Part 2: Ang biyaya ng mga bituin

2018 Words
PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."   Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi "Sa lugar kung saan ang simula ang lahat Narding. Ikaw ay nahaharap sa isang mabigat na tungkulin. At iyon ay mag sisimula na ngayon." ang wika niya at doon kitang kita ko kung paano naging abo ang buong mundo. Para itong papel na sinilaban at unti unting kumalat ang labi sa hangin. Nag wika ang anghel "Narding, iyan ang hinaharap, iyan ang hangganan ng buhay sa inyong mundo. Ito ay magaganap isang taon mula ngayon."   Part 2: Ang biyaya ng mga bituin "Ang daigdig ay nakatakdang mabura. At walang nakaka alam nito kundi kaming nilalang sa malayong lugar." ang wika ng Anghel "Wow ha, kayo pang mga nasa malayo ang unang naka alam kaysa sa amin na naninirahan dito sa sariling mundo. Syempre dahil isa kang makapangyarihang anghel, saklaw nyo ang langit at lupa." tugon ko "Narding, nais kong baliin ang paniniwala mo na isa akong anghel. Hindi ako isang anghel, ako ay isang simpleng nilalang lamang mula sa malayong galaxy, doon sa planeta ng Adran." ang wika niya "Parang alien ganoon ba? Pero ay pakpak ka, nakakalipad at nakakarating sa iba't ibang lugar dahil may kapangyarihan ka." "Narding, ang lahat ng kapangyarihan ito, mula sa aking kasuotan, sa aking kalasag, pakpak, baluti at gawi ng pakiki usap sa iyo ay isang mataas na uri ng teknolohiya. Katulad na lamang ng batong iyong nilulunok, iyon ay hindi galing sa isang himala o milagro ng anghel sa kalangitan ayon sa iyong paniniwala. Dahil ang batong iyon ay isang mataas na uri ng teknolohiya na hinubog at binuro sa aming sibilisasyon daang taon na ang nakalilipas. Ang batong iyan ay ang pinaka malakas na sandata sa aming daigdig. Sinabi ko kanina na ito ay nag tataglay ng kakaibang teknolohiya, ang bato ay nag bibigay sa iyo matibay na kalasag, nabibigyan ka ng kakayahang lumipad at sumabay sa hangin, at nag kakaroon kakaibang armas na hindi mapapantayan ng sinuman, ang lahat ng iyon ay bunga ng aming daang taong pag aaral at pag sasaliksik na makagawa ng isang kakaibang armas o sandata na makakagapi sa mga nanakop." ang wika ng anghel habang pinapakita ang imahe ng batong kumikinang sa kanyang kamay. "Kung ganoon ay makapangyarihan pala ang mga nilalang sa malalayong galaxy. Mas mataas ang kalidad ng kanilang mga lakas kumpara sa amin dito mundo." pag lilinaw ko. "Tama ka doon Narding. Ang ibang taong biniyayaan ng kakaibang lakas ay galing rin sa malayong galaxy. Katulad na lamang ni Jorel, ang tinaguriang lokal Superhuman, siya ay isang Alien na isinilang sa ibang mundo o planeta kung saan ang mundong iyon ay mas mamalakas ang tao, may kakayahang lumipad at mas mataas ng kalidad ng teknolohiya. Isang halimbawa pa ay si Nai ang binansagang Super Panget, ang kanyang kapangyarihan ay mula rin sa isang nilalang sa kalawakan, katulad mo ay biniyayaan rin siya ng mataas na teknolohiyang sandata na ang bibigay sa kanya ng ibat ibang level o antas ng lakas. Lahat kayo na superhero ng planetang Earth ay galing sa biyaya ng mga bituin. Ang inyong lakas ay mula sa sibilisasyong maunlad na hinding mapapantayan ninuman." ang paliwanag ng Anghel Natahimik ako at napatingin sa kinalalagyan ng aming mundo na noon ay maliit na piraso na lamang ang natitira. "Paano kong maisasalba ang buong mundo kung palyado na ang bato." ang wika ko "Ang bato ay parang isang makinang nauubusan ng enerhiya. May pag kakataon kinakailangan mo itong dalhin sa isang lugar kung saan maaari manumbalik ang kanyang lakas." ang wika niya at doon ikinumpas niya ang kanyang kamay. Umangat ang bato sa aking bulsa at kinuha nito.. Nag laho ang bato sa kanyang kamay.. "Tungkol sa pag kagunaw ng mundo, sino ang gagawa nito? Mayroon pa bang mas lalakas pa sa mga dayuhang nag tangkang sumakop sa aming mundo?" tanong ko "Ang mga dayuhang nakakatunggali ninyo ay mga bisitang galing lamang sa malayong lugar na naakit sa inyong mundo. Ngunit mayroon pang mas malakas dito at siya ang tinatawag na sinaunang Diyos." ang sagot ng anghel "Sinaunang Diyos? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko Kumilos siya napatingin sa bolang nag liliyab na araw. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago mag salita."Siya ang pinaniniwalaang gumawa ng mga planeta dito sa inyong solar system at kabilang na rito ang inyong mundo. Siya ang gumawa at nag disenyo ng mga nilalang sa inyong daigdig, mula sa mga tao, hayop at mga bagay na buhay o hindi nabubuhay. Ayon sa kasulatan siya ay bumaba sa inyong mundo sakay ng isang nag aapoy na ibon at tinuruan niya ang mga sinaunang tao ng walang hanggang katalinuhan at kaalaman. Naging malapit siya sa mga sinaunang tao hanggang sa matuto na ang mga ito ng iba't ibang bagay katulad ng krimen at karahasan. Unti unting nabuhay sa masama ang mga tao na kanyang nilikha kaya't upang mapigilan ito ay agad niyang ginunaw ang buong mundo at pinarusan ang mga masasamang nilalang. Inilubog niya sa tubig ang buong lupain, umulan ng mga bulalakaw at bumukas ang lupa upang hukuman ang dapat hukuman. Tuluyang nabura ang buong mundo at walang natira dito kundi ang isang maliit na bolang itim na nag lalaman ng kasalanan at kasamaan ng lahat. Lumutang ang bolang itim na iyon at nag liwanag ng husto. Lumapit dito ang Diyos at pinag masdan niyang maigi ang naturang bola halos hindi siya makapaniwala na ang kanyang nilikha ay aabot sa isang trahedyang pag kagunaw ng lahat. Kumilos ang kamay ng Diyos at noong aktong inabot niya ang itim na bolang iyon ay mabilis itong kumapit sa kanyang katawan, gumapang ito na parang isang malakas na sumpa hanggang ang liwanag na nakapalibot sa kanya ay naging kadiliman. Nag sagupaan ang liwanag at dilim sa kanyang katawan, dalawang mag kaibang kulay ang nag hahati sa kanyang awra. Isang ginto na simbolo ng liwanag at isang itim na sumisimbilo sa gabi. Nag talo at agawan ang dalawang liwanag sa kanyang kalamnan hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang hatiin ang kanyanag katawan sa dalawa. Bumukod ang liwanag at bumukod rin ang dilim. Batid ng Diyos na makapangyarihan rin ang kadilimang iyon kaya naman agad niya itong kinulong. Muli niyang binuo ang daigdig na kanyang ginunaw at sa pinaka ilalim nito ay ikinulong niya ang dilim. Alam niyang hindi permanente ang kanyang ginawang pag kulong sa dilim na iyon, batid rin niya na hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha ng buo ang kanyang katawan, dahil sa pangamba ay ikinulong niya ang kanyang liwanag sa isang sagradong bagay at itinago ito sa isang lugar na hindi matatagpuan ninuman." ang salaysay ng anghel. "Ano yung bagay na iyon? Saka bakit sa dinamirami ng mundo sa buong kalawakan ay bakit dito pa niya itinago sa amin yung kadiliman?" ang tanong ko "Dahil ang inyong mundo ay makasalanan, pugad na ito ng pag kakamali una pa man. Ang kadiliman iyon ay sinauna, puro at makapangyarihan. Isa itong Diyos o mataas na lebel na nilalang." "Woah! Mataas na level? Eh sinong inaasahan mong sasagupa sa kanya? Ako ba? Eh kay Serapin pa nga lang na taong ahas ay halos mamatay na ako. Ipasa mo nalang ito kina  Nai o Jorel." pag tanggi ko naman "Narding, paubos na ang ating oras. Sa ayaw mo at gusto ay mag sisimula ang lagim at ang katapusan ay nalalapit na. Kailangan mong mag handa dahil ito ang iyong tadhana. Ang susunod na pag kikita natin ang magiging hudyat na ang digmaan sa pagitan ng liwanag at dilim ay mag sisimula na. Humayo ka at buuin ang iyong sarili." ang wika niya at doon ay muli niya akong itinulak palayo sa kanya. Nilipad ng hangin ang aking katawan na animo papel at kasabay noon ang pag mulat ng aking mga mata.. Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng klinika, maaliwalas ang paligid, dito ay nakita ko sina Cookie at Bart na nag babantay sa akin. "Anong nangyari sa akin?" tanong ko. "Ako nga ang mag tatanong niyan, anong nangyari sa iyo? Nakasakay tayo sa taxi kanina, tapos pumikit ka at hindi kana dumilat. Pati tuloy yung driver ng taxi ay natakot sa nangyari sa iyo. Pati ako ay nataranta kaya tinawagan ko agad si Papa Bart. Jusko Narding huwag kana matutulog ulit, mainam na yung walang tulog kaysa walang gising!!" ang bungad ni Cookie Napatingin ako kay Bart habang hawak niya ang aking kamay "May nangyari ba?" tanong niya. "Dinala ako ng anghel na si Nardo sa labas ng kalawakan at ipinakita niya sa akin ang kahihinatnan ng mundo isang taon mula ngayon. Mabubura ito at magiging abo ang lahat ng bagy sa ating paligid " tugon ko "Ayan nanaman tayo e, bakit sa iyo pa nag pakita? Dapat doon nalang kina Super Panget para responsibilidad nila ito. Ano ito toka toka? Papaikutin yung bote at kung kanino matapat sa kanya yung assignment? Wala na tayong power pinsan, kili kili ko nalang ang tanging may power sa panahon ngayon." pag salungat ni Cookie Lalong humigpit ang hawak ni Bart sa aking kamay. "Malaki ang paniniwala kong magagawa mo ang mga bagay na imposible. Kung ito ang nakatakda ay susuportahan kita. Pero kung ako ang masusunod ay mas gusto kong mamuhay nalang tayong dalawa ng payapa at tahimik. Yung malayo sa gulo at sa kapahamakan, ngunit anong magagawa ko? Ang taong minahal ko ay may responsibilidad na ipag tanggol at protektahan ang mundo." ang wika niya Natahimik ako at napa buntong hininga.. "May nabanggit siya tungkol sa sinaunang Diyos na nahati sa dalawa, ang isa ay ang liwanag at ang isa ay kadiliman. Ang dalawang ito ay makapangyarihan at may kakayahang gunawin o buuin ang mundo." "Naku pinsan, ibang level na iyan. Diyos na ang kalaban, wala tayong power sa ganyan. Sana nag pass ka muna o ipinasa mo yung load kay Panget, OP sya ngayon kasi siya yung bagong hero! Mataas ang buffed nya kesa saiyo na medyo laos na, kumbaga ay na nerf kana at hininaan ng maraming maraming beses hanggang sa maluzvaldez kana ng tuluyan." ang di pag sang ayon ni Cookie "Parating balanse ang mga bagay, kung mayroong araw ay mayroon ding gabi. Kung may mabuti, mayroong masama. Ang dalawang Diyos ay binalanse lamang kaya't nahati ito sa dalawa." tugon ko naman. "Hindi ako tututol, at hindi rin ako sasang ayon sa gusto ng anghel na iyan. Nakasuporta lamang ako kay Narding at gagawin ko ang lahat upang tulungan siya." wika ni Bart "Ang sweet mo talaga papa Bart. Ang gwapo gwapo mo pa, mas naging papabols ka ngayon e." ang malanding wika ni Cookie sabay yakap kay Bart. "Teka mainit." tugon ni Bart sabay iwas kay Cookie samantalang ako naman ay bumangon na at kinuha ang aking gamit. "Umuwi na tayo." pag yayaya ko "Sigurado ka? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Cookie "Doon na lamang ako mag papahinga sa bahay." sagot ko nang bigla akong hilahin ni Bart. "Doon nalang muna si Narding sa bahay namin. Mas mababantayan ko siya doon, at makapapag pahinga siya maayos." ang wika nito "Makakapag pahinga ba si Narding pag kasama ka? Im sure wrestling nanaman iyan mamayang gabi!" hirit ni Cookie dahilan para matawa kami ni Bart. At iyon nga ang set up, nag pasya akong sumama kay Bart sa kaniyang tinutuluyan. Nitong mga nakaraang araw ay bihira kaming kita kaya't sabik na rin ako na makasama siya. Malaki na ang pinag bago niya simula noon, ngayon ay mas naka tuon siya sa pag papabuti ng kanyang pag katao kaibahan dati na madalas itong nasasangkot sa gulo. Nag bago rin ang kanyang pisikal na anyo, ang ibig kong sabihin ay mas gwapo siya ngayon, mas gumanda ang katawan at mas naging binata ang datingan. Kumpara dati na totoy ito at isip bata kung minsan. Itutuloy..              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD