CHAPTER 02

2000 Words
"Ayaw mo ba?" pa-sweet niyang sagot. Kilala niya ang kilos at pananalita ni Felicity kaya hindi siya mahihirapan gayahin ito. Pwera na lang kung bigla siyang ma-triggered at maging dragon na naman. "Hindi naman, medyo nanibago lang ako, don't mind me, love." She smiles sweetly, "Okay love, let's go inside. Pagkatapos nito saan ang next destination natin?" "Kahit saan basta kasama kita," anito na medyo kinilig siya, kinilig siya? Nag Fefeeling ang peg niya dapat nga mailang siya dahil ibang tao siya sa binata. Sabay silang naglakad dalawa habang magkahawak ang kanilang mga kamay na parang isang tunay na magkasintahan, never and ever niyang naimagine ang sarili na may kasintahan tapos ngayon may gana siyang kiligin? "Manager-" Panay ang senyas niya kay Levy kaya hindi natuloy ang pagtawag nito sa kanya, kahit pa nga may pagtataka ang mga staff na nakatingin sa kanila, sumusunod ang mga ito sa pagsenyas niya na 'wag bumati o 'wag siyang tawagin. "Hello-" kaagad niyang hinila si bakla ang kausap niya kanina lang, pagkatapos ay dinala sa isang gilid na ipinag taka naman ng binata kaya bago pa man ito magsalita pinangunahan na niya. "Love, kausapin ko lang siya magkakilala kasi kami, e," ngumiti siya ng peke at ayaw mag responds ni bakla kaya siniko niya ito bago pinanlakihan ng mga mata, "Di ba? Magkakilala tayo!" "O-oo, magkakilala po kami," simpleng sagot nito kaya naman mabilis silang lumayo sa binata upang makapag-usap. "Aray! Baklang 'to bakit ka ba nanghihila at saka sino ang poging 'yun? Mukhang yummy, e. Jowain ko kaya?" "Gaga! I need your cooperation, sabihin mo sa mga staff 'wag akong tatawagin na Manager pag kasama ko ang lalaking 'yun. Maliwanag ba? Kundi sasabihin ko kay Mr. Devegas hindi mo ako sinusunod bilang Manager." "Why? Jowa mo ba ang lalaking 'yan? Imposible! Alam kong maganda ka pero hindi ka marunong magmahal kaya bakit ka naman magkakajowa ngayon tapos ang cold mo-" Malakas na batok ang ginawa niya bago pa man magsalita ng masasakit ang baklang ito tungkol sa kanya, "Pwede ba sundin mo na lang ako baka ipatanggal kita! Gusto mo ba?" "Ay! grabe siya, oh. Paano kung si sir ang makakita sa'yo? Aber? Ano ang ipapaliwanag mo? Palibhasa kasi paborito ka niya hindi ko alam kung bakit mas maganda naman ako sa'yo!" "Alam na ni sir, una pa siya sa'yong makaalam kaya magtigil ka at saka wala akong pakialam kung sino ang maganda ang kailangan ko tulong mo kaya please at 'wag kang mag alala kasi alam na ni Mr. Devegas ang plano ko. Malakas kaya ako!" mayabang niyang wika bago pinandilatan ang kaibigang bakla sabay lakad palapit sa binata na mukhang naghihintay dahil panay ang tingin sa kanilang dalawa. Paglapit niya agad itong nagtanong, "What are you two talking about?" "Nothing, love. Namiss ko lang ang baklang 'yun kaya medyo hinarot ko lang para naman manahimik kasi ang ingay niyang bakla madaldal-" "What do you mean?" napatigil siya dahil ang klase ng kanyang pananalita ay hindi klase ng pananalita nang kanyang kakambal. Masyado kasing mahinhin at pa-sweet ang boses nun na opposite sa kanya na masyadong cold at matapang kung magsalita. "Wala, love. Let's go para matapos agad ang meeting," sabi na lang niya para maiba ang topic. Tuluyan na silang naglalakad patungo sa meeting room kung saan makakausap nila ang nagpapanggap na Manager na dapat ay siya talaga ang haharap dito. Mabuti na lang mabait ang kanyang Amo kaya naman hinayaan siya nitong gumawa ng kalokohan sa Hotel. "Good afternoon, Mr. Hernandez and Mrs. Dela Rosa, we already read your request at makakaasa po kayong ma- memeet namin ang inyong expectation, aalagaan namin ang inyong mga bisita at ang special request ninyo ay aming gagawin kaya walang magiging problema," halata ang kaba kay Levy ngunit nangibabaw naman ang confident nito kaya patago siyang nag thumbs-up dito. Marami pa silang pinag-usapan about event meeting planner, tinuruan niya talaga ang mga ito upang makapag-present kahit wala siya. Sana makatagal siya sa pagpapanggap niya dahil kundi baka bumigay siya at masira ang tiwala sa kanya ni Felicity. Baka matanggal pa siya sa trabaho dahil palaging napupurnada ang trabaho niya marami pa man rin ang galit sa kanya sa Hotel na ito kasi paborito daw siyang Manager, wala naman siyang masasabi sa mga naririnig niya kasi totoo ang mga iyon. Kahit absent siya pinagbibigay ni Luke Devegas ang kanyang matalik na kaibigan at iyon ang ikinaiinis ng mga staff sa kanya kasi may favoritism daw ito. "Next week from now, you will be mine, only mine. Magiging isa ka nang ganap na Hernandez," malambing na wika ng binata habang naglalakad sila sa park. Tinitigan niya lamang ito at pinagmasdan na para bang kinakabisado ang bawat sulok ng mukha nito. "Hey? Tulala ka na naman, may problema ba?" "Wa-wala naman, excited lang ako sa kasal natin." Sabi na lang niya bilang panangga. "Me too, love. I want to build a family with you," mabulaklak na saad nito. Kwento sa kanya ni Felicity manloloko daw ang lalaking ito, sagana lang daw sa salita ngunit hindi marunong magseryoso kaya nga siya ang nagbabantay dito hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi ng kakambal o gawa- gawa lang pero kasi masyadong spoiled ito sa kanya at lubos niyang pinagkakatiwalaan ang kakambal. Naging baby sitter pa ata siya. Ano bang pinasok ko sa buhay kong 'to kung hindi ko lang talaga kakambal si Felicity baka hindi ko siya sinunod sa gusto niyang mangyari. "Hmm. Love, sa palagay mo ba magiging masaya tayo?" she asked without hesitation. Kunoot-noo siyang tinitigan nang binata at napatigil sa paglalakad kaya pati siya ay napatigil dahil nga magkahawak sila ng kamay, "Why are you asking me this question? Alam kong hindi ka magiging masaya kasi-" "Kasi?" Hindi nito matuloy ang sasabihin nito kaya ipinagsawalang bahala na lang niya at saka itinuloy ang gusto niyang sabihin para naman mapabilis ang misyon niya dito sa gwapong lalaking kasama niya. "Gusto ko lang marinig mula sa'yo para kung matuloy ang kasal natin hindi ako magsisisi at hindi ka rin magsisisi, di ba? I'm afraid to get hurt again. Dahil mas pinili kong maging manhid kaysa magkaroon ng pakiramdam," aniya na hindi mapigilan ilabas kung ano ang nasa loob niya. "I don't understand you, love." "Dahil hindi ikaw ang nasa posisyon ko." "What are you trying to say?" Malakas siyang tumawa upang maiba ang topic baka iba ang isipin nito, "Just kidding, love." AT THE WEDDING... SHE looked at her reflection in the mirror, gusto niyang matawa sa sarili dahil ginigisa siya ng kakambal sa sarili niyang mantika siguro kasi alam nitong hindi niya kayang tanggihan ang mga request nito at maging sa sarili niya ay alam niyang Wala siyang magagawa kundi ang tulungan ito. "Ma'am, you look so beautiful and perfect bride for Mr. Diego Hernandez, for sure magiging masaya kayo at maganda o gwapo ang magiging anak ninyo! Bagay po kayong dalawa!” komento ng taga ayos niya nang makeup look para sa nagaganap ngayon na bonggang kasal. Minsan na niyang pinangarap ikasal sa taong mahal niya pero nasira ang pangarap na iyon, at ngayon 'yung pangarap na ikasal ay matutupad hindi nga lang sa lalaking mamahalin niya kundi sa fiance ng kakambal niya, aminin niya man o hindi ubod naman talaga ng gwapo si Diego Hernandez kaya lang bawal pumatos kasi hindi niya pagmamay-ari. At iba na ang pananaw niya dahil ngayon mas pipiliin niyang mamuhay mag isa katulad ng sinabi niya kanina hindi na niya pinangarap mag karoon pa nang kasintahan. "Ella, pwede bang iwan mo muna kami ni Felicity?" napalingon siya sa babaeng nagsalita at nagulat siya nang makita ang reflection nito sa malaking salamin na nakaharap mismo sa kanya. "Okay, ma'am," sagot nang makeup artist. Parang lumamig ang buong katawan niya paakyat sa ulo at halos gusto niyang yakapin ang kaharap ngunit bawal at pinipigilan niya ang sariling magalit at maging emotional dahil baka makilala siya nito. "Anak, di ba nag usap na tayo tungkol sa kapatid mo? I told you na 'wag mo siyang imbitahan dahil baka masira lang ang kasal mo pag dumating siya at ayokong mangyari 'yon alam mo naman maraming matang mapang husga dito." Gusto niyang ibuka ang bibig para sabihin na hindi siya si Felicity kundi siya si Flora na matagal ng nangungulila sa pamilya. Nasasaktan siyang marinig mula dito ang salitang masira, dahil ba palagi siyang nakakasira sa mga event? Dahil ba noong araw ng wedding anniversary ng daddy at mommy niya ay doon nangyari ang hindi inaasahan na pangyayari sa kapatid niyang lalaki. At siya ang nakasaksi ng lahat at siya rin ang naging suspek o salarin sa mga mata ng magulang at buong pamilya niya pero si Felicity ang kakambal niya never siyang sinisisi nito sa pangyayari kaya nga hindi niya matanggihan ang gusto nito. "Hey, are you still listening, Felicity?" pinag-kadiinan pa nito ang bawat salitang binibigkas. "Y-yup. Don't worry mom," pinilit niyang gayahin ang pananalita at kilos ng kakambal para lang hindi sila maghinala sa kanya. "Good, have a good relationship with your future husband and be happy," bilin nito para sa kakambal niya. Ikinatuwa niya ang sinabi nito dahil kahit papaano ay nararamdaman niya ang mga sinasabi ng kanyang Ina kahit na nga ba hindi para sa kanya iyon. Tumango siya sabay alis ng mommy niya sa dressing room at kasabay nito ay ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa magkabilang pisngi niya. Sobrang saya niya dahil makita lang ang kanyang Ina na masaya okay na siya at kuntento kahit pa nga hindi siya tanggap ng mga ito. Nakatayo siya ng diretso habang ang mga balahibo niya sa katawan ay naninindig, she is so excited kahit na hindi siya ang dapat na nasa pwesto ni Felicity ang kanyang kakambal. Bakas ang kaba sa buong mukha niya habang nakatayo at naghihintay sa pagbubukas ng pinto para mag martsa patungo sa altar kung saan nandoon ang fiance ng kanyang kakambal. "Are you ready my dear?" tanong ng kanyang Ina at Ama na nasa magkabilang side niya na kasabay mag mamartsa pahatid sa lalaking nasa altar. Gusto niyang manumbat sa mga ito pero mas nanatili ang kalmado niyang aura. "I'm ready," matapang niyang sagot. Bumukas ang malaking pinto nang simbahan at naka-angkla ang dalawa niyang braso sa magkabilang braso ng kanyang Ina at Ama, wala siyang maramdaman kundi sakit, sakit na inipon niya noong panahon na itakwil siya ng mga ito dahil sa pangyayaring hindi naman niyang ginawa. She wants to cry loudly, she wants to say how much pain she experienced. Ilang hakbang na lamang ay nasa altar na siya at hindi niya alam kung ano ba ang ginawa niyang kalokohan, itutuloy niya ba ito? Paano kung mabuking sila edi kargo niya pa ang lahat tapos magagalit lalo sa kanya ang mommy at daddy niya. Ngunit huli na ang lahat dahil hawak na nito ang kamay niya habang naghihintay ng responds mula sa kanya, "Are you okay?" bulong ng binata sa kanya dahil nanlalamig ang mga kamay niya. Tumango-tango na lang siya at ilang segundo lamang ay nag umpisa na ang misa at vow nila sa isa't isa. "I promise to always put God first in our marriage, I promise to be honest and faithful, I promise to always put our love first. I promise to walk with you instead of alone," she said, memorized niya ang vow na pinag-aralan niya talaga dahil kung on the spot baka wala siyang masabi kasi hindi naman siya si Felicity. Sunod na mag vo-vow ay si Diego, hinawakan pa muna nito ang kamay niya at saka pinitik ang ilong niya na ikinagulat niya kaya napaigtad siya pero agad niyang ikinalma ang sarili bago ngumiti, ngumiti ng peke na walang ibang makakaalam, "I promise to always put God first in our marriage, I promise to not just say ‘I love you but to show you every day, I promise to forgive quickly and to love you easily. I promise to never forget how we began and last I promise you all of me, forever.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD