bc

Married to a Cold Billionaire

book_age18+
18.8K
FOLLOW
129.7K
READ
billionaire
sex
contract marriage
love after marriage
arranged marriage
dare to love and hate
CEO
billionairess
heir/heiress
icy
like
intro-logo
Blurb

[R-18]WARNING! MATURED CONTENTS.

Isang araw, nagising ka na lamang na kasal ka na pala sa lalaking hindi mo kilala. Hindi ninyo mahal ang isa't-isa, pero papaano nga ba iyon nangyari? Kaya mo bang tumira sa isang Mansion kasama ang isang "Cold-hearted" na lalaking walang pagmamahal sa iyo? Paano mo matatakasan ang lugar at mga pangyayaring hindi mo maintindihan?

chap-preview
Free preview
Prologue and Chapter 1
Kinusot ko ang aking mga mata. Puting kisame ang una kong nakita. Nasaan ako? May mga taong lumapit sa akin. Sumisigaw sila para tawagin ang isang pangalang hindi ko kilala. Naririnig ko sila, ngunit hindi ko magawang lumingon sa kinaroroonan nila. May lumapit na lalaking nakaputi. Panay ang tanong niya, pero bakit wala akong maintindihan? Bakit parang hindi ko na alam ang nangyayari? Kinaway niya ang kaniyang kamay sa aking harapan. Nakatulala lang ako sa lalaking sinubukan akong kausapin. Napagtanto ko na nasa isang hospital ako. Hindi ko magawang magsalita. May kung ano sa akin na hindi ko maintindihan. Nakaramdam ako ng kaba. Parang mayroong nangyayari na hindi maganda. Tulala lang ako. Direkta sa kisame ang aking mga titig. May isang lalaking lumapit. Kasing halintulad siya ng yelo, malamig at parang walang ganang nakatingin sa akin. Bakit parang dismayado siya sa akin? Naibalin ko na lamang ulit ang atensyon ko sa kisame. Kahit naman magsalita sila nang magsalita ay hindi ko pa rin naman sila maiintindihan. Bakit ba ako nasa ganitong lugar? May nangyari bang masama sa akin? Napapikit ako nang makaramdam ng ibang klase ng kirot. Napahawak ako sa may bandang. Napansin ko na parang may benda sa aking ulo. Sa wakas ay naiintindihan ko na ang pinag-uusapan nila. "Maaari niyo na po siyang mailabas ngayon," ika ng isang lalaking nakakulay puti ng lab gown. Hula ko ay isa itong Doctor. "Don't tell anyone that she is alive. You already know what will happen to you if you will break my rule," walang pusong sabi ng lalaking hindi nawawala ang tingin sa akin. Sino siya? Bakit siya ang kinakausap ng Doctor? Sino ako? Chapter 1 Hindi ko inaasahan na Mansion pala ang pupuntahan namin. Namangha ako sa kabuuan nito, pero hindi ko lang pinahalata. Marami ang nakabantay sa amin. Marami ang mga lalaking nakapalibot sa hindi ko malamang dahilan. Sinusundan ko lang ang lalaking parang yelo. Hindi niya ako pinapansin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang makapagsalita. Napipi na ata ako. Nawala na sa paningin ko ang lalaki. Iginaya naman ako ng isang matandang babae sa isang kwarto. Sumunod na lamang ako sa kaniya. Nilingon ko ang paligid at napagtantong wala man lang bintana rito. Halatang sinisigurado nila ang sekuridad ng kwarto na ito. "Iha, magpahinga ka na muna. Kung may kailangan ka ay huwag kang mahihiyang magsabi sa akin. Ako ang magsisilbi sa iyo," maluha-luha niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kaniya. Bakit parang tutulo na ang luha niya, pero nakangiti pa rin sa akin? Matagal na ba niya akong kilala? Naguguluhan na naman ako. "Mauuna na ako. Tatawagin na lang kita kapag kakain na kayo. Magpahinga ka na muna. Mahabang biyahe ang naranasan mo kanina," dagdag niya pa. Hindi ako sumagot o nagbigay reaksyon. Nakatitig lang ako sa pintuan kung saan siya lumabas. Nilibot ko muna ang paligid. Sobrang laki ng kwarto na ito. Pumasok ako sa comfort room. Napansin ko na sobrang ganda rin nito. Ang mga muwebles ay halatang  mamahalin. Ang laki naman nito ay halos pwede na para sa isang kwarto. Ang bathtub ay puno ng mga magagandang bulaklak. May isa pa akong pintong nakita mula sa loob ng CR. Nang dahil sa kuryosidad, binuksan ko ito. Namangha lalo ako sa nasaksihan ko. Ito pala ay kwarto kung saan nakalagay ang mga damit, sapatos, alahas, at kung ano pa. Kumuha ako ng tuwalya, isang dress at panloob. Naisipan ko munang maligo. Kailan ba ako huling naligo? Wala akong maalala. Ngayon, malinaw na sa akin na may nangyari sa aking masama kaya wala akong maalala. Bakit nga ba ako nasa malaking Mansion? Ano ba ang ganap ko rito? Sino ba ang lalaking iyon? Bakit ganoon na lamang ang trato niya sa akin at sa ibang mga tao? Sumakit ang ulo ko sa pag-iisp na iyon. Lumublob ako sa malaking bathtub, na akala mo ay swimming pool na sa laki. Huminga ako nang malalim. Ano na ang gagawin ko? Hindi ko na alam kung anong silbi ng buhay ko ngayon. Ano ba ang mga iniwan kong gawain? Sarili ko nga, hindi ko makilala. Pangalan ko, ni hindi ko matandaan. Gulong-gulo na ako. Napaluha ako dahil sa inis at stress. Gusto kong magtanong sa kanila kung sino ako at anong ginagawa ko rito, pero pinapangunahan ako ng takot. May parang tunog akong narinig. Marahil siguro ay doorbell. Agad kong tinapos ang paliligo. Isang simpleng puting dress ang pinili ko. Kumuha ako ng itim na sandals. Sinuklay ko ang buhok kong halos umabot na sa baywang ko. Ang payat ko pala. Nakakakain ba ako sa tamang oras noon? Tumunog ulit ang doorbell kaya dali-dali kong binuksan iyon. "Iha, pinapatawag ka na ni Madam. Kailangan mo na ring kumain para madagdagan pa ang lakas mo," mahinhin na ulat niya. Lumabas ako ng kwarto. Sumunod ako sa kaniya. Hindi ko rin kasi kabisado ang lugar na ito. Kinabahan ako nang makita ko na ako na lang pala ang hinihintay nila bago magsimulang kumain. Isang ma-edad na lalaki at babae ang naka-upo sa mahabang lamesa. Katapat nila ay ang lalaki kanina sa hospital. Hindi ko alam kung saan ako  pupwesto. Inalalayan nila ako papunta sa tabi ng lalaki. Wala itong pake sa presensya ko. Hilaw na ngumiti sa akin ang sa tingin ko ay ang Madam na tinatawag nila. Nagsimula muna silang manalangin bago kumain. Nang hawakan ko ang bread knife ay biglang nanginig ang aking kamay. Hindi ko alam kung bakit. Nabagsak ko ito sa aking plato kaya nakuha ko ang atensyon nila. "Sir, nanginginig si Ma'am," kabadong sabi ng isang katulong. Halos naka-alalay na siya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit akk nanginginig. Inilayo nila ang bread knife sa aking harapan. Ang katabi ko ay wala pa ring kibo. Kumakain lang siya. "Baka may trauma sa kutsilyo?" dagdag pa ng isang matanda. Itinaas ng lalaki ang bread knife niya. Siguro ay ang asawa ng Madam ang lalaki. Sinundan ko ang bawat galaw niya. Napanganga ako dahil nakaramdam na naman ako ng takot. "I see," ika ng may edad na lalaki. Inutusan nila ang mga kasambahay na mabilis na tanggalin ang mga ito. Ang lalaking katabi ko ay siya na mismo nag-abot ng kaniyang bread knife. Pinagpatuloy niya lang ang pagkain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.3K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.2K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.8K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook