CHAPTER 01

1930 Words
Masyadong independent woman si Flora para manatili sa bahay nila kasama ang mga taong palagi siyang nilalait at sinisisi, tanging ang kakambal na lang niyang si Felicity ang nagpaparamdam sa kanya na may halaga sa pamilya nila. Simula kasi ng mamatay ang kanyang bunsong kapatid siya na ang sinisisi ng mga magulang niya dahil siya daw ang kasama nito noong araw na malaglag ito sa ilog at bawian ng buhay. Kahit pa nga mga bata pa sila noon hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga nangyari kung paano niya makitang malaglag ang kapatid sa ilog at kung paano lumayo ang mga magulang niya sa kanya. "Sis!" She heard a familiar voice. Sino pa nga ba syempre ang kakambal niya. Masaya niyang sinalubong nang mahigpit na yakap ang kakambal niya dahil sa pananabik. Tuwing free time kasi nilang dalawa sa kanya-kanyang ginagawa nag-uusap sila para magkita at mamasyal ganyan nila kamahal ang isa't isa. "How are you?" tanong niya agad dito. "I'm okay, how about you?" balik tanong nito habang hawak ang kamay niya at nakatingin sa mga mata niyang naghihintay ng kasagutan. Usually ang sinasagot niya ay maayos ang kalagayan niya kahit na ang totoo ay hindi, sapagkat mahirap mag isa. But she used to being alone na para bang sanay siyang walang magtatanong kung kumain na ba siya, kung anong oras ba siya uuwi at higit sa lahat walang magulang na nag aalala para sa kanya. "Okay lang ako dahil strong ata ang kakambal mo!" "Good! Anyways, may favor sana ako sa'yo. Kaya lang nahihiya ako." Kunot-noo niyang tinitigan ang kakambal. "What is it?" Hinila nito ang kamay niya at saka naupo silang dalawa sa mahabang mesa bago kumuha ng fruit cocktail at binigay sa kanya. Habang naghihintay sa sasabihin nito lumagok siya at saka humarap muli sa kakambal. Felicity breathe for a while, "Pwede mo bang pakasalan si Diego Hernandez for me?" she said straightly like, parang napakadali lang 'nung sinasabi nito. Gumuhit ang pekeng ngiti sa labi niya bago dahan-dahan binitawan ang hawak na baso para hawakan sa balikat ang kakambal at tumitig dito na akala mo'y nagbibiro lang, hinihintay niyang sabihin nito na It's a prank! "I'm serious, sis. Can you do that for me? I need your help, please mahal ko si Diego pero ayokong niloloko niya ako kaya nga hihingin ko ang tulong mo para malaman mo kung niloloko niya ba talaga ako habang wala pa ako," she added. Never and ever sa tanang buhay niya na makita ang nobyo ng kakambal dahil sa picture at f******k niya lamang nakikita ang lalaking iyon sapagkat ayaw daw ipaalam ng mga magulang niya na may kakambal si Felicity, ayun ang pinaka masakit na ginawa sa kanya na para bang ayaw na siyang maging parte ng pamilya. Buong buhay niya sinisisi niya ang kanyang sarili at gusto niyang mabaliw dahil sa mga negativity na pumapasok sa utak niya. Gusto niyang matawa sa hinihiling ng kakambal, "Bakit? Pwede naman ikaw ang gumawa nun?" Bigla itong natahimik dahilan kaya tumahimik din siya, bago may nilabas itong isang paper na mabilis din naman niyang kinuha mula sa kamay nito upang basahin iyon. "Ano naman gagawin mo sa france?" tanong niya dahil isang ticket at authority travel ang nakita niyang inabot nito sa kanya. "Business travel, Almost 1 month akong mawawala kaya nga bantayan mo siya para kahit wala ako alam kong nandiyan ka.” Wala siyang maisagot sa kakambal dahil ayaw niyang manloko ng tao lalo na kung magiging fiance pa ng kakambal niya paano kung malaman ng mga magulang nila siguradong madadagdagan ang kasalanan niya. "What if malaman ni mama at isa pa next week na ang kasal niyong dalawa bakit ngayon ka pa nagkaroon ng business trip dapat ipaalam mo sa-" "Sis, last na 'to dahil pag uwi ko babalik na sa normal ang lahat, please?" "How about the wedding?" tanong niya agad para mas malinaw ang lahat. "Ikaw, ikaw na muna ang bride dapat galingan mo ang pag-acting bilang ako para maniwala silang lahat at hindi isipin na ikaw," paliwanag nito na akala ay madali lamang ang lahat. “Teka nga lang, kung may business travel ka edi sana alam nila mama at papa kasi sa Company ka-” “Oo, alam nilang may business travel ako pero ang alam nila next month pa ‘yun and I told mom and dad that my travel business is only for one week kaya lang ang totoo niyan 1 month akong mawawala,” mahaba niyang pahayag. “E, bakit ka nga ba aalis? Bakit hindi ka muna magpakasal bago ka umalis tutal alam nilang may business travel ka sa France? Maintindihan nila kung-” “I-aadvance ko ang pagpunta ko sa France because we have an important client." "Mas importante pa sa fiance mo?" Kitang-kita niya ang paglunok ng kakama niya ano ba kasing nangyayari dito bakit atat na atat umalis at sa araw pa nang kasal, ah? Ayaw niya maging uto-uto pero may magagawa ba siya? "Para sa kumpanya ang ginagawa ko." "Masyado mo kasing inaalala ang kumpanya, malapit ka na matali sa fiance mo at any time pwede kayong magka-anak at bumuo ng isang pamilya dapat maghinay-hinay ka." Sabi ko na parang alam na alam ko ang tungkol sa pagbuo ng isang pamilya. "Ayaw mo ba akong tulungan? Sabihin mo lang sa akin, sis." Malungkot niyang tanong. Tinanggal niya ang kamay sa balikat nito sabay kuha ulit ng baso at nilagok ang cocktail habang sunod-sunod ang paghinga niya ng malalim. Hindi niya alam kung ano bang dapat na gawin o sabihin pero sa palagay niya wala siyang magagawa kundi tulungan ito. "Kailan ang alis mo?" "Tomorrow at 7:00 am. Dapat nasa village ka na para hindi mahalata." "WHAT?" halos malaglag ang panga niya as in, bukas ang event na kailangan siya bilang isang Manager nang hotel pero mapupurnada para lang sa plano ng kapatid. "Why? May pupuntahan ka ba?" nagtataka nitong tanong sa kanya. She laughs sarcastically, “Sa araw pa talaga ng grand event sa Hotel! Nakakainis ka naman, e, pwede bang next day na lang?" nagpupumilit niya sa kakambal. "But tomorrow at exactly 10:00 am ay magaganap ang event mismo sa Hotel kung saan ka nagtatrabaho, paano na 'yan?" "WHAT?" napasigaw na naman siya ibig sabihin pala ay kasama ang fiance nito sa event na matagal nilang pinaghahandaan. "Please, sis ngayon lang naman 'to pagbalik ko pwede ka na umalis," muling nagmakaawa ang kakambal kaya tanging buntong hininga lamang ang nagawa niya bago tumango na parang napipilitan. "Yehey! Thank you so much," masayang ngiti ang nakita niya sa kakambal kaya't imbis na sumimangot ngumiti na lang din siya bago nag paalam na dahil baka hinahanap na siya sa Hotel. HABANG nagmamaneho siya iniisip niya kung paano ang gagawin once na makaharap niya ang nobyo ni Felicity baka magkamali siya sa konting galaw lang. Gusto na lang niya matawa sa sarili dahil wala siyang magawa para tanggihan ang kakambal. Minutes later. Her phone rang and it was from Lorenz, her best friend o mas kilalang baklang kaibigan. "Hello my dear, where are you!? Gosh napaka bagal mo naman naturingan kang Manager ikaw pa itong late!" litanya ng nasa kabilang linya. Mabilis niyang inilayo ang phone sa tenga dahil baka masira ang kanyang eardrum sa tinis ng boses nitong baklang damuho. "On the way na bakla," sagot niya sabay call ended, dahil tatalakan siya nito na akala mo'y mas mataas ang posisyon kaysa sa kanya, tumaas lang ng konti ang ranggo bossy na sa kanya. Buwis buhay niyang pinaandar ang kotse makarating lang ng mas maaga sa Hotel. Wala pang ilang minuto nakarating siya at pumarada ngunit nagulihama ang daigdig niya nang makarinig nang isang malakas na busina mula sa likudan niya. Shet! Hindi ba makapaghintay 'yun. Muli niya sanang aapakan ang kambyo ng kotse nang makarinig muli ng busina at hindi lamang isa kundi maraming beses. Dahil sa inis lumabas siya ng kotse at mabilis na lumapit sa isa pang kotse na bumubusina, kinatok niya ng paulit-ulit ang salamin ng kotse nito. "Hoy! Lumabas ka diyan, masyado kang bossy!" Ilang minuto pa'y lumabas ang nasa loob at napaatras siya ng bumukas ang pinto ng kotse sa harapan niya bago magka harapan sila ng lalaking- perpekto? Ow gosh! Totoo ba 'tong nakikita niya parang anghel at sobrang gwapo nito na wala kang maikukumpara sa iba. He had high-bridged nose that was among his two eyes. His soft sharp lips were very attractive and captivating. Hugis bigas ang mukha nito at ang katawan ay katamtaman lamang na mapapatingin ka talaga sobrang perfect naman nito wala pa siyang nakikitang lalaki na level nito ang kagwapuhan. "Are you done checking my whole body?" napalunok siya nang magsalita ang lalaki dahil sa malalim nitong boses masyadong manly naman ang dating nito. Kahit sino yata ay maiintidimate sa binata hindi siya makapaniwalang may nag-eexist na kalahi ni Adan ngayon. "Y-you bakit kung makabusina ka parang pagmamay-ari mo itong parking lot!" The man stepped beside her, "Hey, hey, love bakit ang init ng ulo mo?" She laughed bitterly, "Baliw ka ba? Ako ang nauna, it means first come first serve hindi mo ba alam ang salitang 'yun kaya umalis ka na. At anong tawag mo sa akin, love?" natawa muna ulit siya bago sumiring sa hangin, "Jowa ba kita?" When she's about to walk away, her legs slipped and fell into the man's arms. "Your legs are shaking a bit out of nervousness, are you okay love?" tanong ng lalaki sa kanya. She feels awkward, Jusmiyo marimar bakit ngayon pa siya naging ganito at naiirita siya sa tawag nito sa kanya bakit ba napaka sweet nitong magsalita. "Hoy! Ano bang-" "Love, may amnesia ka ba? Siguro prank 'to?" napanganga siya ng tawagin muli siya nitong Love. Nang tumunog ang phone niya at makitang si Felicity iyon mabilis niyang binuksan ang message nito at bumungad ang picture ng lalaki na nobyo ng kakambal bago dahan-dahan siyang tumingin sa kaharap niyang lalaki ngayon. Omg! Kaharap niya na pala ang fiance ng kakambal bakit hindi niya nakilala ito samantalang nakikita naman niya ang mga picture nito siguro kasi mas gwapo ito sa personal. Tumingin siya sa lalaki na may nagtatanong na tingin rin naman sa kanya. "Love?" nag-aalangan niyang tawag dito kasabay 'nun ang mabilis na pagtibok ng kanyang munting puso. Hindi siya handa sa plano nila tapos biglaan naman atang sumusulpot ang lalaking 'to hindi man lang siya na-inform na darating ang fiance ni Felicity. Ano 'to surprise? Gumuhit na ang matamis na ngiti sa labi nito at saka siya inakbayan, "Ano bang pinaggagawa mo sa sarili mo, parang hindi mo ako kilala kanina tapos ang pananamit mo ay nag-iba na. Anong meron today, love?" mahabang saad nito na gustuhin man niyang sagutin ngunit tila ba may malaking tinik na nakabara sa lalamunan niya kaya hindi siya makapagsalita. "Ayos ka lang ba? Kanina lang ang tapang-tapang mo tapos ngayon hindi mo na ako kinakausap at ayaw muna magsalita? May problema ka ba?" "A-ah, I'm fine don't worry about me, love," sagot niya na pinanatili ang pagka kalmado kahit na naiilang siya sa binata. "That's good, anyway, what are you doing here?" tanong muli nito at hindi siya handa kung ano ba ang isasagot niya dahil hanggang ngayon kasi ay hindi siya maka-get over kay Diego. "Gusto kong asikasuhin ang magaganap na event at ikaw ang partner ko, di ba?" May pagtataka na tumigil ang lalaki bago hinawakan ang magkabilang kamay niya kaya naman magkaharap na silang dalawa, "Akala ko ba busy ka kaya ayaw mo sumama dito?" "What do you mean?" "It's just-"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD