OBTPD 2-THE ENCHANTED RIVER

2036 Words
Mabilis na lumipas ang araw, buwan at taon. Lumaking napakaganda ni Taliyah. Halos lahat ng kalalakihan sa nayon nila ay nahuhumaling sa taglay niyang ganda. Marami ang nangahas na manligaw, ngunit kahit isa sa kanila ay walang nag-wagi sa puso ni Taliyah. "Inay, pupunta lang po ako saglit sa ilog, kasama ko po si Reggie!" Paalam ni Taliyah. Si Reggie ang kaisa-isang lalaki na bestfriend niya. Si Reggie lang din ang bukod tanging naging kaibigan nyang lalaki sa buong nayon nila. "Sige, Anak! Mag ingat ka–Mag ingat ka sa mga kilos mo at baka magalusan ang binti mo." Paalala ng Inay niya habang nagtatahi ng ilang retaso ng damit. Habit ito ng kanyang Ina, samantalang ang tatay naman ni Taliyah ay isang magsasaka sa bukid. "Opo, Inay!" Pasigaw na sabi ni Taliyah para marinig siya ng kanyang Inay. Nagdala siya ng tabo na pansalok sa tubig. Nakalagay doon ang shampoo at sabon nyang pampaligo. Nasanay na si Taliyah na palaging sa ilog naliligo dahil malinis at malinaw ang tubig. Isa pa, nag-eenjoy syang magbabad sa malamig na tubig. "Tara na Regie!" Aya niya sa kaibigan. Sabay silang naglakad ni Regie, patalon-talon pa siya suot ang bestida nyang kulay puti na sumusunod sa bawat paggalaw ng kanyang katawan. Pababa ang daan papunta sa ilog nila pero sanay naman na siya sa paglusong doon. Madadaanan ang malalaking puno, ligaw na halaman at baging na nasa paligid ng makipot na daanan nila pababa. Pagkababa nila ay mga puno ng niyog at puno ng kawayan na nasa pagitan ng ilog. Pagkarating na pagkarating nila ay agad na lumusong si Taliyah sa tubig at lumangoy pailalim. Si Reggie naman ay nasa gilid lang at nakatingin kay Taliyah. Pinagmamasdan ang paglangoy ng dalaga. "Tara na dito, Reggie! Ang sarap ng tubig sa katawan ng tubig oh, malamig!" Tawag ni Taliya kay Reggie. "Sige! Susunod na! Aayusin ko lang itong dala mong pampaligo!" Sigaw naman ni Regie bago niya ulit nakitang lumangoy si Taliyah. Sanay na sanay na si Taliyah sa ilog. Maya maya ay umahon na si Taliyah mula sa tubig at hinila ang kamay ni Regie. "Tara! Doon tayo sa falls!" Aya nito kay Regie. Sa may padulong bahagi ng ilog ay may magandang falls na punong-puno ng mga kulay rosas na bulaklak sa paligid. Pakiramdam ni Taliyah ay para syang nasa isang paraiso kapag nakikita niya ang mga iyon. Sobrang linaw ng tubig na kumikinang-kinang kapag tinatamaan ng sikat ng araw. "Ang ganda talaga dito, Reggie!" Bulalas ni Taliyah ng makarating sila sa falls. Malakas at maingay ang bagsak ng tubig mula sa itaas pababa. May malaking puno sa paligid na may malaking ugat na nakadapo sa tubig. May mga nakalawit na baging na may bulaklak na kulay rosas na nakasabit sa bawat ugat na nadadaanan ng baging. "Maganda nga pero nakakatakot naman ang itsura ng puno at baging! Tingnan mo oh! Mas malaki pa sa braso ko!" Nahihintakutang sabi ni Regie at napakapit pa sa braso ni Taliyah. Napairap naman si Taliyah kay Reggie. "Sus! Ano ka ba naman! Hindi ka ba marunong tumingin ng maganda at pangit sa paningin mo? Bakit ka matatakot sa puno at baging na yan? Wala naman silang buhay kagaya natin?" "Alam ko! Pero alam mo ba yung tinatawag nilang engkanto? O kaya mga naninirahan sa ganyan kalaking puno?" Ani Reggie ng nahintakutan ang boses. "Ano ka ba naman Regie? Bakit ka naniniwala sa ganung bagay. Isa pa kwento-kwento lang naman iyan ng mga matanda at wala silang basehan doon." "Ah basta! Nakakatakot parin silang tingnan." pagmamataas ni Regie. "Ewan ko sayo!" Ani Taliyah sabay talon sa falls. Nag aabang si Reggie sa pag-ahon ni Taliyah pero hindi pa rin ito umahon mula ng tumalon ang dalaga sa tubig. "Taliyah! Ayaw ko ng ganyang biro ha!" Bakas ang pag aalala sa boses ni Regie. Panay ang silip niya sa ilalim ng rumaragasang tubig dahil baka tinataguan lang siya ni Taliyah pero wala talaga siyang makita. Nagmamadaling bumaba si Reggie sa binagsakan ni Taliyah. Halos madulas na siya sa batuhan dahil sa sobrang pag-aalala niya para sa kaibigan. Madalas itong gawin ni Taliyah noon pero agad din naman na umaahon mula sa ilalim ng tubig na pinagtatalunan nito. "Taliyah? Asan ka?" Pasigaw na tawag sa kaibigan niya. Lumubog din siya sa tubig kung saan lumubog si Taliyah at lumangoy para hanapin ang kaibigan pero hindi niya pa rin makita ang dalaga. Hanggang pag-ahon niya ay namangha siya sa kanyang nakita. Para syang nakarating sa ibang daigdig. Hinanap ng mga mata ni Reggie si Taliyah at nanlaki ang mga mata nito ng makitang nakatayo doon si Taliyah at napapalibutan ng napakaraming bulaklak. Kumikinang ang balat nito na animoy isang crystal sa liwanag. Agad niya itong nilapitan, pero para itong wala itong malay habang nakapikit at nakatingin sa itaas. "Taliyah?" Tawag niya. Inalog alog pa niya ang katawan ng dalaga. Pero nananatiling nakadipa ang mga kamay at braso. Nakapikit habang nakatingala si Taliyah. "Sinasabi ko na nga ba at may sa engkanto ang lugar na ito eh!" Biglang nasambit ni Reggie. Naalala niya ang kwento sa kanya ng kanyang ama na kapag naliligaw ng lugar ay baliktarin lamang ng damit at mahahanap na nila ang daan palabas pag nagpunta sila sa lugar na kung saan hindi nila alam ang daan palabas. Hinubad ni Reggie ang damit niya at isinuot iyon ng baliktad. Laking tuwa niya ng bigla syang umahon mula sa tubig na habol ang hininga. Agad siyang lumangoy papunta sa pinaka mababaw na tubig at ikinalma ang sarili. "Teka si Taliyah? Paano siya?" Punong puno ng pag aalala ang isipan nito. "Reggie!" Hinahanap niya ang boses ng nagsasalita. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid. "Huy! Regie! Saan ka ba galing ha?" Nagulat na lang si Reggie ng makita si Taliyah na papalapit sa kanya. "Taliyah?" Napatayo syang bigla dahil sa gulat at agad na niyakap si Taliyah. Nagtataka naman si Taliyah sa inasal ng kaibigan niya. "Teka! Teka nga! Bakit mo ba ako niyayakap ha?" Nagtataka ng tanong ni Taliyah at humiwalay na sa pagkakayakap ni Reggie. "Hmm. Wala! Wala! Tara na nga at umuwi na tayo!" Biglang aya ni Reggie. Nang biglang lumamig ang ihip ng hangin ay napayakap si Taliyah sa sariling katawan. "O-oo nga. Tara na! Nilalamig na rin ako." At napatiuna na ito sa paglalakad. Bago umalis si Reggie sa kinatatayuan niya ay muli niyang iginala ang mga mata sa paligid. At ng makaramdam ng pangingilabot ng sa balat ay patakbo ng sumunod kay Taliyah. "Hoy! Taliyah! Hintayin mo ako!" Sigaw pa ng binata. "Bahala ka dyan! Ang bagal-bagal mo eh!" Saka patakbo ng lalong iniwan ni Taliyah si Reggie. Hinihingal silang dalawa ng makaahon sa matarik na lugar. Nakahawak ang dalawang kamay payuko sa dalawang tuhod habang habol ang mga hininga. "Hays, kapagod! Bakit kasi gustong gusto mo bumalik sa ilog na yun! Nakakapagod kaya lumusong at umahon tapos nakakatakot pa. Gezzz!" Maktol ni Reggie. "Sus! Ikaw naman! Masyado kang matatakutin! Kalalaki mong tao daig mo pa ang bakla! Tara na nga at nagugutom na ako! Baka hinihintay narin ako ni Inay," ani Taliyah. Nagpatuloy sila sa paglalakad pauwi sa bahay ni Taliyah, pero hindi pa rin mawala-wala sa isipan ni Reggie ang kanyang nakita. Totoo ba talaga yun? o namamalikmata lang siya? Wika sa sariling isipan. "Pero totoong-totoo iyon sa paningin ko," bigla ay nasambit sa kawalan. Hanggang sa makauwi na si Reggie ay hindi na nito nagawang ikwento pa kay Taliyah ang nakita dahil alam niyang pagtatawanan lang siya ng kaibigan dahil hindi naman naniniwala si Taliyah sa mga multo o sa mga engkanto. Habang sabay-sabay na kumakain sina Taliyah kasabay ng kanyang Inay at Itay ay napag-usapan nila ang tungkol sa nalalapit nyang kaarawan. Ganap na siyang magiging dalaga at dalawang taong na lang ay makaka-graduate na rin siya sa kolehiyo. "Anak, ano pala ang gusto mong ganap sa Ikalabing-walong taon na kaarawan mo?" Masuyong tanong ng kanyang inay Maria. "Oo nga, Anak. Gusto mo bang imbitahin ang buong nayon sa iyong kaarawan?" Sabad naman ng kanyang Itay. Hindi naman impossible iyon dahil laging masagana ang ani ng Tatay niya sa bukid. Masagana ang kanilang pamumuhay at ni minsan ay hindi sila nakaramdam ng pangangapos sa kabuhayan nila. "Naku, wag na po kayong mag-abala pa, Inay, Itay." Salitan ang tingin niya sa mga ito. "Kahit wala po akong magarbong kaarawan, ayos lang po sa akin yun dahil ang mahalaga po sa akin ay kayo. Basta sama-sama po tayo, masaya na po ako dun," masayang sambit ni Taliyah sa kanyang mga magulang. "Alam naman namin iyon, Anak. Hindi naman kawalan sa amin ang magagastos sa kaarawan mo. Isa pa, isa iyan sa pinakamahalagang kaarawan para sa isang babae dahil palatandaan iyan na ganap ka ng isang dalaga. Kaisa-isa ka naming anak kaya ibibigay namin sa iyo ang lahat sa abot ng makakaya namin ng tatay mo dahil mahal na mahal ka namin, Taliyah," ani Maria. Halos maiyak naman si Taliyah dahil sa tinuran ng kanyang Inay. Napakaswerte talaga niya dahil nagkaroon siya ng mga magulang na mabait at maalaga at higit sa lahat ay mapagmahal. "Maraming salamat po, Inay, Itay. Mahal na mahal ko rin po kayo." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at yumakap sa mga magulang mula sa likuran. Pagkatapos ng kanilang hapunan ay tinulungan niya muna ang kanyang Ina na makapag ligpit ng kanilang kinainan bago tuluyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi kalakihan ang kanyang silid at hindi rin ganun kaliit. Sakto lang sa kanyang kama na may disenyong parang sa isang prinsesa. Kulay pink ang bed sheet noon. Pati unan at kumot ang kulay pink din na may disenyo ng isang disney princess. May kulambo na nakasabit sa taas. Sakop ang buong higaan niya. Ang sabi ng Ina niya ay para daw hindi siya kagatin ng insekto sa gabi. Pumasok siya sa banyo para maligo. Pagkatapos niyang maligo ay nagbalot lang siya ng tuwalya sa katawan, pati sa ulo at lumabas na sa banyo. Naupo sa tapat ng malaking cabinet na may whole body mirror at nagsimulang maglagay ng kanyang skin care sa balat. Nang biglang lumakas ang ihip ng hangin ay automatico syang napayakap sa kanyang buong katawan. Tumayo at nagtungo sa bintana para isara lyon. Bahagya pa syang dumungaw at tiningnan ang kalangitan kung uulan ba pero ni isang badya ay wala naman siyang nakikita dahil maaliwalas ang kalangitan sa paningin niya. Nagkibit balikat na lang siya at isinarado na lang ang kanyang bintana. Binuksan ang kabinet nya at naghalungkat ng isusuot nyang pantulog ng mapansin niya ang isang kulay itim na kahon. Nagtaka naman siya kung paano nagkaroon ng itim na kahon sa damitan niya. Dahil sa pagkakaalam niya ay wala naman syang ganoong gamit sa kanyang kabinet. Inilabas niya iyon at ipinatong sa kama. Ipinagpatuloy ang paghahanap ng masusuot. Isang Silk na bestida at short ang nakita niya at agad na isinuot iyon dahil sa lamig na nararamdaman niya na nanunuot sa buo niyang katawan. Pakiramdam niya ay nag tataasan ang mga balahibo niya. Naupo siya sa kama niya. Katabi ng itim na maliit na kahon. "Ano kaya ang laman nito?" Kuryusidad tanong niya sa sarili. Tinanggal niya ang tali noon. Pinagmasdan pa mabuti ang tali. "Isang baging?" nasambit niya. Sunod niyang ginawa ay binuksan ang kahon at nakita niya ang isang lumang papel na halos lamunin na ng alikabok. Napaubo pa siya ng mahawakan niya ang lumang papel na iyon. "Ano ba kasi ito at mukhang galing pa sa baul," reklamo pa niya habang patuloy sa pag-ubo. Pumunta sa malaking bintana at doon ipinagpag ang papel. Nagulat pa siya ng mabitawan niya iyon at malaglag sa lupa. Nagmamadaling bumaba si Taliyah para kunin ang nalaglag na papel. Ngunit pagbaba niya ay wala na doon ang papel sa pinag bagsakan nito kanina. "Saan napunta yun?" Tumingala pa siya para siguraduhin na nasa tapat na siya ng bintana niya kung saan bumagsak ang lumang papel. "Sigurado akong dito yun pumatak, pero bakit wala na iyon dito?" Takang tanong sa isipan niya. Nagkibit balikat na lang siya at bumalik na sa kwarto niya para matulog. Sanay kasi siya na maagang natutulog. Pabagsak na inihiga ang sariling katawan sa kama. Hanggang sa tuluyan ng dinalaw ng antok. Ngunit isang imahe agad ang kanyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD