bc

His Badass Janitress

book_age18+
27.5K
FOLLOW
158.0K
READ
possessive
arrogant
drama
comedy
serious
stubborn
like
intro-logo
Blurb

"Are you insinuating na may gusto ako sa'yo, ha? Yna?"

"Wala ba?"

Lumapit si Ethan hanggang sa halos magdikit na ang mga labi nila. "Not even in your f*cking dreams," he mocked. "At kahit makita kitang hubo't hubad hindi ako tatayuan sa'yo!"

"Sigurado ka na hindi ka talaga tatayuan kahit maghubad ako?" mariin niyang tanong sa masungit niyang boss.

"Never! Over my dead f*cking body!" pabulyaw nitong sagot sa kanya.

"Let's see!"

Nang-uuyam ang ngiting ibinigay niya dito bago hinawakan and p*********i nito.

She holds it tight then squeezes it hard.

Napanganga ito sa ginawa niya naramdaman niyang tumayo ang junior ng masungit niyang boss pagkatapos ay walang babalang iniwanan ito kahit ramdam niya ang pagpoprotesta nito.

Hindi pala tatayuan hah!

Reyna Ariza was one of the best secret agents in B.E.S na magpapanggap na janitress para mabantayan si Ethan. Imbes na ang matayog na building lang ang lilinisin niya ginawa na siya nitong katulong lalo na kapag nakita siya nitong nakikipag-usap sa bestfriend niyang si Evo.

Ethan Villaflor isang bilyonaryo at magiging boss ni Reyna. Gwapo ngunit masama ang ugali.

Papahirapan niya si Reyna pero kalaunan ay mahuhulog din. Darating pa sa punto na nagiging possessive na ito na akala mo kasintahan siya nito pero hinding-hindi daw siya aamin kay Reyna kahit mabulok pa ang itlog niya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Nagising si Yna nang dahil sa walang tigil na pag-ring ng kanyang cellphone. Padabog niya iyong kinuha nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. She was more concerned of what time it was than the person was calling. "Hello?" naiinis niyang bungad sa kabilang linya habang kinukusot ang kanyang mga mata. Sinipat niya ang wall clock at napag-alaman niyang alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw. She rolled her eyes. Hayop naman 'tong tumatawag sa kaniya wala man lang konsiderasyon! Wala naman siyang natatandaan na may kailangan siyang gawin ngayong araw na 'to para istorbohin ng kung sinumang poncio pilato! "Wala nga ba?" tanong niya sa sarili kapagkuwan. "Queen!" Napaungol siya sa inis. Isa lang naman ang tumatawag sa kaniya ng Queen walang iba kundi ang malandi pero matalik niyang kaibigan na kasamahan niya rin sa trabaho, 'Yon ay walang iba kundi si Evo. Ang f*ckboy niyang partner sa ahensiya. Lilinawin niya lang, ha. Hindi sila f*ck body o ano pa man dahil hanggang kaibigan lang ang tingin niya rito at ganoon din ito sa kaniya. Sadyang gano'n lang talaga ang tawag niya rito minsan dahil mayroon din itong tinatagong kalandian sa katawan. Minsan kasi kung sino-sino ang kinikindatan nito na akala mo naman ang ganda-ganda ng mga mata samantalang hindi naman masyado. Reyna Ariza ang totoo niyang pangalan pero ang matalik niyang kaibigan, Queen ang tawag sa kanya para daw maiba naman. Ang pangit daw kasi ng Reyna wala naman daw siyang kaharian. Ano'ng pinagkaiba ng Reyna sa Queen? Spelling? Eh, pareho lang naman ang ibig-sabihin. In-english lang naman nito ang Reyna. Abnormal lang talaga ang kaibigan niya. Bukod sa pagiging malandi minsan inaatake rin ito ng kabaliwan. Napapadyak siya. "Ano ba'ng problema mo, ha. Evo? Ang aga-aga nang-aasar ka! Alam mong pagod pa ko, eh. Humanda ka talaga sa 'kin dahil babarilin talaga kita kapag nakita ko 'yang pagmumukha mo!" "Akala ko gising ka na, eh." Kung nasa harapan niya lang ito ngayon baka napatay niya na ito! Nakakagigil, eh. Sobra! "Ahhh!" tili niya habang tumatalon-talon na parang bata. Umikot ang mga mata niya. Wala ng reservation sa pagitan nilang dalawa. Evo treated her as his younger sister dahil wala naman itong kapatid kagaya niya. "Jogging tayo," aya nito habang sumisipol-sipol sa kabilang linya. Kahit hindi niya nakikita ang pagmumukha nito ngayon sigurado siyang may nakapaskil na ngisi sa mga labi nito. Napanganga siya! Akala niya emergency kaya ito napatawag! Saan na ba napunta ang utak ng lalaking 'to? "Mag-jogging ka mag-isa mo!" singhal niya rito. Narinig niya naman ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. "Hindi mo 'ko maloloko kaya 'wag mo 'kong artehan d'yan, Itlog," dugtong niya pa. Minsan kasi tawag sa kanya nito manok dahil mabilis daw siyang magising, kaya naman itlog din ang tawag niya rito dahil kailangan pang batukan bago ito magising. Alam naman kasi nito na lagi silang puyat at pagod sa uri ng kanilang trabaho tapos gigisingin siya para lang sa jogging? Hindi ba nito naiisip na mas malala pa sa jogging ang ginagawa nila kapag nakikipagpalitan sila ng bala sa mga kalaban? Daig pa nila ang kabayo sa bilis nilang tumakbo kapag nasa field sila! Goodness! They are both one of the best in their agency kaya lagi silang dalawa ang ipinapadala sa mga mahihirap na misyon. B.E.S or Black Eagles Society is a group of highly trained and licensed private detectives and investigators with ten years of collective experience kaya naman ang bawat isa sa kanila ay talaga namang magagaling at hindi basta-basta lang. Dito sila nagtatrabaho at malaki ang parte ng B.E.S sa buhay nilang dalawa. She was trained by her father when she was five years old. Kaya naman naging bihasa siya sa pakikipaglaban lalo na sa barilan. Evo, was his father's godson kaya magaling din ito sa pakikipaglaban lalong-lalo na pagdating sa computer because his father trained him like what he did to her. No one knows about their existence dahil kumikilos sila ng normal pero ang totoo daig pa nila ang abnormal kapag nasa field na sila. She and Evo have been together for more than a decade kumbaga siya ang bala at ito ang baril. Hindi gagana ang isa kapag wala ang isa. Mas matanda lang ito sa kaniya ng tatlong taon. She was twenty two years old while Evo was twenty five. But, sometimes she looked more mature than Evo dahil puro kalokohan ang alam nito lalo na kapag wala na sila sa trabaho. Evo was also one of the world's best hackers ever, kaya laging tagumpay ang kanilang misyon kapag silang dalawa ang magkasama. Rainbow ang tawag sa kanilang dalawa ni Evo, kinuha sa pangalan nilang Reyna at Evo dahil kapag sila daw ang nagtrabaho siguradong tagumpay ang kaso. Mission accomplished kumbaga. Malinis at pulido. "Fine!" sumusuko nitong pahayag sa kaniya. "Kain na lang tayo ng lugaw," dugtong nito. Akala niya titigilan na siya nito dahil ayaw niyang mag-jogging iyon pala may iba itong offer sa kaniya. "Evo," pakiusap niya dahil nauubusan na siya ng pasensiya. "Fine! Mamaya na lang," pangungulit nito. "Bukas na lang! Matulog ka para makapagpahinga 'yang utak mo!" malakas niyang bulyaw sa kabilang linya. Narinig naman niya ang malakas nitong pagtawa. Baliw talaga! "Pupuntahan kita mamaya." "Evo naman, eh. Bakit ba ang kulit mo?" iretable niyang tanong dito. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit? Halos kakagaling niya lang sa madugong labanan. Mamaya pupunta siya sa B.E.S headquarters para kausapin ang ama dahil balak niyang humingi ng mahaba-habang bakasyon. Siguro naman sapat na ang isang taon para malibot niya ang lahat ng mga magagandang tanawin sa buong Pilipinas. "Oo na! Matulog ka na nga! Akala mo naman tatangkad ka pa," panlalait nito sa kanya. "Hoy, baluga! Ano'ng akala mo sa 'kin hindi matangkad?" singhal niya rito. She was five-foot-eight at six-footer naman ito. Matangkad lang naman ito ng kaunti sa kaniya napakayabang na! Sabi nga nila wala 'yan sa tangkad dahil mas importante ay ang performance. Hindi naman daw mahalaga kung sino ang mas matangkad dahil nagiging pantay naman daw ang dalawang tao pagdating sa kama. 'Yon ang laging bukambibig ng kaniyang ama na hindi niya alam kung paano 'yon nangyayari dahil wala siyang ideya man lang. Kaya aalamin niya ang bagay na iyon kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. Puwede nga siyang magmodelo kung gugustuhin niya, eh. Kaya lang ayaw niya dahil hindi siya sanay magsuot ng mga high heels. Minsan na kasi siyang nagpanggap na isang modelo para sa misyon nila noon at nakita nito kung paano siya maglakad. Imbes na mag-focus ito sa kanilang misyon hindi nito magawa dahil nasa kaniya na lang ang buo nitong atensyon. Maghapon din siyang pinagtawanan nito dahil para daw siyang pato maglakad. Sino ba naman ang hindi? Ikaw kaya magsuot ng stilettos ewan ko lang kung hindi ka mukhang pato maglakad lalo na't hindi ka naman sanay sa ganoon. Isinumpa niya ang araw na iyon dahil puro paltos ang nangyari sa dalawa niyang paa. Hindi na rin siya makapaglakad ng maayos dahil doon. Ilang beses na rin siyang muntikang masubsob. Ang magaling niyang kaibigan imbes na tulungan siya, ito pa mismo ang tumawa nang tumawa sa kalagayan niya. Halos maluha-luha pa nga at kulang na lang magpagulong-gulong ito sa sobrang tuwa. Hindi pa sana ito titigil sa kakatawa kung hindi niya ikinasa ang hawak-hawak na baril at itinutok sa gitnang bahagi ng katawan nito. Kilalang-kilala niya ang mokong na ito, magkamali lang siya ng kaunti pagtatawanan na kaagad siya nito. Pero isa lang ang masasabi niya rito, na kahit sira ang ulo ni Evo nagiging ibang tao ito pagdating sa trabaho. He looked so serious and dangerous when it comes to their mission. Doon nga lang talaga ito tumawa nang tumawa no'ng magsuot siya ng high heels. Ang babaw nga lang ng kaligayahan minsan. Parang t*nga! "Dadalawin na lang kita," ani nito na tila nagpapaawa pa. Saan kaya ito ipinaglihi? Saksakan kasi ng kulit, e. Hindi nga pala niya alam dahil ulila rin ito kagaya niya kaya naman halos kapamilya, kapuso at kapatid na rin ang turingan nila sa isa't isa. "Magkita na lang tayo sa headquarters dahil pupunta rin ako mamaya do'n." "Sige na nga! Magdala ka ng pagkain, ha. Hihintayin kita," bilin nito sa kaniya. Ang kapal naman talaga ng mukha nito! Siya pa talaga ang inutusan? Ang dami-daming pera hindi makabili ng pagkain! "Bilisan mo, ha. Gutom na gutom na ako, e. Kaya dapat bilisan mo," paulit-ulit nitong bilin sa kaniya. "Oo!" matipid niyang tugon dito. Kahit naiinis siya dito hindi naman niya ito kayang tiisin dahil isa ito sa mga importanteng tao sa buhay niya. Matapos makausap ang kaibigan dumeretso siya sa banyo para maligo dahil maaga siyang pupunta sa headquarters ngayon para magpaalam sa ama. At para ibili na rin ng pagkain ang magaling niyang kaibigan dahil baka mamatay pa ito sa gutom. Pagdating niya sa headquarters tinanguan niya ang mga kapwa agent na nakakasalubong niya. Maaliwalas ang pakiramdam niya ngayon dahil hihilingin niya sa ama na bigyan siya ng isang taon para makapagpahinga. Ang unang-una niyang gagawin ay maliligo sa beach maghapon at magdamag at wala siyang pakialam kahit magkasipon pa siya. Nakalista na sa isip niya ang mga bagay na gagawin niya sa oras na payagan siya ng ama. Aakyat siya sa mga matataas na bundok. Magiikot-ikot siya sa buong mundo at marami pang iba. But, for now, kailangan niya munang makausap ang ama dahil ito ang Head Director ng B.E.S.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.0K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.6K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.3K
bc

EASY MONEY

read
173.8K
bc

Dangerous Spy

read
297.0K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook