! Siya nga! Si Kuya Pancho ay anak ng kapatid ng Tatay ni Taliyah na nakatira sa karatig bayan. Nakikita niya ito kapag dumadalaw sila ng itay niya sa mga kamag-anak nila sa side ng tatay niya. Kaya naman hindi niya agad nakilala ang kuya Pancho niya. "Kuya Pancho!" Niyakap ito ni Taliyah. Napakabait nito sa kanya. Matagal din silang hindi nagkita. 12 years old pa lang siya nang sabihin sa kanya ng kanyang Tito Rene na lumuwas daw ito ng Maynila. 18 years old naman ang pinsan niya noon. Pero nang huli niya itong nakita ay lalaking lalaki pa ito. Hindi niya lang alam ang nangyari at bigla na lang itong naging binabae. "Ay naku kang bata ka! Halika na nga at nang masimulan na kitang ayusan. Magdadala nga pala si Tatay ng generator mamaya, May karaoke na rin at malaking speaker. Ipinasadya na iyon ng tatay mo para sa tugtugan sa kaarawan mo," anito habang sinusuklay ang medyo basa pa niyang buhok. Napangiti naman si Taliya sa sinabi ng kanyang pinsan. "Si Tatay talaga." iiling-iling na sabi niya. May 18 roses na gaganapin at ang magiging escort niya ay ang matalik nyang kaibigan na si Regie. Akala niya ay cassette lang ang gagamitin nila habang sumasayaw pero may mas malaki pala na inihanda ang tatay niya. Napakaswerte niya talaga sa mga magulang niya. "Charan! Oh ayan! Tapos na!" ani Kuya Pancho niya. "Talaga? Tapos na Kuya Pancho?" Hindi makapaniwala na sambit ni Taliyah. Sa totoo lang ay masyado na siyang nasasabik na makita ang kanyang sarili dahil ngayon lang nalagyan ng kolorete ang kanyang mukha. Nakasuot na rin siya ng pink na gown at talagang namangha siya ng makita ang sarili sa malaking salamin. Kanina ay ayaw siyang bigyan ng Kuya Pancho niya ng salamin o kahit paharapin sa salamin ay ayaw din nito para daw maging surpresa. Nakabilad ang balikat niya. Sa tingin niya, ang tawag sa damit na iyon sa off-shoulder. May nilagay itong maliit na korona sa ulo ni Taliyah. May hikaw at kwintas din na pag natatamaan ng sinag ng ilaw ay kumikislap-kislap. Nakarinig na si Taliyah ng malakas musika. Sa tingin niya ay nandyan na ang Tito Rene niya. Iniwan na si Taliyah ni Pancho sa kwarto niya dahil may aayusin pa daw ito sa labas. Tatawagin na.lang daw siya kapag handa na ang lahat. Maya maya pa ay nakaramdam na siya ng malakas na ihip ng hangin mula sa bintana. Halos madala ang kanyang kurtinang puti na nakatabing doon sa bintana. Kinabahan namang bigla si Taliyah. "Naku! Wag naman sana umulan," bigla ay nahiling niya. Dumungaw siya sa bintana pero wala naman kahit konting badya na uulan dahil maganda naman ang sikat ng araw. Pero nagtataka si Taliyah kung bakit tila napaka lamig hangin. Napayakap tuloy siya sa kanyang sarili. Naalala niyang ganito rin ang nararamdaman niya nang maligo sila ni Reggie sa ilog noon. Hinayaan na lang niya na nakabukas ang kanyang pintuan para hindi na sila kakatok kung sakaling mayroong papasok. Narinig niya nagsalita na ang Kuya Pancho niya. Magsisimula na daw ang party para sa kanyang kaarawan. "Taliyah, halika na. Magsisimula na tayo." Si Reggie. Nakatitig si Taliyah sa matalik na kaibigan. "Aba at ang gwapo naman ata nito ngayon?" Sa isip isip niya. "Reggie? Ikaw ba talaga si Reggie?" Kunwari ay hindi niya ito kilala. "Ano ba Taliyah? 'Wag mo nga akong inaasar dyan. Porke ang ganda mo lang ngayon, nagka-amnesia kana agad," kunwari ay hinampong saad nito. "Sus! Binibiro lang kita. Pero ang gwapo mo ngayon. Bagay na bagay sayo ang suot mo." Papuri ni Taliyah sa kaibigan. Nakablue na polo si Reggie na naka-tuck in sa slucks na kulay itim. May dalang coat na nasa braso nito. Mukhang pandoble sa isusuot nitong polo. May necktie din na kulay maroon. Isinuot na iyon iyon ni Reggie. Mukhang mas lalo pang gumandang lalaki ang matalik na kaibigan ni Taliyah sa paningin nito. "Nambola kapa, Taliyah," nahihiyang sabi ni Reggie. Inalalayan ni Reggie si Taliyah hanggang makababa na sila ng kanilang munting hagdanan. Pagkababa nila ay pinahawak siya nito sa braso. Sabay silang naglakad palabas ng bahay diretso sa malawak nilang harapan na ginawa ng tarangkahan. Namangha si Taliyah ng makita nito ang kabuuan ng ayos sa labas ng kanilang bahay. Nagmistulang malaking bahay iyon dahil dinugtungan pa nila iyon ng bubong. May munting entablado din, may dalawang upuan na para sa kanila ni Reggie. Maraming mga upuan nakalagay sa gitna. May mga lobo na nakasabit at may mga nalagay rin na lobo sa sahig na kulay pink, blue at white. May munting ilaw na animoy alitaptap kung titingnan. Pink at blue ang kulay ng mga kurtina at disenyo. Saktong sakto ang mga kulay para sa kasuotan nila ni Reggie. Napatingin pa siya sa paligid. Namangha siya sa dami ng kanyang bisita. Mukhang inimbita na ata ng itay niya ang buong nayon pati na rin yata ang karatig bayan. Nananatiling naka ngiti si Taliyah dahil hindi mapapantayan ang kasiyahan na nararamdaman niya ngayon. Masayang-masaya siya sa ginawa ng kanyang mga magulang. Pinaupo na sila ni Pancho sa upuan sa maliit sa entablado. Ipinakilala si Taliyah sa ibang mga bisita dahil ang iba naman ay hindi rin naman siya kilala. "Napakaganda naman ng batang iyan," rinig niyang wika ng isang matanda. "Para syang diwata, ano?" Sang-ayon naman ng katabi nito. Lihim na natutuwa si Taliyah sa mga magagandang papuri na narinig niya. Sa totoo lang ay hindi na iyon bago sa pandinig niya dahil marami nang nagsabi noon sa kanya. Maski na nakasalubong niya lang ay binabati siya na napakaganda niya. Hindi siya aware sa kagandahang meron siya dahil para sa kanya basta maganda ang kalooban mo ay maganda ka na rin. Pinatayo na siya sa gitna at isa-isa nang lumapit sa kanya ang mga kalalakihan para maisayaw siya. Syempre! Unang una dapat ang kanyang itay. Binigyan siya ng itay niya ng pulang rosas. Sinisigurado niyang nanggaling na naman iyon sa malaking puno malapit sa narra dahil ang itay niya lang lagi ang may dala nang ganung klase ng bulaklak. "Napakaganda mo, Anak ko. Masaya kami ng Inay mo dahil ganap ka ng dalaga. Wag kang magbabago anak. Manatili kang mapagmahal at mabait sa amin. Mahal na mahal ka namin anak." Mensahe ng itay ni Taliyah na ikaiyak nito. "Wag po kayong mag-alala, itay. Ako pa rin po ito, Si Taliyah. Ang mabait at mapagmahal ninyong anak. At kahit kailan po ay hinding hindi ako magbabago. Napakaswerte ko na po dahil kayo po ang naging magulang ko," madamdamin na tugon naman ni Taliyah sa itay niya pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit. Matapos ang ilang sandali ay bumitaw na sa kanya ang itay niya para sa mga susunod pa isasayaw si Taliyah. Bawat isa ay may dalang puting rosas at ibinibigay iyon kay Taliyah. Pagkatapos ng ilang segundo ay humihiwalay narin sila sa dalaga. Nang matapos ang mga bisitang kalalakihan na iilan lang ang kilala niya ay sumunod na si Reggie. Si Reggie na ang magiging last dance niya. "May I have this dance?" Aya ni Reggie sabay lahad ng kamay nito kay Taliyah. Nakangiti naman si Taliyah na tinanggap ang kamay ni Reggie. Inabot ni Taliyah ang kamay nito kay Reggie at nilagay sa balikat. Ang isa pa nitong kamay ay nakahawak sa maliit na bewang ni Taliyah. Si Reggie lang mag-isa ang nagturo kay Taliyah tungkol sa ganung klase ng sayaw. Kaya nakabisado na ni Taliyah kung paano ang gagawin niyang pakikipag sayaw. Habang nagsasayaw sila ay may kakaibang naramdaman. Habang hawak hawak ni Reggie ang isa kong kamay ay ramdam niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Hindi naman maintindihan ni Taliyah kung ano ba ang nararamdaman niya. Bigla ay napaisip siya kung may sakit na ba siya sa puso o wala. Balak niyang ikwento ang bagay na iyon sa kanyang inay at itay. Nagsimula na ang kasiyahan. Ang iba ay may kanya kanyang kapareha na. Nakakatuwa silang tingnan. Imagine, nakaupo ang mga babae tapos kapag nagpatugtog na ng sweet music ay pupuntahan sila ng mga kalalakihan para isayaw kahit hindi naman nila kilala ang isa't isa. At ang bawat isa ay may mga ngiti sa labi na animoy kinikilig sa kanilang mga kasayaw. Nagpaalam na muna si Taliyah sa kanyang inay at itay na aakyat na sa kanyang silid upang makapag palit ng kanyang kasuotan dahil pawisan na siya. Naisipan niyang isuot ang dress na puti na binili sa kanya ng Inay niya noong bumaba sila ng pamilihan ng bayan. Nakaramdam ng pagod si Taliyah ngunit bakas sa mukha niya ang sobrang kasiyahan. Lalo na sa mga magulang niya ay sa mga bisitang dumalo sa kaarawan niya. "Happy 18th Birthday to me!" Masayang bati sa kanyang sarili. Nagpaikot ikot pa si Taliyah sa sariling salamin ng silid habang nakapikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD