Part 3: Nawawalang Sandali

2066 Words
Ang Sumpa ni Ibarra Ai_Tenshi Aug 17, 2020 Part 3: Nawawalang Sandali "Dalawang taon? Anong ibig ninyong sabihin? Kanina lamang at mag kakasama tayo. Halos pitong oras pa lamang akong nawawala. Hindi kapani paniwala ang inyong mga sinasabi," ang katwiran ko na hindi malaman kung matatakot ba o maiiyak. Sa dami ng pinag daanan ko sa bundok ng Hiraya ay halos mabuang na ako sa matinding kaguluhan ng aking isipan. "Totoo ang lahat ng narinig mo Leo. Ang akala namin ay namatay kana doon sa kagubatan. Dalawang taong kang nawala at hindi namin alam kung saan ka napunta, hindi namin alam kung saan ka hahanapin. Ang sabi ng mga tauhan mo ay sinaniban ka ng kung ano at nag baril ka ng iyong sarili. Jusko, nag papasalamat ako at buhay ka Leo," ang iyak ni manang Bering at gayon din si Tob na nakayakap sa akin habang patuloy sa hikbi. "Mahirap paniwalaan ang mga sinasabi niyo ngunit sa tingin ko kailangan kong mag pahinga, nawala ng lakas at parang patuloy akong napapagod, pati ang utak ko ay ganoon rin ang nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ang nangyari ngunit sa palagay ko ay may kinalaman ito roon sa hiwaga ng bundok Hiraya. Sana ay naniwala ako sa iyo manang Bering, sana ay hindi naging matigas ang aking ulo. Patawarin nyo ako," ang wika ko habang niyayakap ang aking anak. "Halos bumagsak ang mundong ng iyong ina noong mga panahong nawala ka, pati si Tob ay hindi rin maka usap ng maayos at palagi itong umiiyak at nagiging sakitin. Sa dalawang taong lumipas ay maraming nangyari, ang negosyo ay bumagsak at nag alisan na rin ang mga tauhan mo dahil sa kakulangan ng pampasweldo. Naging mahirap sa lahat ang iyong pag kawala kaya't ganito na lamang ang aming reaksyon noong makita ka namin muli,” wika ni Manang Bering sabay yakap sa akin. "Hindi pa malinawa sa akin ang lahat, ngunit pipilitin kong iayos ang mga bagay na nawala at nasira dulot ng aking pag alis. Ang mahalaga ay nakabalik ako mula sa kung ano mang sumpa ang dulot ng bundok na iyon," tugon ko habang pumapasok ng bahay. "Kung ganoon ay naniniwala kana sa hiwaga ng Bundok Hiraya? Katulad ng sinasabi ko sa iyo, iyon ay hindi isang ordinaryong lugar nalamang, tahanan ito ng mga nilalang na hindi basta basta nakikita ng ating mga mata. Karaniwan sa mga ito ay talagang gwapo at kaaya aya ang anyo kapag iyong nasilayan ngunit iyon ay ilusyon lamang ng iyong mga mata. Kapag pinag laruan ka ng kakahuyahan ay hindi mo na malalaman kung ilang oras na ang lumilipas. Walang pinag kaiba ito sa alamat na kapag isinumpa ka raw ng tikbalang ay habang buhay kang tatakbo ng paulit ulit at hindi mo namamalayan na taon na pala ang lumilipas sa kada pag hakbang mo," wika ni Manang Bering Ilang oras lamang ako nanatili sa bundok ng Hiraya ngunit pag balik ko dito ay dalawang taon na ang nakalipas. Ang ibig bang sabihin nito ay nag lakbay ako sa ibang panahon? Ang bundok ba na iyon ay may kakayahang mag "Time Travel" kaya't maraming sandali ang biglang nawala sa aking buhay? Marami akong nababasang aritkulo tungkol sa mga pag tawid sa ibat ibang oras at panahon ngunit ni minsan ay hindi ako naniwala sa mga ito, hindi ko akalain na isa ako sa makararanas ng ganitong pangyayari. Nakakabaliw. Nakakalito. Noong gabi ring iyon ay agad na dumating si mama mula sa siyudad upang makita lamang ako. Pati siya ay hindi rin makapaniwala sa aking muling pag babalik kaya naman bumuhos ng emosyon at kaligayahan sa buong kabahayahan,"Ang akala ko ay tuluyan ka nang binawi sa akin ng may kapal. Ikaw lamang ang nag iisa kong anak, hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin ang iyong pag kawala ngunit ang lahat ng pag dadalamhating iyon ay tila bulang nawala dahil nandito kana muna. Salamat at bumalik ka sa akin," ang iyak ni mama. "Elvie, hindi ako nag kulang ng paalala dyan kay Leo, palagi kong hinahabilin sa kanya na huwag mag tutungo doon sa Bundok ng Hiraya dahil delikado, sadyang matigas talaga ang ulo ng batang iyan." salita naman ni manang Bering habang pina uusukan ang bawat sulok ng bahay. "Para saan naman iyan manang Bering?" tanong ko. "Espesyal na insenso ito. Ginagamit ito upang itaboy ang mga masasamang espiritu. Mahirap dahil baka sumunod sila sa iyo. Karaniwan ang mga engkanto ay sumasama kahit saan ka mag punta basta't na kursunadahan ka nila," sagot ni Manang habang patuloy na pinauusukan ang aming paligid. "Ang mabuti pa ay kumain kana at mamahinga Leo, ako na ang bahala dito kay Tob," ang wika ni mama. "Ayoko po, tatabi ako kay papa. Baka kasi umalis nanaman siya at hindi na bumalik," pag mamaktol ni Tob habang naka kapit sa aking braso. "Hindi naman ako aalis anak. Sa akin ka tumabi mamaya at kwentuhan mo tungkol sa mga ginawa mo sa school," wika ko sabay gulo sa buhok nito. "Syempre ginagalingan ko po sa school, tinutulungan kasi ako ng kaibigan ko. Lagi nya ko binabantayan saka minsan nga inaaya nya ako na mag lilibot daw kami doon sa bundok ng Hiraya at sasakay daw kami sa mga higanteng insekto," pag mamalaki ni Tob dahilan para mapakunot ang aking noo. Lumuhod ako sa kanyang harapan at seryoso itong kinausap seryoso. "Nag sasabi ka ba ng totoo? O gawa gawa mo lamang ito?" ang tanong ko. "Nag sasabi po ako ng totoo papa. Ang sabi nya sakin ay papasyal daw kami sa palasyo nila," ang sagot nito. "Papasyal? Kahit anong mangyari ay huwag kana sasama okay? Simula ngayon ay ayoko nang makikipag kita ka sa kanya." "Pero papa, friend ko po sya. Mabait po sya." "Itigil mo na yan okay. Huwag kana makikipag usap dyan sa kaibigan mo o kahit na sino pa yan!" utos ko na may kataasang tinig dahilan para matakot ito at umiyak. "Bad ka papa.. Bad ka!" pag atungal nito at nag tatakbo patungo kay mama. "Hayaan mo na itong si Tob at bata lamang iyan. Hindi natin alam kung nag sasabi sya ng totoo," wika ni mama. "Noong una ay hindi ako naniniwala sa mga haka haka tungkol sa mga engkanto ano pa man ang mayroon sa lugar na ito, ngunit nakita mismo ito ng dalawang mata ko ang mga nilalang na iyon, mabangis, makapangyarihan at nagagawa nila ang mga imposible. Tandang tanda ko ang mga eksena kung paano nila ako pinag laruan at gamitan ng mga ilusyon at mahika. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin panginginig ng aking kalamnan. Hindi ako papayag na mangyari iyon sa aking anak!! Hinde! Arrghh," ang wika ko at habang nasa ganoong pag sasalita ako ay ibayong p*******t ng ulo ang aking naramdaman. "Leo, ang mabuti pa ay mag pahinga kana. Hindi ma bubuti sa iyo ang labis na pag iisip. Ako na ang bahala dito ay Tob," ang wika ni mama at inalalayan ako nito patungo sa aking silid. Noong gabing iyon ay halos hindi mapanatag ang aking isipan. Napaka tapang kong tao ngunit may kung anong takot ang aking nararamdaman sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang pang yayari sa loob ng bundok na iyon. At ang nakapag tataka ay dalawang taon akong nawala sa piling ng mga taong mahal ko. Kung tutuusin ay nag iba nga ang anyo ng aming tirahan, ang mga matingkad na pintura sa dingding ay kumupas na, ang mga kwadro at estatwa ay hindi na nalilinisan. Walang tubig sa fountain area, sira na rin ang anghel na estatwang may hawak na banga na siyang dinadaluyan ng tubig. Ang gusali na nag lalaman ng mga produkto at kagamitan ay nabubulok na rin at kinakalawang. Kanina lamang noong umalis ako ay bago at maayos pa ang mga bagay dito sa paligid, masaya at perpekto ang natawin. Ngunit sa isang iglap ay nawala ang lahat. At ang masakit ay sandali lamang akong nawala. Ilang oras lamang ay ninakawan na ako ng mahalagang sandali para sa aking pamilya at para sa aking tungkulin. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot habang iniikot ko ang aking paningin sa buong kabahayan. Matapos kong linisin ang aking katawan, agad akong nag tungo sa aking dating opisina upang bisitahin ito. Parang kanina lamang ay maayos ang lahat dito kaibahan ngayon na maalikabok at puro sapot na ang gagamba ang bawat sulok. Ang aking mga papeles ay nandito pa rin at hindi ginagalaw. Kay hirap pa rin paniwalaan na dalawang taon nga akong nawala bagamat sa aking sarili ay isang buong mag hapon lamang. Tahimik.. Habang nasa ganoong pag iisip ako ay napansin ko ang mga lumang bondpaper sa aking drawer na nag lalaman ng larawang iginuhit ni Tob. Muli kong pinag masdan ang mga ito bagamat may kaitiman na ang mga papel ay malinaw pa rin ang mga karakter dito. Naka guhit ang imahe ng isang batang natutulog at gilid ng kama ay nakatayo ang isang lalaking matangkad. Sa ikalawang larawan ay lumakad naman ang lalaki akay akay ang bata papuntang bundok. Sa ikatlong larawan ay naka upo ang lalaki sa isang puno habang ang batang lalaki naman ay abala sa pag lalaro. Sa ika apat na larawan ang dalawang karakter ay naka tayo sa ilalim ng isang malaking puno ng akasya sa tabi ng patubig na papaligiran ng luntiang d**o. Halos ilang minuto ko rin tinititigan ang ika-apat na larawan hanggang sa tila may nag bubulong sa aking isipan na pamilyar ito sa akin at napunta na ako rito. "Tama! Alam ko ang lugar na ito. Ang puno ng akasya na malapit sa patubig ay matatagpuan sa likod ng aming hacienda. Sandaling lakaran lamang ang layo mula dito!" ang sigaw ko sa aking isipan at habang nasa ganoong posisyon ako ay bumukas naman ang pinto ng aking opisina at dito ay pumasok si Tob yakap ang kanyang unan. "Tatabi raw siya sa iyo kaya nag pahatid siya rito. Mukhang namiss ka ng iyong anak." naka ngiting wika ni mama. "Syempre naman, hindi naman ako papayag na hindi makatabi ang baby boy ko. Lika nga dito kay papa," tugon ko naman sabay buhat dito. "Leo, alam kong hindi naging maganda ang karanasan mo nitong mga nakalipas na araw ngunit sana ay matuto kang kalimutan na lamang ang mga ito. Ang mahalaga ay naka uwi kana muli at kapiling kana namin. Masaya ako dahil buhay ka at masisilayan kita araw araw. Pasensya kana kung wala ang papa mo ngayon, alam mo naman ang taong iyon, mas mahalaga pa sa kanya ang negosyo. Mahal kita anak," wika ni Mama sabay halik sa aking pisngi. "I love you ma, huwag kang mag alala dahil hindi na ako aalis pa," tugon ko sabay bitiw din ng matamis na ngiti. Noong gabi ring iyon ay ramdam na ramdam ko ang tuwang bumabalot kay Tob, halos nag kakandabulol ito sa pag kkwento ng kung ano anong bagay tungkol sa nakalipas na dalawang taon. Miss na miss nya ako dahil matagal akong nawala sa kanyang tabi samantalang sa loob loob ko ay hinagkan ko lamang siya kaninang umaga bago ako mag tungo sa operasyon doon sa bundok ng Hiraya. "Tapos tinutukso po ako ng mga classmates ko ang sabi nila wala na daw akong papa. Napulot lang daw kasi ako sa tae ng kalabaw," pag susumbong nito. "Sorry anak, huwag kang mag alala dahil hinding hindi na aalis si papa." wika ko sabay yakap at halik sa noo nito. "Okay lang po yun papa, lagi naman akong pinag tatanggol ng kaibigan ko. Ayun nga po siya nakatayo sa labas ng bintana," ang wika ni Tobi sabay turo sa bintana. Lumakas ang t***k ng aking puso! "s**t! Tang ina!" ang sigaw ko sabay balikwas ng bangon noong makita ko ang isang lalaking nakatayo sa labas bintana. Matangkad ito, maitim, namumula ang mata at nakangisi na parang isang demonyo. Halos atakihin ako sa puso sa matinding pag kabigla. Mabilis kong niyakap ang aking anak at isinubsob ito sa aking dibdib upang hindi nya makita ang nakaka kilabot na nilalang na iyon dahilan para umiyak ito. "Sino ka ba?! Lubayan mo ang anak koo! Tigilan mo siya!" ang galit kong sigaw habang nakatingin sa bintana. "Hindi mo siya makukuha sakin!! Patayin mo muna ko! Gago kaa!" Pinag halong galit at takot ang lumukob sa aking buong pag katao noong mga sandaling iyon. Kung gaano ko kabilis nakita ang imahe sa bintana ay ganoon din ito kadaling nag laho. Wala akong nagawa kundi ang patahanin ang aking anak at yakapin ito ng mahigpit habang pilit na pinakakalma ang aking sarili. Noong gabi iyon ay hindi na ako nakatulog lalo't alam kong may nakamasid sa aming mag ama sa loob aking silid. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD