TDW-1

1204 Words
“Patawarin mo ako anak kung hindi ko kayang salbahin ang negosyo natin. Hindi ko gustong pilitin ka na magpakasal subalit alalahanin mong nasa saiyo pa rin ang desisyon. Ano man ang desisyon mo ay rerespitohin ko. Mas importante ang kaligayahan mo higit sa negosyo natin,” seryosong ani ni Papa. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa at nag-uusap kasama si Mommy na nakayakap sa akin. Pinahid ko ang luha ko’t kiming ngumiti. “Ayaw ko po Papa, pero mas mahalaga kayo sa 'kin. Negosyo iyan nina, Lolo’t Lola na ipinamana sa inyo. Ayaw kong mawala lahat ng pinaghirapan ninyong lahat dahil lang sa akin,” mahinang sagot ko. I understand everything. Kahit na masakit at labag sa kalooban ko ay gagawin ko para sa mga mahal ko sa buhay. “Salamat Anak,” umiiyak na wika ni Mommy. Niyakap ko silang dalawa at suminghot. “Mahal ko kayo, at gagawin ko ang lahat para sa pamilya natin. Kahit mahirap kakayanin ko dahil kayo ang lakas ko,” nakangiti kong saad sa kanila. Ayaw kong dagdagan pa ang problema ng mga magulang ko dahil sa katigasan ng aking ulo. Matapos ang pag-uusap namin ni Daddy at Mommy ay pinagbihis nila ako ng pormal para makipagkita sa kaibigan ni Daddy at mapag-usapan ang kasal. Umupo ako sa kama at tiningnan ang aking repleksiyon sa vanity mirror. Hindi ko mapigilang huwag umiyak dahil sa bigat na aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng lahat at walang makapitan at kailangan kong gumawa ng sarili kong mundo para makaiwas sa lahat ng problema. Napahingos ako at nagbihis na t'saka nag-ayos ng sarili. Nang matapos ay bumaba na ako at ilang minuto lang din naman ay nag-drive na si Daddy papunta sa restaurant. Hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang t***k ng puso ko at kinabahan. “Ayos ka lang ba, anak? You seem uncomfortable. May nararamdaman ka bang masakit? Tell me puwede naman nating ipagpabukas ang meeting,” nag-aalalang wika sa akin ni Mommy t'saka hinawakan ang aking kamay. Umiling lamang ako t'saka ngumiti. “I’m fine Mom, kinakabahan lang ako,” sagot ko. “Don’t worry anak, the Humphries are kind. They will love you,” Daddy stated as if it helps me lessen my anxiety. Huminga ako nang malalim t'saka pinikit ang mga mata. Lalo na nang maramdaman kong huminto na si Daddy. I breathed heavily and get out of the car. Nasa likod ako ni Daddy at Mommy nang may magsalita. “Ernest, Karla, mabuti naman at dumating na kayo,” rinig kong sambit ng isang babae. Lumapit si Mommy at Daddy sa babae at asawa nito t'saka nakipagbeso. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at ngumiti nang malapad. I think I stunned for a moment. Napaka-ganda nito parang si Natalie Portman. “Ito na ba si Kaisle?” Kumikinang ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Kinuha niya ang aking mga kamay at niyakap ako. Gulat man ay hinayaan ko na lamang siya. “Napakagandang bata, ikaw na talaga ang para sa anak ko,” excited na aniya. “Hali ka, tabi kayo ng anak ko. Sinamahan pa niya sandali ang Papa niya sa labas.” Nagpatianod na lamang ako sa kaniya lalo na’t nakikita kong masaya at nakangiti ang mga magulang ko. Sumunod naman ako. Nag-uusap sila ni Mommy at Daddy nang magsalita siya. “Nandito na sila,” masayang aniya. Nakatuon lamang ang atensiyon ko sa cellphone ko nang magsalita si Daddy. “Kaisle, meet your fiancè. King, she’s my daughter, Kaisle.” Mabilis na napatingala ako at natutop ko ang aking bibig nang masilayan siya. Tila nagsiawitan ang mga anghel sa kalangitan. Nakikita ko siya sa university dahil sikat siya. Team captain ng basketball  ng university namin at napaka-gwapo naman talaga niya. “Hello,” tipid na saad niya at umupo na sa tabi ko. Napakalaki ng ngisi ng mga magulang namin sa nakikita nila. Mas lalong lumakas ang tahip ng dibdib ko lalo na’t ang lapit namin sa isa’t-isa. Nang matapos na kaming kumain at mapag-usapan ang nalalapit naming kasal ay nag-excuse muna ako para magbanyo. Nag-retouch muna ako sandali para maging presentable ako sa harap ni King. Nakangiting lumabas ako ng banyo nang may nagsalita. “Change your decision you still have time to back out,” malamig ang boses na nagpatigil sa paglakad ko. Hinarap ko siya at pilit na nginitian. “Huwag kang ngumiti dahil sa susunod baka makalimutan mo na kung paano. Stop involving my family on your financial needs. Wala kang pinagkaiba sa mga prostitute na ibinubugaw kapalit lang ng pera, low class b***h,” nakapamulsang aniya. Naitulos ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa likod niyang naglalakad paalis. Parang tinusok ng ilang beses ang puso ko sa sakit. Napakasakit lalo na kung ganoon kababa ang tingin niya sa 'kin. I dried my tears and calm myself. I half smiled and fix myself before I went back to our table. “Mas lalo akong naging determinado na gustohin ka, King, I will prove myself to you that I am worthy of your time and attention. I will make you love me,” desidido kong wika. Bumalik ako sa table namin at ngumiti nang pagkalaki-laki. Now I am fully determined to win him. Napagpasiyahan nila na next month na ang wedding namin. Wala akong narinig na tutol mula kay King kaya hindi na rin ako tumutol. Everything is set. Kinabukasan ay naligo na ako at nagpaganda dahil pupunta rito sa amin sina King para mapag-usapan naming dalawa ang aming mga plano. I’m super excited dahil sa wakas ay makakausap ko na siya at makukumbinsi ko na siyang hindi ako isang babae lang. Naghintay ako sa labas ng bahay namin at napangiti nang masilayan ang kotse nilang papasok sa garage. “Good morning Tita, Tito at sa 'yo rin, King,” bati ko sa kanila. I wore my super smile and I did brushed my teeth carefully earlier. Masayang bineso ako ni Tita at nginitian ni Tito. Pumasok na sila sa loob kaya kami na lang dalawa ni King ang nandito sa labas. “Kamusta ka? Nakatulog ka ba nang mahimbing?” I asked him with my joyful voice. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. “I thought you’re smart, why don’t you f-cking use your brain?” galit na aniya sa 'kin. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko. “Ano'ng ibig mong sabihin?” tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang aking noo. His thick eyebrows straightened. “I don’t like you,” tipid na wika niya. Naiwan ang ngiti ko sa ere sa narinig. “Pero ngayon mo pa lang ako nakita, we’ll get to know each other b—" “I have a girlfriend and you know, Bianca. I love her, you still have a chance to change your mind. Dahil kung ipagpapatuloy mo ang kahibangang ito, I swear you’ll regret it,” malamig na aniya at tinalikuran ako. Naikuyom ko ang aking kamao sa narinig. I will never ever change my mind. Naniniwala akong magbabago ang lahat kapag magkasama na kami soon. Nakangiting sumunod na rin ako sa kaniya. I don't care how many times he will call me names. I'd gladly accept it anyway. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD