bc

CHASING MR. SMITH

book_age16+
675
FOLLOW
1.8K
READ
arrogant
sensitive
drama
bxg
lighthearted
realistic earth
first love
love at the first sight
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Esther Reyes admired Mentor Joshua Smith and she wanted to meet him personally. Matagal na siyang taga-hanga nito at pinangarap niya itong makita sa personal. Gusto niya mapabilang sa mga students nito na tinuturuan para matupad ang mga pangarap bilang Ppop-Idol. She can dance, she can sing but no one can discover her talents. Sa pagkakataong ito paano kung magkita sila, makikita rin kaya nito ang talento niya? O paghanga niya dito?

Do dreams come true in real-life?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE/CHAPTER 1
PROLOGUE “Sino ba kayo!” Panay ang kawala ko habang nakasakay ako sa isang sasakyan at nakapiring ang mga mata ko dahil sa blindfold. “Ma’am, sumunod na lang po kayo ‘wag na kayong malikot.” Nakarinig ako ng boses sa kabiling side ko. Natatakot ako na baka kung anong gawin nila sa akin dahil bigla na lamang silang tumigil sa tapat ng convenience store kung saan ako galing at paglabas ko kinuha nila ako at sinakay sa van na walang kalaban-laban at walang kahit na isa ang tumulong sa akin. “Oo nga, ma’am. Kumalma muna po kayo malapit na tayo.” Sabat naman nang nasa kabilang gilid ko. Hindi makapaniwala na tumawa ako. “Mga baliw ba kayo? Paano ako kakalma kung hindi ko kayo mga kilala tapos dinukot ninyo ako!” Tatlo sila at ang isa ay nagdi-drive sapagkat ang dalawa ay nasa magkabilang side ko. Sino ba ang mga ito? Wala naman akong atraso sa kahit sinong tao? Higit sa lahat wala akong kilalang pwedeng gumawa nito sa akin, nagtatago na nga ako ganito pa nangyari. “Sumagot kayo, sino ba talaga ang may gustong ipadukot ako!” Pumapalag ako pero malakas ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko, hindi naman nila ako sinasaktan parang iniingatan pa nga nila ako. “Ma’am, pasensya na po kayo kailangan namin gawin ‘to para madala namin kayo nang maayos sa kanya.” Pagsabi ng isang lalaki na nasa side ko ay nararamdaman kong unti-unti akong nahihilo at nilalamon ng antok dahil may nasisinghot akong usok at kakaiba iyon para akong babagsak sa antok at wala akong nagawa kundi pumikit at matulog. Nagising ako dahil sa kiliti na aking nararamdaman mula leeg ko at sinubukan ko buksan ang isang mata ko. Bumalikwas ako nang tayo dahil bumungad sa aking harapan si Joshua na nakapatong sa akin, pero naka-angkla ang dalawa niyang braso para hindi ako madaganan. Para akong nakakita ng multo sa harapan ko ngayon, siya ang nag-padukot sa akin? “Jo-Joshua..” mahina kong bigkas sa pangalan niya at sinubukan kong hawakan ang pisngi niya, totoo nga, kaharap ko siya ngayon pero galit at puot ang nakikita ko sa mga mata niya. “Bakit parang nakakita ka ng multo?” Sarkastik ang pagkaka-tanong niya. “Joshua-” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang siniil niya ako nang halik at masakit ang paraan niya, pakiramdam ko ay nasusugatan ang aking labi, nasasaktan na ako sa ginagawa niya pero wala siyang narinig na angal mula sa akin dahil gusto ko maramdaman ang galit niya sa akin. Napapikit ako ng mariin nang maramdamang unti-unti siyang naging gentle kaya nagawa kong sabayan ang paghalik niya, hanggang ngayon ay magaling pa rin siya sa ganitong bagay. Ang bilis-bilis niya akong nakukuha sa ganitong galawan at natatakot akong bumigay. Isang nakakapagnasang-ungol ang lumabas mula sa aking labi ng maramdaman kong pumalibot ang braso niya sa akin bewang at mas hinapit niya ako palapit sa kanyang katawan dahilan kaya nabuhay ang katawan ko, hanggang ngayon pala mahina pa rin ako pagdating sa kanya. I can’t deny the fact that I love him so much, the way he looks at me, the way he kisses me, the way he pleases me, I miss all of this, I miss him so much. “Joshua..” Hindi mapigilang napaungol ako ng dumako ang labi niya sa pisngi ko patungo sa likod ng tainga pababa sa aking leeg. At kinagat-kagat niya ang balat ko, sa unang kagat ay mahina lamang ngunit nilakasan niya pagdating sa balikat ko kaya’t napangiwi ako sa sakit, tumigil rin siya kasama nito ang pag-ngisi niya. “Bakit mo ba sa akin ‘to ginagawa?” His voice sounds tortured. “May nagawa ba akong mali na hindi mo nagustuhan kaya pinili mong iwan ako? Lumalaban ako pero sumuko ka na pala, I love you, I love you so f*****g much! Pero wala kang pakialam! Hindi ka nasasaktan!” “Hindi mo ako naiintindihan!” “Pwes ipaintindi mo!” Napaigtad ako dahil nagtaas siya ng boses at wala sa sariling umiling-iling ako habang nakatingin ng diretso sa mga mata niyang may kislap ng galit at sakit. I feel pain so much in my heart but I smile instead. “Kailangan ko na bumalik sa amin, baka nag-aalala na sila sa akin.” He laughed bitterly. “Hindi ka aalis, walang aalis! Marami akong tanong na gusto kong malaman!” Hinawakan niya ako sa pulsuhan at ramdam ko ang galit niya sa pamamagitan ng mga mata niya. “Naiintindihan mo ba ako? Walang aalis at hindi ko hahayaang umalis ka na hindi mo nasasagot ang mga tanong ko.” Nag-uumpisa nang manubig ang mga mata ko. “Itanong mo kung ano ang gusto mong itanong.” “Do you still love me?” Sa pagkakataong ito tiningnan ko siya sa mga mata at matapang na sinagot ang tanong niya. “No, hindi na kita mahal. May tanong ka pa?” Parang akong sinaksak ng paulit-ulit habang binibigkas ang katagang hindi ko na siya mahal, sapagkat ang totoo ay walang nagbago, hanggang ngayon mahal ko pa rin siya at kailanman ay hindi ‘yon magbabago. Lumayo siya nang ilang hakbang sa akin. “Stop lying and stop hurting me, Esther please. Bawiin mo ang mga sinabi mo..” “Tigilan muna, Joshua! Bumalik na ulit ang paghanga ng mga tao sa’yo, ano pa ba ang gusto mo-” “Ikaw! Ikaw ang gusto ko! I don’t care about what others think!” “Ibahin mo ako! Ayoko na, Joshua, nagsasawa na ako sa’yo! Hindi kita mahal!” “I feel like a complete idiot for loving you, that’s bullshit! You lied to me, you leave me without saying goodbye, pero bakit hanggang ngayon mahal kita! Damn you!” Pagbitaw niya ng mga salitang iyon iniwan niya akong mag-isa umalis siya na wala akong binitawang salita, nanginginig ang labi ko hanggang sa tuluyan nang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. “ESTHER!” Kamuntikan na akong mabulunan dahil sa malakas na boses ni Agatha na nanggagaling sa labas at mukhang nagmamadali. Kumakain pa man din ako nang masarap na chocolate ice cream, kahit kailan talaga istorbo siya. Sumilip ako sa bintana at nakita kong paakyat na siya. “Problema mo?” Salubong ko sa hinihingal na si Agatha. Humahangos itong umupo sa tabi ko, “May good news ako sa’yo,” pabitin nitong saad na ikinatigil ko sandali para makinig sa kanya. “Nakakuha ako nang isang application form para sa recruitment ng Breaker group at pwede kana mag sign ngayon, para ipadala sa All Stars Entertainment! Mag isip ka na, bukas ang start nila para kumuha ng mga nominees!” “Tapos?” Isusubo ko sana ang natirang ice cream nang batukan niya ako kaya binalingan ko siya ng masamang tingin sabay bulyaw, “Ano bang problema mo!?” Sakit nun akala niya siguro bato ang ulo ko? “Ayaw mo ba?” “Ano naman ang gagawin ko diyan, buti sana kung makikita ko si Joshua Smith diyan at ayokong mapahiya lang,” tugon ko na may halong pagkadismaya. Ano naman kasi ang gagawin ko ‘dun baka mamaya mapahiya lang ako, siya lang naman ang naniniwala sa akin na magaling ako at may potential pero sa loob ko hindi naman ako magaling tulad ng mga sumubok na mag training sa All Stars. Maging si mama ay hindi naniniwala sa akin ang sabi niya mag aral na lang daw ako para sa future ko, advance siya mag isip, e. Ano pa magagawa ko? “Paano kung,” sinisimot ko pa rin ang ice cream nang tumingin ako kay Agatha dahil pabitin siya kahit kailan, “Paano kung ang mentor nila ay si Joshua Smith sasali ka ba?” Tiningnan ko siya ng maigi. Nagulat ako nang makitang may hawak pala siyang isang poster at mukha ni Joshua Smith ang nakaplasta dun kasama ang Breakers Group. Mabilis kong kinuha mula sa kamay niya ang poster na ‘yon at tumalon ang puso ko nang makita ang name ni Joshua Smith sa mga list of mentors, nagdiriwang ang puso ko sa saya. “Saan ‘to? Sasamahan mo ba ako?” “Kung sasali ka susuportahan kita pero kung hindi, tapos ang habol mo lang ay si Joshua Smith. Sorry na lang ‘wag mo akong asahan.” Aniya sabay pamewang. “Copy! Yiee, da best ka talaga!” Sabi ko sabay damba ng yakap sa kanya pero imbis na yakapin ako pabalik tinulak niya ako ng pabiro. “Ews, baka mahawa ako nang pagkabaliw mo kay Joshua Smith, ayokong maghabol at magpaka martir.” “Okay lang mahal mo naman ako.” Natatawa kong tugon sabay kindat pero dahil nga kilala si Agatha bilang maarte kong kaibigan ipinagtabuyan niya ako bago tumayo upang magpaalam kasi may pasok pa sa cafeteria ang babaeng ‘yon bilang waitress every weekends. Masipag talaga siya kaya nga gusto kong pantayan ‘yon, e. My future will be bright with my Joshua Smith, babe! This is it! I can’t wait to meet him personally and If ever na hindi ako makapasok miski kamay man lang niya mahawakan ko mabubuhay na akong single. Pero sisiguraduhin kong makukuha ako para mapabilang sa Breaker’s group, Esther, fighting! May isang tao lang na kailangan kong makumbinsi para tuluyan na akong makapasok sa All Stars Entertainment, sana lang talaga hindi ako panghinaan ng loob magpaalam sa kanya. “Mama?” tawag ko kay mama na nasa kwarto lang pala, naghugas na rin ako ng pinggan baka sakaling gumanda ang mood niya pag malinis ang lababo. Hindi niyo ba alam adik sa kalinisan si mama? Nako! Araw-araw humahagis ang mga hugasin pag walang gusto maghugas at matatagpuan mo nalang sa basurahan ang mga pinggan. “Ano?” Umupo ako sa tabi niya, tinulungan ko siyang mag tiklop ng mga damit kaya kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Masipag akong maghugas pero ayokong magtiklop. “Ma?” Pukaw ko ulit sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko bago bumalik sa tinitiklop niya, “Alam ko kaya mo ako tinutulungan kasi may kailangan ka. Ano ‘yon?” Huminga ako mula sa aking lungs baka mamaya kasi maubusan ako nang lungs, este hangin sa loob. Para akong nakikipaglaban, di ba? Nakakatakot kasi itong si mama, kahit ‘yata si papa hindi uubra. “Pwede po ba akong sumali sa All-” “Hindi pwede,” “Hindi pa nga ako tapos pinangunahan mo agad,” nakasimangot kong saad. “Alam ko naman kasi ang sasabihin mo,” muling tumingin si mama sa akin sabay hawak sa kamay ko dahilan kaya napabitaw ako sa damit na tinitiklop ko, ngumiti siya pero ngiting malungkot, “Anak, hindi madali ang maging sikat lalo na marami ang judgemental na tao. Ayoko rin mabaliw ka sa isang tao na kahit kailan hindi magiging sa’yo.” Hindi ko alam kung saan humuhugot si mama nang ganito. “Ma? Paano kung suwayin kita sa gusto mo, itatakwil mo ba ako?” Masama ang loob na binitawan ni mama ang kamay ko, “Hindi mo kaya, ‘wag mo na akong suwayin kasi para sa’yo naman ang sinasabi ko.” “Mama, naniniwala ka bang kayang abutin ng mga tao ang stars?” Kunot-noo na tumigil si mama sa pagtitiklop, “Alam mo tigilan muna, mag aral ka para maging maganda ang future mo.” Sabi niya pero hindi ako nagpatinag dahil kailangan ko siyang makumbinsi. “We are made to reach the stars, sabi mo nung bata pa ako kung mangangarap ako dapat mataas pa sa building. Ngayon mama nangangarap akong kasing taas ng star.” “Manahimik ka, umalis ka na ngang bata ka. Ako na ang magtatapos nito!” “Mama-” “Aalis ka o sa’yo ko ‘to ipapagawa?” “Sige po ako ang gagawa niyan, basta payagan mo po akong sumali sa-” Padabog na kinalat ni mama ang mga naka tiklop na damit dahilan kaya tumayo ako para kuhain lahat ‘yon, imbis na tulungan ako ni mama walang sabi niyang hinigit ang kamay ko upang itayo, “Ano ba, Esther! Pinag aaral kita para naman maging maganda ang buhay mo hindi para magpakatanga sa pangarap na ‘yan!” “Ganyan rin po ba ang sinabi sa inyo ni lola?” Natigilan nang bahagya si mama at tumingin sa kawalan, “Anak, mangarap ka sana ‘yung alam mong hindi ka masasaktan,” hinawakan niya ang kamay ko at saka marahang hinila ako palabas, “Bahala ka sa desisyon mo pero ‘wag mo ko asahan na susuportahan kita.” Walang lingon-lingon na pumasok ulit si mama sa kwarto habang ako nakatayo lang dito sa tapat ng pintuan, masakit marinig mula kay mama ang katagang ‘yon pero mas nagkaroon ako ng dahilan upang ipagpatuloy ‘to, patutunayan ko na hindi ako nagkamali na ituloy ang naudlot na pangarap ni mama. Alam ko ang nakaraan ni mama. Hinanap ko ang aking cellphone at natagpuan ko ‘yon sa mesa kung saan ako kumakain kanina nang ice cream, buong tapang akong nag type ng message kay Agatha. Mag sign kana at bukas pupunta tayo sa All stars Entertainment Company. KINABUKASAN.. “Are you ready?” Pukaw ni Agatha sa akin, tulad nang pangako niya sinamahan niya nga ako dito sa All Stars Entertainment Company, sobrang laking building pala nito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako, iniisip ko lang rin si mama kasi umalis ako ng hindi kami naging maayos dahil ayaw niya akong paalisin. “Syempre! Kaya lang saan may public na restroom dito? Natatae na yata ako.” “Ano ba ‘yan! Akala ko nagbawas kana sa inyo,” tugon nito habang nililibot ang paningin at nagbabakasakali na may restroom na pakalat-kalat. “Ang hirap mo talaga kasama at kausap, noh?” Tinulungan ko na siyang maglibot. Sinimulan ko na rin igala ang mga mata ko sa paligid habang sinasabayan ang pagdarasal na makahanap kahit isa lang o kahit madumi pa ‘yan papatusin ko na. “Esther! Ayun magtungo ka na dun kaya lang maraming nakapila baka malate kana, pwede pa naman ata pigilan ‘yan?” Nag aalangan na tanong niya sa akin. Huminga ako nang malalim at saka kinapa ang tiyan ko na medyo kumikirot, bakit ngayon pa? Ice cream lang naman ang kinain ko, ah! Bwisit naman! “Bahala na nga! Papasok na ako, fighting!” Pagpapaalam ko bago kumaway sa kanya at puno ng determinasyon akong pumasok sa building kasabay ang mga nangangarap rin katulad ko. Bago ako tuluyang makapasok narinig ko ang boses ni Agatha. “Fighting, Esther! Panindigan mo ‘yan!” Marami kaming nominees ang naghihintay sa isang malaking room, hindi ko lang alam kung paanong upo ang gagawin ko dahil anytime pwedeng maghasik nang lagim ang aking pwet. “Okay, good morning everyone, let’s give applause to our mentors, Joshua Smith, and Kevin Lee!” Napuno nang palakpakan ang buong room. Hihimatayin na yata ako nang sumilay ang kabuuan ni Joshua Smith. His handsomeness, gosh! Umaapaw gusto ko na siya yakapin ngayon pa lang nakakaloka. Pero hindi, kailangan ko palang mag focus dahil nagpunta ako dito hindi lang para makita si Joshua babes kundi para mapatunayan ko kay mama na mali ang pagsisihan ‘yung mga desisyon ko. Mas gwapo siya sa personal kaysa sa Tv, ang dalawa niyang mata ay mapupungay at nakakatunaw titigan, malalantik na pilik mata at natural na mapupulang labi. I was in a daze. Damn this man! He is so gorgeous! Kahit sino ay maiintidimate sa binata na ‘to. “Hello everyone, I’m Joshua Smith, one of the mentors.” His voice is music to my ears and damn it's so good! It is so calming and gives me butterflies. Maraming pumalakpak at halos gusto ko nang tumili pero bawal sapagkat nasa rules ‘yon, pumunta kami dito para sa mga pangarap hindi para lumandi kaya todo pigil ako sa sarili kong tumakbo na lang bigla para yakapin si Joshua. “Hello, I am Kevin Lee. One of the handsome Mentors. Just kidding!” Pakilala nitong isang mentors na katabi ni Joshua, he is handsome and charming pero walang makakatalo kay Joshua babes. “Okay nominees, let’s start, ready na ba kayong lahat? Syempre kailangan ‘yan.” MEDYO kinakabahan ako but keri naman ‘to, first time kong ipaparinig sa ibang tao ang boses ko kasi nga mahiyain ako at aaminin kong takot akong husgahan kaya itinago ko ang mga kaya kong gawin. Pumasok na ang mga Mentors kaya lumipat ako ng pwesto para makapunta ako sa group niya. “Okay, first nominees please forward, Esther Reyes!” Dumadagundong ang puso ko at wala akong naririnig kundi ang puso ko at mabilis na paghinga. Pumasok ako sa room 107 kung saan nandoon si Joshua Smith, naniniwala ako na dito ang room niya kaya pinili ko talaga ang 107. Pagpasok ko bumagsak ang balikat ko pati na rin ang mood ko, wala siya sa room 107 bakit!? “Another beautiful woman,” napatingin ako sa mentor namin na nakangisi at kung hindi ako nagkakamali siya si Kevin Lee. Mukhang playboy ang isang ‘to. Sunod-sunod ang pagpasok ng mga nominees at ayon sa mechanics kailangan makabuo kami ng isang performance at ang makikitang may potential ay siyang irerecruit upang mapasama sa Breaker’s Group habang ang iba pa ay gagawa nang new P-pop group. Halata naman siguro kung saan ko gusto di ba? Kasi kung gagawa lang naman nang group tapos hindi si Joshua Smith nakakasad ‘yon kaya dapat ma recruit ako! “Attention, guys! Since complete na kayo simulan na natin ang pagbuo ng mga performances na gagawin niyo. Dalawa lang ang pupuntahan niyo either may potential kayong i recruit para sa Breaker’s group or new groups kayo dadalhin, alam kong karamihan sa inyo o lahat kayo ay gustong mapunta sa Breakers but sad to say, isa lang ang pwede. Let’s start?” Mahabang pahayag ng mentor namin na ngayon ay seryoso, akala ko kasi puro na lang ngisi ang alam niya. “Yes, Mentor Kevin! We are ready!” Four hours practice to showcase our talents at sa four hours na ‘yon dapat lumabas kaming full of confidence and determination. Sinimulan na ang paggawa namin nang steps sa napiling music. Total Performance ang kailangan ipakita. “24k magic remix Havana and we need to show something na makakapag pakita ng mga talents niyo. Sing, dance, and present ang magiging susi niyo.” QUOTES TIME: A dream you dream alone is only a dream. A dream you dream together is reality. Deep into that darkness peering, long I stood there, wondering, fearing, doubting, dreaming dreams no mortal ever dared to dream before. The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

His Obsession

read
75.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook